watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158884 times)

lent0t

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #340 on: March 03, 2013, 10:36:11 am »
Mga Sis, paki-advise-an naman ako. Hindi ako eldest pero tingin ko naman pasok ako rito. :) Hindi ko kasi alam ang dapat na gawin… Wala kaming bahay. Iyong Tito ko, matagal na kaming pinatitira sa isa sa apartment nila. Sa ibang bansa ako nagwowork ngayon kasi bukod sa buwan buwan ako nagpapadala, gusto kong makabili man lang ng bahay para sa magulang ko. Single pa ako, nasa late 20's. Hindi naman sa pinaaalis na kami/sila kaso nakahihiya naman sa Tito ko kasi kahit papaano kumikita na ako.

Gusto kong bumili na ng lupa at magpatayo ng kahit maliit na bahay para sa magulang ko through Pag-ibig. Welcome naman tumira iyong kapatid ko roon. At least may titingin din sa kanila. Ang problema ko lang, may nagustuhan na akong lupa na kaya ng budget ko. Kaso ayaw ng nanay/kapatid ko. Malayo raw. Mas malayo nang konti kasi iyong sa tinitirhan ngayon, konting lakad lang, nasa highway na. Iyong balak ko bilhin, isang sakay ng tricycle palabas ng highway. Wala namang makitang malapit sa amin, kesyo di pa nila nakauusap iyong may-ari ng lupa. Ang worry ko lang din ay baka hindi ko ma-afford iyong gusto nila..

Ano'ng gagawin ko - huwag na lang ba akong magpatayo kung ayaw rin lang nila noong kaya ng budget ko at di rin nila inaasikaso ang pag-kausap sa may-ari noong lupa na gusto nila. Ikuha ko na lang ba ng apartment ang mga nanay ko? Nasa 70's na nga pala iyong mga magulang ko.

Salamat.


sis, siguro pagusapan nyo yun plans nyo. sabihin mo din sa family mo na eto yun budget ko at eto lang kaya ko... kung gusto nyo ng mas okay dyan dagdagan nyu yun pambili ng bahay. mahirap din mag loan for house na di kaya bayaran ang mortgage baka kauwian lang nyan mawala din sa inyo yun bahay.


ang opinyon ko lang sa pagiging breadwinner, dapat hindi oblige ang anak na sila bumuhay sa parents/ siblings nila. parent's reponsibility is to make sure that their children has shelter, clothes to wear, food to eat, right to education and good values & principles in life.

the problem boils down sa family planning. dapat di sila nagaanak ng di nila kaya support metally, emotionally and financially. tapos pag sumobra ang bilang ng anak, gagawin nila pagaaralin nila si eldest then sya bahala sa mga susunod na kapatid. pag nabuntis or nakabuntis si eldest yun sumunod sa kanya ang responsible.

i, myself is a parent at as early as now, sinasabi ko kay hubby na gusto ko stable tayo pagtanda and retire natin. ayaw ko umasa sa anak at magiging anak natin. ang gusto ko pa nga sana, pag gipit sila tayo ang matatakbuhan nila.

my mom died when i was 7 so si papa ang naging breadwinner. he is a good provider kahit mag isa na lang sya. he re-married again. meron akong kapatid sa 2nd wife nya. he financially supported my lolo and my uncle (may down syndrome si uncle) nung buhay pa sila. he also supports me and his 2nd family. sinasabi ko lang sa kanya when he grows old, im here to support him. si lolo din nung time naman na may business sya na jeep he never ask help from my dad nun tumanda na lang talaga sya and take note di sila mayaman. sakto lang.

my point is ang pagtulong sa pamilya ay dapat di obligasyon kundi kusang loob. "TULONG" siguro dapat ang term hindi "OBLIGASYON/ RESPOSIBILIDAD". at naniniwala ako kung magiging mabuting magulang tayo di na natin kailangan pang ipilit sa mga anak natin na tulungan nila tayo. 

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #341 on: March 03, 2013, 12:39:13 pm »
@Happy...ness
Don't buy if they won't live there, sayang ang investment mo, baka you might regret it pa.
Ganyan kasi ginawa ng officemate ko, she wanted to buy a house for her parents kasi yun ang dream nila, pumayag naman ang parents nya, she bought a house in Laguna. Pero till now hindi pa rin tinitirahan ng parents nya. Nasa tondo sila lahat now, Manila area so malapit sa lahat. Yung house sa Laguna na brand new, e nabubulok na, ninanakawan ng mga structures (gripo, ilaw, etc).

hanson15

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #342 on: March 04, 2013, 12:44:04 pm »
tama naman mga sis na kusang loob dapat ang pagtulong sa magulang. Hindi obligasyon or responsibilidad.

Pero kasi ang mga magulang pag nasanay na sila tinutulungan ng anak. Ayun doon na pumapasok yung abuso. Na tipong wala nang nararating yung anak nila kakatulong sa kanila. At the end of the day yung kapakanan pa rin ng magulang ang iniisip. For short nagiging makasarili sila.

Im not talking to all. pero may mga rare instances na  umaabuso rin ang mga magulang. Kaya nilang gumawa ng paraan pero umaasa nalang sila sa magpoprovide sa kanila. Hanggang si anak wala nang maibigay at nagabroad nalang. Kaso dumami nanaman ang demands ng parents nung nagabroad ang anak. Sana naisip ng mga magulang din yung hirap ng anak pa ra kanila.

kwinchesters

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #343 on: March 04, 2013, 04:19:14 pm »
Ako nga nagpadala ng pera pampagamot sa nanay ko, pero pag may pera sila nauuwi naman sa pagtaya-taya sa lotto. hayss.. Manganganak pa naman ako, every cents counts para makaipon.

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #344 on: March 10, 2013, 03:17:33 pm »
Sad but the more you help them, parang never ending na yung problemang ginagawa
nila.

Here's what I learned mga sis:
1. Set your boundaries
2. Be clear about your expectations
3. Dont give in to emotional blackmail.
4. Most of all, practice tough love!

cruxito

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #345 on: March 10, 2013, 05:18:59 pm »
mabuti pa sa inyo breadwinner ang eldest... although mas maganda buhay ng eldest namin sya pa rin ang mahilig manghingi o mangutang sa mom namen kaya kainis talaga... i told na lang sa mom ko wag na i-kwento sa akin mga bad news at nakaka pag pabago talaga ng mood...

alice_alice

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #346 on: March 11, 2013, 08:13:22 am »
ako I'm the eldest and ako rin breadwinner pero gusto ko naman rin ito dahil it's time naman na magpahinga na parents ko from work at ako naman ang magpoprovide ng kailangan nila i'm just waiting for my younger brother na makatapos para 2 na kameng magaasikaso sa parents now kasi ako pa lang. wala ako naiipon kasi lahat talaga para sa pamilya ko ang if magaasawa ako package deal naman, gusto kasama ko parents ko, ayoko din naman kasi na mahiwalay sila sa akin. wala pa naman sa plan ko ang magasawa 25 pa lang naman ako.

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #347 on: March 11, 2013, 09:10:26 am »
^regarding sa package deal, sabi ng mga pinsan ko dapat daw package deal ako pag nag asawa ako. I have 2 sisters na matagal na may asawa ako malapit na.. naisip ko lang nakakahiya sa bf ko if package deal dba? kasi alam nya buhay namin nakikita nya gastador nanay ko at hanggang now eh sinusuportahan mga kapatid ko. lalo na if hindi ako magwork dba? pero buti nalang si bf understanding. gusto nya samin parents ko para may makasama ako if ever nasa abroad sya

alice_alice

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #348 on: March 11, 2013, 09:33:50 am »
^buti naman at understanding bf mo sis sa iba kasi mukhang hinde talaga papatok ang package deal na set up na sinasabi naten.

in my case kasi si bf nasa SG and kung plan naman namen to get married (if ever) ayoko naman maiwan magisa dito sa Pinas so okay na okay ang set up if my parents are with me, my boyfriend seems okay with it though malayo pa sa usapan ang marriage since bago palang kame haha (napaguusapan lang)

about naman supporting my parents i can do it without my (future) husband's help, after all kargo ko sila di ko iaasa un kaya walang dapat ikaarte yung magiging asawa ko the money na ipapadala nya para sa sarili nameng pamilya ay nakabukod sa ipangsusupport ko sa aking parents mukhang mahirap pero kakayanin since hinde naman magarbo ang lifestyle ng parents ko atsaka for sure naman meron pa rin naman silang pension at retirement money na makukuha. basta un ang plano ko kasama ang parents ko.


akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #349 on: March 11, 2013, 09:46:48 am »
^pero nakakahiya sis. ako kasi yung tipo ng tao na ayoko nanghihingi ng tulong sa iba or iaasa sa iba buhay ko. pinag uusapan nga namin pagnaka Baby kami, titigil ako mag work pero pano parents ko dba pag need nila ng help. buti parents ko payag na sila mag alaga sa bata basta may kasama kami sa bahay na maglilinis at maglalaba, sabi nga ni bf hindi naman daw sya papayag na sila mom kikilos. kahit nga daw alaga sa bata ayaw nya, kukuha sya ng kasama sa bahay. kahit nga daw kaming 2 lang eh. hindi naman daw nya ko aasawahin para gawing katulong.

potpotpo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #350 on: March 11, 2013, 06:07:05 pm »
^ mga sis mahirap yang package deal na yan. Ang asawa ko mabait, ok lang na magpadala ako, may kita siya may kita ako..pero pag nakita mo na yung asawa mo nagpapaka-busy para masuportahan ka sis mahihiya ka kahit sobrang bait ang hubby mo na ok lang sa kanya magpadala ka ng pera sa parents mo lalo na kung yung parent mo ay may mga trabaho naman...ewan ko, siguro sa akin ganun dahil ganito ang sitwasyon ko, kaya siguro ko nahihiya..ewan baka case to case basis din  ;)

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #351 on: March 11, 2013, 06:14:47 pm »
^nakakahiya naman kasi talaga lalo na kung ikaw yung tipo na hindi umaasa sa iba. ako ayoko talaga ng ganon.

kvandenhaak

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #352 on: March 12, 2013, 01:23:47 am »
Regarding that package deal. Reverse the situation. Paano naman kung yung BF nyo ang gusto ng package deal, how does that sit with you? If you can't answer that with a big YES right away, dapat wag ka rin mag-demand ng ganong set-up.

inluvewithmikewesten

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #353 on: March 12, 2013, 01:46:07 am »
And nakakahiya talaga sa magiging asawa na may kahati na agad sa gastos. At kahit sobrang bait pa ng magiging hubby/wife, at some point in the marriage this would cause a conflict. Ako nga wala pa BF so malabo pag mag asawa but my mother has already asked if she and my youngest sister could stay with me and when I get married. She'll take care of my future kids daw. Wahhh!

chinkywinky

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #354 on: March 12, 2013, 06:21:08 am »
I am the youngest, pero isa ako sa breadwinner. Actually 2 lang naman kaming breadwinner sa dinami-rami ng anak ng tatay at nanay ko (fine, mga kapatid ko sila). Minsan kakapagod na rin, minsan tutulo na lang bigla luha ko (tao lang, napapagod). Almost half ng kita ko monthly, sa kanila napupunta. I am working so hard, pero wala akong investments, walang properties. Kaya naiiyak na lang ako talaga minsan. Though masarap yung feeling na marami akong natutulungan, kaya lang - until when?

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #355 on: March 12, 2013, 08:27:43 am »
^sis ibig sabihin yung mga matanda sayo tinutulungan mo pa din? sobra naman yun..

potpotpo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #356 on: March 12, 2013, 05:52:25 pm »
^^ Sis sobra naman yun, ang dami mo naman yatang "tinutulungan" dapat mag-set ka rin ng boundaries...kung wala ka pang asawa, paano kung magasawa ka na, paano kung may anak ka na, ano titipirin mo ba ang pamilya mo para sa kanila...ikaw ang nagpapakakuba magtrabaho, dapat kahit paano may napapala ka

merian

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #357 on: March 18, 2013, 07:33:29 am »
Eldest child here, but I guess I'm blessed kasi yung parents ko nagsumikap talaga para maprovide lahat ng pangangailangan namin magkakapatid. Dad ko lang ang nagwowork ever since na magpakasal sila ng mom ko, kasi ayaw niya magwork ang mom ko. Ma-pride kasi dad ko. Kahit samin, ayaw niya na nanghihiram, nangungutang or nanghihingi kami from others. Parang ang dating is hindi niya nagagawa yung obligation niya as padre de pamilya. Pero I guess it's a good thing, kasi kahit now, ayokong nangungutang. I've learned not to covet things that others have. If I want to have something, I should work hard to be able to get what I want. Hindi masama mangarap and to want to things, pero kung hindi ko afford or reach, I should be contented by the things that I do have.

Not necessarily yung eldest ang breadwinner, usually it's the responsible one in the family. Yung dad ko nakapagaral dahil sa ate niya, who was the fourth eldest in a family of 10 children. Kaya parents ko indebted sa tita kong yun. Nasa States na tita ko, pero basta nagpabili yun, binibili agad ng parents ko. Sabi nga ng mom ko, the things that they give to my tita, no matter how pricey (gold jewelry kasi yung usual na nirerequest ng tita ko), is small compared to the life my tita help provide for my dad. To think na disabled aunt ko, pero napagpaaral pa rin niya dad ko.

My mom naman, she dropped out from college to support her family. Hindi rin siya eldest. Third eldest ata siya. Pero she sacrificed para makapagtapos mga tita ko. And maganda naman ang ending. Mga nakapagtapos mga tita ko. Though, part of that tumulong dad ko. Nung nagpakasal kasi yung parents ko, inako ng dad ko yung responsibilidad ng mom ko. Kaya nga super thankful yung lola ko sa dad ko. Kwento nga ng mom ko, may dementia na kasi lola ko, nung bumisita sila, siya raw medyo hindi nakilala nung una, pero yung dad ko kilalang kilala pa rin ng lola ko. 

Ako never na inobliga ng parents ko na akuhin yung responsibilidad nila. Sabi nga ng mom ko, hindi naman daw nila kailangan tulong ko, and that they'll try their best na in the future wag din kaming obligahin pa sila pag may sarili na kaming pamilya. Request nalang ng mom ko, sana raw tulungan ko nalang daw yung mga pinsan at mga pamangkin ko sa pinsan. Yun kasi yung mga kadalasan na lumalapit sa kanila para manghiram at humihingi ng tulong. I know sometimes nahihirapan na mom ko, kasi siya nagbubudget ng pera sa house, pero wala siyang magawa kundi tumulong.

Well, as for the eldest being the breadwinner, may 2 akong pinsan na ganyan ang situation. And bilib ako sa kanila. Both of them, tinulungan ng parents ko makapagtapos ng college. And yung tulong na binigay ng parents ko, hindi naman napunta sa wala. Sila ngayon ang namomroblema na sa family nila. Yung isa, both of his parents are still working, so medyo hindi lahat inaasa sa kanya, and feeling ko hindi rin pwede iasa lahat sa kanya, given na super liit pa ng sweldo niya ngayon. Sinabihan nga raw ng tita ko yung GF ng pinsan ko na hindi pa pwede magasawa pinsan ko kasi responsibilidad ng niya yung kapatid niya(whose still in elementary). Yung isa, medyo not so good ang situation. From the start, siya na ang ultimate bread winner ng family niya. Alala ko nung elementary pa ako, may work pinsan ko, pero kung ano anong sideline ang pinapasok niya to be able to provide for her family. Pero ngayon na may sariling family na siya, I think she's beginning to feel the burden of her family. Nasa abroad na siya, pero pag may sama siya ng loob sa family niya, lagi niyang kinakausap mom ko kaya nalalaman namin ginagawa ng family niya. Binigyan niya na ng pangkabuhayan yung parents niya, sari-sari store at tricycle. Yung mga kapatid niya pinagaral niya, at may kanya-kanya ng pamilya. Pero kahit na ganun, nung nasira yung tricycle na bigay niya, sa kanya pa rin humingi ng pampagawa. Nagpadala daw ng 50,000 PHP pinsan ko para iparepair yung tricycle at tulong sa parents niya, pero after one month nanghihingi na naman daw. Nung time na yun kapapanganak lang ng pinsan ko so marami siyang gastos. On top of that kapapadala lang niya ng tuition para sa isa niyang kapatid. Kaya sabi niya hindi na siya makakapagpadala. Aba nagalit tito ko. Medyo nagbitiw ng masasakit na salita sa pinsan ko. Yung pinsan ko super nainis. Hindi kasi parents niya ang nagpalaki sa kanya. Inabandon siya actually ng parents niya. Lumaki siya sa lola namin, and yung pagaaral niya, most of it sinagot ng parents ko. Sabi nga niya, gusto niyang sabihin sa dad niya na kung ano meron siya ngayon, hindi naman dahil sa kanila. Pero alala ko sabi ng mom ko, intindihin nalang ng pinsan ko yung dad niya. At the end of the day, magulang pa rin niya yun. Yung mga kapatid niya, kahit na may mga sariling pamilya na, sa kanya din umaasa. Sabi nga niya, hindi ba raw nila naisip na may sarili na siyang pamilya, at kahit na nasa abroad siya hindi nya pinupulot yung pera na pinapadala niya. At kahit nagbibigay siya, minsan hindi pa naappreciate at sila pa galit at kulang daw. >.<

Kaya for me, seeing how my parents are, promise ko sa sarili ko na I will do my best for my future family and huwag iasa sa iba yung pangangailangan namin. And that in the future, pag hindi na nagwowork dad ko, magbibigay ako sa parents ko. Nakita ko kasi yan sa parents ko. Hindi ko maintindihan yan nung bata ako. Na bakit sila nagbibigay. Kasi nangyayari is nagbibigay sila sa mga lolo at lola ko, pero binibigay lang din ng grandparents ko sa mga iba namin kamaganak (Wala ng work grandparents ko(nung time na yun na buhay pa rin sila), pero yung ibang tito at tita ko sa kanila pa rin lumalapit para humingi ng pera). Sabi ng mom ko, nagbibigay sila sa grandparents ko to honor them. Kung ano gagawin nila dun sa pera, out na sila dun.

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #358 on: March 18, 2013, 09:02:55 am »
^I adore your parents sis. may kilala ako na ganyan, si tito yung nagpa aral sa mga kapatid nya, lahat ng kapatid nya nasa abroad, sya nalang nandito kaya ginagawa ng mga kapatid nya pinapagtravel sila US at dubai free yun kasama wife nya. never sya nanghingi sa mga kapatid nya saludo nga ko sa mag asawa na yun eh. 3 anak nila yung bunso gagraduate na yung 2 anak nya nasa abroad. kaya ngayon gusto na nila mag retire :D

actually ako ayoko ng may nangungutang sakin kasi ayoko nangungutang sa iba.. kaya kami ni bf, hindi kami aasa sa magiging anak namin, kailangan din namin pag ipunan retirement namin

heaven_charm

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #359 on: March 18, 2013, 09:58:08 am »
im the eldest. actually kami ng twin brother ko pero ako lang yung breadwinner. my siblings dont want to work kasi tapos kinukunsinte naman ng parents ko. none of my parents work anymore and they also have lost their business. graduate nadin naman ng college yung twin brother ko saka yung isa ko pa brother pero sa halip na maghelp sila dependent nadin sila sakin.

Nung una I cry kasi feeling ko ako lang yung napapagod tapos yung parents ko pinapabayaan lang magtambay yung bros ko pero nagsawa nalang ako kakareklamo kasi wala nadaw sila magagawa. I am planning to save up again para bigyan puhunan si mama for business. nakakainis lang kasi naubos nila yung retirement funds ni Papa pero wala man lang ininvest na stable na business tapos wala din natira para sa isa ko pa brother who is still in college. ayun as ate ako nalang nagpapaaral sa college and supports the household.

It is a practice nadin for me para i know how to budget my earnings pag may family of my own na ko. di pa naman ako super deprived kasi i still get to do the things that i want and buy the stuff i want. sana etong college ko na pinagaaral wag gumaya sa mga kuya niya para naman may katulong naman ako.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close