I'm a fresh graduate and it was so hard for me to find a good job after the graduation. Not to mention the minimum provincial rate wage! Kaya naisip ko rin mag online shop though it may seem a little too overrated, na parang ang dami na competition, once you start it and get a hang of it, okay rin naman ang profit, at baka mag enjoy rin kayo like how I enjoy it.
I would like to share mine. I also started selling my own pre-loved clothes to gather some funds. Balak ko kase magpunta ng Divisoria or Baclaran pag nakaipon na ako to buy stocks na brand new. Wala pang isang buwan, naka gather na ako ng more than 10k... mostly pre loved yun ha and NOT BRANDED! Pre-loved sya na never used (as in naiwan ko nakatambak sa cabinet) or used a couple of times pero super in good condition pa.
Nung makaipon na ako, pumunta na ako dun sa mga lugar na yon and spent the whole day trying to find what I wanna sell. Frankly speaking, marami ka talagang makikitang pedeng ibenta lalo na sa Divisoria. Sa 168 mall pa nga lang, di ka na magkakaintindihan ano pipilin mo. It was the reason why I stopped and realized na ayoko pala sa Divisoria bumili... siguro, a few of my items lang but not all.
Since malapit ako sa Tagaytay, I went for an ukay haul which was for myself sana (i'm such a thrifter kase) then I had a thought of... "Why not sell them instead?" And believe it or not, mas mabili pa sya compared dun sa mga nagbebenta ng garments na usually makikita sa Divi. And let me tell you the pros and cons (sorry kung mahaba na toh, i just really wanna share ang idea):
PROS:
1) Affordable
2) Unique (as in bihira sila makakahanap ng ganun style sa ibang shops)
CONS:
1) Usually stocks
2) Usually one size is available
3) There could be some stains, and flaws na either repairable or not.
After listing this, nag dalawang isip ako noon kase diba parang mas maraming CONS. Pero hindi eh. Nakikita lang kase natin sya as a list pero come to think of it, OKAY LANG kung walang size or isa lang stock ng ganun item at least, may positioning ka na sa mind ng customers mo na pag may binili sila sayo, SILA LANG ang may ganun item. Sa sizes, normally sa mga ukay naman, syempre mamimili ka. And before ka sumabak sa pag uukay, syempre you have to determine sino ba target customers mo? Find their common sizes kung extra small ba, o medium then pag nag ukay ka, yun ang hanapin mo. Of course, bago mo bayaran o habang namimili ka sa mga naka hanger, tignan mo na kung may stain o flaw yung damit to avoid it. Medyo mahirap nga lang. Tyagaan talaga lalo na kung di ka naman sanay mag halukay sa mga naka hanger na damit tulad nung mga nasa ukay.
Kung yung iba natatakot baka daw may sakit yung may ari nung damit, etc... meron akong nakitang blog before how to make sure na yung ukay na binili mo ay free from any germs etc. Simple lang, papainit kang tubig, ibababad mo dun yung damit, lagyan ng bleach na pang de color tapos after mo babaran ng ilang oras, labhan mo na. Do this step twice, for sure malinis na sya.
Gaya ng sabi ko, medyo mahirap kase matrabaho sya pero ako, bilang isang tao ganito ang ginagawa, nag eenjoy naman ako. Syempre pala pag dating sa pricing, wag naman OA. Sapat na pricing lang for the items. Bigyan ko kayo ng idea... I just dunno kung same sa Manila ukay shops ha pero dito kase samen, usually, pag new arrival ang dress ay 180 then ang blouses ay 120. Bumababa yan ng 20pesos every 2weeks. Minsan nga, umaabot 4 for 100 pero syempre, konting konti nalang mahahanap mong maganda. You can sell the blouses from 200-250 then yung dresses kahit hanggang 350. Syempre minsan di agad mabibili agad pero yun nga eh, you have to also consider your target market and the trend also.
Sa mga interested pa malaman yung ibang information tungkol sa ganitong online business (kase kung dito ko idedetalye mabaha talaga sya), you can email me po:
misslouisechelle@gmail.com. Gagawa ako ng isang document kung saan ko idedetail yung ginagawa ko sa online shop ko. Baka makatulong rin po sa inyo lalo na sa mga may kids dyan na sa bahay nagstastay.
I hope ma approve toh ng moderators. And I hope kahit medyo mahaba, nagka idea naman kayo kahit paano. Hehe. God bless po!
