Eldest child here, but I guess I'm blessed kasi yung parents ko nagsumikap talaga para maprovide lahat ng pangangailangan namin magkakapatid. Dad ko lang ang nagwowork ever since na magpakasal sila ng mom ko, kasi ayaw niya magwork ang mom ko. Ma-pride kasi dad ko. Kahit samin, ayaw niya na nanghihiram, nangungutang or nanghihingi kami from others. Parang ang dating is hindi niya nagagawa yung obligation niya as padre de pamilya. Pero I guess it's a good thing, kasi kahit now, ayokong nangungutang. I've learned not to covet things that others have. If I want to have something, I should work hard to be able to get what I want. Hindi masama mangarap and to want to things, pero kung hindi ko afford or reach, I should be contented by the things that I do have.
Not necessarily yung eldest ang breadwinner, usually it's the responsible one in the family. Yung dad ko nakapagaral dahil sa ate niya, who was the fourth eldest in a family of 10 children. Kaya parents ko indebted sa tita kong yun. Nasa States na tita ko, pero basta nagpabili yun, binibili agad ng parents ko. Sabi nga ng mom ko, the things that they give to my tita, no matter how pricey (gold jewelry kasi yung usual na nirerequest ng tita ko), is small compared to the life my tita help provide for my dad. To think na disabled aunt ko, pero napagpaaral pa rin niya dad ko.
My mom naman, she dropped out from college to support her family. Hindi rin siya eldest. Third eldest ata siya. Pero she sacrificed para makapagtapos mga tita ko. And maganda naman ang ending. Mga nakapagtapos mga tita ko. Though, part of that tumulong dad ko. Nung nagpakasal kasi yung parents ko, inako ng dad ko yung responsibilidad ng mom ko. Kaya nga super thankful yung lola ko sa dad ko. Kwento nga ng mom ko, may dementia na kasi lola ko, nung bumisita sila, siya raw medyo hindi nakilala nung una, pero yung dad ko kilalang kilala pa rin ng lola ko.
Ako never na inobliga ng parents ko na akuhin yung responsibilidad nila. Sabi nga ng mom ko, hindi naman daw nila kailangan tulong ko, and that they'll try their best na in the future wag din kaming obligahin pa sila pag may sarili na kaming pamilya. Request nalang ng mom ko, sana raw tulungan ko nalang daw yung mga pinsan at mga pamangkin ko sa pinsan. Yun kasi yung mga kadalasan na lumalapit sa kanila para manghiram at humihingi ng tulong. I know sometimes nahihirapan na mom ko, kasi siya nagbubudget ng pera sa house, pero wala siyang magawa kundi tumulong.
Well, as for the eldest being the breadwinner, may 2 akong pinsan na ganyan ang situation. And bilib ako sa kanila. Both of them, tinulungan ng parents ko makapagtapos ng college. And yung tulong na binigay ng parents ko, hindi naman napunta sa wala. Sila ngayon ang namomroblema na sa family nila. Yung isa, both of his parents are still working, so medyo hindi lahat inaasa sa kanya, and feeling ko hindi rin pwede iasa lahat sa kanya, given na super liit pa ng sweldo niya ngayon. Sinabihan nga raw ng tita ko yung GF ng pinsan ko na hindi pa pwede magasawa pinsan ko kasi responsibilidad ng niya yung kapatid niya(whose still in elementary). Yung isa, medyo not so good ang situation. From the start, siya na ang ultimate bread winner ng family niya. Alala ko nung elementary pa ako, may work pinsan ko, pero kung ano anong sideline ang pinapasok niya to be able to provide for her family. Pero ngayon na may sariling family na siya, I think she's beginning to feel the burden of her family. Nasa abroad na siya, pero pag may sama siya ng loob sa family niya, lagi niyang kinakausap mom ko kaya nalalaman namin ginagawa ng family niya. Binigyan niya na ng pangkabuhayan yung parents niya, sari-sari store at tricycle. Yung mga kapatid niya pinagaral niya, at may kanya-kanya ng pamilya. Pero kahit na ganun, nung nasira yung tricycle na bigay niya, sa kanya pa rin humingi ng pampagawa. Nagpadala daw ng 50,000 PHP pinsan ko para iparepair yung tricycle at tulong sa parents niya, pero after one month nanghihingi na naman daw. Nung time na yun kapapanganak lang ng pinsan ko so marami siyang gastos. On top of that kapapadala lang niya ng tuition para sa isa niyang kapatid. Kaya sabi niya hindi na siya makakapagpadala. Aba nagalit tito ko. Medyo nagbitiw ng masasakit na salita sa pinsan ko. Yung pinsan ko super nainis. Hindi kasi parents niya ang nagpalaki sa kanya. Inabandon siya actually ng parents niya. Lumaki siya sa lola namin, and yung pagaaral niya, most of it sinagot ng parents ko. Sabi nga niya, gusto niyang sabihin sa dad niya na kung ano meron siya ngayon, hindi naman dahil sa kanila. Pero alala ko sabi ng mom ko, intindihin nalang ng pinsan ko yung dad niya. At the end of the day, magulang pa rin niya yun. Yung mga kapatid niya, kahit na may mga sariling pamilya na, sa kanya din umaasa. Sabi nga niya, hindi ba raw nila naisip na may sarili na siyang pamilya, at kahit na nasa abroad siya hindi nya pinupulot yung pera na pinapadala niya. At kahit nagbibigay siya, minsan hindi pa naappreciate at sila pa galit at kulang daw. >.<
Kaya for me, seeing how my parents are, promise ko sa sarili ko na I will do my best for my future family and huwag iasa sa iba yung pangangailangan namin. And that in the future, pag hindi na nagwowork dad ko, magbibigay ako sa parents ko. Nakita ko kasi yan sa parents ko. Hindi ko maintindihan yan nung bata ako. Na bakit sila nagbibigay. Kasi nangyayari is nagbibigay sila sa mga lolo at lola ko, pero binibigay lang din ng grandparents ko sa mga iba namin kamaganak (Wala ng work grandparents ko(nung time na yun na buhay pa rin sila), pero yung ibang tito at tita ko sa kanila pa rin lumalapit para humingi ng pera). Sabi ng mom ko, nagbibigay sila sa grandparents ko to honor them. Kung ano gagawin nila dun sa pera, out na sila dun.