This will be also my last statement din on this.
Hindi naman kami monsters na dapat katakutan ng kids o kaasaran ng magulang. Kapag may nagngangangawang bata dyan, hindi naman namin sila kinukurot o sinisinghalan. Wala naman kaming ginagawa. Hindi naman namin inaaway ang mga magulang nila. We keep quiet all the time. If you do not call that TOLERATION, then what is it?
Kung may sinasabi man kaming "naiirita" kami, dito na lang sa forum iyon. Kung nasabi man na isa sa mga sis natin na "masarap isilid sa sako" ang bata na magulo, siguro naglalabas lang siya ng sentiments nya. Sometimes we tend to exaggerate what we say just to stress a point. Pero I doubt kung kaya niyang gawin yun in real life.
Ang alam namin, free mag voice out ng opinion dito. At tama, pumili naman kami ng thread kung saan sa tingin namin na appropriate ang opinion namin. Wala tayo ngayon sa parenting/child thread. Check my profile, tingnan ninyo kung minsan man ay nag-post ako sa theads dun. I admire mothers who are devoted to their children. I have a mother, too. So sa mga sinabi ko, wala akong nanay na ginustong masaktan. Kasi kung talagang mag-aangas ako, ilalabas ko na lang sa nanay na may maingay na anak sa loob ng starbucks.
Speaking of Starbucks. Yeah, may starbucks na menu for kids. But we cannot deny the fact na it is a coffee shop and coffee shops mainly serve adults. Naglagay sila ng menu for kids kasi hindi naman naiiwasan na may maisamang bata sa loob, so dagdag benta na rin. Hindi naman ako nagrereact sa idea na may bata sa loob. But when they start screaming and running beside you, at masyado kang engrossed sa binabasa mo, hindi naman siguro kasalanan ang mainis. Minsan may kid pa na gumagalaw sa mga pens ko, hindi sinasaway ng magulang. I felt violated pero sige lang hinahayaan ko lang, bata eh. Hindi ako pumapatol sa bata. And yes that was my personal space that was invaded. Kasi kahit nasa public space tayo, we still maintain a “personal space.” In Sociology, we also call it personal bubble. An invasion of this personal bubble of course leads to discomfort and anxiety. How would you feel kung isang adult ang umuwi sa tabing upuan mo at galaw-galawin ang mga gamit mo? Magagalit ka, di ba? Pero kung isang bata, dapat ok lang kasi nga di nila naiintindihan. But what pisses me off is yung pagwawalang-bahala ng magulang sa di sinasadyang panggugulo sa akin ng anak niya. Kung magulo ang bata sa loob, sa tingin ko pwede namang ilabas muna para ipacify.
There is a great chance that I will become a mother too in the next 2 or 3 years. Inasmuch as I do not want to have a child, my fiancé is so keen on having one. Or at least two. Katulad na nga rin ng nasabi ng isa din sis natin dito, the decision has to be mutual. In our case, nagnegotiate kaming dalawa at syempre ang MAINSTREAM (i.e. having a child) ang magwawagi. Pero sinabi ko sa kanya na hindi dapat mawala ang sarili kong identity pag nagka-anak na kami. I also do not want to lose my objectivity. I will definitely love my child, fight and be responsible for him/her. Pero hindi naman ibig sabihin na hindi na rin ako magiging mindful sa ibang tao.
If people think that this is selfish, so be it. But who are we to judge, really?
Kung meron mang moms na na-hurt sa mga nasabi ko, I apologize.