3 and a half years na kaming umuupa sa house na ito. the whole day ako lang at yung dalawang aso ko ang nandito sa bahay kaya tahimik. may mga naranasan na rin akong mga kakatwa dito sa bahay na ito.
yung youngest sis ko nakapagbakasyon na dito. katulad ko, open rin ang third eye nya pero kami yung tipong dinededma lang namin. one time, nasa dining area ako nag-iinternet, nasa sala naman sya. that was around 4pm. napatakbo sya sa akin. gumalaw raw yung mata nung stuffed toy ko na frog. eh hindi naman pwede mangyari yun kasi fixed yung mata nun. since then, itinago ko na yung frog stuffed toy na yun.
yung sis ko naman na sumunod sa akin (na may asawa na), which is open din ang third eye, nakapagbakasyon na rin dun. iniwan ko sya sa bahay kasi magbabayad ako ng Meralco bill. magtatanghali na yun. ang kasama lang nya yung mga dogs ko. nagpunta sya sa dining area para magprepare ng lunch namin. pupunta na sana sya sa kusina nang meron sya makita na babaeng nakatayo sa may harapan ng lababo. tapos bigla na lang nawala. naku, lumabas na lang sya ng bahay at hinintay na lang nya akong bumalik. di raw sya makabalik sa loob dahil baka andun na naman yung babae.
isa pa, yung ex-husband naman ng sis ko, nakituloy sa amin nung nag-aaply sya ng trabaho. dahil isa lang ang kwarto dito, dun sya natutulog sa sofa. one day, bigla na lang sya nagpaalam sa amin. dun na lang daw sya makikituloy sa sis nya kahit mas malayo yung lugar na yun sa pinag-aaplayan nya ng work. nung umuwi kami sa house ng parents ko nung weekend na, kinuwento ko nga na bigla na lang lumipat yung ex-BIL ko dun sa sis nya. eh anglayo nga nung lugar. sabi ni mommy, nagtext daw sa sis ko si ex-BIL na ayaw na raw nya bumalik sa house namin. di raw sya nakatulog nung last night nya dun. kasi nung matutulog na sya, ini-off nya yung tv. paghiga nya, it turned on! nagulat sya. pinatay nya ulit. nag-on ulit. natatakot na raw sya pero bumangon pa rin sya. ini-unplug nya yung tv. sabi nya "pag ito bumukas pa ulit, ewan ko na lang." pagkasabi raw nya nun, biglang bumukas ulit ang tv!!! to think na unplugged na sya. naku, nanginginig na raw sya sa takot. ang siste, di naman nya kami tinawag ni hubby para sabihin yung nangyari. nung humiga naman sya sa sofa para pilitin makatulog, naramdaman daw nya na nagtataas-baba yung kutson ng sofa. alam nyo yung parang may umuupo tapos tatayo, may uupo tapos tatayo. parang may naglalaro. ganun daw yung sofa, parang niyuyugyog sya. kaya pala nung umaga, anglaki ng eyebags nya.
actually, natatawa lang ako dun sa mga experiences nila. sabi ko sa kanila, wine-welcome lang kayo ng espirito ng bahay namin. naniniwala kasi ang family namin sa ganung bagay...na lahat ng bahay o kahit opisina pa yan, hotel, meron yang espirito na nagpo-protect dun sa lugar. actually, i feel secured and happy in this house kahit na ba ako mismo may mga naexperience na.
my first creepy experience in this house happened about 3 years ago. nasa palawan si hubby noon. mag-isa lang ako at wala pa akong mga aso. i turned off the lights and went to bed. and then, mga 2 or 3 am nagising na lang ako. ang gulat ko ng may makita akong shadow na nakatayo sa may pinto ng kwarto. i cant figure out kung lalaki ba sya or babae. nagdasal na lang ako at nagtalukbong ng kumot. tapos na-feel ko na nasa kalapit ko na sya. pero wala namang nangyaring masama sa akin. since then, palagi ng bukas ang ilaw kapag matutulog ako.
these past few months naman, i really felt weird. kasi may nararamdaman ako at di ko sya nakikita. kung may makita ako, shadow lang at mabilis na nawawala. palagi nya akong pinapanood kapag naghuhugas ako ng pinggan, o kaya naman kapag nasa kwarto ako. kahit tanghali nandyan sya. sabi ni mom, malamang yun yung spirit ng bahay. binabantayan lang ako. well, di naman sya masyadong nakakatakot. actually, im getting irritated lang kasi may nakamatyag sa akin parati.
yesterday naman, napaidlip ako after makaalis ni hubby papunta sa work. mga 9am yun at nagising ako ng 11am. i had a creEpy dream. ang scene ay itong house namin pero yung itsura nya nung kalilipat pa lang namin, light blue pa ang walls. gabi raw at locked na yung gate at pinto namin. mag-isa lang ako sa bahay. sumilip ako sa terrace. may nakita akong batang babae, about 7 years old. nagtaka ako kung paano sya nakapasok kasi locked na nga yung gate. nung pupuntahan ko, bigla syang nawala. so pumasok na lang ulit ako sa bahay. tapos nung tumingin ako sa sofa namin (kamukha rin ng sofa na hinigaan ni ex-BIL), yung mga malilit na gamit na nakapatong sa sofa parang hinihigop papunta sa sulok. tapos kinapa ko yung sulok ng sofa, andun lahat ng mga nawawala kong gamit. ipinatong ko ulit yung mga gamit na yun sa sofa, tapos parang vina-vaccuum na naman yung mga gamit pabalik sa sulok. kinapa ko ulit yung sulok. this time, may lumabas na maliit na kamay mula sa sulok ng sofa at hinigit yung kamay ko. dun na ako nagising. di na tuloy ako makaupo basta-basta sa sofa na yun.
SIR CITYHUNTER, may question lang po ako. this may sound funny, pero pwede po bang lumipat ng location o mangapit-bahay ang isang multo? kasi nakatira kami sa row house. the unit on our left side eh dating may minassacre about 5 years ago. pinatay nung lalaki yung wife nya. for some reasons, walang nakakatagal sa house na yun. kahit nung di ko pa alam ang history ng unit na yun, bad vibes talaga sya for me. turns out na may pinatay pala dun. kung nandun pa ang multo nung babae, makakalipat ba sya dito sa amin or is she bound to be there forever?
pasensya na po sa haba ng post ko.