engroselle, buti ka parang kahit papaano medyo naka-move on ka na. ive been strong for my kids lang talaga. pero talagang lagi pa din ako nagiisip. siguro parang kulang pa din yung kwento nya sa akin, gusto ko talaga malaman lahat lahat para isang sakit na lang. kasi minsan kapag inoopen ko at tinatanong ko about sa girl, tinatakpan nya na lang bibig ko, wag ko na daw banggitin o simulan kasi paano daw ako makakalimot, e di naman daw sya ang masasaktan kundi ako lang din.
hindipa rin ako nakakamove on. pinipilit ko lang para sa mga anak ko. kailangan,e. pero pag ako na lang mag-isa, umiiyak ako. ayaw nya pagusapan yung nakaraan. kasi masasaktan lang daw ako lalo. pero it's part of my healing process. dapat malaman ko yung extent ng pinatatawad ko. right ko yun. ano yun, basta pinatawad kita, ok na lahat???
i can see the remorse in my hubby. he's sorry for everything. mahal nya kami. nagkamali lang talaga sya. hindi nya alam what came over him. nasa oras ang uwi nya ngayon, we take time to go out. we try to do things together. this coming sch year, lilipat na kami sa sarili naming bahay. eversince kasi, we've been living sa house ng parents nya, although di naman kami nagkikita ng inlaws ko kasi nagwowork din. malayo sa bahay, so nagrerent. sat and sun lang andun. so parang solo din namin yung house. pero syempre iba when it's your own house...
kaya gusto ko sana, clean slate kami. start over talaga. last night kasi nalaman ko na pumunta pala sya sa 1st bday. it was 2 weeks after i gave birth sa 3rd namin. i was in the province then. he didn't tell me kasi hindi healthy for me. mastress lang ako. at kung magpaalam man sya, baka hindi ko rin daw payagan. pero kahit daw ganun, pipilitin pa rin nyang pumunta. he wanted to say sorry dun sa girl. i told him na papayagan ko naman sya, kasi wala naman kasalanan yung bata. sana lang sinabi nya nun pa or kaya nung malaman ko na nung 2nd bday e pumunta sya. sana umamin na sya nun....
he's insisting kasi na prob nya yun (sila). na i dont need to be involved, buhay nila yun. basta ang family namin, ok. wag ko na daw isipin yung kabila...pero hindi kako. buhay ko rin yun. i have a right to know. dahil sya ang pinaghahatian namin. at sya ang buhay ko. right ko na malaman if he's with them dahil every minute na andun sya, oras yun na supposedly spent sa amin. at nagsisinungaling sya every time na pupunta sya dun. e di lalo lang nadadagdagan kasalanan nya. pwede naman syang magsabi sa akin,e. hindi pa nya sinubukang magpaalam sa akin.
when i decided na tanggapin sya uli, i knew then kung ano magiging situation ko. na magkikita at magkikita silang mag ama. pero i feel alienated pagdating sa kabila. dahil hindi ako kino-consult ni hubby re them. or nagpapaalam man lang... i told him na i was a friend first before i became his wife, pero bakit ngayon hindi ko maramdaman na friend nya ako kasi hindi sya nagsasabi ng problema sa akin. ayaw nya na daw dagdagan kasi yung hurt ko. pero mas dinadagdagan naman nya kasalanan nya pag pumupunta sya sya dun kasi he's lying to me re his whereabouts...
every occasion na nalaman kong nagpunta sya sa kanila, like 1st and 2nd bday, i found out about it by myself lang. walang self confession from him...
tinatakpan nya mata ko sa totoong nangyayari. he wants na palagi lang akong masaya. which is true. masaya kami pag magkakasama kami. para syang MMDA na maglalagay ng malaking billboard para takpan yung squatter sa gilid ng tulay...
should i just be contented with his reasons or should i insist na iinvolve nya ako sa kabila?
