watch now

Author Topic: How to deal with this pain alone?  (Read 100864 times)

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #120 on: December 27, 2010, 01:54:39 pm »
^ Eh t**** pala yang BF mo eh. Gusto ko siyang suntukin!  ;D


Ang saklap ng sitwasyon mo sis. Masakit talaga madiscover mo may anak ang bf mo sa  ibang babae.. Grrrr... I can relate to that. Yun nga lang, anak niya sa previous GF niya. Ang sakit. Habang ikinukwento ko ito, sumisikip ang dibdib ko. Di ko alam kung ano na ang feelings ko pero bitter na bitter pa rin ako sa ex ko. Grabe kahit wala pa kaming 4 months para na akong lukarit sa kanya.


Iniwan niya ako ng di nagpapaalam. Kinausap lang ako nung time papaalis na siya patungong abroad. Kakaloka, tapos inamin pa niya na may anak siya.  :'( :'( ... Doon pa niya inamin nung time na wala na kami. Ayaw niya ng commitment kasi wala siyang trust sa sarili niya at baka masaktan na naman daw niya ako. Sobrang sakit sis. Nagplano na kaming magpakasal. Yung future namin pinaplan na namin, pero since na nafailed siya sa interview sa embassy parang nawalan na ng gana sa buhay kaya hayun, nangibang bansa para daw ituwid ang buhay niya. Ang kinaiinisan ko ay kung bakit itinago sakin ang anak niya! Tapos ngayon aalis at maiiwan na naman ang anak niya. Iniwan na nga ng mama niya kasi ayaw daw ng bata, kaya iniwan sa kanya. Naaawa ako sa anak niya kasi walang mama at papa na mag-aalaga. Sumisikip yung dibdib ko pag makakakita ako ng batang lalaki na kasing edad ng anak niya. Although sa pic ko lang nakita kasi di ko nameet yung family ng lalaki.


Tapos 1 week ago, tumawag ang mokong sakin, nagparamdam naman. Pinagbawalan pa ako na di na ikokontak si ex, kalaban niya. Aba, kiniclaim na kami pa. Gulo niya. Wala na akong trust sa kanya. Kung mahal niya ako, pwes patunayan niya. Pero dahil sa abroad siya, wala akong trust na hindi siya mambabae doon. womanizer yun! So to play safely, ayokong maging kami habang nasa abroad siya. Pero di naman talaga siya sure sakin. Ewan ko sa kanya. Di ako puppet. Gusto kong magmakaawa sa kanya na layuan na ako at patahimikin na ako, in respect sakin at sa mama ko na close na close niya. Kung mahal talaga niya ako, dapat di na siya nag-abroad. Pero kailangan ko raw intindihan siya, isa pa desisyon niya ang lahat. Hala! Bahala siya! Binigay ko na lahat ng best ko. Wala na akong magagawa. Ang nakakainis lang gusto ko ng magka-amnesia para makalimutan siya. Ang sakit. Mga tanong ko, di masagot sagot. Bakit kailangan pa niya akong saktan, wala naman akong pagkukulang sa kanya. Bakit kailangan pa niyang saktan ang isang tao kung tao rin lang naman siya at nasasaktan din. Hirap. 


Gaya ng sa'yo sis. Di ko rin magawang magalit sa kanya kahit sinaktan niya ako ng todo.  :'( :'(

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #121 on: December 27, 2010, 03:44:45 pm »
^ kaya naman pala. First boyfriend mo. 1st bf ko naman bff ko rin. Pero wala na 'yon. Bitter pa nga yon hanggang ngayon. Binoblock ko raw siya sa FB. Deactivated lang yung account ko di dahil sa kanya kundi dahil sa ipinagpalit ko sa kanya.  :P


Sa inis ko sis ng mabasa ko ang message mo, ayun sumulat nanaman ako sa blog ko about sa kanya, pero akin lang yun. Di ko iishare kahit kanino baka malaman pa ng madla sa amin na may anak na ang kumag. Binuhos ko lahat ng sama ng loob ko. Mga panunumbat, ipapabasa ko sana sa kanya yun. Oh well, ayokong iisipin niya desperada ako. Di ko pa rin kasi siya inaway ng husto na, yung totoo kung kulay pag magalit ako. Baka mapapawow siya sakin.  ;D


May pinakasalan ba yung bf mo sis sa dalawang babae na nabuntisa niya? O baka ikaw pa rin ang mahal niya? Umaasa ka rin ba na magkabalikan kayo? Kasi 2 years na diba di ka pa rin nakamove on.


Buti nga kayo nagkikita. Kami hindi. Ay naku erase. Duh! Kahit galit ako deep inside di ko siya masumbat sumbat sa mga pananakit niya. Gusto kong malaman niya kung gaano ako kabitter sa ginawa niya para matauhan ang kumag. Di kasi sila ang nang-iwan kaya di sila ang nasasaktan. Sa inis ko gusto kong maghiganti talaga pero pinipigilan ko. Naiinis kasi ako eh. Miserable ang buhay ko tapos sila tawa tawa lang. Gusto ko rin maging miserable sila para mafeel nila yung pain na nafeel ko. Pero wala akong lakas para gawin yun sa kanila. In the end ako pa rin ang talunan at nag-eemote kasi ako ang mas nasaktan sa mga nangyayari.  :-[

carmilina

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #122 on: December 27, 2010, 10:28:23 pm »
Ang hirap hirap talaga kapag walang masabihan ng problema. Ang hirap pag apektado buong pagkatao mo. Kahit dad ko napansin may problema ako, nababaliw nadaw ba ko kasi abnormal nadaw ginagawa ko, di kumakain, lagi magisa, lagi nakakulong sa kwarto. Itsura ko daw mukhang wasted at haggard. Naawa daw siya saakin sa mga pinagggawa ko sa buhay ko. Di ko naman masabi sakanya kung ano problema ko pero sympre alam nya na yun for sure nararamdaman nya. Feeling ko walang nakakintindi saakin. Ewan ko ba nababaliw na nga ata ako (joke) Ayoko ng ganitong feeling. Pakiramdam ko walang wala na ako dahil nawala siya saakin. Help me sisters :'(

--eis is, ganyan na ganayan ako, minsan nga nagkaksakit pa ako, wag ganyan, tayo rin mkakatulong sa sarili natin...kaya natin to'..pray ka lang sis, may himala promise..have faith/./iniiyak ko ng inyak yun problema, then sa GT ko pa nakilala ang taong magpapsaya sa akin, suko n nga ako nun una eh...kaso dumating sya...im so happy right now...you will urs too sis, dnt worry

michipoo

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #123 on: December 28, 2010, 12:03:00 am »
^ hi sis, thanks. actually ngayon may sakit nga ako e. [textspeak!] na ba nangyayari sakin.  :(

Regarding prayers, ewan ko ba, medyo may doubt na ko, yes prayers works pero in my case at lalo na kapag tungkol saamin ni ex, parang its not working. I remember before, araw araw ako dumadaan sa church para ipagdasal yung saamin kasi madami kami problema , iyak pa ako ng iyak nun kahit nasa church ako kasi dun ko talaga nilalabas sama ng loob ko, sabi ko Lord please make everything okay, gusto ko na sumaya kami ulit etc. Then ayun, akala ko dininig na ni lord prayers ko, everything became "okay" again, akala ko lang pala yun, later i found out na di pa pala, na he cheated on me even after everything. Then I asked lord, bakit po ganun parang pinaasa niyo lang ako, akala ko okay na, anung nagawa ko para gawin mo sakin to, ang dami kong questions. parang nawalan akong gana ipagdasal ang tungkol saamin kasi kahit ata 24 hours ako magdasal ganun parin ang mangyayare.

But then dumating yung time na dumating yung naging major problem namin, nung mga oras na yun wala na akong ibang choice kundi magdasal nalang, at lahat lahat ibuhos kay lord. Sakanya din ako bumalik.

Para kong tinotorture sarili ko, umiinom ako every night para makatulog, inuuntog ko sarili ko, etc. it was so painful :(

As you can see, ako ang thread starter nito, June ko pa ginawa ang thread na to and after that I kept silent kasi nahihiya ako hindi ko napanindigan ang posts ko na di ko na sya cocontakin. on-off kami, very rocky relationship.  I dont know how long will i still prolong my agony, and I can't promise din na hindi ko na siya kakausapin/babalikan ulit. i love him so much :(

 sana sa lahat ng sisters dito na nasa same situation ko, lets help each other.

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #124 on: December 28, 2010, 09:33:46 am »
^ mahirap nga ang ganyan sis. Yung communication na yan ang nagpapaprolong ng pain talaga. In my case nga eh, mabuti na sana yung takbo ng move on period ko pero pinutol ko yung NC rule ko sa kanya. And worse pa, napaasa tuloy ako sa mga sabi sabi nyang magaganda sakin. Until now, di pa ako completely move on at parang ang sakit andun pa rin almost the same with previous pain. 


Kaya nagdecide na talaga ako na putulin yung communication namin. So far sa 8 days na wala akong balita sa kanya, in pain pa rin ako pero mas mabuti na ito kesa patuloy pa akong aasa, at masasaktan din lang naman. 




Hirap magmove on. Parang may sakit ka sa pag-iisip, di makakain, di makatulog, iyak ng iyak ikaw lang mag-isa. And worse pa, napapabayaan mo sa sarili mo. Parang wala ng nag mamay-ari sa'yo. Ganya pa rin ako ngayon eh, pero pinilit ko sarili ko na mabuhay kahit gaano kasakit.




Mas masakit kasi sa ating mga babae lalo pa't seryoso tayo, yung expectation natin sa relationship masyadong mataas. Ginagawa natin ang lahat para maging healthy ang relationship natin sa lalaki, but in the end tayo din ang masasaktan. Tanong ng tanong tayo kung "Bakit" nangyari sa ating ang lahat. Akala ba natin okay ang ang relationship, bakit naging nightmare? Hirap, parang ngayon, in denial parin ako, di ako halos makapaniwala na uuwi lang sa lahat ang pinaghirapan ko. Akala ko nga perfect na yung relationship, halos walang away, puro saya. Yun pala, magigising ka ng lang na wala na siya. 

foxylady_89

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #125 on: December 28, 2010, 10:24:06 am »
^ hehe.. pasaway kasi tayo e..unting paramdam lang halo.. kitikiti na tayo agad
usually mga lalaki kasi ginagamit yung vulnerability natin  sa mga kalechehan nila..

pansin ko lang ganun sila parepareho.. hmmm namimiss lang tayo pag di na tayo  talaga ngpaparamdam ... :)

tsaka mga girlskasi tayo.. fickle-minded.madali magbago isip kaya unti ujok lang ayon :) OO AGAD :)

hahahhaakong ako to e
« Last Edit: December 28, 2010, 10:26:12 am by foxylady_89 »

pumpkin13

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #126 on: December 28, 2010, 10:26:09 am »
Will it help if magmemeet ang mga Gtalkers na in pain ngayon? Bonding lang, cheering each other up, talk the pain out of each other, etc. La lang, naisip ko lang. ;D

Btw, hindi pa naman ako broken hearted sa ngayon. ;D

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #127 on: December 28, 2010, 10:44:42 am »
^ hehe.. pasaway kasi tayo e..unting paramdam lang halo.. kitikiti na tayo agad
usually mga lalaki kasi ginagamit yung vulnerability natin  sa mga kalechehan nila..

pansin ko lang ganun sila parepareho.. hmmm namimiss lang tayo pag di na tayo  talaga ngpaparamdam ... :)

tsaka mga girlskasi tayo.. fickle-minded.madali magbago isip kaya unti ujok lang ayon :) OO AGAD :)

hahahhaakong ako to e


ayan, nasa trabaho nag-iinternet.. LOL... chikka max natin kagabi ah.. Huwag na magpakamot sis. hahaha... Naiinis na ako sa mga ganyang klaseng lalaki. Duh!  ;D


^ Di ako makasama kong may bonding sis. Layo ko.  :D

foxylady_89

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #128 on: December 28, 2010, 04:41:01 pm »
^ hehe.. kararating lang sis, net agad :)
tinawagan nya ko.. bakit daw hindi ko sinasagot yung mga message nya..

sabi ko.."wala lang ngmamaganda lang ako.. mafeel ko lang na maganda ko kunyare"

hahah... sakit ng ulo k0 :) kaya papalitan ko n no. ko by next year:)

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #129 on: December 28, 2010, 05:14:27 pm »
^ naks naman tinawagan ng aktor! Ako emote na naman. Nakakainis. Talagang nakakainis na. hehe... 
Busy ako sa work ngayon. May new assignments na pinamimigay si bossing. Hays. May 4 hours pa akong natitira.  :-\

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #130 on: December 28, 2010, 05:42:53 pm »
^ ayan, bitter na bitter ang lola. LOL... nakakainis nanaman oh... Bakit nga ba ganun sila? Siguro sis, kung ako nasa lugar mo. Gagawin ko rin yun. Yung napag-usapan natin. Martyr din ako eh. Pero pigil lang. Kung desperada ako, tapos ang lalaki kaparehas ng bf mo, siguro papatulan ko pa rin. 


Kung pwede pa lang talaga magkaamnesia na ako kasi nahihirapan na ako sa pagmove on.


Noong abusadang gf pa ako, ang dali ko nakamove on. Siyempre ako naman talaga ang ayaw na eh. Tapos ngayon parang nagbounce back iniwan ako, at ako naman ang matagal naka recover. Almost 2 months na ah. samantalang noon 2-3 weeks ko lang iniyakan, di pa everyday. Bakit ganun?


Matapang ako nuon, palaban, pero ngayon tuta na sa bf ko. Nagtatake advantage yata sa kahinaan ko. 


Sis, ano ba yung anik anik na alam mo? wahahha... baka may kakilala kang mangkukulam. gusto ko na kasing kulamin yun. lol... pero seryoso ako. slight lang na kulam.  :P

foxylady_89

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #131 on: December 28, 2010, 07:49:46 pm »
hehe. ako din naisip ko din sya ipakulam.. hahhaa isip bata lang.. pero ngayon hinayaan ko na lang dati hirap na hirap din ako nun dati..feeling ko wala akong kakampi.. hehe :)

hmm... tapos hindi din ako makakain dati, pero mas mahirap yung hindi ako makatulog sa gabi tapos pagdating sa office lutang na lutang :)

yung pinakagabi na inwan nya ko.. hndi ako nakatulog.. tapos ang aga ko nakapasok sa office alas 6 na ko andun na ko.. tapos umiyak ako dun sa kaofficemate ko..sabi nya wag ka nga ngumawa jan, bka isipin nila nirape kita.. pero di ko mapigilan yung pag iyak.. pag nalala ko yun, natatawa na naiinis ako :)

tapos tinawagan ko pa yung babae na mkipag usap sakin... kakainis talaga...  >:( >:( >:( hindi ko alm kung anong kagagahan iniisip ko... kaya ngayon hindi ko akalain na ganun pala ako dati... haaaaay



so DESPERADA!!! at SUPER Cheap.. PATHETIC SLUt :(

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #132 on: December 28, 2010, 08:18:49 pm »
^ tapos na yun... next year magbago kana ha! hehe... Kainis talaga ng break up. Ngayon hate na hate ko siya pero maya maya iiyak nanaman ako...


Naiinis pa ako ngayon kasi isang oras nalang ng work ko di ko matapos tapos... grrr...

gurlzat03

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #133 on: January 07, 2011, 03:27:00 pm »
kamusta mga sis? New Year Na, time for new beginnings & fresh start! ;)

daria

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #134 on: January 08, 2011, 07:38:31 pm »
grabe, question lang, may forum ba na ganito ang mga guys? wala di ba?! kasi after they break up, may babae na silang sinusuyo, at masaya na sila. let's face it, we have been that girl (that new toy) and this girl (the old, crying toy). ibang klase ang genetic make up nila.. i'm speechless with their coping mechanism. meron pa bang lalaki ngayon na walang emotional hangup bago makipag relasyon sa iba?
magalit na lang tayo mga girls, and magpaganda. honestly, in the end, wala naman tayong choice e. obviously, God wants us to go somewhere else kasi, hindi niya binibigay satin yung gusto natin at this time. as cliche as it sounds (even i find it hard to believe a LOT of times), we have to move on, because this is not the one for us. mahirap talagang tanggapin, pero no choice tayo mga sis.

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #135 on: January 08, 2011, 08:12:07 pm »
^ Sis WALA silang coping mechanism! Kaya nga naghahanap ng rebounder para ma-comfort yung pain nila dahil sa break-up, pero ewan lang ha, there is always exception, siguro kung apathetic talaga ang naging bf natin. We may cry because of their kalokohan, sa kanila nalang yun. In the end sila din naman ang loser.


Kahit nagbreak kami ng bf ko na walang 3rd party na involve, nag-eexpect na ako na may kapalit na ako. Ayoko ko lang malaman. Mabuti naman at di na niya ipaalam pa.


Na carried away ako sa message mo. Para ka kasing galit.  ;D

daria

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #136 on: January 08, 2011, 09:17:51 pm »
hahaha, pasensya na, kakasunog ko lang kasi ng mga pictures, letters, at iba pang parephernalia na naitago ko samin. some of the letters, i read. now it sounded like a joke na. and i was re-reading threads kasi, and if you may not notice, ang dami nating heart-broken! kaya inis ako when i posted that reply. hehe.
let's pray for all the broken hearted! yun na lang pwede nating gawin.  :)

gurlzat03

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #137 on: January 18, 2011, 01:19:47 pm »
hi sisses. its been quite some time since I posted in this forum. need your advice lang. yesterday, nag-email si ex how am I doing lately and that everyday naiisip nya ko. Honestly, I really don't know what to do. Siguro talagang dumadating ang pagkakataon na 'pag medyo okay ka na, saka naman may mga ganitong pangyayari. Hindi ko pa sya nire-reply kasi I want to have some time to think things over. Sa tingin nyo mga sis, magre-reply ba ko or ignore ko na lang? TIA!

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #138 on: January 18, 2011, 04:53:24 pm »
Okay lang if you want to reply him or not.


Eto. Kung magreply ka, keep it short and simple. Kung hindi naman, okay lang.


Sundin mo kung ano yung gusto mong gawin. Kung ano ang mas maitmbang. Pero maganda rin yang ginawa. Huwag kang magreply agad.  ;)

daria

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #139 on: January 19, 2011, 11:43:15 pm »
Wag kang mg-reply! hehe. bitter ba? pero don't give him that peace of mind that he wants to get from that reply.

at least that's what i did..  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close