^yan ang boss! makatao!

what i'll post is something na nasa "what makes helpers leave" sana, kaso walang ganung topic eh. anyway, if has been the other way around, pasok na rin sa thread na to.

it was March 3, ages ago (di ko makalimutan ang date na yan

) nung pumasok ako as a houseboy in one of the posh subdivisions here in Metro Manila.
bago ako pumasok, in less than 2yrs lang, there were 20+ housemaids na lumayas at di tumagal sa house na yon.
pano ko nalaman? eh, nakasulat ang mga names nila sa double-deck bunks, may mga dates pa.
at sa pagtanong-tanong ko sa naiwang houseboy, sa driver at sa mga kapwa longkatutz ng mga kapitbahay, ang pinakamatagal na nanilbihan lasted for two months. merong isa nga lasted for only a week lang.
reason?
di masikmura ang bunganga ni Señora Maldita.

She and hubby were in their 60s that time, yung 3 unmarried sons living with them were in their 30s. sya lang yung bungangera. yung hubby at mga anak mga mababait naman, kahit na yung adik-adik.
so far, in my 3 months stay in that house, never nya akong tinalakan.
ewan ko, baka satisfied sya sa ginagawa ko, o alangan lang sya kasi palagi akong may hawak na itak (pang trim ng mga puno).

it's not always because of the sumptuous sweldo and the juicy benefits na tinatanggap ng mga katulong kaya tumatagal sila sa mga amo nila. malaking factor talaga yung how they are treated by the people they serve.
dito nga lang sa GT eh, may mga sissies dito na professional na ha, pero palipat-lipat ng work kasi di makasundo ang teamleader/supervisor (lang).
kaya i so, so agree with Kolinetongue.
treat them well... show them all the beauty they possess inside, give them a sense of pride...

and they'll stay.
mga tao naman sila. may mga puso't damdamin rin ang mga yan. nasasaktan rin at nahihiya pag pinagalitan na may kasamang mura pa, (kahit na kasalanan rin nila).