watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158781 times)

phurple0515

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #200 on: December 19, 2011, 03:52:07 pm »
yong barkada namin na nanay-nanayan ko, she will always tell me na pinagpapala daw ni Lord yong mga mababait sa mga magulang kaya daw pinagpapala ako ni Lord.  This was brought up when I informed her I asked my mother to stop working sa tita ko na para makapagpahinga when I started working abroad (my father stopped working na rin when I was in Pinas pa).  I would say magaan ang pasok ng pera sa akin when I started being the breadwinner of the family , particularly to my parents.

Iba yong fulfilment na mararanasan mo when you make your parents happy.  I want them to enjoy and not worry on anything this days, di gaya nong time na sila nagwowork for us, kasi nakita ko yong hirap nilang 2 non (until to the extent the mangungutang sila para me magamit kami or they will pawn their jewelries para may magamit kami, at tinatago pa nila minsan na ganon ginagawa nila although sinasabi nila magtipid kami,etc).   Siyempre, di pa namin naiinitindihan non ng kapatid ko, andyan yong magtatampo kami, etc.  But now na we are working na, alam mo na reason behind all those things.  And that is why I told myself, ayoko na maranasan nila yong ganon dati esp. they are not that young anymore.

muahmuahmuah

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #201 on: December 19, 2011, 05:06:13 pm »
Para sa mga sis natin dito na breadwinner, kung kayo mangangailangan, kanino kayo tatakbo for help?  Pano naman yong future nyo? 

sis ang sagot dyan:  IpasaDyos nalang. Since mabait ka, ikaw ang nagsacrifice, hindi ka naman siguro papabayaan ng Diyos.

^yeap this is so true. kelangan matatag nalang din faith mo na you'll be well taken care of and there will alwasy be someone who's got your back kahit papano.  wag ka lang mag gigive up believing this. You can never tell what tomorrow brings eh and who God will send you.   of course undeniable  na may moments when you'd break down dahil siguro tapped out ka na sa resources keri lang basta ok ka pa with the basics: shelter, food, clothing....carry on lang kahit na feel mo rin you have nothing else left  trust lang it will all be better talaga and it usually does get better. kaya being in the present is as important as not giving money too much energy especially for those going through financial difficulties tapos tumutulong, tomorrow is slowly being taken care of for you. sabi nga eh you'll never see a u-haul  follow a hearse. do what you have to do and be the best in what you're doing. it'll all work out din. ganun naman lahat go through challenges iba ibang level lang nga.

side kwento ko lang may older lady kasi ako kilala she's monied and well taken care of financially pero lahat ng loved ones nya wala na and no immediate family talaga left. her son passed young and the hubby 5 years ago. she's done a lot of charity work and events and all those people she's worked around with would call lang and not bother visit, spend a day to help her out lalo na't shes gotten into a couple of mishaps. she lives in a really good neighborhood i don't hink she ever thought na her neighbors would be the ones helping her out now that she's slighlty incapacitated. mas nandyan pa para sa kanya ang total strangers kesa  those she considers  family.  i'm sure she never expected them in her life.

Superjoie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #202 on: December 19, 2011, 05:58:49 pm »
masarap naman tlaga magbigay, iyun ay kung may ibibigay ka. Sa family ko na parehong walang work ang nanay at tatay ko, feeling retired na papa ko sa edad na 48 years old. Then ako, halos fresh grad lang, taga bayad ng lahat, nagpaparal s akapatid na college. Then sasabihan ka pang madamot pag wala ka nang maibigay, napaka unfair. Nagagalit pag di na ko makapag groceries, ano naman ang aasahan nila, im having net pay na 20k, the tuition is 6.5k per month, then ilaw, tubig, internet. telepono, groceries, bayad sa utang nila sa tindahan. Umaarte pa nanay ko na hindi ko man lang sila nabbili ng damit sapatos. hayy... Kung nagplano lang sana ang mga magulang ko, hindi ako mahihirapan ng ganito. Kaya nagsisimula na ko na mag ipon, 4 years na ko na breadwinner, at khit na ano pang marinig ko sa kanila,magiipon na ko para sa sarili ko. Wala naman sila mga kapansanan. Pagplaplanuhan ko ang future ko, para hindi rin mahirapan ng ganito ang magiging mga anak ko.
« Last Edit: December 19, 2011, 06:00:53 pm by Superjoie »

phurple0515

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #203 on: December 20, 2011, 10:29:29 am »
^ ganyan din ako nong sa Pinas ako nagwowork, tapos biglang nag-feeling retired din Papa ko.  Buti nga madyo mataas sahod ng sister ko so mas nakakapagbigay siya kesa sa akin.  mahirap talaga, esp. pag ganon na me kelangan tapos wala naman mabigay.

tyaga lang sis, maaayos din lahat :)  ako nga 3 yrs na rin abroad, at ngayon lang talaga nakakapagumpisa na mag-save para sa sarili ko.  kasi lagi sila inuuna ko so ngayon isasama ko na rin sarili ko sa uunahin ko :)

inluvewithmikewesten

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #204 on: December 20, 2011, 07:24:49 pm »
Hay nakapahirap maging breadwinner. I feel like I'm walking on a road and I can't see the end. Maiiwan na ako ng byaheng Bicol. Huhuhu :'(

Superjoie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #205 on: December 20, 2011, 10:17:51 pm »
Hay nakapahirap maging breadwinner. I feel like I'm walking on a road and I can't see the end. Maiiwan na ako ng byaheng Bicol. Huhuhu :'(
yeah.. madalas naiingit ako sa mga kasabayan ko na nakakaipon na.. na meron na silang pang down para magkaroon ng sariling bahay or kotse.. ako eto.. breadwinner pa rin.. walang ipon masyado.. :( I think I need words of encouragement maybe? ano ba maganda sa gngawa kong ito. di ko na tuloy tlaga alam kung anung magiging future ko. :(
« Last Edit: December 21, 2011, 03:37:01 pm by Superjoie »

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #206 on: December 21, 2011, 02:32:02 am »
Ayan, naiiyak na naman ako kasi I went thru all that.  Ngayon bato na ko. I dont care anymore about the never ending drama. Since ang aga nila nag asawa, so di sila ready sa responsibilidad kaya miserable sila ngayon. I ignore their drama on purpose. I just told them na sila gumawa ng problema, so sila rin gumawa ng solution. Tama na, sobra na, abuso na! :'(

Leilama

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #207 on: December 28, 2011, 11:27:01 am »
I am a mid child but still the breadwinner. My parents don't have work. My elder sibling is married already at kulang pa sweldo nya para sa kanilang mag-anak kaya kelangan pa humiram sakin. My younger sibling pinapag-aral ko pa (buti na lang matalino at responsable kaya bawas sakit ng ulo). I only provide a fixed amount every month, pero ang nakakairita talaga mahuli ka lang ng 1 araw sa pagbibigay nagagalit na, or kung di man magalit, ang laging tanong 'sumweldo ka na ba?'. Tapos di man sila humingi sakin ng extra directly, bigla na lang ako kokornerin ng nanay ko at magdadrama, hihintayin lang na magsabi ako ng 'sige, ako na lang bahala sa ganyan ganyan blah blah'. I wouldn't mind supporting my family lalo na at single pa ko pero nakakapagod din talaga minsan kasi lagi na lang ako at ako ang takbuhan ng lahat pati mga kamag-anak ko. tapos sasabihan ako ng nanay ko na 'wala ka ba pamasko kay ganito, ganyan'.

kung di lang talaga ako sobrang tipid sa sarili ko wala ako maiipon kasi napunta na sa kanilang lahat. Fortunately may ipon naman ako kahit konti. Pero pangako ko sa sarili ko ipamper ko naman ang sarili ko next year para mabawasan ang stress ko sa kanila. minsan di ko maiwasang mainggit sa BFF ko na pinagduduldulan na nya yung sweldo nya sa parents nya pero tinatanggihan cia kasi kaya pa naman daw nila buhayin mga sarili nila, itago nya na lang daw yun gamitin nya para sa future family nya.

Superjoie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #208 on: December 28, 2011, 05:16:22 pm »
I am a mid child but still the breadwinner. My parents don't have work. My elder sibling is married already at kulang pa sweldo nya para sa kanilang mag-anak kaya kelangan pa humiram sakin. My younger sibling pinapag-aral ko pa (buti na lang matalino at responsable kaya bawas sakit ng ulo). I only provide a fixed amount every month, pero ang nakakairita talaga mahuli ka lang ng 1 araw sa pagbibigay nagagalit na, or kung di man magalit, ang laging tanong 'sumweldo ka na ba?'. Tapos di man sila humingi sakin ng extra directly, bigla na lang ako kokornerin ng nanay ko at magdadrama, hihintayin lang na magsabi ako ng 'sige, ako na lang bahala sa ganyan ganyan blah blah'. I wouldn't mind supporting my family lalo na at single pa ko pero nakakapagod din talaga minsan kasi lagi na lang ako at ako ang takbuhan ng lahat pati mga kamag-anak ko. tapos sasabihan ako ng nanay ko na 'wala ka ba pamasko kay ganito, ganyan'.

kung di lang talaga ako sobrang tipid sa sarili ko wala ako maiipon kasi napunta na sa kanilang lahat. Fortunately may ipon naman ako kahit konti. Pero pangako ko sa sarili ko ipamper ko naman ang sarili ko next year para mabawasan ang stress ko sa kanila. minsan di ko maiwasang mainggit sa BFF ko na pinagduduldulan na nya yung sweldo nya sa parents nya pero tinatanggihan cia kasi kaya pa naman daw nila buhayin mga sarili nila, itago nya na lang daw yun gamitin nya para sa future family nya.
I feel you sis. :(

Leilama

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #209 on: January 03, 2012, 02:22:14 pm »
tapos ang nakakainis pa, yung elder sibling ko kahit nung wala pa asawa, kahit di mag-ambag sa bahay ok lang, naiintindihan daw nila samantalang ako mahuli lang ng 1 araw ang sama na agad ng loob! kaya gustong-gusto ko na makabili ng sarili ko bahay para makabukod, kaso naisip ko kahit bumukod ako malamang sakin pa rin lalapit. Pano na lang kaya kung magka-asawa ako. Or, baka nga di na ko makapag asawa dahil sa kanila na ko nakatali.

whitelady17

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #210 on: January 05, 2012, 08:54:27 am »
para mapagtulungan naming tapusing ipaayos yung house na binili ko for my parents. Ending...my parents were blaming me na hindi natapos yung house namin.


sis, sana okay ka na, I mean diba, parents dapat ang nagpo provide ng basic needs, food shelter and clothing, ikaw na nagkusang bumili at magpakahirap magbayad sa binili mong bahay for them and yet, they are blaming you dahil hindi natapos? sana they will realize how blessed they are having a child who prioritizes their parents / family needs above anyone else.

FOURever

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #211 on: January 05, 2012, 09:03:24 am »
for me, ok lang ganitong setup. Panganay ako ha? Pangarap ko kasi maiahon sa kahirapan family ko saka mapag aral kapatid ko pag ako na may work.. Pero ang layo kasi ng pangarap ko. I want to be a doctor. Kahit family ko gusto yun. Dahil panganay ako, nahihiya naman ako kasi magastos. Kaya humahanap ako ng paraan para makatulong like scholarship etc. Sana maabutan ng parents ko kapag masagana na kami sa buhay. Minsan kasi nagdadrama sila na sana maabutan nila pagiging doctor ko. Kung hindi daw, wag ko daw pabayaan kapatid ko.

Willing kong prinomise sa kanila na gagawin ko lahat para umunlad kami after ko matapos sa pag aaral at makapagtrabaho. :)

Superjoie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #212 on: January 05, 2012, 11:50:41 pm »
for me, ok lang ganitong setup. Panganay ako ha? Pangarap ko kasi maiahon sa kahirapan family ko saka mapag aral kapatid ko pag ako na may work.. Pero ang layo kasi ng pangarap ko. I want to be a doctor. Kahit family ko gusto yun. Dahil panganay ako, nahihiya naman ako kasi magastos. Kaya humahanap ako ng paraan para makatulong like scholarship etc. Sana maabutan ng parents ko kapag masagana na kami sa buhay. Minsan kasi nagdadrama sila na sana maabutan nila pagiging doctor ko. Kung hindi daw, wag ko daw pabayaan kapatid ko.

Willing kong prinomise sa kanila na gagawin ko lahat para umunlad kami after ko matapos sa pag aaral at makapagtrabaho. :)
OK lang naman talaga sis.. ang karamihan kasi ng kinakatampong mga katulad nating bread winner, eh yung nagiging palaasa na ang ibang members ng family dahil alam nilang anjan ka to provide. At iniistress ka pa nila pag wala kang naprovide. haha

Leilama

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #213 on: January 06, 2012, 09:20:07 am »
^exactly! at yung fact na sayo lang talaga lalapit. At hindi man lang makaramdam ng hiya ang ibang kapatid na puro na lang ako ang nagpoprovide. May time pa na nawalan ako ng work, pero I still provide. Tapos etong nanay ko hihingi ngayon sa kapatid ko na may work, ang sabi ba naman 'bakit, wala na bang pera si <my name>?', kakahighblood! Eh kung tutuusin siya ang pinakamagastos sa bahay dahil sa lakas ng gamit nya sa kuryente at tubig tapos ni singko walang mailabas.

@sisfourever, ganyan din ako nung college ako. pangako ko din yan sa magulang ko pero naiinis din ako minsan knowing na inasa na nila lahat sakin.

FOURever

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #214 on: January 06, 2012, 11:58:45 pm »
^sana hindi sila umabuso. Bibigyan ko naman sila. At sana matupad ko pangarap ko! :)

Superjoie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #215 on: January 08, 2012, 12:36:37 am »
^sana hindi sila umabuso. Bibigyan ko naman sila. At sana matupad ko pangarap ko! :)
tama, kasi hindi mo na rin makita yung concern nila for you? parang ganun yung dating saken. parang they doesn't care about me anymore, basta ang mahalaga sa kanila is I provide their needs, keber kung matupad ko ang gusto kong marating sa buhay o hindi. kakatampo lang.

peninsula

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #216 on: January 12, 2012, 05:54:00 am »
my husband is the eldest and has been helping his parents and his lola since he got employed.  siya yong tipong iginapang ng magulang para makatapos.  yong 2 kapatid nya pinag aral din naman pero hindi naman natapos. noong nasa pinas pa, tumutulong sa abot ng makakaya. noong nasa abroad na, eh panggastos talaga at allowance ng lola. siya lang naman maasahan at yong dalawa, minsan kinakapos pa.

we did not discuss about helping his family when we got married. i didn't feel the need to.  I thought it was automatic that husband would discuss matters like this with his wife.  but i was wrong because he never discussed it to me.  at first it was okay because i have work. we maintain separate accounts.  i didn't mind how much money he has been sending to his family. we've been married for 8 years now and i think, it's too late now to question these things.

but since we already have children, i'm concerned and i really think that he gives too much. everyone is dependent on him.  problem is, okay lang sa hubby ko. he doesn't complain. ako lang ang naiinis. at ang pinaka nakakainis eh yong tipong kahit wala siyang pera, gagawan talaga nya ng paraan.  okay lang naman tumulong basta may sobra eh kung wala sana, minsan tanggihan naman. Isa pa, yong isang kapatid na may 2 dalawang pamilya (actually yong unang pamilya yon ang lumalabas na di legal kasi yong pangalawa ang pinakasalan), hindi naman iniintindi yong unang pamilya. kung meron nagbibigay pero kung wala bahala na kaya halos si hubby ang sumasapo.  at isa pang kinakainis ko, sila na lang ang tinutulungan, on their own terms pa. like wala naman pera naka private school pa. grrrrr....nakakainis. pero si hubby wala lang okay lang. yong ang mas nakakainis.  hindi ko alam kelan pa matatauhan si hubby....

Leilama

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #217 on: January 12, 2012, 09:08:57 am »
^swerte nila sa husband mo sis. Yan ang isa sa mga dahilan kaya ayaw ko tumulong minsan lalo na sa mga kamag anak lang. Kasi kahit tulungan mo yan kung sila mismo ayaw nila tulungan sarili nila, wala rin mangyayari, balewala ang pagtulong mo sa kanila. Sabi nga nila, minsan isang form din ng pagtulong ang di mo pagtulong kasi wala na silang maaasahang iba kaya no choice na sila kundi sila mismo ang kumilos.

Yang husband mo parang mga tita ko sa abroad. Yung mga kapatid (at pati mga asawa nun) dito sa pinas tatawag dun kapag may kailangan, kapag may problema at pag uwi pa dito ng kapatid lahat nakapila nag-aabang ng pasalubong/biyaya. Lahat na ng klase ng tulong ibinigay sa kanila pero hindi nila pinahalagahan kaya hanggang ngayon ayun pa rin sila, walang asenso. Kakaawa lang yung mga tita ko kasi di na rin nakapag ipon para sa sarili kasi napunta na sa kanilang lahat. Akala ata ng mga kapatid nya dito sa pinas namumulot lang siya ng pera doon.

Superjoie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #218 on: January 12, 2012, 08:33:49 pm »
madami talagang tamad dito sa pinas. pft.

swt_fem

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #219 on: January 29, 2012, 08:09:12 pm »
I share the same sentiments mga sis.

Ang situation ko naman eh may twist. My parents adopted me (panganay ako). My mom is a doctor pero sa government hospital sya nagwo-work and my dad had his own business. We were well-off. When I was 13, they decided to adopt a 2nd child. Everything was ok naman pero when I turned 2nd year college, biglang bumagsak kabuhayan namin. Nabaon na pala sa utang yung dad ko. We had to give up our house in BF Pque and had to stop my schooling. Buti nalang may educational plan ako, nakapagtapos ako ng college.

Retired na ang mom ko kasi matanda na, she's 65 years old and my dad passed away na last January 16th, wala na talaga silang ibang aasahan kundi ako. Gusto kong tumulong, sumasama loob ko kapag hindi ko sila nabibigyan pero anong magagawa ko, I have my own family na. Ang maganda lang dito is kahit hindi ako nakakapagbigay minsan, hindi ako sinusumbatan ng mom ko. Pero nagusap na kami and inobliga na talaga nya ako na I need to help sa tuition ng sister ko. My sister studies at a private school (3rd yr HS na this coming SY), nanghihinayang naman kami na ilipat pa sa public. Sabi ko sige gagawan natin ng paraan. Ang plan ko, gagamitin ko nalang SSS loan and/or 13tth month pay para sa tuition, hindi ko kaya full kaya installment lang. Pero hindi ko kaya sustentuhan ang pang everyday nila like food, bills, etc kase halos sakto lang din ang kita namin ng husband ko for our family.

Pag nag college na sister ko, sa government univ nalang. Bahala na. Nasa-sad ako at the same time pressured. Ang hirap.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close