watch now

Author Topic: Signs of labor  (Read 834698 times)

iammechelle

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #540 on: July 22, 2013, 03:41:15 pm »
Oh diba sis? Nung binanggit mo kanina about documenting you habang nag-li-labor, habang binabasa ko the rest of your story, natatawa talaga ako kasi nagregister na sa isip ko na dino-document ka na. :-)) Tapos grabe ang pinagdaanan mo, naiisip ko, paano ka pa makaka-poise.  hehe! Pero sana pumayag ka. Kasi di naman nakakasira ng dangal yun sis. I am soo proud of you kasi alam mo ang haaaabaaaaa ng pasakit na pinag-daanan mo ha. Prima ka pa. ;-) Pero nakaya mo, hayyy inspiration ko kayo kapag ako na ang manganganak! ;-))) Yehey! o gawa na ng Vaccination thread ;-)

Yeah right. So excited for Aeric. Ang likot lang ng karate kid ko lately ;-)

xxkukaixx

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #541 on: July 22, 2013, 04:41:41 pm »
Haay naku sis, ano pa.. Baka imbes na nagcoconcentrate ako sa delivery ko, ang inaalala ko eh ang itsura ko. Teehee!  ::)

Lakasan lang ng loob sis, wala naman ako iba nakapitan nun kundi si God..  Ay pati pala yung side railings ng bed ko sa Labor Room. LOL!  ;D

tellycopter

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #542 on: July 24, 2013, 05:35:25 am »
Mataas kasi pain tolerance ko. 20 hours akong nasa labor room pero hindi naman ako masyadong nasaktan sa labor ko. Induced labor. Stuck ako at 6cm so na emergency CS ako. 40 weeks 2 days na kasi ako mataas pa rin daw si baby.

Hindi ako humihingi ng pain killers e. Nung nirupture yung water bag ko, ayun, mejo lumala yung pain pero kaya ko pa. Sabi sakin ng mga OB hingi lang daw ako pag di ko na kaya pain ng pain killer. E ako deadma for an hour, sabi gusto mo na ba pain killer? Nainip na ata kasi di ako humihingi. Sabi ko sige na nga. Ayun binigay na so after a while e groggy na ko, tapos bigla maya-maya kausap ko na si hubby so nagtaka ako. Di ako makapagsalita. Bulol bulol ako. ICCS na pala ako. :P

BTW, this may sound funny or awkward, pero masturbation helps in boosting your pain tolerance. May study raw yan and I think it's true.
« Last Edit: July 24, 2013, 05:39:35 am by tellycopter »

iammechelle

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #543 on: July 25, 2013, 12:25:15 pm »
REALLY!? hehe sis tellycopter ha ;-) Kelan gagawin? habang preggy? ;-)

jjqxiv

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #544 on: July 25, 2013, 08:10:55 pm »
Just wanna share my labor story. :)
Eduardo Alessandro born @ 29 weeks

On July 17, I was rushed in the hospital because of heavy bleeding. I have low amniotic fluid too and hindi na tight yung cerclage ko. My BP's not normal either so my OB-Peri said I should ready myself for an early delivery but she will do her best daw. During midnight, I can already feel pain but still tolerable pa nman and irregular pero nakatulog pa din ako ng direcho.

Next morning, July 18, I woke up na may gush of water, I know my water bag broke already and I was like... "Oh no" My daughter called my OB-Peri na and she told her everything, around 8:30 AM when she arrived. Nag-start yung contractions ko 9:30-ish AM, 5 minutes apart. I was transferred to the labor room with my husband. My contractions are getting intense every time, napapa-"ouch" na ako. I was in labor for more or less, 20 hours. Nagpapa-CS na ako actually kaso ang daming factors na iniisip ko kaya nag-push pa din ako. And by the way, I had a natural birth. Medyo disagree yung OB-Peri ko but nag-insist pa din ako. I took the risk but it's all worth it. :)

I gave birth on July 19, 5:06 AM (sabi ng daughter ko, sakto daw kasi anniversary nmin ng dad nila is May 06). Akala ko smooth lang yung labor and delivery ko but my OB-Peri said I had blood transfusion kasi muntik na akong mawalan ng dugo. Sabi nman nung nurse, muntik na daw akong mawala. She explained it to me kaso gulong gulo pa ako nun kasi nga nlaman ko hindi pa nag-close yung hole ni Sandro. Plus, I was already stressed because of his name! If I'm not mistaken, yung last bilin ko sa daughter ko, Alessandro IƱigo yung pangalan ng kapatid nya but it turns out to be Eduardo Alessandro, from his dad's name kasi sya yung nag-fill up ng forms and everything. But of course, I'm still thankful to him kasi hindi nya ako iniwan - from labor room, delivery room, recovery room and lalo na nung nasa suite na kami. May mark pa nga sya ng finger nails ko kasi nabaon ko ata skanya while pushing hehe.

That's all. Kulang pa yan but yan nalang naalala ko hehe. God bless everyone!

euwie

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #545 on: July 26, 2013, 07:16:31 am »
^wow sis nanganak ka na pala! I've been following your story sa 3rd quarter babies e. Lurker mode lang ako dun kasi hiya naman ako to comment, i don't "belong" in that thread kasi sa 4th quarter ako. Thank God everything is ok! :D congrats!!!! You are one brave momma! I admire you! Sana ako rin tulad sa yo na katapang kapag time ko na manganak.

jjqxiv

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #546 on: July 26, 2013, 10:56:38 am »
^ Hello sis euwie! I'm supposed to give birth on September but obviously, my Sandro doesn't want to wait that long na. I'm just happy everything turned out well, kahit may complication sya. Anyway, thank you sis! I'll wait for your labor story here. :) Just think positive and don't stress yourself too much, you can do it as well. Take care and God bless!

euwie

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #547 on: July 26, 2013, 09:20:31 pm »
^kakabasa ko lang sis na hindi pa pala completely nagsara yung hole. I'll pray for your little sandro, i'm sure everything will be fine! ilang beses rin na inakala kong manganganak ka na ng earlier sa 29th week mo. I'm so glad that despite of it all, you had a safe delivery :)

I'm due on november. Medyo busy na sa pagprepare for the birth of my baby kaya minsan na lang ako maka-lurk sa iba pang pregnancy and childbirth threads aside sa 3rd quarter babies. Medyo takot na ako sa time kong manganak, but at the same time excited. Kumukuha ako dito ng tips and things to expect when giving birth. Kaya keep them coming sisses! :)

tellycopter

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #548 on: July 27, 2013, 08:04:13 am »
Sis iammechelle ginoogle ko kasi totoo raw. Tsaka yung pain ko hindi talaga ganun kaintense. And yes, gagawin sya habang preggy. As long as hindi naman high risk pregnancy pwede gawin. :)

iammechelle

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #549 on: July 29, 2013, 05:37:09 pm »
Sis tellycopter, magkukulong ako sa kuwarto at gagawin ko ang advice mo. Hayy naku, baka magulat ang asawa ko sa akin. Pero i-try namin siguro na siya na lang ang gagawa ;-) Direcho na rin ako sa perineum massage. ;-)

cloudzy_09

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #550 on: July 30, 2013, 09:44:57 am »
Ako 10 hrs ako nag labor pero ayaw lumabas talaga ni baby 10 months at 1 week ako preggy na noon kaya induce na labor ko kaya CS na lang ako hehe kung alam ko lang ma CS ako hindi na sana ako nag labor. >:(

oreo08

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #551 on: July 30, 2013, 10:02:53 am »
^yan din iniisip ko eh... kung i-CS lang ako in the end, ayoko na maglabor! Kaso di naman malalaman until that time ;D

maricel_27

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #552 on: August 09, 2013, 01:58:14 am »
Hi mommies!

Here's my labor story!

Jul 22 - umuwi na kami sa province so filed VL muna while waiting for my delivery date. Kumontra pa sila sa office kasi I have to travel by land for 10 hours minimum. Baka daw mag labor ako sa biyahe. Sabi ko, hindi yan kasi kinausap ko na si baby. Takot kasi talaga akong manganak sa Manila kasi 2 lang kami ni hubby. Walang aalalay samin.

Jul 23 - nag-scout na ako for new OB pero di ko inabutan na open clinic. Pumunta na lang kami sa ospital para mag-inquire ng birthing package. Sad lang kasi 5k lang discount pag NSD while pag CS, 25k. Anyways, basta naka-set na mind ko for NSD.

Jul 26 - 38w2d had my check up with my new OB. Pagka-IE, 1 cm pero makapal pa daw cervix. Sabi ng OB, pag di pa ako nanganak by August 2, pa-BPS ako since by LMP eh 41 weeks na ako by then. yun pa naman wino-worry ko. yung ma-overdue si baby.

Gusto kong manganak by Jul 28 sana pero wala naman nangyari. Everyday, I do walking around the block for 1 hour para matagtag. I did sexy time 4 times din maski mahapdi sa pempem para makatulong sa labor pero wa epek pa din.  >:(

August 2
9 am - nagpa-BPS na ako. Ok pa naman si baby pero medyo mababa na yung amniotic fluid ko. 6.1cm na lang.

10 am - merienda muna ng halo-halo since wala pa naman si OB. Mga 10:30 to 11 pa daw darating. Kaya pala'y may binabantayang manganganak. Bumili na din ako ng EPO para tulong pampa-labor.

11:30 am - dumating si OB and read the results. Sabi niya, 5cm daw ang critical na AFI. Pag-IE sakin, 2 cm pa lang cervix opening. Kung ok sakin, i-induce na daw ako. Pero kung ayaw ko pa, kinabukasan na lang. Sabi niya, why take the risk na bumaba pa into critical level. Sabi ko, ngayon na lang po. Sabi niya, uwi muna kami to get our things then sa hapon, pwede na kami pa-admit sa hospital. Sayang ang EPO. Di nagamit.

Nag-lunch muna kami then pahinga. Di naman ako maka-siesta kasi anxious na ako. Si hubby lang nakatulog. Pagkagising niya, naligo na kami. Nag-shave na din ako down there.

5 pm, nagpunta na kami sa hospital. 5:30, in-admit na ako. Nung iniinterview ako, nilabas ko na printed medical history ko para di paulit-ulit yung tanong. Andun na lahat from family background on ailments/diseases, operations, lifestyle, first menstruation, pati history ng pagbubuntis ko. Medication I took, etc. Gulat sila kasi prepared na ako. Tip kasi yun ng officemate ko kasi kakaumay daw magsagot ng paulit-ulit na tanong.

Bad trip lang si hubby sa nurse na naglagay ng dextrose ko. Pagtusok ng karayom, lumobo yung ugat. Ang sakit!  :'( tinanggal na lang niya pero namaga na yung kamay ko. Tinawag niya isang nurse para maglagay sa kabilang kamay ko. Pagtusok, successful naman pero bago nakabit yung dextrose, bumulwak muna dugo ko sa floor. Na-high blood tuloy si hubby. Muntik pagalitan yung nurse. No available private room that time eh ayaw naman namin sa ward. Nag-end up kami sa labor room which is better kasi malapit lang sa delivery room.

7 pm, nilagyan na ng oxytocin yung IV ko. Mabagal yung drip. Pinakain pa din naman ako. Soft diet lang.  May baon pa akong fresh egg ng native chicken. Sabi kasi pampalakas daw yun. At chuckie for energy. ;D

8 pm, nag-make up pa ako.  ;D Gusto ko kasi di ako haggard habang nag-lalabor. Natatawa na lang si hubby sakin. Naglaro pa ako ng candy crush. Gusto ko kasing makalampas na sa level 350.  :P Pinicture-an pa ako ni hubby. Adik lang sa Candy Crush.  ;D

Every hour akong bini-BP at dino-doppler si baby. Wala kasi sila fetal monitor. Probinsiya kasi eh. Di sila ganun ka-sophisticated sa gamit.

Maya- maya di na ako mapakali. Para akong naiihi na ewan. Dysmenorrhea-like yung sakit. Hinihilot ko yung balakang ko. Tapos lakad ng lakad sa labor room. Tinigilan ko na candy crush. Sabi ni hubby, matulog daw ako. Di naman ako makatulog. Sobrang uncomfortable yung feeling. Siya, tulog lang ng tulog. Gusto kong batuhin ng unan. Pero naawa naman ako. Hirap kasi siya magpuyat eh.

11 pm,  dumating si OB. In-IE ako. 3 cm pa lang. Kakainip. Lalo na't ambagal ng progress ng dilation. Dasal ako ng dasal. Ang sakit sakit.  :'( Upo, tayo, higa, lakad. Tapos nagsuka pa ako pero puro tubig naman.  Nag-poop din ako 3 times. Awang-awa si hubby sakin. Yung sakit, pinipilit kong i-endure kasi gusto ko sana ng medication-free delivery. Sineset ko na mind ko na kaya ko ang sakit. Restless lang ako till nag-morning na.

August 3
6 am, may dinala pang food sakin. Oatmeal. Di naman ako makakain.
7 am, in-IE ulit ako ni OB. 5 cm na daw. Ambagal ng progress!  >:(
Ask niya kung magpapa-epidural na ako. Oo na ako agad kasi di ko na kinakaya yung sakit.  :'( bawal na daw ako kumain and uminom.

8 am, dinala na ako sa Delivery Room. Dumating na din anesthesiologist. Maya-maya pinuwesto na nila ako sa bed. Fetus like position para masakto sa curve ng spine yung needle. Super pawis ako. Sabi wag daw ako gagalaw. Ang hirap kasi may contraction. Hinahawakan na lang ako ng OB ko. Hawak din ako sa kanya. Natakot pa ako kasi baka sumala, ma-paralyze pa ako.  :P

Laking ginhawa after umepekto epid. Ramdam ko pa rin contraction pero di na masakit. Nakakadaldal na ako. Pinakuha ko na din sa mga nurse yung baby book ni Vika for her first hand and foot prints. Ayaw sana nila kasi magagalit daw yung pedia. Istrikto kasi. Nakiusap pa ako. Kasama na rin dun yung data to gather like date and time of delivery, weight, height, mommy and baby's hospital tag. Sabi nila, prepared daw ako.  :) Sabi ko, remembrance lang kasi first baby. Kaya pagbigyan na dapat nila ako. Tapos may naririnig akong nag-caCandy Crush sa background. Akala ko nag-hahallucinate na ako. Yun pala, totoo ngang meron. Naka-open yung app sa iPad nung Anes. Adik lang din.  :D

9 am, pag-IE sakin, 7 cm na. Sabi ni OB, pag nagcontract, ire ko lang. Tinuruan pa ako na wag ire ng ire. Hinga daw ng malalim then ire with all your might. Totoo ngang para kang napo-poop. Grabe, ang hirap umire. Akala ko, mauubusan na ako ng hininga. Sabi ni OB, you're on the right track, bumababa na daw si baby.

9:30 nasa 8 cm na.

9:45, 9 cm. nagkukuwento pa yung isang nurse dun na dati daw na-oOAn siya sa mga naglalabor dati pero nung siya na, ang hirap daw pala. Gusto lang daw niyang maupo sa toilet bowl.. Nagpa-epidural din siya pero hanggang 9 cm lag daw siya, di na daw bumaba baby kaya nauwi din sa CS. Yun na yung fear ko. Kasi baka magaya ako sa kanya.

9:50, 10 cm na. Fully dilated na daw sabi ni OB kaso bigla siyang lumabas kasi may dinala sa ER na pasyente niya. Yung 16 years old daw. May heavy bleeding. Kinabahan ako na baka pag-alis niya, saka lalabas si baby.

9:55 Bumalik na si OB. kinapa ulit si baby. Malapit na daw. Pinuwesto na nila paa ko. Nilagyan pa ako ng catheter kasi sabi ko nawiwiwi ako. Parang ice candy daw yung wiwi ko. Sabi ni OB, pag nasa height of contraction, inhale ng malalim then push ng matagal. Ganun ginawa ko. Parang mauubusan na ako ng hininga sa haba ng ire ko. Then, I felt na lumabas na si baby. Hay, ginhawa. Ang lakas ng iyak. Napa-Salamat po Lord na ako. Then, pinress nila puson ko. Daming dugo pa daw lumabas. Tinanong ko yung placenta. Takot ko lang na di maalis. Sabi ni OB, iuuwi ko daw ba? Sabi ko, di po. Gusto ko lang po makita. Pagkalabas nun, pinakita sakin. Tapos nirepair na yung perineal tear. Ramdam ko pagtahi. Sabi ng Anes, gusto ko daw ba matulog? Sabi ko ayaw ko kasi gusto ko padedehin agad si baby. Sabi niya, sedate lang para di ko ramdam yung pagtahi tapos, para makabawi din agad ako ng lakas. Umoo na lang ako. Pero bago ako nakatulog, pinatong nila si baby sakin. Totoo nga na mapapawi lahat ng hirap na yung pinagdaanan once na makita mo anak mo. Sabi ko, ang hirap pala manganak. Sabi ni OB, wag daw akong ma-trauma. Di naman. Pero siguro matagal pa bago ko ulitin.

Nagising ako nung binalik ako sa labor room. Wala pa din kasi available room that time. Nahirapan pa mga nurse na ilipat ako sa kama kasi ang laki ko.  :P Kita ko agad si baby, hawak ni hubby pero groge pa din ako. Maya-maya, pinahawak na siya sakin ni hubby. Pinilit kong bumangon kahit hilo pa ako. Pinadede ko si baby. Wala pa yatang gatas. Basta pina-latch ko lang on both breast. Di ko pa kaya kaya nilapag ko na muna sa Kama si baby. Nung pumasok yung nurse, nakita kalagayan namin, kinuha si baby at nilagay sa bassinet. Di naman umiyak si baby. Natulog muna ako. Maya-maya pinakain na ako ni hubby pero wala pa ako gana. Inom lang ako tubig. Hilo pa kasi ako.

1 pm, nilipat na kami sa suite room since may available na. Medyo nakarecover na din ako ng konti pero medyo hilo pa din. Tulog lang ako.

3 pm, nag text na ako sa friends, families and office mates na nanganak na ako. Tapos, pinakain ulit ako ni hubby bandang 4. Suka ulit ako pero puro liquid din. After nun, guminhawa pakiramdam ko. Ramdam ko din na super lakas ng paglabas ng dugo. Naka- diaper nga ako eh.

5 pm, Pina-latch ko ulit si baby. Yung pedia, dumating. Kaasar lang kasi di breastfeeding advocate. Pinapabili agad ng formula si hubby. Sabi ko, brineastfeed ko na si baby. Ayaw ko ng formula. Sabi niya, just in case daw na kulang gatas, bili na rin daw kami. Di ako nag-react. Kasi naman sabi sa breastfeeding class, kahit wala pang gatas, ipa-latch lang kay baby. Tutal yung kinain niya while inside the womb is enough to last for 3 days. Kaya puro latching lang ginawa ko. Sabi ng pedia, pag di nagwiwi in 24 hours, ibig sabihin wala nakukuha. Tinuro niya sakin how to clean yung pempem ni baby pag nagwiwi kasi prone daw sa UTI ang baby girls. Every 2 hours or basta gising si baby, pinapadede ko. Feel na feel ko maying isang Ina. Nag-poop na din si baby overnight ng 4 times. Yung kulay black na stool. Yung last episode pa, sobrang laki.  ;D

August 4
6 am, pinaliguan na ng nurse si baby. Nung tinanggal yung diaper, may wiwi na so masaya na ako. Ibig sabihin, may nadedede siya.

8 am, dinalaw ako ng OB, pwede na daw kami umuwi.
10 am, si pedia naman dumating. Binalita kong naka-wiwi na din si baby. Binakunahan niya si baby. Di ko na natanong kung ano yun. Sabi niya naman, ilalagay niya lahat sa baby book sa follow-up check up. Sabi antayin ko na daw newborn screening test ng 10:30 bago kami umuwi.

1 pm, discharge na kami.

Ayan sisses, haba ng labor story ko. Pasensiya na.  ;D

iammechelle

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #553 on: August 13, 2013, 10:41:08 am »
Worth reading naman yan sis maricel! Am soo proud at kinaya mo ang tagal ng labor! Hayyyy anxious na ako. Natatakot na ewan. ayaw ko kasi ma-CS huhuhuhuhu. ;-(

Congrats!

Chinita Princess

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #554 on: August 13, 2013, 11:25:32 am »
Hello mommies, as promised, here's my labor story.

July 27 - 1cm na ako, malambot na din cervix ko as per my OB.

July 31 - naging 1.5cm. Sabi ng OB ko if 1.5cm pa rin by August 7, eh induced labor na ako. Pina BPS ako to check if marami pa akong fluid kasi due date ko na on this day.

Aug 1 - dumating na si hubby ko. Singit lang to kasi super excited at worried sya na wala sya pag nag labor ako at lumabas si baby. Nag dinner pa kami sa Vikings. hay super busog ako. Ito yung mali ko mga mommies. Di dapat kumain ng sobra sobra pag due date na.

Aug 2 ng 8am - maglalakad sana kami ni hubby para matagtag ako. Eh pinahintay ko muna sya kasi gusto ko madumi. Di pa rin ako nakadumi after a while at nakita ko na lang na may namuo ng dugo sa toilet bowl. Sinabi ko sa mommy ko, so sabi nya itawag na sa OB ko para malaman kung manganganak na ako. Wala ako nararamdaman na kahit anong sakit or if meron tolerable naman. after 3mins, madami daming dugo ang lumabas. Pagtawag namin sa Secretary ng OB ko, sabi nya diretso kami ng clinic.

So pagdating namin sa clinic, in-IE ako. Sabi ni Doc, 2cm daw. Pinacheck muna if may contractions ako sa pre-labor room. After ma confirm na 1 strong contraction ako at several moderate contractions eh pinakain ako ng lunch at sinabi na bumalik ako sa pre-labor room ng 3pm. After lunch naglakad lakad sa malapit sa pre-labor room.

3pm - pina admit na ako ng OB ko kasi tuloy tuloy pa rin yung dugo. Interview here and there from resident doctors and nurses. Pina enema na din ako, CBC and other tests.
Dun din sinabi sa akin ng OB ko na di ako makaka avail ng package kasi I need a Cardiologist para sa case ko. Kaya dapat lagi tayo handa mga mommies. Kasi akala ko at the most nasa Php80K lang magagastos namin, naging Php162K ang total costs namin ni baby at naka Baby Friendly Room/Ward pa kami.

5pm - na admit ako sa Labor Room. Tinurukan ako ng pampahilab as per my OB's instruction dun sa resident doctor. Ramdam ko na after a while ang contractions pero tolerable naman ang pain.

6pm - kumain pa ako ng last meal ko. Pero nararamdaman ko na gusto ko sumuka at dumumi. Everytime na dudumi ako, kailangan nila ako i -IE kasi baka daw lalabas na ang baby.

7pm - nasa 3cm na ako. Natuwa ako sabi ko ma progress na din sa wakas. Pero this time, sobrang sakit na ng contractions at nagpa epidural na ako. Di naman masakit yung epidural. Iba talaga yung sakit ng contractions ko. Di yung tiyan ko ang humihilab kundi yung sa pelvic.

9pm - dumating OB ko at pinutok ang water bag ko para mas bumilis ang pagbaba ni baby.

10pm - 4cm na ako. Yey.

12mn - sumuka ako ng sumuka dahil dun sa buffet na kinain ko pa last Aug 1. Hay. Nasabi ko tuloy sa OB ko na nag buffet ako. Buti di sya nagalit at sabi lang nya bakit di ako nag aaya. hehe.

2am - di ko na kaya talaga. Buti na lang andun si hubby sa loob ng Labor Room para magbigay ng support sa akin. Kita nya na yung hirap ko talaga. By this time nasa 4cm pa rin. Hay.

Di ko na matandaan ilang beses ako nag ask ng anesthesia. May time na wala na syang effect kasi di na ako naka lie flat pag binibigyan ng anesthesia kaya yung gamot sa isang part na lang ng legs ko napupunta.

6am - nagsabi na ako na pa CS na lang at di ko na kaya yung sakit. Dumating ulit OB ko sabi nya wait pa tayo kasi di daw ako makaka claim ng Philhealth gawa ng ako daw nag request eh okay naman heartbeat ni baby.

9am - na stuck ako sa 6cm at may kaunti pang cervix. Maliit lang ang ulo ni baby pero mahaba as per resident doctor. Nun pala na conehead na si baby kasi di nga talaga makalabas ang ulo. Buti ngayon nabilog na ulit.

10am - nag declare na i-CS na ako.

Nakapasok pa rin s hubby sa loob ng OR at nakuhanan pa nya ng video ang paglabas ni baby.

10:17am - lumabas na si baby, Groggy na ako by this time. Pero ramdam ko na ginawa nila yung Unang Yakap at Breastfeeding. Naiyak pa nga daw ako sabi ni hubby pero di ko na talaga alam.
Nag shiver na ako. At nakatulog.

2pm - paggising ko nasa recovery room na ako at ginising ako para i breastfeed na ulit si baby.
Sobrang overwhelming ang feeling.

That's the end. Sorry mga mommies, super haba ng story. hehe.

« Last Edit: August 21, 2013, 01:27:16 pm by Chinita Princess »

iammechelle

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #555 on: August 13, 2013, 04:27:15 pm »
Hayyyy, yan kinatatakot ko. Yung CS din pala in the end ;-( Waaaa ayaw ko talaga ma-CS.

pinkpotato

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #556 on: August 14, 2013, 10:48:20 am »
hoping one day someone who had hypnobirthing experience can share her story here. :) Currently self studying and will probably start my formal hypno birthing class next month.

I want normal delivery but this time no machine/medical intervention, i.e epidural.

Sugarrush

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #557 on: August 16, 2013, 05:28:29 pm »
36 weeks ako nung naramdaman ko na may liquid na lumabas. Kala ko wiwi lang. Tapos habang tumatagal sumasakit lalo tyan ko. It was 1 am nung time na yun. Sabi ng mom ko pakiramdaman ko muna, eh ang sakit sakit na kaya hahaha 5 am na kami nakadating sa hospital. Grabe habang naglalabor ako may nauna na sakin, wala pa rin. Naglunch at merienda na yung mga nurse, wala pa rin. Until lagyan na ko ng epid, after 1hr nagising na lang ako at sa delivery room na next. Mag 5 pm na nun. So ganun katagal ang paghihirap hahaha

cheri bomb

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #558 on: August 19, 2013, 04:41:42 pm »
Im currently on my 35th week ngayon for my 3rd at nung nakita ko tong thread na ito, naisip ko kung ano na naman kayang blooper ang magyayari sa akin on delivery day. hehe.

Sa first ko kasi, clueless talaga ako sa signs ng labor. I was 38 weeks then. Naalala ko, morning nun, ihi ako ng ihi halos maya't maya tapos uncontrollable. Hubby and I decided to go to the hospital to have it checked by our OB. As in yung normal na check up lang sana.

Nag-commute lang kame by jeep going to UST. Alam niyo naman kung gaano ka OA ang traffic sa EspaƱa, nung nasa Vicente Cruz na kame, di ko na natiis yung traffic. Sabi ko kay hubs, hanggang 3pm lang si doc hinde tayo aabot. SO we decided to walk from Vicente Cruz hanggang UST Hospital. When we arrived, nag break na pala yung water bag ko. Yun pala yung parang wiwi, at mauubos na yung amniotic fluid, may green na rin na kasama dun sa discharge, meconium na pala un. Ending. Emergency CS.  :-[

Sa second ko naman, sabi ng secretary ni doc namin, hapon pa raw siya darating kase may scheduled CS ng umaga. So we went to SM, ikot-ikot at lakad-lakad pampatay oras. Kain pa kame ng bongga ng lunch. Mga 2pm, sabi ko kay hubs, para akong na-po-poopsy pero ayaw naman lumabas. Tapos later on ang sakit na. When we went to doc's clinic ng mga 3pm, 4cm dilated na pala ako. Kainis nga kase hinde pro-VBAC yung ob namin. Ayun, CS ulet.

Now for my third, im scheduled for C-Section on September 10. Sana lang talaga, hinde na ako medyo engot engot this time at may matututunan kayo sa labor story na ma-she-share ko. hehe.


nickylovesnancy

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #559 on: August 20, 2013, 07:24:00 pm »
Hi moms, here`s my labor story.

August 8- 41 days and 5 days pregnant- 2cm dilated

3:00am

I woke up para mag CR , napansin ko na madami lumabas na mucus plug and after that naramdaman ko na contractions every 10 mins. I know malapit na ko mag labor kasi nagpatagtag ako the day before by walking, squatting, yoga exercises and even eating pineapple/talong etc to naturally induce labor. Hehe
 I was scheduled na for BPS sa Monday August 12 kung hindi pa ako mag labor kasi we will reach our term na 42 weeks and baka delikado na at mag poop na si baby sa loob.
Hindi na ako naka sleep kasi aware body ko sa  pain.

7:00 am

Contractions 5-10 mins apart, tolerable pa ang pain pero masakit na din s pelvis. Still walking and squatting sa loob ng house para mapabilis mag dilate. Nag record and timer na ko ng contractions para alam ko when to run s midwife ko.
And been reading labor stories online, pero tinakot ko lang sarili ko kasi im planning natural birth all the way. Hehe

5:00pm

Contractions 3-5 mins apart, medyo masakit na ang contractions. Trying to distract myself pag aatake [textspeak!] contractions, sabi nila pag mag lalabor na hindi na daw makaka-smile and tawa. Pero carry ko pa naman, nag shower na ko to ease the pain lalo na sa pelvic part at sa puson.

7:00pm

Masakit na contractions hindi na ko nkaka smile kaya pumunta na kame sa midwife clinic dala maternity baga namin ni baby. Na i.e ako 5cm dilated and sinbi sakin na around 11-12am mag labor na ako. Nag lakad lakad ako pero super sakit na ng pelvic ko pababa sa legs parang namamanhid na haindi ko ma explain.

12:00am
August 9

Na i.e ako 6cm pa lang, mag pahinga at lie daw ako kasi mukhang tom. Pa mag labor. I cant sleep sa sakit kaya nag lakad lakad ako pero i end up sa bed na lang pag nag ccontract ako nappaupo ako sa sakit. Nakipag usap na lang ako s katabi ko na 1cm pa lang pero wala contractions.

3:00am

Retain sa 6cm, hindi na ko mapakali and waiting ako mag labor at naiisip ko na mainduce kasi hindi ko na carry ang sakit.

7:00am

7cm dilated and umiiyak na ko sa mama ko na i-sedate na lang ako dahil hindi ko pala kaya natural labor. Sumuko na ko sa pain dahil parang mag ccolapse na pelvic at balakang ko. Gusto  ko na ma sedate or makatulog na lang at sila na bahala sakin. Haha Sabi ng midwife papatawag na lang niya ang OB nila para ma-sedate na ko. Kumain pa ko pero hindi ko na feel.

10:00 am

Ininduce na ako. And pinutok na waterbag ko! Super pamatay na ang sakit umiiyak na ako at nag sisigaw dahil ang tagal ng OB. Buti na lang pala nag labor na ako dahil brown na green n water ko at super onti lang. Purong baby daw kasi kaya hindi din lumaki tummy ko. Nauna pa mag labor katabi ko kaya mas kinabahan ako kasi 10cm na [textspeak!] ako hindi pa nababa si baby.

12pm

Dumating na OB at sinaksakan na ko ng pang sedate. Gusto ko na iire si baby, dahil hirap na hirap na ako. Ang galing ng OB dahil ng bigay instruction kahit nag papanic na ako dahil sakit at manhid na legs at pelvis ko. Nauna pa manganak katabi ko, hinintay ata ni baby lumabas ka-birthday niya bago lumabas! Haha 1st time mom kaya hindi ko alam gagawin ko na nahihiya pa ako na mag poop or ihi. Sinunod ko na lang si OB. Ilang minutes lang nag exit na si Nancy Holly!
Nag tear ako and mas masakit ang tinatahi kaysa malabas si baby.

Worth it! Kahit masakit ang contractions and experience!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close