watch now

Author Topic: :(Frustrated lady driver? thread 2  (Read 115334 times)

Red Rack 21

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #200 on: April 18, 2013, 02:10:04 pm »
it helps a lot to become a proficient driver if you'll drive everyday and and you don't have anybody in the house that you can rely on  to drive for you. that's how i learned kahit na sobrang kabado ko nung una. my husband works abroad and i have 4 kids. we have a car parked in the garage  but i don't know how to drive . i told myself i must learn how to drive by hook or by crook... for my kids na din in case of emergencies and so we can  also go anytime and anywhere we want. in short makagala hehe.  i started 2009 and i learned fast kasi nga araw araw nag dadrive ako. kaya ko  na kahit long driving na try ko na nagcarlan, tagaytay, subic. kaya naman kaso nakakapagod pala kaya maigi pa boys na lang talaga mag drive ;D pag long driving. saka another realization mas masarap pala mag drive sa expressway kesa sa mga inner roads in the metro kasi masikip madaming nakahalang sa kalsada hehe. goodluck to all and in due time masasanay din kayo basta wag umasa na may ibang mag drive para mapilitan talaga kayo na kayo na lang mag drive..

fragmentedmind

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #201 on: May 08, 2013, 09:57:14 pm »
Haaay, sobrang frustrated na ko. Twice na akong nagda-driving lesson. pero hanggang ngayon, hirap pa rin akong mag-drive. Okay ako pag sa loob ng subdivision at nearby places sa min na may speed limit. Pero once nasa highway ako or medyo mabilis na ang takbo, lagi nalang sinasabi ng dad ko at male friends and relatives na "magalaw" daw yung sasakyan. Pero hindi ko naman nararamdaman yung sinasabi nila! Tapos when turning, hirap pa rin akong tumantya kung hanggang saan ko itu-turn yung manibela. Laing ina-advice sa kin, pakiramdaman ko yung gulong, pero hindi ko maintindihan. Pano ko mararamdaman yung gulong kung nasa loob ako ng sasakyan?

freelancer_babe

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #202 on: May 09, 2013, 07:55:30 am »
^ paano raw yung "magalaw"? yung nag-she-shake ang sasakyan?

fragmentedmind

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #203 on: May 11, 2013, 02:35:47 pm »
^ paano raw yung "magalaw"? yung nag-she-shake ang sasakyan?

Gumegewang daw. -__- Eh tina-try ko lang naman to make sure na straight sya. Hindi pa kasi ako sanay sa pag-dadrive ng mabilis sa highway. Pero laging sinsabi sa kin magalaw daw.

agape

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #204 on: May 14, 2013, 10:51:11 pm »
^lubak-lubak ba ang kalye?
or baka mis-aligned na yung car, old model ba?

pumpkin13

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #205 on: May 17, 2013, 04:05:18 pm »
Ako frustrated na talaga kasi I don't have my own car. Makiki-drive lang ako dito sa bahay if ever. Pero I still want to learn in case of emergency na walang ibang magddrive or kelangan may dalhin sa hospital. I remember kasi when my friend got sick and nagpasama sya sa Medical City, sya pa ang nagdrive. Ako nasa passenger seat feeling so useless.  :-[

We had an old car na pwede ko sana pagpraktisan pero nabenta na. We got a brand new car and parang lalong ayaw ipa-drive sakin. I understand why pero nakakafrustrate kasi parang nasayang lang yung inaral ko sa driving school. Wala naman akong practice. I still know the theory pero anong sense nun if yung footworks ko walang kwenta. :-[

I can't afford to get my own car yet so I don't know. I'm just so frustrated.

roxykarlo

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #206 on: May 18, 2013, 11:01:00 am »
sis pumpkin, ipon lang, dami cars nowadays na binebenta ng mura.  :)

iamasinger

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #207 on: May 22, 2013, 01:29:10 pm »
hi. i've been driving every day from our house to the village gate dahil di ko pa carry ang iluwas sa maynila ang kotse atsaka hindi praktikal na lumuwas araw-araw papasok ng opisina. once pa lang akong lumabas sa highway then hindi ko na sinundan dahil takot akong mabangga. but there is this inner voice that keeps on telling me to drive the car out. so one day, i made up my mind to try driving my son to his school. aba, sa garahe pa lang nakasagasa na ako ng kuting. :( hindi ko naman alam na may kuting sa ilalim ng kotse. hindi kasi sya taga-sa amin. i mean kung yung pusa na laging pumupunta sa amin, once na umandar yung makina ng sasakyan, tumatakbo na kaagad yun palayo ng sasakyan. oh well, nakita ko pa man din yung hitsura ng kuting, hindi ko na babanggitin kasi baka may kumakain dito. pero ayun nga, sobrang apektado ako to think na kuting pa lang yun. ang bigat ng kalooban ko kasi akala ko noong una sya yung pusa na laging tumatambay sa amin. so nalungkot ako that day. then noong nagdadrive na ako, na-occupy yung utak ko ng pangyayari then merong tao na naglalakad sa gitna ng daan. nawala ang focus ko na papa-cross na ako ng intersection but mind you kaka-change ko pa lang sa 2nd gear kaya yung takbo ko more or less nasa 20kph pa lang. then buti na lang lumingon ako sa kanan ko ayun nakita ko yung mabilis na SUV (Fortuner ata) kaagad-agad nagbreak ako. Yung driver ng SUV huminto din pero umandaar din kaagad na habang umaandar yung sasakyan nya nakalingon sya sa akin na para bang ako pa ang may sala sa muntik-muntikan naming pagbangga. Samantalang sya nga ang mabilis magmaneho dahil galing sya sa isang street na magkakalayo yung intersection samantalang ako mga less than 10 meters lang from the last intersection na dinaanan ko. Secondary road yung dinadaanan ko samantalang sya, kailangan pa nyang dumaan pa sa road na ina-access ko para maka-connect sya sa main road. Sumatutal, ako yung tinutumbok kong kalye ay papuntang main road ng village samantalang sya hindi. Pero sya pa ang may astang magalit. So to cut the long story short, hindi ko na itinuloy yung paghatid sa anak ko sa school nila. Sabi ko baka sign yun na kailangan ko pang magsanay pa ng husto. Kaso paano naman ako masasanay kung nasa village lang ako. :(

BTW, I'd like to ask kung kayo din ba ay naka-experience ng konting kaba kapag nakita mo na may isang sasakyan din na mag-co-cross ng intersection. Blind intersection pa naman yun dahil hindi kayo nagkakakitaan noong driver ng sasakyan dahil may bahay o may pader. Yung parang nabigla ka, but I'm confident naman na hindi ko sya mababangga kahit nasa main road ako at ako ang may right of way. Pero kinakabahan ako dahil baka ako ang banggain nya. Knowing kasi na ako ay hindi kaskasero (I adhere to the 30kph speed limit in our village) but minsan nakakatakbo ako ng 40kph kapag straight yung daan at walang intersection or merging road. But when it comes to intersection natuto na akong mag-menor kahit na nasa main road ako. Nang mag-drive din ako sa labas ng village, kinakabahan ako kapag approaching na ako ng intersection at kapag may mga tumatawid. Ganito ba talaga sa umpisa at eventually mawawala din yun?

freelancer_babe

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #208 on: May 22, 2013, 01:54:39 pm »
^ Ganyan rin ako noong una. Kakaba-kaba.

Ngayon ibang mga driver na ang kinakabahan sa akin.

Totoo naman kasing nawawala ang kaba lalo na kung sanay ka na. At dahil sanay ka na, mas gugustuhin na ng mga mas experienced na driver na ikaw na rin ang magdrive ng sarili mong sasakyan (dahil sanay ka na sa feel nyan eh, hehe).

Pero hanggang ngayon (na magaling na akong magdrive) nakakasagasa pa rin ako ng kuting. Nakakalungkot nga naman pero di naman kasi maiwasan eh. Di sila kasi tulad ng aso na marunong umiwas, kaya kung mapapansin mo rin, maraming mga pusa ang mga namamatay sa pagtawid sa daan.

swim_fatale

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #209 on: June 04, 2013, 11:00:48 am »
Hi mga sis! I had my first 2-hr driving lesson nung Sunday (2 days ago). Mamaya yung second lesson ko at 5-7pm. Medyo kabado ako kasi 2nd time ko pa lang hahawak ng sasakyan at night driving agad! No choice kasi yun lang availabale time ko. I'm not (yet) a frustrated driver pero naaanticipate ko na na bago pa matapos ang 10 hr (pluys one free hour) driving lessons ko em maeexperice ko ang frustration, hehe

So far nung first lesson ko, ok naman pagtimpla ko sa gas at clutch pero sobrang simple lang naman kasi yung mga pinagawa sakin ng instructor. Yung una, lumabas kami sa lote ng driving school to main (national) road. Sunday yun kaya konti ang sasakyan at mababagal lang sila. Then pumasok kami sa isang nearby subdivision. Liko liko lang ako dun, ok naman, di ako namatayan nang makina kahit once. May intersection din sa subd pero wala naman gaanong sasakyan kaya hindi ako kinabahan. Ang true test talaga nito eh pag di na ako sasabihan ng instructor ko kung anong gagawin tsaka pag nag try na akong i-drive ang kotse ko next week after my lessons are done! Nerbyosa din ako mga sis at may sakit pa akong nagpa-panic attack! Sa katunayan may baon pa akong tranquilizer, LOL. Pero kaya natin to! Go lady drivers!!! :D (parang athletic team lang eh no?)

iamasinger

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #210 on: June 04, 2013, 04:18:08 pm »
Seriously? May tranquilizer ka talagang dala? LOL

Kaninang umaga muntik na akong mag-head on collision hehe. Buti na lang mabagal yung pagturn ko at the same time mabilis yung pagkabig ko ng manibela. Kung hindi nakow! Lagot na naman ako sa asawa ko. si Manong na nagdadrive ng kanyang owner-type jeep eh mabilis ang dating. Yun talagang mga co-village ko hindi na pinapansin ang speed limit na nakapaskil. Harabas kung harabas. Pero sa mga experiences ko na yan, natututo ako. Gustong-gusto ko ng lumabas ulit kaso kinokontra ako ng nanay ko. Dapat daw kung lalabas ako, may kasama daw akong marunong magdrive. Instructor lang ang dating nung kasama ko na yun... hehe. Baka magdumepende na ako ng husto sa kung ano ang sasabihin ng kasama ko at hindi ako matutong mag-isa.

swim_fatale

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #211 on: June 04, 2013, 08:54:20 pm »
Oo sis may dala akong Xanor, anti-anxiety meds yun. nag history kasi ng panic attacks ko eh pag nasa bus ako at nastuck sa traffic, parang nagiging claustrophobic ako tapos parang nac-CR ako na ewan. Hate ko ang feeling na "trapped" ako. That's one of the reasons why I'm learning to drive, para di na ako mag cocommute.

I had my second lesson today. Sa national road pa rin kami pero unlike nung Sunday, traffic na ngayon kasi week day at rush hour pa (5-7pm) pero ok lang naman, nakakangalay lang kasi clutch driver ako, palibhasa newbie, di ko pa naaalala kung kelan pwede nang iangat ang paa sa clutch (like pag nasa 2nd gear) tapos sa traffic usad pagong kaya babad talaga sa clutch. Ang tinuro pa lang sakin today is 2-point turn, 3-point turn at U-turn. Keri naman basta relaxed lang. Ang di ko pa makuha eh yung "working level" ng clutch at gas. Napapagalitan ako ng instructor ko pag napapadiin ako sa gas sabay sa clutch! Hahahaha! Di pa kasi instinctive o reflexive sakin sa ngayon yung pag release ng clutch at diin sa gas, pero 2nd lesson ko pa lang naman so di pa naman ako gaanong feeling bobo, hahaha. Sa Thursday ang nxt lesson ko, 2 days from now. I bet sa "timplahan" lesson pa rin ako idi-drill ng instructor ko...hayyyy

lonelymiss28

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #212 on: June 04, 2013, 09:55:31 pm »
first time ko mag-drive ng manual next week. so excited, pero sana magamay ko agad!

OD

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #213 on: June 04, 2013, 11:09:13 pm »
Ako frustrated na talaga kasi I don't have my own car. Makiki-drive lang ako dito sa bahay if ever. Pero I still want to learn in case of emergency na walang ibang magddrive or kelangan may dalhin sa hospital. I remember kasi when my friend got sick and nagpasama sya sa Medical City, sya pa ang nagdrive. Ako nasa passenger seat feeling so useless.  :-[

We had an old car na pwede ko sana pagpraktisan pero nabenta na. We got a brand new car and parang lalong ayaw ipa-drive sakin. I understand why pero nakakafrustrate kasi parang nasayang lang yung inaral ko sa driving school. Wala naman akong practice. I still know the theory pero anong sense nun if yung footworks ko walang kwenta. :-[

I can't afford to get my own car yet so I don't know. I'm just so frustrated.

I would have the same misgivings about you driving the new car if I were a family member. Ganon talaga eh. But girl, try to find a way. Maybe you could ask that friend you accompanied to the hospital and grant you driving lessons or permit you to try driving his/her car. I suggest you offer to pay. Or be really insistent with learning to drive the family car. Sabihin mo papa-gas mo hehe! No sane person would deny himself free fuel? Ma-gauge naman nila if you could already be entrusted with driving the family car depending on your current driving know-how.

freelancer_babe

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #214 on: June 05, 2013, 08:06:14 am »
^ I like your free fuel idea OD. Malaki ang possibility na papayag ang kapamilya.

Unless fuel money is not a problem for others.

iamasinger

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #215 on: June 07, 2013, 05:21:04 pm »
Bakit ako, ako ang gumagastos sa gasolina pero ayaw pa din akong payagan ng nanay ko at asawa ko na mag-isang magdrive? hehe.

swim_fatale, usually sa footworks yung laging needs improvement na comment na inilalagay ng instructor. magagamay mo din yan. hirap lang tumimpla kapag makapal ang swelas ng sapatos lalo na kapag rubber shoes ang suot mo. buti na lang nasasanay na din ako kahit ano pa yung suot ko. pero mas masarap kung nakatsinelas ka lang pero sabi nila di daw safe ang naka-slippers lang. the best kapag barefoot lang sa pagdadrive. ramdam na ramdam mo.

swim_fatale

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #216 on: June 07, 2013, 05:32:52 pm »
^ 4th lesson ko na today sis and I'm happy to say na malaki na ang improvement ko since my second lesson. Hindi na ako namamatayan nang makina. Kaya ko nang timplahin ang gas and clutch. Ang problema ko na lang, nakakalimutan/tinanatamad akong mag menor or mag first gear pag humps. Bwisit kasi yung subdivision na pinagdalhan sakin ng instructor ko last lesson, malalaki ang daan kaya keri sana mag segunda parati kaso maya't maya may humps! Dinadaya ko nga at inaalis ko na lang paa ko sa gas pag may humps imbes na mag first gear kaso either masyado mabagal akyat sa humps, or talbog! Galit na galit instructor ko pag ginagawa ko yun! Hahahaha!

Another MAJOR thing I have to improve on is the steering! Bakit ganun, para akong lasing humawak ng manibela? Konting galaw lang nagsi-swerve pa-kanan o pakaliwa. I have a hard time driving straight. :(

iamasinger

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #217 on: June 07, 2013, 06:00:44 pm »
^kakaiba naman yang experience mo sa manibela. i don't experience that. on humps, hindi ko ginagawang mag-first gear. i applied half break na kapag approaching na ako sa humps. dati kasi problem ko din yan pero now hindi na kakadaan ko sa humps sa gate ng village.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #218 on: June 07, 2013, 07:27:17 pm »

Another MAJOR thing I have to improve on is the steering! Bakit ganun, para akong lasing humawak ng manibela? Konting galaw lang nagsi-swerve pa-kanan o pakaliwa. I have a hard time driving straight. :(

Baka masyadong tight ang grip mo sa steering wheel sis. Ganyan ako nung una kaya madaling mag-swerve kase ang higpit ko kumapit sa manibela.

swim_fatale

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #219 on: June 07, 2013, 08:10:58 pm »
^Thanks for the tip sis twelvth_goddess! Baka nga subconsciously mahipit ang hawak ko. I-observe ko sarili ko bukas. Pero sa totoo lang kahit medyo loose yung grip ko parang sobrang sensitive nung steering wheel, mahipan lang lumiliko na! By the way, Vios 2013 na M/T yung ginagamit ko sa driving school.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close