watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158677 times)

whitelady17

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #140 on: July 14, 2011, 01:11:07 pm »
Si Bf ang breadwinner sa family nila from the time na nag work siya, pati paaral sa bunso nilang kapatid walang choice kung hindi sagutin niya kasi biglang hindi nagpadala auntie niya from overseas ng hindi sinasabi ang dahilan, naka graduate na ang bunso, pero ang kautangan eh 1 year pa binabayaran. Ang hirap ng sitwasyon kasi wala ng natitira sa kanya, pati labas labas namin affected kasi wala ng budget, and wala na for savings.

Kaya sabi ko sa kanya before, dadating ang panahon mag asawa silang tatlo, paano parents nila? Dapat may pinagkukunang pagkakitaan para hindi na umasa sa mga anak, ayon last year nakapag patayo na ng maliit na computer shop sa bahay nila, tinuruan nila si mama, sa pag operate ng shop. Kaya ngayon happy na rin ako, kasi ang kita sa shop eh doon na kinukuha ang pambayad sa household expenses, ang sahod niya ngayon hindi na nababawasan, nagkakaroon na ng effort sa pag ipon for our future.

Sa mga breadwinners po, i suggest na bigyan ninyo ng puhunan pang negosyo, tapos bigyan ninyo ng warning na kung mag mess up kayo sa binigay ko, bahala na kayo, wala na kayong aasahan sa akin. and sana panindigan ninyo, kasi kung hindi baka ma child abuse naman kayo

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #141 on: July 14, 2011, 01:18:30 pm »
im the youngest and ako lang nakakaangat samin, ako lang kasi yung nakatapos. my dad still works as a seaman pero pag bakasyonako gumagastos. nung una pangarap ko maging bread winner. pero habang nagkaka edad na ko gusto ko na sumuko, at my age (turning 24) wala pa ko napapatunayan sa kanila. gusto ko sila mabigyan ng bahay at sasakyan pero pano ko gagawin yun kung malapit na ko sa marrying age? yung mom ko she wants pag aralin ko yung pamangkin kong isa I said NO. imbes na pag aaralin ko yun i will save it sa future kids ko. what if magkaron ako ng anak tapos hindi ko maprovide sa kanila yun? minsan kasi nakakapuno na dba?

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #142 on: July 15, 2011, 02:43:58 pm »
Sobrang daming capital na nabigay ko. Sobrang dami din excuses & sad stories. The last time I gave them another capital, I told them that they have to pay me back in installments, which of course never happened. After that, I never listened to their sad stories again which are mostly lies. I refuse to become an enabler and most of all I refuse to become their victim again.

whitelady17

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #143 on: July 15, 2011, 02:46:50 pm »
Sobrang daming capital na nabigay ko. Sobrang dami din excuses & sad stories. The last time I gave them another capital, I told them that they have to pay me back in installments, which of course never happened. After that, I never listened to their sad stories again which are mostly lies. I refuse to become an enabler and most of all I refuse to become their victim again.

im sorry to hear your sad story sis, good for you, its about time naman na they move on with their life, and hindi umasa sa relatives or ka pamilya.

marssie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #144 on: July 16, 2011, 01:03:32 pm »
Ako naman, eldest ako ang i can't say na bread winner ako dahil may pension naman ang tatay ko, yun nga lang dahil mahigpit siya sa pera, ako ang nagbibigay sa nanay ko >:( dahil panganay ako, (walang nagutos or nagdemand sa akin) sinabi ko sa sarili ko na pagnakatapos ako tutulong ako sa pagaaral ng mga kapatid ko ( i have 3more siblings) ako lang nakatapos ng 4years course, paano ba naman kasi vocational lang kinuha ng 2 brothers ko, gusto kong isisi sa tatay ko pero naiisip ko rin yung dalawang kapatid ko rin naman ang pumili nun, pero nung yung bunso na namin ang gusto lang pagaralin ng 2years dun na ako umalma, dahil gusto niya ng 4yrs course, since may maayos na akong work nung nagcollege ang bunso namin, siya nalang ang pinagaral ko ng 4years, no regret.. kasi alam ko kahit papaano may natupad ako sa plano ko, na makatulong sa magulang ko at makapagparal ng kapatid. ngayong tapos na ang kapatid ko, nagaabot-abot pa rin ako sa magulang ko, para sa gamot ng nanay ko konting allowance. kasi matanda naman na sila and masaya ako sa ginagawa ko.. okay lang maging breadwinner kung masaya ka sa ginagawa mo at wala ka namang napapabayaan like ang sarili mo at ang family mo (husband and anak) :)

hannie1216

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #145 on: July 21, 2011, 12:51:30 am »
Si hubby ang naging breadwinner sa knila kaya ang sama ng loob ng mama nya nung nagpa alam kami magpakasal! 30 years old na si hubby at 28 na ako. ang sagot ba naman sa amin, ang bata bata nyo pa bakit kayo nagmamadali. Natawa na lang ako pero syempre hindi ko pinahalata. Tapos ang tanong agad "paano na daw yung sustento nya" naku naman napapaghalata. pero syempre kahit di naman sya pumayag nasa legal age na naman kami that time kaya nagpakasal na din kami. lalo pang nadagdagan ang sama ng loob ng mama nya nung nagpasya kaming bumukod. paano kasi hindi kami makaipon. halos lahat ng sweldo ni hubby eh napupunta sa kanila. pati nga yung damit ko na pinapalaban sa labandera nila eh sinisingil pa ako ng mama nya. kulang na lang talaga pati ako hingan nya ng contribution. nagta trabaho naman ibang anak nya (na pinagtapos ni hubby ng pag aaral) pati mama nya may maliit na business. so the time na nagpa alam kami para bumukod, hindi nya talaga kami iniimik. Ino obliga nya si hubby na kahit daw malayo na kami magbibigay pa din daw si hubby sa knya. Katakut takot na sumbat narinig namin like, "KUNG HINDI DAHIL SA AMIN HINDI KA MAKAKAPAG ARAL" For me ok lang tumulong pero hindi magandang sumbatan ng mga magulang ang anak nila dahil obligasyon nila ang pakainin at pag aralin mga anak nila. Minsan may mga magulang talaga na ginagawang investment ang mga anak nila knowing na yon ang tutulong sa kanila when they grow old.

whitelady17

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #146 on: July 21, 2011, 08:49:58 am »
sad naman iyan sis Hannie, ang mga ganyang magulang parang ayaw nilang mag asawa mga anak nila diba? Kasi siguro nasanay na sila/siya na madaming perang hawak ng hindi naman nila pinaghirapan. Buti na lang ang future MIL ko, noong binanggit na sa kanila ni bf na may plans na nga magpakasal next year, understandable naman, siyempre alam nilang nag-iipon so hindi na nanghihingi ng sustento or pangastos sa bahay.

Kaya ngayon ayoko ng manood masyado ng t.v. kasi sa mga games eh laging mga anak ang gumagawa ng paraan para mabuhay ang pamilya nila, parang hindi ba nahihiya ang mga parents nila? samantalang ang iba proud na proud pa anak nila bumubuhay sa kanila, eh  it should be other way around.

hannie1216

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #147 on: July 21, 2011, 11:08:35 pm »
Korek sis whitelady! ang dami na talagang ganong parents ngayon instead na suportahan nila nag hapiness ng mga anak nila parang nagiging self centered. may mga officemate din ako na ganyan ang mga experiences. actually di naman talaga big deal kung tutulong ang anak sa parents nila ang nagiging big deal lang don is nagiging obligasyon na ng anak and nagiging way na ng pagtanaw ng utang na loob ng mga anak ang pagtulong sa magulang which I personally think hindi dapat. The parents should be contented kung sa ano ang kayang ibigay ng mga anak nila, minsan kasi instead of saying thank you eh may halo pang pagrereklamo kung bakit yon lang ang bibigay. *sigh*

mommycute46

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #148 on: July 22, 2011, 02:32:06 pm »
the best we can do is to stop this kind of mentality that some parents adhere, na ang tingin nila sa knilang mga anak ay investments  >:(. Ipunin na lang ang perang ibibigay sa kanila dahil kapag emergnecy ikaw rin lang tatakbuhan, atleast during that time, reasonable na magbigay ka at hindi ka magmumukhang madamot. aAg hirap kasi sa ibang parents pati luho gustong ipaako sa anak as an obligation, at dahil bigay ng bigay anak nila in times of emergency wala nang mailabas dahil wala ng naipon, worst siya pa masama :(

hannie1216

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #149 on: July 23, 2011, 12:39:33 am »
ay mommycute may kilala akong ganyan nanay ng ka boardmate ko dati. sobrang naiyak ng yung boardmate ko kasi nung time na nagkasakit sya nanay nya gumastos then nalaman na lang nya lahat pala ng pinapadala nyang pera nilalagay sa banko. ang sweet diba.

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #150 on: July 23, 2011, 07:58:12 pm »
Sa mga breadwinners po, i suggest na bigyan ninyo ng puhunan pang negosyo, tapos bigyan ninyo ng warning na kung mag mess up kayo sa binigay ko, bahala na kayo, wala na kayong aasahan sa akin. and sana panindigan ninyo, kasi kung hindi baka ma child abuse naman kayo

minsan kasi hindi lahat nagw-work out.  pag hindi marunong humawak ng negosyo, nalulugi rin lang.

in the end, you are still responsible, kasi most often than not, di mo rin kaya sila talikuran esp if it is a life and death need.


im the youngest and ako lang nakakaangat samin, ako lang kasi yung nakatapos. my dad still works as a seaman pero pag bakasyonako gumagastos. nung una pangarap ko maging bread winner. pero habang nagkaka edad na ko gusto ko na sumuko, at my age (turning 24) wala pa ko napapatunayan sa kanila. gusto ko sila mabigyan ng bahay at sasakyan pero pano ko gagawin yun kung malapit na ko sa marrying age? yung mom ko she wants pag aralin ko yung pamangkin kong isa I said NO. imbes na pag aaralin ko yun i will save it sa future kids ko. what if magkaron ako ng anak tapos hindi ko maprovide sa kanila yun? minsan kasi nakakapuno na dba?

sis, wala pa ata akong kilala na namigay ng bahay at kotse sa parents at age of 24yo. maliban nalang kung nanalo sa lotto o naging drug pusher.  :D

sometimes we just have to be practical din.  kapag binigyan mo ng sasakyan at bahay ang parents mo, hindi naman dun nagtatapos. they would need money to sustain them.  kaya I dont think it is a good idea to give them those.  ang maganda pa is ipunin mo ang money, and nang matulungan mo sila when they need the money the most  - maraming meds na gastusin once your dad retires at tumanda sila).

if you are going to get married, I would think that you need the car/house more than them.


Minsan may mga magulang talaga na ginagawang investment ang mga anak nila knowing na yon ang tutulong sa kanila when they grow old.


Hindi mo rin kasi sila masisisi at yan ang nakagisnan nila. Probably what they did is gave up their retirement fund para mapaaral si hubby mo. kaya feeling nila, utang ni hubby mo sa kanila ang retirement nila. 

I think it is wrong. Pero andyan na yan.  What needs to be done is magkaron sila ng diskusyon na maayos sana - pero mahirap ito gawin kasi most often than not, nauuwi sa arguments ang mga ganyang usapan.

Kaya nga kami, at times, even if we can afford to throw big parties every year sa anak namin, we do not see it as a need, i-save nalang namin ang money para sa retirement.  Tapos ang pagpapaaral sa anak, yung sa abot kaya lang din namin kasi if not, mauuwi later sa sisihan. In the first place, hindi naman inask ng anak na anakin mo sya dito sa mundo, moreso, hindi rin inask ng anak na ubusin mo ang retirement savings mo sa education nya.





« Last Edit: July 23, 2011, 08:30:39 pm by blooming »

prisma

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #151 on: July 23, 2011, 08:12:55 pm »
May kilala ako.  Taga Zamboanga.  Nakapangasawa ng farmer from Michigan.

Ang ginagawa nila, they scour most garage sales for used clothes etc.  They send it to Pinas for their relatives to sell. 

O diba? Wise?  They don't have to send them money na.

kvandenhaak

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #152 on: July 23, 2011, 09:53:18 pm »
I'm speaking as a child and as a parent. It is unfair to put the responsibility to your child when you grow old. Unang una, hindi naman pinili ng anak ko na ako maging nanay nya. Same goes with me to my parents. Ang dapat kasi ang parents wag i-spoil ang anak, gastusan ng luho ang anak tapos wala na silang ipon pagtanda nila. Parents should teach to kids to work so they can help support themselves to go to college/university. I don't like our utang na loob culture kasi yang walang katapusang pagtanaw. It's like a life sentence, hindi ka makakalaya. It robs people, the giver and receiver, of opportunity to grow. Utang na loob is good, don't get me wrong, but only on certain extent. Ang utang na loob nanganganak ng katamaran, abuse at corruption.

I have a son. Do I provide for him? Yes. Am I willing to save money for his higher education? Yes and No. I will tell him to work and pay half of it so he will learn to be responsible for himself. I also save money for my retirement so that I can enjoy my golden years and I don't need to bug my son for financial help.

I have parents who also need help. Do I give them money? Once in a while. Dati nagpapadala ako ng pera dati regularly. Aba after awhile, naramdaman ko ako na ang bumubuhay sa kanila. Hindi pa naman sila uugud-ugod at hindi makatrabaho. I said, I can not provide for two families. I have my own family and that's my priority. I'm sure ang chismisan sa amin, wala akong utang na loob na anak. Do I care? Heck no!

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #153 on: July 24, 2011, 07:43:31 am »

Ang dapat kasi ang parents wag i-spoil ang anak, gastusan ng luho ang anak tapos wala na silang ipon pagtanda nila.


sis, natumbok mo.

napansin ko yan when parents would throw parties yearly on each family member's birthday.  tapos ano anong gadgets meron kada myembro ng pamilya, plus travel here and there.  yes, they can afford it AT THAT POINT IN TIME, tapos bahala na daw ang mga anak sa retirement nila.  This is wrong.

People have to think long tem kasi.  Kung 3 ang kids mo, you would need how much $$$ to support them until they're 20yo, PLUS your retirement. 

Kaya kami minsan, takot din nga sa mga big purchases, sinasabihan din ako minsan ni hubby na hinay hinay lang sa travels (hilig ko kasi).  Kasi 10 yrs later, kung wala akming pampaaral, baka mauwi lang sa pagsisisi bakit kami nagspend so much on travels.  Kaya dapat talaga may savings muna for the future, bago puede gumastos sa mga luho.




I guess I am one of the lucky few whose parents knew their priorities.  When I was a kid, wala talaga akong masyadong toys, walang parties. Kung bday, may gift naman ako tsaka my mom would call my 3-5 friends to come to my house to have merienda, bday cake and ice cream.  Yun lang. 
Tapos pag Christmas/NY, hindi automatic ang bagong damit.  I used to complain to my mom, sabi ko, bakit wala akong bagong sapatos o mga damit, kung masisira na or nakakalakihan ko na, tsaka sya bibili - one size bigger pa.  Ang point ng mom ko is malalakihan ko daw.  Kung may work naraw ako tsaka naraw ako bumili kung ilan pairs at ilang damit gusto ko kasi by then, I have my own style, my own money and hindi narin ako lalaki (supposedly haha - horizontally naman kasi). Kaya nga siguro yung hilig ko ngayon sa shopping at sa kakikayan eh ngayon ko lang nababawi.  ;D

Kasi kahit nung HS ako, walang makeup makeup or anything kakikayan.  Point ng mom ko (again), mag-aral mabuti tsaka na magpaganda.  Kung paganda ka nga ng paganda during your HS/college days, wala naman laman utak mo, where will you get your money to sustain them when you graduate?  Sabi nya magastos magpaganda noh!  Kaya ang bilin nya, mag-aral mabuti, get a good job/career to sustain all lahat ng gusto kong arte sa katawan.  Ni Prom nga, hindi sya nag-e-encourage magpa makeup sa parlor. Point nya, sa bahay nalang, konti lang, ok na. 

And after all these years, you know what, she was right.  Mom knows best talaga. Kasi my mom was balancing our needs and their retirement.  They are now retired, not needing to ask money from us.  Pag nagbibigay ako, binabalik din nya by giving money to my son.  Kaya nga minsan, I give through kind nalang (like trips) na naka ticket na, para hindi na nya ma-gauge yung amount.

 

Tapos ito naman, about my tita na walang pangretire, sige nang luho at gastos (like naka fast speed internet yan sa house kahit minsan lang gamit, 2 telephon lines pa at one time, travel dito at doon para maka keep up with her amigas, memberships kung saan saan).  Pero now, namomoblema sya sa retirement nya. Pag kinkwento ko about my mom and dad did, sasabihin nya, swerte ang mom/dad ko.  Ang point ko hindi eh. Kita ko naman kasi ang way of life nila - ibang iba.   My dad eh kahit may car, nakagisnan na nyang magcommute kasi nagtitipid.  Ngayon, he finds it more convenient pa.  Eh samantalang ang tita ko, hindi makalabas ng bahay kung walang susundo. Minsan ginawa pakong driver, at minsan nagpapahanap pa kay hubby ng driver. duh! yan ba ang walang pang-retire?!?! lagot man, kung sino susustento sa kanila, high maintenance!   :-\



« Last Edit: July 24, 2011, 07:56:01 am by blooming »

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #154 on: July 24, 2011, 08:55:40 am »
I have a friend na Kano, after mag highschool ng anak nya, pinasok muna sa community college yung son nya for 2 years. At the same time, may part time work din as bagger sa grocery yung bata. Then nag student loan na once pumasok sa university. Ang point ng friend ko kahit can afford sila is turuan yung bata maging independent while sya naman starts saving for their retirement na. Once nag pamilya na daw yung son nya, yun na ang priority & ayaw nya maging burden sa son nya.
« Last Edit: July 24, 2011, 08:57:35 am by Longhair »

prisma

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #155 on: July 24, 2011, 10:01:36 am »
^ tama.  Ganun balak namin sa anak ko.  Kasi, dito sa Pinas, nasanay na puro bigay lahat.

They should make their own living.

mommycute46

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #156 on: July 25, 2011, 12:25:02 pm »
I'm an eldest child and a breadwinner. Because of this I'm scared to have my own family, having this kind of responsibility is difficult.

Sis, do not think of backward responsibility more than your future responsibility. Think of yourself also, paano kung hindi ka magkapamilya, sinu titingin sa 'yo pagtanda mo? your parents? of course not mas mauuna na sila kesa sa 'yo. Your siblings dahil tinulungan mo sila? no...they have their own families too... minsan pa nga kung sino ang natulungan sila ang walang utang na loob...your nephews? wag ka na umasa, magka2roon na rin mga yan ng sariling pamilya, and you are not their priorities. Pasalamat ka na lang kung makapag thank you sila after helping them.

 

whitelady17

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #157 on: July 25, 2011, 12:35:49 pm »
I'm an eldest child and a breadwinner. Because of this I'm scared to have my own family, having this kind of responsibility is difficult.

sis, mas iba pa rin kung sa anak mo na ang bibigyan mo ng pansin eh, mas may fulfillment tama po si sis mommycute eh, mas mahirap tumanda ng mag-isa

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #158 on: July 25, 2011, 01:16:38 pm »
Sis, I hope you learn from my mistake. I got married late supporting my siblings. But they didnt finish school & got married early. Now all of them have kids except me. I intentionally cut all forms of communications with them since my mother wants me to help them again. Not to mention the lies & drama to make me feel guilty to continue the financial support. But I dont want to be their victim anymore & become an enabler. I just hope that God will understand & forgive me for intentionally refusing to help them.

mommycute46

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #159 on: July 25, 2011, 01:57:55 pm »
Sis, I hope you learn from my mistake. I got married late supporting my siblings. But they didnt finish school & got married early. Now all of them have kids except me. I intentionally cut all forms of communications with them since my mother wants me to help them again. Not to mention the lies & drama to make me feel guilty to continue the financial support. But I dont want to be their victim anymore & become an enabler. I just hope that God will understand & forgive me for intentionally refusing to help them.

Parehas pala tayo ng strategy para di mahingan ng tulong  ;D. I cut my communication with them by changing my number. But it doesn't mean hindi ako tutulong, gusto ko lang kasi pag may pera ako saka ako magbibigay ng kusa, hindi yong inoobliga ako na parang ako ang may responsibilidad sa kanila. Ginawan ko na lang ng account kaptid ko para doon ko ideposit kung may maibibigay ako for her allowance or rent. Although lately hindi na ako nakapagpadala due to my baby's needs. Hindi sa nagdadamot ako but I want her to make diskarte just like me nong nag-aaral ako since hindi lahat provided sa akin before.

One of the reason also why i opted to have a child at an early age, mas gusto ko na nakikita na sa anak ko napupunta ang pinaghirapan ko than fulfilling a backward responsibility. Conservative lang ako to think also my child, kasi baka sa kakatulong ko sa kanila, darating ang araw na yong anak ko hindi ko na mapag-aral sa matinong school or di ko maibigay lahat ng gamit niya. Sabi ko, I can help without depriving myself also. Kaya hindi ako nakinig sa nanay ko nong sinabi niya saka na yang pag-aasawa  ;D Well...saka naman talaga kasi gusto ko anak muna  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close