Eto pa, before ako mag washroom, palingon-lingon ako coz I had this feeling that someone was looking at me pero wala naman. Eh sabi one time nung trainer namin na once you have this feeling na may nakatingin sayo kahit wala naman ibang tao sa paligid, meron daw yun! Kundi tao other entities. Nyay!
naku sis, may naexperience din akong ganito! back in HS nung nagretreat kami sa Baguio, ang creepy talaga ng retreat house na yun. May sink and may mirror (yung parang medicine cabinet, tipong yung door ng cabinet eh salamin) sa loob ng room so andun yung toiletries namin and dun na rin kami hilamos and toothbrush. everytime na gagamit ako ng sink na yun, hindi ako tumitingin sa salamin, inoopen ko yung cabinet kasi sa reflection, kita mo yung sarili mo - and yung labas ng room kasi ang katabi mo eh bintana. bale likod na yun ng retreat house, vacant lot na mapuno and mahalaman. super sheer pa naman yung curtain na nakalagay dun. that night, halos wala akong tulog. parang every 15 minutes eh nagigising ako tapos lagi akong napapatingin sa window.

2 beds per room yun pero sumiksik talaga ako sa bestfriend ko. nakatulog ako ulet, pero mas natakot ako nung nagising ako ulet, pagcheck ko sa watch ko saktong 3am, at dun naman ako tingin ng tingin sa iniwan kong bed!

wala akong nakita, pero others say nga na pag tingin ka ng tingin sa same spot, at feeling mo meron, meron talaga.
nung college naman ako, nagstay ako sa dorm. kagagawa lang nun so kami talaga yung first occupants. so sabi namin wala naman sigurong mumu dun unlike other dorms around na may kwento ng nagsuicide or may mga white ladies na nagpaparamdam. pero after a year, dun na nagparamdam yung mga ibang entities dun. nagkagulo dun sa room na katabi namin kasi may doppelganger daw. dumating yung isang tenant sa room na yun, naiihi na sya pero may naliligo daw sa CR nila. so nanood muna sya ng TV. after a few minutes, dumating yung roommate nya who happens to be her cousin din. so kwentuhan muna sila. tapos sabi ni cousin, babalik muna sya ng library kasi may naiwan sya. paglabas ni cousin ng room, saktong lumabas naman yung naligo sa CR. and si cousin din yun! grabe halos himatayin yung tenant na yun, tili ng tili sa sobrang takot. kala pa nya yung lumabas sa CR yung hindi totoo. yung nakinood ng TV at nakipagkwentuhan sa kanya yung doppelganger.
that same month, umalis yung isa kong roommate, sabi nya lipat sya ng room, sa ibang floor, kasi may classmate sya dun. so kami naman okay lang kasi 2nd floor lang naman yun tapos 4th flr kami, magkikita pa rin kami madalas. nung minsang nagkasabay kami paakyat sabi nya wala daw ba akong nararamdamang kakaiba sa room, sabi ko wala naman. kasi hindi talaga ako mabilis makaramdam ng ganyan. sabi nya lipat na lang daw ako ng dorm or ng room, kasi twice na raw syang may nakitang black lady sa CR namin! tinapos ko lang yung sem tapos umalis na rin ako dun.

sa office naman namin sa technohub, kakalipat lang namin ng building. daming horror stories dun, lalo na sa elevator. daming nakaexperience na malayo pa lang, nakita na nilang may pumasok sa elevator. lalaki na naka-cap. paglapit nila sa elev nagtaka sila kasi hindi naman umaakyat. pagpindot nila ng up button at pag-open ng elevator, wala namang tao.
and sa mismong production floor, meron dun na parang hihipan or kakalabitin ka sa tenga, or may maririnig kang nag uusap. as in bulungan pero wala naman. naexperience ko dun one time, kausap ko yung mga friends ko, tapos kala ko may pumitik sa tenga ko kasi lagi akong kinukulit nung isa kong teammate. nagmukha akong baliw kasi bigla akong sumigaw ng "ui, ano ba?!" sabay hawak sa tenga ko. yun pala walang tao! natakot tuloy yung mga kaharap ko.

eh ang pinagkkwentuhan pa naman namin that time eh earlier that day, natakot yung isa kong friend kasi may parang naririnig syang bulong, parang nagcchant, tapos palapit ng palapit, kaya takbo sya sa pantry kasi mas madaming tao dun.