Hi mommies!
Here's my labor story!
Jul 22 - umuwi na kami sa province so filed VL muna while waiting for my delivery date. Kumontra pa sila sa office kasi I have to travel by land for 10 hours minimum. Baka daw mag labor ako sa biyahe. Sabi ko, hindi yan kasi kinausap ko na si baby. Takot kasi talaga akong manganak sa Manila kasi 2 lang kami ni hubby. Walang aalalay samin.
Jul 23 - nag-scout na ako for new OB pero di ko inabutan na open clinic. Pumunta na lang kami sa ospital para mag-inquire ng birthing package. Sad lang kasi 5k lang discount pag NSD while pag CS, 25k. Anyways, basta naka-set na mind ko for NSD.
Jul 26 - 38w2d had my check up with my new OB. Pagka-IE, 1 cm pero makapal pa daw cervix. Sabi ng OB, pag di pa ako nanganak by August 2, pa-BPS ako since by LMP eh 41 weeks na ako by then. yun pa naman wino-worry ko. yung ma-overdue si baby.
Gusto kong manganak by Jul 28 sana pero wala naman nangyari. Everyday, I do walking around the block for 1 hour para matagtag. I did sexy time 4 times din maski mahapdi sa pempem para makatulong sa labor pero wa epek pa din.

August 2
9 am - nagpa-BPS na ako. Ok pa naman si baby pero medyo mababa na yung amniotic fluid ko. 6.1cm na lang.
10 am - merienda muna ng halo-halo since wala pa naman si OB. Mga 10:30 to 11 pa daw darating. Kaya pala'y may binabantayang manganganak. Bumili na din ako ng EPO para tulong pampa-labor.
11:30 am - dumating si OB and read the results. Sabi niya, 5cm daw ang critical na AFI. Pag-IE sakin, 2 cm pa lang cervix opening. Kung ok sakin, i-induce na daw ako. Pero kung ayaw ko pa, kinabukasan na lang. Sabi niya, why take the risk na bumaba pa into critical level. Sabi ko, ngayon na lang po. Sabi niya, uwi muna kami to get our things then sa hapon, pwede na kami pa-admit sa hospital. Sayang ang EPO. Di nagamit.
Nag-lunch muna kami then pahinga. Di naman ako maka-siesta kasi anxious na ako. Si hubby lang nakatulog. Pagkagising niya, naligo na kami. Nag-shave na din ako down there.
5 pm, nagpunta na kami sa hospital. 5:30, in-admit na ako. Nung iniinterview ako, nilabas ko na printed medical history ko para di paulit-ulit yung tanong. Andun na lahat from family background on ailments/diseases, operations, lifestyle, first menstruation, pati history ng pagbubuntis ko. Medication I took, etc. Gulat sila kasi prepared na ako. Tip kasi yun ng officemate ko kasi kakaumay daw magsagot ng paulit-ulit na tanong.
Bad trip lang si hubby sa nurse na naglagay ng dextrose ko. Pagtusok ng karayom, lumobo yung ugat. Ang sakit!

tinanggal na lang niya pero namaga na yung kamay ko. Tinawag niya isang nurse para maglagay sa kabilang kamay ko. Pagtusok, successful naman pero bago nakabit yung dextrose, bumulwak muna dugo ko sa floor. Na-high blood tuloy si hubby. Muntik pagalitan yung nurse. No available private room that time eh ayaw naman namin sa ward. Nag-end up kami sa labor room which is better kasi malapit lang sa delivery room.
7 pm, nilagyan na ng oxytocin yung IV ko. Mabagal yung drip. Pinakain pa din naman ako. Soft diet lang. May baon pa akong fresh egg ng native chicken. Sabi kasi pampalakas daw yun. At chuckie for energy.

8 pm, nag-make up pa ako.

Gusto ko kasi di ako haggard habang nag-lalabor. Natatawa na lang si hubby sakin. Naglaro pa ako ng candy crush. Gusto ko kasing makalampas na sa level 350.

Pinicture-an pa ako ni hubby. Adik lang sa Candy Crush.

Every hour akong bini-BP at dino-doppler si baby. Wala kasi sila fetal monitor. Probinsiya kasi eh. Di sila ganun ka-sophisticated sa gamit.
Maya- maya di na ako mapakali. Para akong naiihi na ewan. Dysmenorrhea-like yung sakit. Hinihilot ko yung balakang ko. Tapos lakad ng lakad sa labor room. Tinigilan ko na candy crush. Sabi ni hubby, matulog daw ako. Di naman ako makatulog. Sobrang uncomfortable yung feeling. Siya, tulog lang ng tulog. Gusto kong batuhin ng unan. Pero naawa naman ako. Hirap kasi siya magpuyat eh.
11 pm, dumating si OB. In-IE ako. 3 cm pa lang. Kakainip. Lalo na't ambagal ng progress ng dilation. Dasal ako ng dasal. Ang sakit sakit.

Upo, tayo, higa, lakad. Tapos nagsuka pa ako pero puro tubig naman. Nag-poop din ako 3 times. Awang-awa si hubby sakin. Yung sakit, pinipilit kong i-endure kasi gusto ko sana ng medication-free delivery. Sineset ko na mind ko na kaya ko ang sakit. Restless lang ako till nag-morning na.
August 3
6 am, may dinala pang food sakin. Oatmeal. Di naman ako makakain.
7 am, in-IE ulit ako ni OB. 5 cm na daw. Ambagal ng progress!

Ask niya kung magpapa-epidural na ako. Oo na ako agad kasi di ko na kinakaya yung sakit.

bawal na daw ako kumain and uminom.
8 am, dinala na ako sa Delivery Room. Dumating na din anesthesiologist. Maya-maya pinuwesto na nila ako sa bed. Fetus like position para masakto sa curve ng spine yung needle. Super pawis ako. Sabi wag daw ako gagalaw. Ang hirap kasi may contraction. Hinahawakan na lang ako ng OB ko. Hawak din ako sa kanya. Natakot pa ako kasi baka sumala, ma-paralyze pa ako.

Laking ginhawa after umepekto epid. Ramdam ko pa rin contraction pero di na masakit. Nakakadaldal na ako. Pinakuha ko na din sa mga nurse yung baby book ni Vika for her first hand and foot prints. Ayaw sana nila kasi magagalit daw yung pedia. Istrikto kasi. Nakiusap pa ako. Kasama na rin dun yung data to gather like date and time of delivery, weight, height, mommy and baby's hospital tag. Sabi nila, prepared daw ako.

Sabi ko, remembrance lang kasi first baby. Kaya pagbigyan na dapat nila ako. Tapos may naririnig akong nag-caCandy Crush sa background. Akala ko nag-hahallucinate na ako. Yun pala, totoo ngang meron. Naka-open yung app sa iPad nung Anes. Adik lang din.
9 am, pag-IE sakin, 7 cm na. Sabi ni OB, pag nagcontract, ire ko lang. Tinuruan pa ako na wag ire ng ire. Hinga daw ng malalim then ire with all your might. Totoo ngang para kang napo-poop. Grabe, ang hirap umire. Akala ko, mauubusan na ako ng hininga. Sabi ni OB, you're on the right track, bumababa na daw si baby.
9:30 nasa 8 cm na.
9:45, 9 cm. nagkukuwento pa yung isang nurse dun na dati daw na-oOAn siya sa mga naglalabor dati pero nung siya na, ang hirap daw pala. Gusto lang daw niyang maupo sa toilet bowl.. Nagpa-epidural din siya pero hanggang 9 cm lag daw siya, di na daw bumaba baby kaya nauwi din sa CS. Yun na yung fear ko. Kasi baka magaya ako sa kanya.
9:50, 10 cm na. Fully dilated na daw sabi ni OB kaso bigla siyang lumabas kasi may dinala sa ER na pasyente niya. Yung 16 years old daw. May heavy bleeding. Kinabahan ako na baka pag-alis niya, saka lalabas si baby.
9:55 Bumalik na si OB. kinapa ulit si baby. Malapit na daw. Pinuwesto na nila paa ko. Nilagyan pa ako ng catheter kasi sabi ko nawiwiwi ako. Parang ice candy daw yung wiwi ko. Sabi ni OB, pag nasa height of contraction, inhale ng malalim then push ng matagal. Ganun ginawa ko. Parang mauubusan na ako ng hininga sa haba ng ire ko. Then, I felt na lumabas na si baby. Hay, ginhawa. Ang lakas ng iyak. Napa-Salamat po Lord na ako. Then, pinress nila puson ko. Daming dugo pa daw lumabas. Tinanong ko yung placenta. Takot ko lang na di maalis. Sabi ni OB, iuuwi ko daw ba? Sabi ko, di po. Gusto ko lang po makita. Pagkalabas nun, pinakita sakin. Tapos nirepair na yung perineal tear. Ramdam ko pagtahi. Sabi ng Anes, gusto ko daw ba matulog? Sabi ko ayaw ko kasi gusto ko padedehin agad si baby. Sabi niya, sedate lang para di ko ramdam yung pagtahi tapos, para makabawi din agad ako ng lakas. Umoo na lang ako. Pero bago ako nakatulog, pinatong nila si baby sakin. Totoo nga na mapapawi lahat ng hirap na yung pinagdaanan once na makita mo anak mo. Sabi ko, ang hirap pala manganak. Sabi ni OB, wag daw akong ma-trauma. Di naman. Pero siguro matagal pa bago ko ulitin.
Nagising ako nung binalik ako sa labor room. Wala pa din kasi available room that time. Nahirapan pa mga nurse na ilipat ako sa kama kasi ang laki ko.

Kita ko agad si baby, hawak ni hubby pero groge pa din ako. Maya-maya, pinahawak na siya sakin ni hubby. Pinilit kong bumangon kahit hilo pa ako. Pinadede ko si baby. Wala pa yatang gatas. Basta pina-latch ko lang on both breast. Di ko pa kaya kaya nilapag ko na muna sa Kama si baby. Nung pumasok yung nurse, nakita kalagayan namin, kinuha si baby at nilagay sa bassinet. Di naman umiyak si baby. Natulog muna ako. Maya-maya pinakain na ako ni hubby pero wala pa ako gana. Inom lang ako tubig. Hilo pa kasi ako.
1 pm, nilipat na kami sa suite room since may available na. Medyo nakarecover na din ako ng konti pero medyo hilo pa din. Tulog lang ako.
3 pm, nag text na ako sa friends, families and office mates na nanganak na ako. Tapos, pinakain ulit ako ni hubby bandang 4. Suka ulit ako pero puro liquid din. After nun, guminhawa pakiramdam ko. Ramdam ko din na super lakas ng paglabas ng dugo. Naka- diaper nga ako eh.
5 pm, Pina-latch ko ulit si baby. Yung pedia, dumating. Kaasar lang kasi di breastfeeding advocate. Pinapabili agad ng formula si hubby. Sabi ko, brineastfeed ko na si baby. Ayaw ko ng formula. Sabi niya, just in case daw na kulang gatas, bili na rin daw kami. Di ako nag-react. Kasi naman sabi sa breastfeeding class, kahit wala pang gatas, ipa-latch lang kay baby. Tutal yung kinain niya while inside the womb is enough to last for 3 days. Kaya puro latching lang ginawa ko. Sabi ng pedia, pag di nagwiwi in 24 hours, ibig sabihin wala nakukuha. Tinuro niya sakin how to clean yung pempem ni baby pag nagwiwi kasi prone daw sa UTI ang baby girls. Every 2 hours or basta gising si baby, pinapadede ko. Feel na feel ko maying isang Ina. Nag-poop na din si baby overnight ng 4 times. Yung kulay black na stool. Yung last episode pa, sobrang laki.

August 4
6 am, pinaliguan na ng nurse si baby. Nung tinanggal yung diaper, may wiwi na so masaya na ako. Ibig sabihin, may nadedede siya.
8 am, dinalaw ako ng OB, pwede na daw kami umuwi.
10 am, si pedia naman dumating. Binalita kong naka-wiwi na din si baby. Binakunahan niya si baby. Di ko na natanong kung ano yun. Sabi niya naman, ilalagay niya lahat sa baby book sa follow-up check up. Sabi antayin ko na daw newborn screening test ng 10:30 bago kami umuwi.
1 pm, discharge na kami.
Ayan sisses, haba ng labor story ko. Pasensiya na.
