nag-ask ako before sa friend ko (GT din) sabi ko sa kanya, gusto kong magbasa ng books, kaso first 3 pages pa lang naantok na ako, baka daw hindi ko lang gusto yung genre na binabasa ko, Harry Potter lang siguro yung natapos kong basahin, at matagal ko pang natapos...
then nagbigay cia ng pdf, yung Beach, kaso hindi ko din nasimulan, sabi nya, basahin ko daw, kaso hindi ko na nabasa
then last year, puro fifty shades yung naririnig ko sa radio, nacurious ako, ano bang meron sa book na yun, nanghingi ako ng copy sa friend ko, ayun,yung book 1 mga 1month ko pa ata natapos, tapos yung 2books, natapos ko within 1month...nagustuhan ko yung story, hindi ako makamove on kay Christian Grey, nanghingi pa ako ng ebook sa kanya, sa cp ko lang binabasa, tapos ayun, hindi na ako makamove on kina Ryan, kina Luke, tapos ang sarap umiyak lalo na sa slammed, haha, ayun lagi na akong naghahanap ng ebook...
hindi ko ine-expect na ma-aadik ako kakabasa, napupuyat na ako palagi, ang laki na ng eyebags ko, LOL...
Natuwa ako, kasi alam ko na yung mga gusto kong books
pero sabi ko pa sa friend ko, ayoko ng romance, baka madala lang ako, yun pala yun pa magugustuhan ko, basta contemporary, haha
(ang sakit din pala sa ulo ang magbasa dahil sa puyat, haha, pero nakakatuwa

), sana matagal na akong nagbasa, pero buti na lang may ebook, at least, maraming na-sstore na books
