watch now

Author Topic: :(Frustrated lady driver? thread 2  (Read 115051 times)

jamie_0117

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #180 on: February 27, 2013, 03:39:57 pm »
Hindi pala ako nag iisa. Gustong gusto ko mag drive. Medyo hindi lang talaga malakas loob ko pag hindi ko kabisado ang daan at mahirap ang parking.  :(Medyo hindi ko pa gamay mag drive sa Manila lalo na ang daming naka motor at bus. feeling ko any moment mkakapatay ako. :(

You have to work around your limitations. Matagal na ko driving, but shunga shunga sa directions - so I always take major roads, EDSA, Buendia, SLEX, no matter what, kahit may alternate routes. :)

Sa parking medyo mahina din spatial skills ko, so again, work around. Either dun ako sa maluwag ang bwelo sa parking or... valet parking :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #181 on: February 27, 2013, 04:04:57 pm »
Hindi pala ako nag iisa. Gustong gusto ko mag drive. Medyo hindi lang talaga malakas loob ko pag hindi ko kabisado ang daan at mahirap ang parking.  :(Medyo hindi ko pa gamay mag drive sa Manila lalo na ang daming naka motor at bus. feeling ko any moment mkakapatay ako. :(

Pero alam ko na i should overcome my fear. mahirap den kase ang nag co-commute lalo na may baby ako. Masarap gumala kasama ang baby ko kahet kami lang, feel na feel ko na super mom ako pag nakakaalis kami ni baby at nakakapag grocery.

I love going out with my daughter na kame lang (well we bring her yaya) kase mom-daughter bonding yan. With parking, it took me some time din. Keber ko sa mga naiinip sa likod ko dahil inaabot ako ng matagal sa pag-park.

lady gwenhwyfar

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #182 on: February 27, 2013, 04:19:15 pm »
ako din ganito.. waaaaah...

iamasinger

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #183 on: March 01, 2013, 03:17:56 pm »
napatawa mo ako sis. jamie_0117 sa valet parking. LOL kaya ko ng magpark sa garahe namin pero sa parking lot ng mall hindi ko pa na-try. siguro kung maaga ako at hindi pa ganun kadami ang kotse kaya ko. hehe.

yung schooling ko naman sa A1 noon ay every saturday lang kaya yun parang back to 0 kada session. ngayon ayaw ko na ding mag-enroll gusto ko na may kasama na lang ako na bihasa sa pagmamaneho para ma-guide ba ako kung tama ba or mali yung diskarte ko. yun nga lang ang mga posibleng magiging kasama ko sa driving eh mga malalaking tao. tipong 5'8" and above ang height kaya kitang kita nila yung harapan. gusto ko na ngang maglagay ng cushion sa upuan ko kaso baka hindi ako maging kumportble sa pagmamaneho.

« Last Edit: April 17, 2013, 11:28:10 am by iamasinger »

agape

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #184 on: March 22, 2013, 01:40:57 am »
Pwede pa lang bitawan ang clutch kahit nasa gear1 pa rin eh.
Ang ginagawa ko kasi basta gear1, I ride the clutch.

Pag deisel pala, not so sensitive para mamatayan ka ng makina.

freelancer_babe

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #185 on: March 22, 2013, 05:03:12 am »
Pwede pa lang bitawan ang clutch kahit nasa gear1 pa rin eh.
Ang ginagawa ko kasi basta gear1, I ride the clutch.

Don't do it long term. Madaling magwear out ang clutch. And it's very expensive to replace it.

anslim

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #186 on: March 22, 2013, 09:25:21 am »
Pwede pa lang bitawan ang clutch kahit nasa gear1 pa rin eh.
Ang ginagawa ko kasi basta gear1, I ride the clutch.

Pag deisel pala, not so sensitive para mamatayan ka ng makina.

As soon as the vehicle is moving forward, you may release your foot off the clutch pedal. Just regulate your speed using the accelerator, step on the clutch pedal again when shifting then release your foot off the clutch. Premature wear and tear will occur if you keep riding the clutch and if you don't put your foot off the clutch. They call this "clutch driver."


iamasinger

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #187 on: April 17, 2013, 11:41:21 am »
yung nakababad ang paa sa clutch kapag gear 1 turo yan ng mga instructor sa driving school. yung kapatid ko, nang makita nya na nakaapak pa din ako sa clutch pinatanggal sa akin kaagad. but si hubby na nag-aral sa driving school naturuan about the working level. na once na umandar na ang sasakyan pwede na nyang alisin yung paa sa clutch pedal. magaling yung mga instructor nya dun sa driving school na yun. tinuruan pa nga sya kung paano um-overtake. LOL.

may question ako, kapag ba half-break lang dapat naka-apak pa din sa clutch pedal? ganun kasi ang ginagawa ko.

nga pla mga sis, nakalabas na ako ng village last biyernes santo. konti lang ang sasakyan pero nagpiyesta ang mga motorsiklo. kung makaharurot mala-100kph sa bilis. i drove with my husband :D. tinanong nya ako kung kinakabahan daw ako. sabi ko wala kahit konti. feeling ko isang panaginip lang yung ginagawa ko. pero nang mag-react sya dahil iniwasan ko yung jeep na nasa unahan ko at kinabig ko pakaliwa yung manibela, doon ako kinabahan dahil nagulat ako. masyado daw dikit yung pagpihit ko. LOL. freak out ang mokong. LOL. kaya noong pauwi na, sabi ko sya na ang magdrive pabalik ng bahay dahil ninenerbiyos ako sa kaka-react nya ng, "Oh no!". napansin ko din mas malaki yung chance na mamatayan ako ng makina kapag may sakay ako. pero kung ako lang mag-isa dire-diretso lang.

freelancer_babe

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #188 on: April 17, 2013, 12:10:32 pm »
yung nakababad ang paa sa clutch kapag gear 1 turo yan ng mga instructor sa driving school.

Ganun ba? Siguro para siguradong di mamatayan ng makina ang mga nag-a-aral pa lang?

But on YouTube tutorial ng isang driving school na nakita ko, hindi naman inemphasize ng instructor yung pag-apak sa clutch parati sa first gear. Mas nakita ko pa ang engine break na sinasabi niya.

But I wouldn't do that and learn how to take off the clutch. First reason, it's VERY dangerous in particular kung pababa ang sasakyan sa isang steep incline. Pwede kang mawalan ng preno (and yes, naexperience ko na mawalan ng preno) while going down. In a very steep incline, most of the time first gear ang gamit diyan (or second gear, kung di gaanong steep, but not steady flat anyway) PLUS, dapat released ang clutch.

Second reason, is yung wear and tear sa clutch. The more you use the clutch, the more wear and tear. A clutch repair isn't that cheap. Mas mura pa ang repair sa brakes - always have a mechanic check the brakes whenever you decide to change oil.


but si hubby na nag-aral sa driving school naturuan about the working level. na once na umandar na ang sasakyan pwede na nyang alisin yung paa sa clutch pedal.

By "working level" you mean umaandar na ang sasakyan? If so, yes, ito ang nirerecommend ko na dapat gawin.

Though, there could be times na kailangang timplahin ang clutch (on and off) pagdating sa traffic. Yes, wear and tear ang kalalabasan nito sa clutch, but no choice talaga pagdating dito.

tinuruan pa nga sya kung paano um-overtake. LOL.

Overtaking is easy to learn but dangerous. Hehe. Ingat mabuti. I think mas madaling mag-overtake kaysa magparallel parking. And I also think overtaking is easier to master than how to handle your clutch, hehe.


may question ako, kapag ba half-break lang dapat naka-apak pa din sa clutch pedal? ganun kasi ang ginagawa ko.

It depends. Kailangan attuned ka rin sa makina ng car mo. Kung namamatayan ka na, then apakan mo ang clutch pedal (full, always full, unless you intend to release it). If not, then kahit hindi pa muna (but be prepared to press the clutch pedal just in case). Ito na siguro ang situation kung saan kailangan mong timplahin ang clutch.


---------------------------------

Kahit ako na sanay na sanay na, minsan nagrereact pa ang mga sakay ko, hehe.

Pero ganun pa man, isipin mo lang na mas dangerous ang highways at nakamamatay kaysa sa traffic na metal lang ang usually involved kapag nakakabangga dahil sa bagal ng takbo.

iamasinger

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #189 on: April 17, 2013, 02:20:48 pm »
on overtaking, wala naman talaga yun sa lesson nila. siguro mabagal yung nasa harapan nila at naiinip na yung instructor ni hubby kaya pina-overtake sya. i like to learn parallel parking too. kaso wala akong mapagpractice-san dito sa amin. i mean meron naman kung gugustuhin ko kaso kung magpark kasi yung mga homeowners na nagpapark near the village entrance eh malalaki yung distansya kaya hindi maia-apply yung mga techniques sa pagpa-parallel park.

mali pala yung pagkaka-construct ng sentence ko sa tanong ko regarding half breaking. kasi lagi naman talagang full clutch kapag mag-fu-full stop ka na. but i step on the clutch kahit half break lang. i normally do this kapag paliko ako at kung mag-slow down. yung driver namin nakikita ko na kapag halfbreak ang ginagawa nya, hindi kaagad umaapak sa clutch. kapag malapit na talaga sa sasakyan, dun pa lang sya aapak ng sagad sa clutch pedal. yung isang driver naman, nakikita ko na nagsi-shift sa neutral kapag papahinto na kung approaching sa traffic light. sa case ko madami pa akong titimplahing clutch at gas pedals LOL.

sis, major highway dinadaanan namin. paglabas pa lang ng village highway na kaagad. kaya nga hindi biro-biro ang lumabas ng village. kaya practice-practice pa din ako dito sa village. kapag may kasama akong marunong magmaneho, doon ako lalabas ulit. but i use the car every day hanggang sa gate ng village then pabalik sa bahay namin after office hours. kahit papano nagagamay ko na yung sasakyan. dati kapag naka-rubber shoes ako hirap akong magtimpla kasi hindi ko maramdaman kung sapat na ba yung pagkaka-apak ko sa gas pedal. ngayon sanay na ako ke-rubber shoes, flats, or tsinelas ang suot ko.

freelancer_babe

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #190 on: April 17, 2013, 02:50:05 pm »
^ About the half-braking,

kung namamatayan ka ng makina (and you'll feel it), apply clutch (full na).

kung hindi pa, coz you just want to slow down, then it's just okay not to use the clutch yet... but prepare your feet, in the event na mafeel mong mamamatayan ka na.

Remember though, pressing the brake often results to wear and tear naman on the brake. Pressing the clutch often results to wear and tear .... uhm, well on the clutch.

Generally mas mura ang maintenance sa brake kaysa sa clutch. But make sure na ipa-check mo ang brakes mo quite often - sa akin every change oil. Sometimes even much frequent than that depending on the situation.

Matagal mamaster ang parallel parking - na baka mauna mo pang makuha ang driving license bago mo maperfect ito (student pa ba hawak mo?). But in time, makukuha mo rin ito. It always helps to have a companion help you see kung makakabangga ka na o hindi - up to now kailangan ko pa ito though hindi na ako nahihirapan sa parallel.

Yes, sis, practice practice lang to places where you feel comfortable. Tama ka hindi rin recommended magpractice sa busy streets kung di mo pa kaya. Most drivers on the road has this mindset na lahat ng nagda-drive ng car sa daan, marunong magdrive. Eventually you'll get tired sa mga easy roads and you'll really want to venture further.

iamasinger

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #191 on: April 17, 2013, 03:23:54 pm »
non-pro na po ang license ko. :D bago pa yung kotse... wala pang one year kaya casa maintained yung kotse. halos sabay lang yung lisensya at kotse kaya super newbie lang ako sa driving. but lately lang ako naglalalabas dahil nga noong una na-frustrate na talaga ako. then overtime, na-overcome ko din yung feeling na yun at naisip ko sayang naman yung kotse kung hindi gagamitin araw-araw. i mean hindi naman binili yun para idisplay lang sa garahe. :D kaya ayun ginamit ko na.

freelancer_babe

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #192 on: April 17, 2013, 03:47:15 pm »
^ ah! yung kotse ang motivation hehe.  :)

Pag magaling ka na, wala lang yan sa iyo.

Take time sis. Mukhang paunti-unti nao-overcome mo naman.

pumpkin13

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #193 on: April 17, 2013, 07:07:50 pm »
hindi ko talaga kaya lumabas mag isa, dapat may kasama pa din ako for support and in case may mali akong gawin, may magsasabi sakin. kaso lang yun isang taong pedeng sumama sakin, mas ninenerbyos pa kesa sakin so nawawala yun confidence ko. :(

teng galing

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #194 on: April 17, 2013, 07:38:33 pm »
Pa join mga sisi, ako din lady driver. Matic dala kong kotse. Una din takot ako pero now ok na mabilis na ako mg drive at nag change lane na ako but ang problem ko talaga is parking lalo na yung paatras na parking, i dunno bakit di ko makuha technique. Can anyone share pano gingawa nyo pag park. Tia

freelancer_babe

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #195 on: April 17, 2013, 09:13:32 pm »
@pumpkin13,

hahaha! kaloka naman kung may ninenerbyos.

Minsan nasa passenger seat ako, tapos yung kaibigan ko ang nagdrive. Alam ko naman na magaling na driver ang kaibigan ko at medyo pareho kami ng driving style, pero - ninerbyos pa ako sa pagda-drive niya. LOL.

@teng galing,

Naku, wala sis. Puro tantyahan lang.

Ako rin noong una di ko makuha ang pagpark. Eventually dahil sa madalas ko lang gawin, nasanay na rin ako.

pumpkin13

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #196 on: April 17, 2013, 11:07:04 pm »
^oo sis, kaloka. nun nag aaral pa lang ako magdrive, i thought i could drive well not because professional ang kasama ko but because hindi sya kinakabahan. pag sinasabi ng instructor na "Ok ka na pala eh, pwede ng mag isa or pwede ng mag EDSA." Lumalakas lalo ang loob ko at naeenjoy ko. Kahit mamatayan ako ng makina, hindi ako nagpapanic. Pero pag yun isang tao, nawawala lakas ng loob ko, feeling ko laging mali ang gagawin ko. :(

cherry*coke

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #197 on: April 18, 2013, 05:44:56 am »
Pa join mga sisi, ako din lady driver. Matic dala kong kotse. Una din takot ako pero now ok na mabilis na ako mg drive at nag change lane na ako but ang problem ko talaga is parking lalo na yung paatras na parking, i dunno bakit di ko makuha technique. Can anyone share pano gingawa nyo pag park. Tia

First of all dapat nakaslant yun position ng koche and atleast 1 spot away ka dun sa targeted spot mo. Then adjust your mirrors so that you can see the lines of your targeted spot. Then pag kita mo na pasok yun pwet ng car mo dun sa loob ng line. Pwede kana mag back up. I hope dika naguluhan, hirap i explain eh..Hehe. Hope that helps

teng galing

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #198 on: April 18, 2013, 11:19:53 am »
Thanks sis, sana mkuha ko na

freelancer_babe

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #199 on: April 18, 2013, 12:12:03 pm »
... ang problem ko talaga is parking lalo na yung paatras na parking, i dunno bakit di ko makuha technique. Can anyone share pano gingawa nyo pag park.

so you mean parallel parking pala. I thought it's that ordinary backing up lang to park.

Here you go: http://www.youtube.com/watch?v=m85nAK3SUgc


 

Latest Stories

Load More Stories
Close