watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)  (Read 180136 times)

empress

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #480 on: June 16, 2011, 09:21:20 am »
i was still working at Yellow Cab Pizza's call center, i had to call their other line for a follow up call. it just kept on ringing then finally, may sumagot na lalake at nag-hello tapos binaba na. syempre nainis ako coz it was an order i had to follow up. yung phone na tinawagan ko is located at their office, sa may dulo. yung usual number na dapat tawagan kasi was busy. i called again para alamin kung sinong nakasagot at papagilitan ko! finally, nung may sumagot na, tinanong ko kung sinong naka-sagot ng call ko kanina. sabi nila walang sumasagot ng phone dahil lahat busy sa kitchen at counter.

ask ko sila baka naman yung kitchen crew na lalake ang nakasagot, sabi nila, walang pumapasok sa office dahil bawal silang pumasok dun. creepy! then i found out, it was the "multo" who answered the phone. alam ko naman na may multo talaga sa branch na yun na bata but i never thought may iba pa pala & they have the ability pa to answer the phone!

pati sila natakot din kaya from then on di ko na tinatawagan yung number na yun sa office nila. baka kasi may sumagot na naman. creepy! nag-hello talaga at binaba basta.

Ninar612

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #481 on: June 16, 2011, 09:36:31 am »
Pa-join mga sis...

Share ko lang yung kwento ng maid nmen dati... This happened mga 5 yrs ago... Sa old house nmen, meron kmeng laundry area, dun lahat nilalagay yung mga damit na nalabhan na at natupi at naplantsa... One afternoon, maid 1 saw my younger sister (long hair kasi sister ko) getting her clothes from the laundry room. Maid 1 told our maid 2 to help my sister carry her clothes. Nung patayo na si maid 2 to help my sister, nakalabas na ng laundry room si sister, so susundan ni maid 2 si sister para tukungan sha... Eh biglang may nagdoorbell. So instead of following my sister, si maid 2 pumunta sa labas to open the gate. When maid2 opened the gate, it was my sister who rang the bell... Sumigaw si maid2 kasi kala nila si sister yung kumuha ng damit. Sabi nga ng sister ko na nasa office siya... Yaiks! Isa lang kapatid ko na babae... Kakatakot... Sabi nila baka white lady un...

May isa pa, sa new house naman ito pero extension lang ito ng old house nmen... Sis in law ko before open third eye nya... Sa 2nd floor cr nmen, may nakita shang guy na naka itim na may hat sa may pinto ng cr... Yaiks ulit! Dati din may nakita si sis in law na nakadilaw na tumakbo accross the cr na akala nya ako yun na tumakbo na nakayuko... Kasi dati may fave shirt ako na yelllow... But i was in school during the time na kala nya ako yun... Yaiks yaiks yaiks! Pinatingnan namen yung house namen sa parang "espiritista" ba un? Anyway, meron nga raw yellow dwende sa house namen pero hindi raw yun bad dwende...
« Last Edit: June 16, 2011, 09:39:43 am by Ninar612 »

mbeeyap

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #482 on: June 16, 2011, 04:46:56 pm »
nakatagilid ako at pinipilit kong makatulog. habang nakapikit, parang tinutusok ng karayom pisngi ko pero hindi naman masakit kaya dedma lang. then naramdaman ko bigla ang buhok ko na medyo nakatakip sa mukha ko unti-unting itinataas. hindi na ako gumalaw. nang marinig ko na gumalaw ate ko na natutulog sa ibabaw(double-deck kami), nagtago na ako sa kumot.

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #483 on: June 16, 2011, 06:06:01 pm »
@CH, i have no idea kung panong gawin un ei di ko rin gaanong maintindihan ang paliwanag mo kc english, sorry for my ignorance.

eyndzel

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #484 on: July 05, 2011, 12:29:01 pm »
di ba maganda ang maraming mirror sa room mga sis? i have 2 mirrors kasi in my room.. yung isa lifesize.. well i'm not sure if minamaligno na ang room ko.. or imagination ko lang lahat.. ;D

ever since kasi napanood ko yang exorcism of emily rose na yan.. nagigising na ako lagi ng 3am.. creepy talaga.. so nung di ko na kinaya never na ako natulog ng gabi sa room ko.. wala naman ako nakikita pero ang weird kasi e.. minsan pag hating gabi and tulog na lahat.. and kukunin ko lang pillows ko kasi transfer ako sa room ng parents ko.. meron times na tumataas balahibo ko talaga! normal ba yun? my mom tried to sleep in my room one night kasama ako.. para lang di laging bakante yung room.. siguro midnight yun, she woke me up and told me.. "anak, lipat na tayo nahihirapan ako matulog e and nanaginip din ako e pinapaalis daw tayo dito sa room.." badtrip lang diba nakakatakot! :-[

then another experience.. this year lang.. got married last year kasi.. hubby is working overseas.. so wala pa kami own house kasi ayoko din mag-isa sa house kaya dun ako nakatira sa parents ko.. so nung umuwi siya pinas, dun kami natutulog lagi sa room ko.. grabe mga sis one night binangungot si hubby ng bongga! as in nanginginig pa siya.. nagising na lang ako nung parang nasanggi niya ako then sabi nia.. grabe ginigising kita di mo nafeel, nanginginig na ako sa bangungot dito.. then a week after that.. nakwento sakin ng mom ko na.. meron kasi santol tree sa labas ng window ng room ko.. meron daw kami neighbor na inakyat ang puno para kumuha nga ng mga santol.. mga sis nilagnat daw neighbor namin  after that! and pinatawas daw nila, meron daw dun sa puno na yon! e yun lang ang view ng bintana ko nakakatakot naman.. :-\

so yun nung kinwent ko yun sa sis-in-law ko.. sabi niya.. wag na wag daw ako magbibihis ng di super nakasara yung blinds ng window and nakababa lahat ng curtains.. and sa gabi daw pag matutulog ako lagi daw ako meron glass of water sa bedside.. yung half daw non inumin ko.. and half daw non itira ko lang sa glass.. ang scary.. :-\

eyndzel

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #485 on: July 05, 2011, 12:38:11 pm »
Araw- araw akong binabangungot, kanina nga ulit kaiidlip ko lang ayan na naman and this time hirap na ako sa paghinga.
What's wrong with me?

mmm ako sis madalas din bangungutin.. pero narealize ko now na ngyayari sakin to kapag natutulog ako sa afternoon then pag natulog ako sa gabi ayun na, bangungot talaga ako.. minsan ata dahil ito sa irregular sleeping habits.. and try drinking a glass of water before you sleep.. ;)

mommychic

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #486 on: July 07, 2011, 03:38:53 pm »
pa-join! hinde na ako makacr mag-isa sa office!!

rianne_mallows

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #487 on: July 08, 2011, 01:48:14 pm »
@ edyzel - sis.. based sa mga nabasa ko sa FS thread .. not good if the mirror reflects your bed.. speciallyyour hands and feet...

17arci

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #488 on: July 08, 2011, 01:54:39 pm »
^ pag may mirror sa kwarto hindi na ako makatulog ng mahimbing.

yung mirror ko nakapatong na lang sa mesa, pahiga para ang narereflect lang yung ceiling. hehe

misistiu

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #489 on: July 09, 2011, 03:48:38 pm »
ako rin mga sissie pa share ako.. eto kwento lang ni mama sken nung nag kchat kami..


mama ko kasi mahilig mag laba sa dis oras ng gabi, tipong mag huhugas nang pinggan mga 12 midnight to 1 am mga ganung oras o kaya mag lalaba ng uniporme ng 2 kong kapatid, one night nag papahinga daw siya kasi katatapos niya lang mag kusot ng uniporme ng 2 kong kapatid napa upo siya sa labas tapat nang bintana ng pinauupahang kwarto ng lolo ko pag uupo ka kasi dun sa sofa ang likod ng ulo mo bintana na nang kwarto, tapos nainum daw c mama nang softdrinks nang biglang may bumulong sa kanya nang *p u  t a n g i n a m o* as in sa tenga daw nia boses ng lalake.. [textspeak!] kwartong paupahan bakante yun almost 1 year na... ayun nag tatakbo daw c mama papasok ng bahay at umiyak sa papa ko ..

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #490 on: July 09, 2011, 05:48:11 pm »
Hi, Pinkaholic.

May nilalang na may masamang hangarin sa iyo.  Kailangan mo ng salt bath o wash - maligo gamit ang tubig na may halong ordinary na asin - hindi iodized - o hugasan ang kamay AT paa bago magpahinga. 


Hi, misistiu.

Not good yan nangyari sa mom mo.  However, it can still be fixed.  Cleanse the place using salt or incense with the proper prayers.  Whoever is going to do this must first recite though the prayer for protection from evil and prayer to St. Michael at the very least.

lexi_girl

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #491 on: July 09, 2011, 05:57:20 pm »
City hunter, is it true that kaimito/star apple trees are "bad" kind of trees?  Pag there's one planted near your house may mga aswang, multo and the people living near it will become sickly especially the kids? 

Kaya siguro my lola's house is really creepy dahil may kaimito beside it, yung maids room which is the nearest dun sa tree has mumu that freaks out the kasambahays.

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #492 on: July 09, 2011, 08:15:53 pm »
Hi, lexi girl.

Hindi naman.  Elementals are usually the type na neutral sila.  They just want to be left alone.  Now, the probable reason why people near where such are ay its because hindi compatible ang chi nila sa atin.  You need to have some kind of protection so that hindi maapektuhan both parties. 

It is not easy for them to enter our places just like that kasi iba rin ang timpla ng chi ng bahay o opisina natin.  Those that do invite them ay ibang usapan na although may penalty yun. 

Do note elementals are different pa sa spirits ha. 

One way to rid yourself of such effects ay salt bath o wash.  Another is through strong prayers said from the heart.  Another is setting a clear boundary using plants to separate the two places.

Ang "mumu" is often spirits so iba sila sa elementals.  Hindi naman kasi harmful silang lahat.  Some just want help to cross over although may ilan rin na baddies.  But most often talaga gusto lang nila huwag sila pakialaman.

shatz

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #493 on: July 09, 2011, 09:57:47 pm »
madalas din ako mabangungot dati, everyday din,. minsan gising ako minsan alam kong tulog ako..
pero simula nung lumipat na kame ng house madalang na lang.

The last time na binangungot ako sa new house, nagising ako kasi parang may narinig ako na fireworks, i saw sparks of light then it struck my heart,. biglang nanigas ang katawan ko at nahirapan ako huminga,. parang sinasakal yung puso ko, sobrang sakit talaga.  i struggled hanggang sumikat na ang araw,. pinipilit ko bumangon, nagluluha na nga mata ko,. then may dark shadow na pumasok from the window at pumwesto sa ceiling bandang paanan then nagform ng hugis malaking tarantula, mga isang dipa ang size,. i dont know why but i felt so scared of it,.  andun lang siya naka matyag sakin,.

 till mama opened the door, sabi nya, o gising ka na pala bumangon ka na baka matraffic kayo,. then pag alis nya yung spider nagmove across sa ceiling.. yung bed ko pala nakadikit sa pader yung right side, yung ulunan nakadikit din sa bintana,. so naglakad siya across, sinusundan ko ng tingin, then pababa na sa ulunan ko,. i felt so scared,.  i gathered my strength and napatalon talaga ako pagbangon at tumalon papunta sa paanan ng bed ko,.  then it vanished into thin black air..  i was huffing,. as in hingal na hingal ako and ramdam ko padin yung sakit sa chest part ko,..

yndy

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #494 on: July 11, 2011, 08:21:42 am »
pa share ako...this happened yesterday morning...

Naglilinis ako ng rubber shoes namin ni hubby yesterday sa may likod ng house namin. Habang busy ako sa pgbrush ng putik sa shoes ni hubby pansin ko sa peripheral ko na may pumasok sa bahay nila MIL ko from the backdoor. Bumukas kasi yun door at kita ko yun leg part with the slippers pa. Inignore ko lang thinking it might be my SIL na lumabas at may kinuha sa likod. So I dismissed it.

A few minutes later, nun yung shoeslace naman yun kinukusot ko. Same scenario. Bumukas yung door at may pumasok nanaman from the backdoor. Then wala pa 2 or 3 minutes, bumukas yun backdoor namin lumabas si SIL at nagtatanong kung may food kami kasi natatamad siya magluto.

Sa gulat ko napatayo ako at muntik na matumba. So lapit si SIL sabay tanong kung ok lang ako. I asked her kung kakagising nya lang. Sabi niya oo daw at kakababa lang daw niya. I asked her kung nakalinis na siya sa kanila, then sabi niya, "Ate kakababa ko lang kaya." Then sabi ko sino yun pumasok sa bahay nyo? Ayun nagkatakutan na kaming dalawa..

Ang ending, binantayan niya ako hanggang matapos ako maglinis ng shoes at hindi na siya pumasok ulit sa house nila maghapon. Kumuha lang ng damit niya at dun na naligo sa amin...

babykat

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #495 on: July 11, 2011, 12:26:34 pm »
pashare...

I usually work late or pumapasok ako weekends dito sa office.  One time, i was all alone dito, when i could distinctly hear someone typing on a keyboard dun sa table on my right.  That's my boss' table.  Eh wala naman keyboard dun kasi she brings her laptop with her.  But since I was working on a deadline, dinedma ko lang.  Sabay na lang kami magtype.  :)

Another time naman, at home, i was playing with my dog.  My mom was taking her afternoon nap sa room nya and hubby was at the mechanic getting the car fixed.  Then bigla na lang may sumusutsut sa akin. Ilang beses yun. Pero dinedma ko na lang till tumigil.


nicolle

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #496 on: July 11, 2011, 02:01:36 pm »
pashare din,,,

last year nun andun ako sa MIL ko nagkukwentuhan kami nung mapatingin ako dun sa stairs nila going to rooftop,,,nakita ko na maay dalawang legs na paakyat so i thought na uncle yun ni hub, nagulat na lang ako nung nakita ko yun uncle nya same floor kung nasan ako,,,then dun ko [textspeak!] narealize na bakit nga pala yun nakita kong legs ay hindi sa stairs umaakyat kundi sa wall mismo...

kettlekorn28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #497 on: July 12, 2011, 11:54:22 am »
3 and a half years na kaming umuupa sa house na ito. the whole day ako lang at yung dalawang aso ko ang nandito sa bahay kaya tahimik. may mga naranasan na rin akong mga kakatwa dito sa bahay na ito.

yung youngest sis ko nakapagbakasyon na dito. katulad ko, open rin ang third eye nya pero kami yung tipong dinededma lang namin. one time, nasa dining area ako nag-iinternet, nasa sala naman sya. that was around 4pm. napatakbo sya sa akin. gumalaw raw yung mata nung stuffed toy ko na frog. eh hindi naman pwede mangyari yun kasi fixed yung mata nun. since then, itinago ko na yung frog stuffed toy na yun.

yung sis ko naman na sumunod sa akin (na may asawa na), which is open din ang third eye, nakapagbakasyon na rin dun. iniwan ko sya sa bahay kasi magbabayad ako ng Meralco bill. magtatanghali na yun. ang kasama lang nya yung mga dogs ko. nagpunta sya sa dining area para magprepare ng lunch namin. pupunta na sana sya sa kusina nang meron sya makita na babaeng nakatayo sa may harapan ng lababo. tapos bigla na lang nawala. naku, lumabas na lang sya ng bahay at hinintay na lang nya akong bumalik. di raw sya makabalik sa loob dahil baka andun na naman yung babae.

isa pa, yung ex-husband naman ng sis ko, nakituloy sa amin nung nag-aaply sya ng trabaho. dahil isa lang ang kwarto dito, dun sya natutulog sa sofa. one day, bigla na lang sya nagpaalam sa amin. dun na lang daw sya makikituloy sa sis nya kahit mas malayo yung lugar na yun sa pinag-aaplayan nya ng work. nung umuwi kami sa house ng parents ko nung weekend na, kinuwento ko nga na bigla na lang lumipat yung ex-BIL ko dun sa sis nya. eh anglayo nga nung lugar. sabi ni mommy, nagtext daw sa sis ko si ex-BIL na ayaw na raw nya bumalik sa house namin. di raw sya nakatulog nung last night nya dun. kasi nung matutulog na sya, ini-off nya yung tv. paghiga nya, it turned on! nagulat sya. pinatay nya ulit. nag-on ulit. natatakot na raw sya pero bumangon pa rin sya. ini-unplug nya yung tv. sabi nya "pag ito bumukas pa ulit, ewan ko na lang." pagkasabi raw nya nun, biglang bumukas ulit ang tv!!! to think na unplugged na sya. naku, nanginginig na raw sya sa takot. ang siste, di naman nya kami tinawag ni hubby para sabihin yung nangyari. nung humiga naman sya sa sofa para pilitin makatulog, naramdaman daw nya na nagtataas-baba yung kutson ng sofa. alam nyo yung parang may umuupo tapos tatayo, may uupo tapos tatayo. parang may naglalaro. ganun daw yung sofa, parang niyuyugyog sya. kaya pala nung umaga, anglaki ng eyebags nya.

actually, natatawa lang ako dun sa mga experiences nila. sabi ko sa kanila, wine-welcome lang kayo ng espirito ng bahay namin. naniniwala kasi ang family namin sa ganung bagay...na lahat ng bahay o kahit opisina pa yan, hotel, meron yang espirito na nagpo-protect dun sa lugar. actually, i feel secured and happy in this house kahit na ba ako mismo may mga naexperience na.

my first creepy experience in this house happened about 3 years ago. nasa palawan si hubby noon. mag-isa lang ako at wala pa akong mga aso. i turned off the lights and went to bed. and then, mga 2 or 3 am nagising na lang ako. ang gulat ko ng may makita akong shadow na nakatayo sa may pinto ng kwarto. i cant figure out kung lalaki ba sya or babae. nagdasal na lang ako at nagtalukbong ng kumot. tapos na-feel ko na nasa kalapit ko na sya. pero wala namang nangyaring masama sa akin. since then, palagi ng bukas ang ilaw kapag matutulog ako.

these past few months naman, i really felt weird. kasi may nararamdaman ako at di ko sya nakikita. kung may makita ako, shadow lang at mabilis na nawawala. palagi nya akong pinapanood kapag naghuhugas ako ng pinggan, o kaya naman kapag nasa kwarto ako. kahit tanghali nandyan sya. sabi ni mom, malamang yun yung spirit ng bahay. binabantayan lang ako. well, di naman sya masyadong nakakatakot. actually, im getting irritated lang kasi may nakamatyag sa akin parati.

yesterday naman, napaidlip ako after makaalis ni hubby papunta sa work. mga 9am yun at nagising ako ng 11am. i had a creEpy dream. ang scene ay itong house namin pero yung itsura nya nung kalilipat pa lang namin, light blue pa ang walls. gabi raw at locked na yung gate at pinto namin. mag-isa lang ako sa bahay. sumilip ako sa terrace. may nakita akong batang babae, about 7 years old. nagtaka ako kung paano sya nakapasok kasi locked na nga yung gate. nung pupuntahan ko, bigla syang nawala. so pumasok na lang ulit ako sa bahay. tapos nung tumingin ako sa sofa namin (kamukha rin ng sofa na hinigaan ni ex-BIL), yung mga malilit na gamit na nakapatong sa sofa parang hinihigop papunta sa sulok. tapos kinapa ko yung sulok ng sofa, andun lahat ng mga nawawala kong gamit. ipinatong ko ulit yung mga gamit na yun sa sofa, tapos parang vina-vaccuum na naman yung mga gamit pabalik sa sulok. kinapa ko ulit yung sulok. this time, may lumabas na maliit na kamay mula sa sulok ng sofa at hinigit yung kamay ko. dun na ako nagising. di na tuloy ako makaupo basta-basta sa sofa na yun.

SIR CITYHUNTER, may question lang po ako. this may sound funny, pero pwede po bang lumipat ng location o mangapit-bahay ang isang multo? kasi nakatira kami sa row house. the unit on our left side eh dating may minassacre about 5 years ago. pinatay nung lalaki yung wife nya. for some reasons, walang nakakatagal sa house na yun. kahit nung di ko pa alam ang history ng unit na yun, bad vibes talaga sya for me. turns out na may pinatay pala dun. kung nandun pa ang multo nung babae, makakalipat ba sya dito sa amin or is she bound to be there forever?

pasensya na po sa haba ng post ko.

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #498 on: July 12, 2011, 04:02:55 pm »
Hi, kettlekorn28.

Yup.  Had cases like that.  I cleansed the place but the problem persists as it was coming from the neighbor.  Hindi rin kasi nasusunod properly yun instructions ko to secure their place. 

Pwede naman ma-fix kahit pa haunted ang place but it is not an easy task.  The best you can do right now is to use strong prayers fitting the need.  Yun Prayer for Blessing of Buildings followed by Help Us, Mary and Consecration Prayer to Mary should do - this applies though for Catholics.

Download mo na lang sa Feng Shui 3 thread pages 1 and 2 yun prayer compilation.  Its pre Word 2007 compatible naman.

kettlekorn28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #499 on: July 12, 2011, 04:21:15 pm »
thanks a lot SIR CITYHUNTER. kasi minsan kahit magdasal ako di rin naman effective kasi hindi nga appropriate yung mga prayers. dito kasi sa house namin, though alam kong merong "something" dito, wala naman kaming nagiging problem ni hubby sa money, relationship, etc. Pleasant naman ang vibes. naaapektuhan lang siguro ako ng kalapit namin na unit.

thanks again. i will download the prayer compilation.  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close