Natutuwa ako sa mga kwento ng mga sis, natin.
Yung sa'kin sobrang habang kwento. Sorry.
Super crush ko na si first love since 2000-2001 (grade 7 kami). Super suplado pero 'di niya kayang tapatan ang kakulitan ko. Para hindi obvious, lumalandi ako sa iba. Yes, maaga 'kong lumandi.

Dahil sa sobrang suplado nya, hindi nya 'ko kinakausap. 'Yung mga guy friends lang nya kinakausap nya. Hanggang sa natapos yung graduation namin ayaw nya pa rin makipagfriends sa'kin. Asar na asar talaga 'ko! Sabi ko talaga sa susunod na makita ko siya kailangan mahingi ko na yung number niya.
Nung kinagabihan ng graduation, maghahapunan kami sa isang restaurant, nawindang ako na nanduon siya at ang buong family nya. Including tito, tita, and mga pinsan. Deadma 'ko kunwari nung una. Hanggang sa kalagitnaan ng dinner nila, lumapit talaga 'ko sa table nila para mapilitan syang pansinin ako at ipakilala sa family niya. Ayun, sinabayan ko na rin ng, "kunin ko yung cel number mo." Nakatingin sa'min mga kapamilya niya. Siguro, nahiyang ipahiya ako, ibinigay na lang niya. (Kinikilig pa rin ako pag naaalala ko pa. Sorry. hehe). Tapos kinuha ko yung phone niya para i-save yung number ko. Sabi ko, "o, hindi mo pwedeng hindi sagutin yung text ko ha! Friends na tayo. Naka-save yung number ko dyan." Hahahah!
After dinner, uwian na syempre. Aba, siya ang unang nagtext! Ang sabi niya, "sabi nga pala ni Mommy, ang ganda daw ng mga mata mo." Ay, talagang tumili ako sa sasakyan eh. Hahahah! Ayun, from then naging constant textmates na kami for a year.
Minsan pag wala 'kong load, papasahan niya 'ko para wala daw akong dahilan na hindi sya replyan. Ang ganda ganda ko talaga that time.
Tapos 'di ba nuon uso mga quotes quotes? After a year of friendship, nagstart na syang magsend ng quotes na sweet. Sabi ko nun, hala, "wrong sent" lang yata kasi nga first time eh. Ayun, sabi niya, "Para sa'yo talaga 'yan. Di ba tinatanong mo dati kung sino yung bagong crush ko? Ikaw." Eh di lalong gumanda 'ko nun.
After months of landian, sinabi niya sa wakas na gusto niya sanang manligaw pero magkaiba kami ng religion. Eh sa'kin naman, ayokong maging dahilan para mabagabag siya sa ganung issue kaya naging sapat na sa'min yung MU lang kami.
Until umabot sa point na hindi ko alam ano'ng nangyari. Bigla na lang may hindi sya nagustuhan sa isa sa mga naging usapan namin and biglang ayaw na nya sa'kin. I think he fell in love again with his first love. Yes, hindi ako yung first love niya. Pero siya talaga ang first love ko.
After 3 or 4 yrs of not talking to each other, nag ym sya saying na lilipat na sya sa up diliman at he feels na in one way or another, magkikita kami sa campus. And he doesn't want to have any awkwardness pag nagkita kami. So, he asked for forgiveness if he caused me pain in the past and as a respect of what we had, I would be the first person to know pag nagkaron na sya ng first gf nya. Syempre, dahil love ko sya, I forgave him and then I told him na okay na 'ko and may bf na rin naman ako (which is true).
So, the following sem yata lumipat na sya ng Diliman and sa hindi namin inaasahang pagkakataon, classmates kami sa isang class. Ayun, tumibok nanaman ng bongga ang puso ko. He sat by my side nung first day pa lang. And he's really sweet and nice to me everyday.
One time nagkukulitan sila ng friend ko and I was in between them cramming a homework due for my next class, bigla niya kong hinila towards his side and inakbayan ng mahigpit saying to my friend, "ah basta kakampi ko 'to."
Nagulat ako sa gesture at lalo 'kong nagulat na nasa pinto ng classroom si bf doing a surprise visit. Ayun, sya ang nasurprise. Nag walk out si bf, sabay takbo ko palabas ng pinto para habulin si bf to explain. My bf said, "kung hindi mo 'ko hinabol, hindi na ko magpapakita syo." He knows kasi the story of my first love.
Ayun, from that day on, nagiwasan na kami ni first love. One day nagyM na lang sya sa'kin just to say na may gf na sya and he wants to keep his promise of letting me know first before i hear it from anyone else.
Haay.. my heart is still aching.. feeling ko, kaya kong iwan ang bf ko of 9 years for this first love.