watch now

Author Topic: Filipino couples who are childless by choice...  (Read 45514 times)

tabbru

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #60 on: April 27, 2011, 11:11:57 am »
^ Baka kasi sis you are imposing your standards of raising a kid sa standards niya. Tama sina sis bubblin and ning kuting, it takes more than 1M to raise a kid. Dagdag pa ang sari-saring factors.

Yung sagot niya na stressful ang mga bata at hindi siya mahilig sa mga bata ay ENOUGH REASON for me. Hindi siya questionable. Baka wala ng mas malalim pang dahilan. I feel the same way, too. I am 31 years old, and I am getting married on January 2012. Both me and my fiance are doing ok financially. Pero yan pa rin ang nararamdaman ko when it comes to kids. Kasi nga lifetime commitment ang pag-aanak, a very big responsibility. And with responsibility comes stress.

Also, siguro nga madaling magpa-aral sa Pinas kung sa tabi-tabi ka lang magpapa-aral. Ako kasi dream ko na kung magkaka-anak ko, sa isang Ivy League school ko paga-aaralin ng college. Galing kasi na kasi ako sa UP, kaya kung magkaka-offspring ako, gusto ko sa isang "higher" university para may improvement naman. The thing is, mukhang mas mura ang Hermes kesa Harvard! hehe!

nadialicious16

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #61 on: April 27, 2011, 11:22:42 am »
^ Sa Australia kami naka base sis. Kaya hindi problema ang pag papa aral ng bata. Naaawa ako sa husband ni friendship kasi nakikita ko gusto nya mag ka anak pero sabi nya nirerespect daw nya decision ng asawa nya. Sobrang mag ka opposite sila sa pananaw regarding sa pag aanak. Mabuti na lang understanding ang husband nya.Sayang i so love to see their product of love pa naman. lol !

izabelle

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #62 on: April 27, 2011, 01:37:29 pm »
baka naman yun lang talaga sagot nya :) minsan kasi ang sagot ng iba hindi enough for us pero what if yun talaga sagot nya.

Like me, kapag tinatanong ako kung bakit ayaw pa namin magbaby sa ngayon, simpleng sagot lang, "eh sa ayoko pa" :D yun ang sagot eh, wala man kwenta for others pero it's enough for me to justify ang decision namin ng hubby ko... :)

tennisgirl

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #63 on: April 27, 2011, 02:04:52 pm »
ang ganda ng topic na toh!  :) ang dami kong natutunan sa inyo mga sis. i'm single pero based sa mga experiences ng mga kakilala ko, totoo ang mga sinabi nyo. i have an aunt na di na sila nagkaanak ng hubby nya kasi pinili nila ang career. ayun successful naman sila dun sa australia. yun namang highschool classmate ko, married sila ng hubby nya for 3 years na yata pero wala pang anak. pag tinatanong sya, ang sagot nya lagi silang stressed sa work and nag-iipon pa sila. yun namang college classmate ko, she was pregnant na when she got married. hindi pa siguro ready na maging parent or di pa sawa sa buhay dalaga, ayun iniwan ang less than a year old nilang anak at namasyal sa hk and macau. the next year sa shanghai naman namasyal. naawa tuloy ako dun sa bata. :( then siguro di kasi kaya ng mga salaries nila na magpalaki and magpaaral ng bata kaya si girl nag-abroad. when she returned last year, ayun na-preggy na naman. dun na nya sa abroad pinagpatuloy ang pregnancy nya and dun na sya nanganak. nung nalaman ko yun, parang ako ang nahirapan sa condition nya. imagine, she's alone, mahirap magbuntis and nung nanganak sya, wala ang hubby nya dun.

kanya-kanya talaga ng priorities ang bawat couple. pansin ko lang, yung mga responsible couples di talaga basta-basta nag-aanak kasi gusto nila mabigay ang best sa anak nila.

Bubblin

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #64 on: April 27, 2011, 10:47:33 pm »
May isinagot pa sya sa akin non, stressful daw ang mga bata at saka hindi daw sya mahilig sa bata which is hindi ko rin naintindihan lol ! ;D Feeling ko kasi may mas malalim pa syang dahilan ayaw lang nya magsabi.  IMO.
ganyan din ako eh, wala akong hilig sa bata.hindi ako yung tipong manghihiram ng baby ng may baby para lang kargahin at laruin.to be honest,I prefer having a cute dog/cat over a baby.at agree ako sa kanya, stressful nga magpalaki ng bata.yung tipong 12 YO below eh mas-stress ka na, what more kapag teenager na.

I agree with izabelle, baka yung reasons niya na yung eh truly justified na para hindi siya magkaanak.napag-usapan ba nila ng hubby niya yung tungkol sa pagpapamilya bago sila ikasal?
as for me, yes I will be really honest about it.I will tell my future husband that no kids for me.para naman hindi na niya sayangin ang oras niyang makipag-relasyon sa akin.we might as well go our separate ways than argue about that topic.

@tennisgirl: your friend reminded me of an ex-friend na nagpabuntis dahil gusto nya RAW magka-anak. well, siya yung nanay na pero dinaig pa nya akong dalaga at walan anak sa pag-gimik.every weekend nasa inuman,nasa galaan,nasa pasyalan kasama yung bf or friends niya.isa sa reason ng falling out namin ay napaka-hypocrite niya.niyaya namin siya mag-outing, pero may kung ano-anong nasasabi na sya dun sa isa pa naming friend.pumantig tenga ko sa sinabi niya na "kung maga-outing ako,mas pipiliin ko kasama pamilya ko". sumama pa rin siya sa outing, and lo and behold,siya yung lasing na lasing at nagwawala dun sa resort.to think na kami nagsabi sa kanya isama yung anak tsaka yaya niya,siya yung ayaw dahil kesyo mapapagod daw.du'h!!! kala ko ba family first?!?!
« Last Edit: April 27, 2011, 10:54:37 pm by Bubblin' »

izabelle

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #65 on: April 28, 2011, 12:09:56 am »
^LOL kaloka naman yung ex friend mo na yan.

Minsan nga may mega comment sa akin ng bakit yan ang reason mo walang kwenta?

aba naman, kailangan ko pa bang mag isip ng mabigat na reason para lang to please them? eh yun dahilan ko, mali man or tama, mababaw man para sa iba, kanya kanyang rason yan :D basta yun ang dahilan ko! :P

bottom line lagi is respect other people's decision :) ganoon talaga ang life. Iba iba tayo ng priorities. Malay natin yung mga childless by choice dun sila happy talaga.

cassiopeia

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #66 on: April 28, 2011, 01:03:31 am »
i know a couple too, ayaw nila magka baby kasi nga di nila type.. lalo na yung girl.. di siya mahilig sa bata.. i respect naman what they want in their lives, pero nagtataka lang ako what naging reason talaga why ayaw niya? maybe something happened that caused her trauma ng pagaalaga.. oh well..that's their choice.

tabbru

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #67 on: April 28, 2011, 07:55:42 am »
^ ako sis, di mahilig sa bata... kung ako lang din ang masusunod, ayaw ko magka-anak (pero gusto kong fiance ko eh)... wala naman akong trauma whatsoever... wala lang talaga akong hilig sa bata PERIOD... hehe...

phurple0515

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #68 on: April 28, 2011, 09:08:40 am »
ako naman mahilig din ako sa bata, katunayan nga isa ako sa mga nagaalaga sa mga pinsan ko nong baby pa sila.  pero sabi nga namin ni hubby, it will come.  we are just enjoying each other's company pa.  we just decided na to be childless muna.  kainis lang talaga pag nagtatanong talaga ibang tao, sarap sabihan na wag na silang mangialam pa, hehe

hisana

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #69 on: April 28, 2011, 09:48:34 am »

Hindi mahilig sa bata is reason enough. Now I'm thinking, ano ba mahirap intindihin dun. Kung ako nga itatanong, I will just say na it's my decision not to have kids. No need for further explanation. Kasi hindi ko obligation ma-satisfy curiosity nila, LOL.

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #70 on: April 28, 2011, 10:50:33 am »
i think our decision with our lives is not their business anymore, buhay natin to eh, di natin to utang sa kanila mga echoserang palaka silang lahat!! kainis sila!!

phurple0515

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #71 on: April 28, 2011, 11:31:28 am »
^ tama ka, lagi ko nga sinasabi pag inis mode na ko, 'Di kita pinapakialaman sa buhay mo so deadmahin mo din ako', hehe!


Bubblin

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #72 on: April 28, 2011, 11:40:01 am »
Minsan nga may mega comment sa akin ng bakit yan ang reason mo walang kwenta?

korek sis. sasabihan ka pang napaka-selfish mo naman. well selfish na kung selfish, at least wala akong napakabigat na responsibilidad at gastusin. ewan ko kung baket ganyan ang culture ng karamihan sa mga Pinoy. kapag hindi ka typical mag-isip, huhusgahan ka.

@tabbru and hisana: apir apir tayo dyan. hindi rin ako mahilig sa mga bata.lalo na yung mga bata na hinahayaan lang ng mga magulang nila umiyak at magwala sa simbahan, restaurant, sinehan, or kahit sa mall na lang.

@runaway_bridesmaid: di ko nga alam kung ano meron sa kultura natin at maraming mahilig mangialam lalo na sa usapin ng pag-aasawa at pag-aanak. sarap sabihin, "sige manganganak ako. ikaw gumastos sa panganganak ko, ikaw mag-alaga at mag-paaral dyan ha"

tabbru

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #73 on: April 28, 2011, 12:11:46 pm »
@tabbru and hisana: apir apir tayo dyan. hindi rin ako mahilig sa mga bata.lalo na yung mga bata na hinahayaan lang ng mga magulang nila umiyak at magwala sa simbahan, restaurant, sinehan, or kahit sa mall na lang.


haha... kairita yung mga batang ganyan noh, sis? ang iingay, ang gugulo! at talagang mas nakakairita ang magulang na pinapabayaang ganyan ang mga anak nila! haler, hindi lahat naku-cute-an sa mga  anak nila noh!
« Last Edit: April 28, 2011, 01:04:05 pm by tabbru »

phurple0515

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #74 on: April 28, 2011, 12:45:09 pm »
^ isama mo pa yong mga anak ng anak na hinahayaang mamalimos ang mga anak sa lansangan, pero sila na magulang o ina, andon, nakikipagtsismisan, etc.  Madami nyan sa may tapat ng Shangri-la sa Crossing, hehe

cassiopeia

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #75 on: April 28, 2011, 03:06:37 pm »
ako i have a daughter na, pero its also our choice not to follow agad ng isa or dalawa pa.. hehe.. pero like all our sisses here, we have our own choice, everything has its time and purpose. for those couple na who chose to be childless, i actually admire them, kahit na they don't have kids, they have more time for their partners and more time for themselves to grow and live the life they want, and who knows, maybe in time, everything will fall into its place, kung magkaanak sila.. their more mature to face things and handle things especially on having kids.

izabelle

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #76 on: April 28, 2011, 06:41:34 pm »
korek sis. sasabihan ka pang napaka-selfish mo naman. well selfish na kung selfish, at least wala akong napakabigat na responsibilidad at gastusin. ewan ko kung baket ganyan ang culture ng karamihan sa mga Pinoy. kapag hindi ka typical mag-isip, huhusgahan ka.

yan na yata ang pinaka nakakairita, yun masabihan ka ng selfish just because pinili mong maging childless or huwag muna mag baby.

for me lang ha, mas selfish yung nag aanak pero hindi kayang buhayin yun mga bata at hindi mabigyan ng maganda at maayos na buhay.

tabbru

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #77 on: April 28, 2011, 08:52:09 pm »
ako i have a daughter na, pero its also our choice not to follow agad ng isa or dalawa pa.. hehe.. pero like all our sisses here, we have our own choice, everything has its time and purpose. for those couple na who chose to be childless, i actually admire them, kahit na they don't have kids, they have more time for their partners and more time for themselves to grow and live the life they want, and who knows, maybe in time, everything will fall into its place, kung magkaanak sila.. their more mature to face things and handle things especially on having kids.


Hmmm, no offense meant, sis. Pero parang ang dating pag ia-analyze ang sinabi mo na "temporary" lang ang kagustuhan ng iba na hindi muna magka-anak and eventually "everything will fall into its place... and they'd be more MATURE to face things and handle things especially on having kids.... " So para sa iyo, hindi maturity pagpili ng buhay na childless? And that ang perfect scenario pa rin ay yung magkaka-anak sila someday?

I believe that people who chose to be childless are matured and responsible people who chose a certain way, a probably different way (kumabaga, the road less travelled), to live their lives. Tama si sis izabelle, hindi sila selfish. It just so happened na alam nila ang gusto nila sa buhay at iyon ang pinupursue nila. I've seen a lot of parents out there, both young and old, rich and poor, who have children just because it's the given status quo. Iyon kasi ang normal na buhay na madaling tahakin. Walang opposition eh. Pero ilan ba talaga sa kanila ang nagrereflect about parenthood?
« Last Edit: April 28, 2011, 08:54:37 pm by tabbru »

artegirl

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #78 on: April 28, 2011, 11:19:43 pm »
i know a couple too, ayaw nila magka baby kasi nga di nila type.. lalo na yung girl.. di siya mahilig sa bata.. i respect naman what they want in their lives, pero nagtataka lang ako what naging reason talaga why ayaw niya? maybe something happened that caused her trauma ng pagaalaga.. oh well..that's their choice.

ako din sis, hindi ako mahilig sa bata (except for my niece).  but I don't have any trauma naman. 

artegirl

  • Guest
Re: Filipino couples who are childless by choice...
« Reply #79 on: April 28, 2011, 11:37:00 pm »
I think kasi when you analyze the merits of having a child or not, most likely mapunta ka sa side ng childless by choice.  it's such a huge responsibility kasi, financially and psychologically. 

I actually find it so puzzling that people will plan more in acquiring a house than in having a child.  alam mo yun, pagbibili ng property todo plan talaga kasi huge financial responsibility talaga sya.  pero pagdating sa anak, although mas malaking responsibility, hindi masyado pinag-iisipan... 

on the other hand, naisip ko din siguro the desire to pro-create is something that must be in the DNA.  hindi na dapat pinag iisipan.  you know the movie March of the Penguins?  Grabe talaga yung hardship that the male penguin sa to go through to protect the egg.  Naisip ko, kung penguin kami ng husband ko, we would not be joining the mating season kasi takot lang namin mahirapan pag dating ng winter!  naisip ko nga, what motivates those penguins to pro-create? 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close