watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)  (Read 179816 times)

1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #520 on: August 04, 2011, 07:50:47 am »
i know this story yung batang lalaki hinahanap ang nanay nya.  may nanay din na naghahanap ng anak lagi sya nasa elevator.  Yung kasama ko sa shift when nasa 17th floor kami before may narinig na mga foot-steps naka-head set ako kaya hindi ko narinig.

naku whats the story behind kaya? Anak na hinahanap ang nanay nya and nanay na hinahanap ang anak nya?
Sis kwento ka baka may alam ka rin? :)

sassy_taurus8

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #521 on: August 04, 2011, 03:45:44 pm »
^^Ganyan na ganyan din yung story sa Union Bank building sa may Ortigas. I worked there way back 2006 sa isang BPO company. Batang nagpapakita sa elevator na hinahanap din daw yung nanay nya. Ang sabi pa, sumasabay daw to pagpasok pag mag-isa ka lang then pag nasa loob na kayo, bigla syang mawawala! :-\

Meron din kaming iniiwasang sleeping quarters dun, 11th floor if Im not mistaken, may nananakit daw na entity/multo or something basta black silhouette sya. Nanghahatak ng buhok, nangungurot, nandadagan to the point na hindi ka na makahinga. Some even said na parang bangungot yung na-experience nila. May chismis pa nga na may namatay daw dun na agent(girl).

One time daw, maglilinis na yung janitress, lumabas uli kase may natutulog pa. Pagbalik nya, around 10 am nandun pa rin yung agent, nakatalukbong ng kumot. Lumabas uli sya para kausapin yung guard and to check the log book kase 4 hours lang ang max ng sleeping time per agent, also to give way sa ibang gusto matulog. Binalikan nila yung nasabing sleeping quarters para gisingin na yung babae. There they found out na patay na daw ito at tirik ang mata and nakanganga, itsura ng sinakal or yung sinasabi nga nilang dinaganan(bangungot). For our batch back then, para syang urban legend kase never naman naming napatunayan na may namatay dun. Pero yung black na nandadagan hanggang sa kapusin ka ng hininga ang daming testimonies, esp everytime na may new batch or waves sila ang prime victims.  :o Ang sabi pa nga, palihim na inilabas yung babae para d magpanic yung mga agents. Even the coaches and O.M.'s alam yung story but they don't want to talk about it kahit for fun lang or for the sake ng takutan pag may happy hour kami. Hindi daw kase biro yun. So kami naman kung hindi totoo, anong masama d ba? Kaya nga kahit puno na yung mga sleeping quarters sa ibang floor, pa-waiting list na lang kesa sa 11th floor matulog. Lol! ;D

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #522 on: August 05, 2011, 10:04:02 am »
^ oo nga, URban legends usually pinagkukuwentuhan pag nagkakatakutan, pero pag totoong nangyari, minsan hirap mapagkwentuhan....

bat nga kaya madaming multo sa mga call centers?

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #523 on: August 05, 2011, 10:19:50 am »
Most probably most of the places where call centers now have their operations were abandoned when during the Asian crisis.  I still remember ang daming office spaces up for lease or rent sa Makati due to that.  Some buildings rin are quite old or had a bad history during its construction.  Yun mga nababalitaan lang natin sa news yun hindi na-suppress agad.  Just check out how many stories of deaths were hidden during Ondoy para lang hindi masabing malas pala yun establishment nila.

Besides, call centers tackle problems and are laced with an abundance of unstable chi.  Perfect breeding ground for such kind of "officemates."

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #524 on: August 05, 2011, 11:43:17 am »
^ i see.  and some more, usually din siguro kasi sa mga matagal ng vacant lots or those na sinasabi nilang 'killing fields' minsan napapatayuan yong mga bldgs. noh?

kettlekorn28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #525 on: August 05, 2011, 12:18:20 pm »
Share po ulit ako ng mga creepy stories ko.

This happened way back 1988, when i was 6 years old. I can still remember this so vividly. My parents decided na bumukod na ng tirahan. They saw this apartment 10 houses away from my grandparents' house kung saan tumira kami for 6 years. isang compound sya na may dalawang bahay - isang malaking bahay na pwedeng tatlong pamilya ang pwede mag-occupy at isang naka-separate na bahay. napapalibutan ang compound na yun ng malalaking puno at mga halaman. wala ng ibang available na slot kundi yung nakahiwalay na bahay, so dun kami bumagsak.

kaugalian na dito sa lugar namin na kapag gusto mong lumipat ng tirahan, dapat ay dapit-hapon ka maghakot ng gamit. weekdays noon kaya wala si daddy, nagwowork sya sa quezon city. ang katulong lang ni mommy na maghakot ng gamit ay ilang relatives ni daddy at kaming dalawa ng kapatid ko na 4 years old lang that time. inabot na ng gabi ang paghahakot ng gamit. di pa naikakabit ni mommy yung ilaw sa bahay kaya puro kandila lang ang nagbibigay ng liwanag. naalala ko pa, nagpaalam si mommy na babalik sa house nina lola para kunin pa yung natitirang gamit. iniwan nya kami ng kapatid ko sa bahay. i was not afraid of the dark kaya ok lang sa akin na maiwan kami.

antagal ni mommy na bumalik, medyo nagugutom na kami ng sister ko. then all of a sudden may matandang lalaki na sumulpot sa may pinto namin. i asked him kung anong kailangan nya. sabi nya "Nagugutom ka na ba? Maraming mangga dun sa likod. sumama ka sa akin, bibigyan kita." Sumunod ako dun sa matanda kasi talagang gutom na ako, kaya mapagtitiisan ko na rin ang mangga. sumunod sa akin yung kapatid ko. sabi nya "ate san ka pupunta? sinong kinakausap mo? nakakatakot dito, madilim at maraming puno." di ako sumagot, basta sinundan ko lang yung matanda dun sa manggahan. pagkatapos namin tumigil sa isang puno ng mangga, wala na akong maalala. ang sumunod lang naalala ko, nasa tabi ko na si mommy and she was freaking out. kasi halos 1 hour na raw nya kami hinahanap. she looked for us inside the house, pati na rin sa mga grandparents at kapitbahay. last nya pinuntahan ang manggahan. at dun nya kami nakita ng kapatid ko. nagsasalita raw ako pero walang kinakausap. ang kapatid ko naman umiiyak na sa takot dahil usap ako ng usap pero walang kausap. basta ang huling natatandaan ko eh kausap ko yung matandang lalaki at nagpapakuha ako ng mangga.

sa takot ng mom ko, as soon as umalis yung isang tenant dun sa malaking bahay, lumipat na kami dun agad-agad. akala nya wala ng mangyayaring kakaiba pag lumipat kami dun.

wala pang isang buwan kaming nakakalipat sa house na yun, i started seeing this old man again. but this time, hindi na sya nagsasalita, nakatingin lang sya sa akin. ang pinagtataka ko lang, bakit nandun sya sa kwarto namin gabi-gabi. Palagi siyang nakatayo sa may pinto ng kwarto namin, may suot na sumbrero na madalas isinusuot ng mga farmer tapos nangsisigarilyo siya. this went on for 2 weeks hanggang sa nagkasakit na lang ako. dinala ako ng parents ko sa hospital, wala naman daw nakitang problem sa akin. that's when they sought help from a magtatawas. gumamit sya ng tubig na nakalagay sa batya at dun nya pinapapatak ang tulo ng kandila. nagulat ako sa image na lumabas. yung kandila korteng lalaki na may suot na sumbrero. dahil naging malapit na rin kami dun sa old lady na may-ari ng bahay, andun rin sya nung "sinusuob" (tinatawas) ako. she asked me kung ano ba ang nakikita ko gabi-gabi. i said "matandang lalaki na naka-sambalilo (hat) at nagsisigarilyo." and then she cried. pinagtapat nya sa amin na may kapatid sya na lalaki, pangalan ay Santiago. matagal itong tumira dun mismo sa inuupahan namin. wala din itong pamilya tulad nya. palagi itong nakasumbrero at nagsisigarilyo. pag-aari nya ang manggahan sa likod (so that explained everything na nangyari sa 1st encounter ko sa kanya) dun na rin sya namatay sa bahay na yun. by that time, sinabi na rin sa akin ni mommy na palagi rin daw nya nakikita ang matandang ito. ayaw lang daw nya magkwento sa amin para hindi kami matakot. she was not afraid of him because she felt na gusto lang kami bantayan nito. May Tatang Tiago rest in peace as well as her sister.

Isa pang kwento, tungkol naman sa dwende. i think nangyari naman ito nung 8 years old ako, sa bahay ng lola ko (mother's side). it was summer, nandun lahat ng mga anak at apo ni lola. hindi ako mahilig maglaro kaya palagi akong nagpapaiwan sa loob ng bahay. sa likuran ng bahay ni lola ay maraming puno ng saging at langka. meron din isang balon na parang natuyot na. dun ako madalas tumatambay para magbasa ng komiks, mahangin kasi at tahimik. everytime na nandun ako, may naririnig akong sitsit at maliliit na boses. tapos may biglang lalabas sa hita ko na parang mga kurot. di ko naman pinapansin, basta ako eh enjoy sa pagbabasa ng komiks. one afternoon, masyado akong nasarapan sa pagbabasa ng komiks. inabot ako ng 5pm sa tabi ng balon. nung time na yun, busy ang mga tao sa pagprepare ng kakainin. di ko lang maalala kung merong may birthday or may night swimming kami. pinapagalitan kasi ako ng mga matatanda kapag nandun ako sa tabi ng balon, pero nung hapon na yun nakalimutan nila akong paalisin sa lugar na yun. and then, bigla na lang may pumasok na vision sa isip ko. parang naparalyze ang buong katawan ko at ang gumagana na lang ay ang isip ko. dun sa mga images na yun (na parang pelikula) may mga nakikita akong maliliit na nilalang na kakaiba ang damit at matutulis ang tenga, lahat sila may dala-dalang basket. sa vision na yun, nandun rin ako pero di nila ako pinapansin. pinapaikutan nila ang balon. tapos may nagsalita na babae. sobrang liit ng boses nya. sabi nya sa ibang kasama nya "tayo ng mamalengke. alas singko na." pagkatapos niyang sabihin yun, bigla na lang akong nakagalaw at nawala na rin yung vision na yun. kinagabihan, inaapoy na ako ng lagnat. simula nung lagnatin ako, wala na akong maalala. kinuwento lang sa akin ni mommy ang mga sumunod na nangyari. habang nagdedeliryo raw ako, paulit-ulit kong sinasabi na "tayo ng mamalengke, alas singko na." naku, galit na galit si lola kay mommy pati na rin sa mga tita ko. bakit raw ako hinayaan na mag-stay sa tabi ng balon until 5pm. nung nabubuhay pa raw kasi si lola sabel na (mother ng lola namin), bilin na bilin nya na wag na wag pupunta sa balon kapag alas-5 na dahil yun ang oras ng paglabas ng mga duwende para mamalengke. si great grandmother kasi ay fully opened ang third eye plus may anting-anting pa (which is another story). sabi ni lola, kapag nagustuhan raw ng mga dwende na isama ka sa pamamalengke, mamamatay ang isang mortal. kaya ganun na lang ang galit nya sa mom ko. buti na lang after 7 exhausting days, gumaling na rin ako. iniwasan ko na rin ang balon na yun. sa ngayon, hindi na visible ang balon na yun dahil tinambakan na nila ng lupa last year lang. yung kasi mga pinsan ko nakakakita rin ng mga dwende at nagkakasakit na rin.

chaucer19

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #526 on: August 05, 2011, 11:55:23 pm »
naku whats the story behind kaya? Anak na hinahanap ang nanay nya and nanay na hinahanap ang anak nya?
Sis kwento ka baka may alam ka rin? :)

ang natatandaan ko sa mga kinukwento ng mga kasama ko dati... may isang floor na laging tambay ang bata doon sya naglalaro then nasa ibang floor naman yung nanay nya (i assume).
may isa pang kwento naghihintay ng elevatorator yung boss ko pag-open ng door pumasok na siya at pumuwesto sa may dulo alam nyang sya lang  mag-isa sa loob ng elevator kasi wala syang kasabay na pumasok at sa GF sya galing, nagulat na lang siya ng may makitang nakayukong lalaki sa may gilid ng room sa mismong harap ng mga buttons, buti na lang daw malapit na siya sa floor namin kaya ng nagbukas ang pinto dire-diretso na sya lumabas.

sugardrop

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #527 on: August 06, 2011, 04:28:05 pm »
Aha! Taga-UST ka! :p OT, sorry :)

Natawa ako dito. Haha!

 
Re: bata na paikot ikot, ganun nga daw story nun. I think ganun usual stories pag may bata

I experienced another thing kanina naman kaya ako nagising.

17arci

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #528 on: August 06, 2011, 07:32:28 pm »
Story sa office:

14th floor (technically 13th floor kasi walang 13th floor, 12 tapos 14th na agad). Maluwang yung place, wala halos cubicles. Nag-OT yung former officemate ko, sya na lang mag-isa sa buong floor. Maya-maya may tunog ng tumatakbong tao, small steps. Tapos may nakita din syang bata.

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #529 on: August 07, 2011, 08:46:09 am »
Yup.  Even if one doesn't label it as 13th floor or what ay may magpaparamdam pa rin.  Maraming interesting ghost sightings sa UST but its best if it was mga first hand people ang mag-share :)

bettyboop1322

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #530 on: August 08, 2011, 08:39:42 am »
huhuhu.. ayaw ko na magbasa sa topic na to, 1st & last time na nagbasa ako i had bad dreams... then next night di ako makatulog... bye bye na ko dito.. hehe

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #531 on: August 08, 2011, 09:00:54 am »
Hi, bettyboop1322.

Its because you absorbed residual chi as some posts here are first-hand accounts.  Cleanse yourself to avoid that from happening again.

ysa.belle

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #532 on: August 08, 2011, 09:27:42 am »
ako, gustong gusto kong nagbabasa ng mga posts dito...

1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #533 on: August 08, 2011, 10:36:24 am »
May kwento yung brother ko nung minsan nag hotel sila ni SIL. Hindi nya sinabi sakin kung sang hotel pero I have this feeling I know where.  ;) Matutulog na sila ng bigla daw napabangon si SIL at sinabi sa kuya ko: "Nakita mo yun?" Sabi ng kuya ko: "Ang alin?" Turns out, andami daw nyang nakikitang tao, mga sundalo lakad ng lakad---tumatagos sa pader! Waaahhh!!!  :o
Sabi ng kuya ko: "Wala, wala ako nakikita!" hahahaha..... kung ako hindi ako makakatulog dahil kikilabutan na ako!


yndy

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #534 on: August 08, 2011, 10:52:22 am »
pa share... naalala ko yung strata 2000 sa ortigas may 13th floor sila.. pinuntahan namin once dati pero parang tambakan lang ng gamit... nagkatakutan na din kasi kaya hindi na kami nag ikot...

chacha.12

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #535 on: August 08, 2011, 11:54:44 am »

Eto pa, before ako mag washroom, palingon-lingon ako coz I had this feeling that someone was looking at me pero wala naman. Eh sabi one time nung trainer namin na once you have this feeling na may nakatingin sayo kahit wala naman ibang tao sa paligid, meron daw yun! Kundi tao other entities. Nyay!

naku sis, may naexperience din akong ganito! back in HS nung nagretreat kami sa Baguio, ang creepy talaga ng retreat house na yun. May sink and may mirror (yung parang medicine cabinet, tipong yung door ng cabinet eh salamin) sa loob ng room so andun yung toiletries namin and dun na rin kami hilamos and toothbrush. everytime na gagamit ako ng sink na yun, hindi ako tumitingin sa salamin, inoopen ko yung cabinet kasi sa reflection, kita mo yung sarili mo - and yung labas ng room kasi ang katabi mo eh bintana. bale likod na yun ng retreat house, vacant lot na mapuno and mahalaman. super sheer pa naman yung curtain na nakalagay dun. that night, halos wala akong tulog. parang every 15 minutes eh nagigising ako tapos lagi akong napapatingin sa window.  :o 2 beds per room yun pero sumiksik talaga ako sa bestfriend ko. nakatulog ako ulet, pero mas natakot ako nung nagising ako ulet, pagcheck ko sa watch ko saktong 3am, at dun naman ako tingin ng tingin sa iniwan kong bed!  :-\ wala akong nakita, pero others say nga na pag tingin ka ng tingin sa same spot, at feeling mo meron, meron talaga.

nung college naman ako, nagstay ako sa dorm. kagagawa lang nun so kami talaga yung first occupants. so sabi namin wala naman sigurong mumu dun unlike other dorms around na may kwento ng nagsuicide or may mga white ladies na nagpaparamdam. pero after a year, dun na nagparamdam yung mga ibang entities dun. nagkagulo dun sa room na katabi namin kasi may doppelganger daw. dumating yung isang tenant sa room na yun, naiihi na sya pero may naliligo daw sa CR nila. so nanood muna sya ng TV. after a few minutes, dumating yung roommate nya who happens to be her cousin din. so kwentuhan muna sila. tapos sabi ni cousin, babalik muna sya ng library kasi may naiwan sya. paglabas ni cousin ng room, saktong lumabas naman yung naligo sa CR. and si cousin din yun! grabe halos himatayin yung tenant na yun, tili ng tili sa sobrang takot. kala pa nya yung lumabas sa CR yung hindi totoo. yung nakinood ng TV at nakipagkwentuhan sa kanya yung doppelganger.

that same month, umalis yung isa kong roommate, sabi nya lipat sya ng room, sa ibang floor, kasi may classmate sya dun. so kami naman okay lang kasi 2nd floor lang naman yun tapos 4th flr kami, magkikita pa rin kami madalas. nung minsang nagkasabay kami paakyat sabi nya wala daw ba akong nararamdamang kakaiba sa room, sabi ko wala naman. kasi hindi talaga ako mabilis makaramdam ng ganyan. sabi nya lipat na lang daw ako ng dorm or ng room, kasi twice na raw syang may nakitang black lady sa CR namin! tinapos ko lang yung sem tapos umalis na rin ako dun.  :P

sa office naman namin sa technohub, kakalipat lang namin ng building. daming horror stories dun, lalo na sa elevator. daming nakaexperience na malayo pa lang, nakita na nilang may pumasok sa elevator. lalaki na naka-cap. paglapit nila sa elev nagtaka sila kasi hindi naman umaakyat. pagpindot nila ng up button at pag-open ng elevator, wala namang tao.

and sa mismong production floor, meron dun na parang hihipan or kakalabitin ka sa tenga, or may maririnig kang nag uusap. as in bulungan pero wala naman. naexperience ko dun one time, kausap ko yung mga friends ko, tapos kala ko may pumitik sa tenga ko kasi lagi akong kinukulit nung isa kong teammate. nagmukha akong baliw kasi bigla akong sumigaw ng "ui, ano ba?!" sabay hawak sa tenga ko. yun pala walang tao! natakot tuloy yung mga kaharap ko.  :o eh ang pinagkkwentuhan pa naman namin that time eh earlier that day, natakot yung isa kong friend kasi may parang naririnig syang bulong, parang nagcchant, tapos palapit ng palapit, kaya takbo sya sa pantry kasi mas madaming tao dun.

sweetsweet

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #536 on: August 08, 2011, 01:02:30 pm »
^ creepy naman sis ng stories mo about sa technohub! That's the one along commonwealth ba? If so, dati kasing malawak na field yan na puro malalaking trees ang nakatayo. Baka nung pinatayuan ng technohub at pinutol ang mga trees nawalan ng tirahan ang mga nagpaparamdam sa inyo.

Pati yung sa doppelganger nakakatakot! eh diba usually hindi nakikipag usap ang mga iyan, they only imitate the person. Eh nakipagkwentuhan pa talaga eh, yikes!!!!

chacha.12

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #537 on: August 08, 2011, 04:57:06 pm »
^yeah sis, yung sa dorm everytime na naaalala ko yun kinikilabutan pa rin ako. thank God wala talaga ako naramdaman dun sa lugar na yun. kahit nga minsan natutulog akong mag-isa dun pag friday night kasi 2 lang kaming may class until saturday. nagpatawag pa nga ng spirit questors yung management kasi nag-aalisan na yung mga students. pero kahit naman nung nakaalis nako wala ng naulit na ganun story. well, ewan ko lang ngaun, it's been years na rin sana wala na :)

hindi ko sure sis pero sabi ng mga friends ko Paskong Pasiklab daw dati yung technohub. (and yup sa commonwealth area.) hindi kasi ako nakapunta doon nung bata ako. so busy place pa rin sya even before tayuan ng buildings. siguro nagllurk lang talaga yung mga spirits sa ganung building kasi nga daw, may negative chi, saka yung production floor namin eh 1/4 lang ng buong floor area. the rest vacant na madilim talaga. recently natuwa kami kasi they're undergoing construction kasi may mag ooccupy na. so isip namin aalis na siguro yung mga spirits dun kasi kahit kami nabubulabog sa pagpupukpukan  :P

whitelady17

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #538 on: August 08, 2011, 05:47:00 pm »
Share po ulit ako ng mga creepy stories ko.

. sabi ni lola, kapag nagustuhan raw ng mga dwende na isama ka sa pamamalengke, mamamatay ang isang mortal. kaya ganun na lang ang galit nya sa mom ko. buti na lang after 7 exhausting days, gumaling na rin ako. iniwasan ko na rin ang balon na yun. sa ngayon, hindi na visible ang balon na yun dahil tinambakan na nila ng lupa last year lang. yung kasi mga pinsan ko nakakakita rin ng mga dwende at nagkakasakit na rin.

sis Kettle, sabi po sa akin kapag nilagnat ka after ng encounter with them eh ibig sabihin daw noon eh nasa bad side daw sila. May encounter rin ako before sa kanila pero next time ko na ikukuwento iyon.

Sa taas kami ng bundok nakatira, literally 2 ways para maka akyat, isa via stone stairs the other one is trycle na malayo sa amin. The easiest way for us talaga is to use the hagdanang bato. Way back in collage uwian ako, studied around in Mendiola. So wala na akong problema pauwi ng gabi or dis-oras ng gabi. I cannot recall anymore kung after graduation na ba ito, late na ako nakauwi eh, around 10pm the usual hawak si cellphone nag tetext naka dalawa or tatlong steps pa lang ako pa akyat, i heard a kokak ng palaka, sa normal ear eh kokak talaga ang maririnig mo, then sabi ko ano po iyon?

Imagine the kokak tone but the lines were "tabi a po" Second time around parang hindi pa talaga malinaw so sabi ko ano po ulit, umulit ulit siya ng ganyan noong pumasok sa isip ko at na absorb ko ang ibig niyang sabihin. Gosh sunod sunod talaga ang pag ask ko ng permission habang naglalakad ako / paakyat. It was like a dwarf voice mimicking the kokak ng palaka. That was a long time ago, pero now habang tina type ko ang kuwento ko parang may something akong na fe- feel. Anyway im here sa office and I know madaming entities dito.

that's it for now, next time na lang ang isa pang duwente encounter.



freeswan

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #539 on: August 09, 2011, 01:13:28 am »
Hi, bettyboop1322.

Its because you absorbed residual chi as some posts here are first-hand accounts.  Cleanse yourself to avoid that from happening again.

hi bro! paano mag cleanse na easier way? kasi ganito din ako. although napapanaginipan ko eh horror, d naman ako natatakot.  how to cleanse our house as well?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close