watch now

Author Topic: What is something you did as a child that your parents don’t know about?  (Read 22271 times)

twelvth_goddess

  • Guest
my mom didnt like us eating street food (actually kahit naman now). as in sobrang bawal at lage nya binibilin sa yaya pag nasa school kame. what she didnt know was everytime i'd get off school, kumakain kame ng yaya and driver ng scramble, yung tagti-ten pesos. ayon, wala naman nangyaring masama sa ken hahaha!!

em.em

  • Guest
nakakatuwa naman tong thread na to.  ;D

ako naman mga 7 years old ata ako nun nasubukan ko na manigarilyo hahaha may tindahan kami noon pero di ako makakuha ng sigarilyo ang ginagawa ko pumupunta ako sa likod ng bahay namin,  maraming halaman dun at mga vines na nakapulupot sa bakod, yung mga natuyong vines kinukuha ko tapos sisindihan ko yun hihititin ko na parang sigarilyo hehe. tapos yung mga tinda namin mga suka na nasa longneck eh tinutungga ko kapag wala tao, sarap na sarap kasi ako sa maasim na suka. kaya nagtataka yung lola at nanay ko tuwing nakikita nila bakit nangangalahati yung laman ng mga bote ng suka. di din alam ng nanay ko na naputukan ako ng paputok sa siko, umuwi ako duguan yung siko ko tapos nilinis ko nalang hehe yung damit na pinamunas ko ng dugo eh tinapon ko sa basurahan. ;D

iYaMoTo

  • Guest
^ang kulit mo rin pala nung bata ka.  ;D ako din yung vines ng santol hinihithit ko yon. pero hindi naman ako tumungga ng suka.  ;D yung dahon ng papaya ginawa ko ring sigarilyo nung bata ako nilagay ko sya sa papel. grabe ang sakit sa ilong nung amoy nya pero hithit parin ako ng hithit..  ;D

kettlekorn28

  • Guest
Nung 4 or 5 years old ako, binutas ko yung 3 sacks of palay na kasama dun sa inani nila Lolo. Tapos hinigit ko yung himulmol nung sako. Eh di laglagan ang palay sa sahig. Natuwa pa ako kasi maganda tingnan...parang falls lang.  ;D Patong-patong kasi sila. After that umalis ako. Pagbalik ko, nakita ko si lolo galit na galit at pinapalo na yung pinsan kong lalaki (na laging nag-aaway sa akin). Kala nya si pinsan ang salarin. Di na ako umeksena, tumakbo na lang ako palabas. Sabi ko sa sarili ko "Buti nga sayo, mamula sana puwet mo." Salbahe?!  ;D

iYaMoTo

  • Guest
^ salbahe ka.. pero ang kulit hah. nakaganti ka sa pinsan mo na kaaway mo palagi. ang bad nung ginawa mo. ;D


ay may kwento pa pala ako. nung mga bata pa kami ni ate nanunungkit kami ng santol ng ate ko tanghaling tapat. e pinapatulog kami non ng lola ko. tumakas kami. may bintana yung lola ko na yero tapos tinutukuran ng kahoy. ayon doon kami nag tatago pag nanunungkit kami para hindi kami malaglaggan ng santol. tulong pa kami ng ate ko manungkit sukat mo ba naman naputol yung malaking sanga edi tago kami nung ate ko don sa bintana ng lola ko e doon nalaglag yung sanga natanggal ngayon yung nakatukod na kahoy. Ayon kitang kita lang naman ng lola ko na humampas sa mga ulo namin yung yero.  ;D ayon pinalo kami ng lola ko tapos pinatulog kami. ;D

Grabe hhindi ko alam kung ano yung masakit: Yung yero ba na humampas sa mga ulo namin ni ate o yung palo ng Lola?!

ang nakakatuwa don pag kahiga namin ng ate ko tawanan pa kami sabahy himas sa ulo..  ;D

honey-ecclaire

  • Guest
4. nagkaroon ako ng sugat sa noo noong 7 ako, isang mahaba, isang mahabang linya na sugat. sabi ko nahulog ako sa kama. pero ang totoo, kinuha ko yung razor (pang-ahit) ni tatay tapos inahit ko yung noo ko. isang pasada sa noo! aaaa! sakit! as in nakita ko na lang na tumulo yung dugo, parang horror movie. nilagyan nina ate at kuya ng lupa para daw tumigil ang dugo. ha ha ha!

I exactly did the same thing sis..super amaze kase ako sa razor ng papa ko eh ayung ng dumugo na and they were asking kung anong nangyari sabi ko nabangga ako sa harap ng salamin..lahat sila nagtataka kase pano nga naman yun mangyayari then nakita nila yung razor na may buhok ayun nalaman na nila ang milagrong ginawa ko...

when i was 8 or 9 my ate and I,were eating banana cue ang lalaki ng stick nun di ba?after eating tinarget ko si ate..sabi ko pa ate bulls eye to,but ang plano ko padaplisan lang sa mukha nya..nagulat ako ng pagkatira ko tumama sa chin nya as in nakatayo pa talaga ang stick sabay mura sa akin ni ate while taking the stick off her face..

i use to try to smoke din sa loob pa ng CR..kase ang papa ko he smoke sa CR,kaya akala ko para sa constipation yun,hehe I tried it and naamoy ng mama ko ayung pinagalitan ako bakit ko daw yun ginawa"sabi ko"di kase ako ma*** eh..

iYaMoTo

  • Guest
^LOL ;D ang kulit mo rin nung bata ka. ;D

honey-ecclaire

  • Guest
ay naku sis kakaloka talaga ang mga kalokohan natin na when we look back on them super katawa,super tawa talaga ako wjile reading our sisies posts..kalurkey! :) ;D

iYaMoTo

  • Guest
^ akala ko nga iilan lang yung nag try mag yosi nung bata pa. Ang dami din palang  sumubok. meron pa nga ako about yosi pero di ko alam kung nakwento ko na ba dito. Yung lola ko pinabili ako ng sigarilyo nya pagkabili ko sinindihan ko narin para naman matuwa yung lola ko sakin. E natuwa ako hinithit ko ng hinithit habang naglalakad ako. Pag karating sa kanya 1/4 na lang yung sigarilyo nya. tinanong nya pa ako "o bat ito na lang yung sigarilyo ko?" (sabay tawa) wala ng nagawa ang lola ang sinabi na lang sakin "apo bumili ka ulit. wag mu na sindihan may posporo ako dito.LOL  ;D kaloka. ayan tuloy ngyari sakin ngayon adik sa yosi.  ;D

chrome-plated heart

  • Guest
binebenta ko yung baon kong food (sandwich and drinks) sa kuya ng classmate ko... 70s noon, imagine 20 pesos ko ibinebenta.. minsan 30, minsan 40 (kung ano trip ko na price)... binibili naman lagi nung buyer ko kasi di nya type food sa canteen.. eh ako type ko sobra kasi dun lang ako nakakain ng bibingka na manipis, saging na saba and mga gulaman na di ko alam kung san galing ang tubig. nagtataka na nga parents ko dati bakit lagi ako meron LBM, pati yung pedia ko, kasi bakit naman daw sis ko wala, eh classmate ko yun kaya 24/7 kami magkasama...

hahaha :D

lovemeagain30

  • Guest
we used to have a small sari sari store. I was fond of watching tv commercials and my favorite was REXONA DEODORANT (wont let you down!).  so what i did i went to our store, grab each piece of the rexona deodorant i was able to find in the panel and then rub them on under my armpits! pagkatapos kong gawin yun, ilalagay ko ulit yung takip tapos ibabalik ko ulit sa tindahan..hihi! di naman kasi uso nuon ang seal eh kaya di nahalata ng lola ko. i think i was 5 or 6 years old.

Kady_14

  • Guest
si husband ko nasugat din, sa takot naman ng kuya nya na pinsan nilagyan nila ng dagta - gamot daw sa sugat. hahahaha

iYaMoTo

  • Guest
^bakit sis? anong ngyari sa hubby mo? bakit sya nasugat? pwede ba yung dagta sa sugat? ang dami kong tanong.  ;D

nymphadora

  • Guest
^funny mga stories nyo. guilty din ako sa kupit. kumukupit dun ako sa bulsa ng mother ko nung bata pa ako. Pag lasing father ko and pag may makita akong mga barya sa bulsa nya, sinasamantala ko na pagkakataon. Taka sya kung saan na coins nya the next day.

Nung elementary ako, meron kami mga garden plot sa school  and tanim munggo. Naisipan namin ( I and my friends) iharvest yung mga munggo without my teacher's knowledge. Pinaluto namin sa yaya afterwards.

« Last Edit: June 01, 2010, 05:01:05 pm by nymphadora »

Kady_14

  • Guest
^^ nadapa sya, sa takot nila ng kuya pinsan nya na mapagalitan, si kuya nakaisip ng gamot. hehe ang sabi nya naniwala naman sya, saka na pacify na sya kakaiyak kasi me gamot na nga. hahaha

ewan ko kunt totoo yun. dagta ng dahon.

honey-ecclaire

  • Guest
my sister used to go to school na walking distance lang sa amin..eh i was 5 or 6 that time gustong gusto ko talagang mag-aral kaya i grab my mom's bag and walk towars my sis direction while crying kase hindi ko na makita ate ko eh..tapos yun pagnakarating ako sa school nya ta makita nya ako ihahatid naman nya ako sa bahay...

nung kinder ako my mom was working overseas while my dad was working din si ate lang nagbabantay pati yaya,super laro ko so para hindi ako pagalitan ng yaya at ng ate tumakbo ako sa bahay and dali-daling nagbigis ayun takbo ako pauntang school then parang ang lamig ng skirt ko ayung pala nakalimutan kong mag-underwear ayung balik ako sa bahay napagalitan tuloy ako ng bonggang bongga

nainaj

  • Guest
i was in grade 6 (imagine,graduating ako nito!), uso sa amin ang pumunta sa bahay ng kaklase na sasabay sa school bus...one time, turn naman namin pumunta sa bahay namin.eh di lahat ng sasama inilagay na ang bag sa tapat ng door ng service para iload na ng conductor..nung nasa bahay na kami,walang nakuhang bag yung isang kaklase ko.madali kami bumalik ng school para i-check pero wala talaga..to make the long story short, naiwan at may ibang dumampot ng bag nya,eh halos lahat ng notes and books andun...

the following day,nakareport na sa guidance office.ciempre i have to do something...kaya ayun sinagot ko ang pagphotocopy ng notes at books namin...as in pakiusap ko sa guidance counselor na wag ipaalam yung nangyari...effort to the max ako! kaya come graduation day,sobrang ngiti saken ang mga taga guidance kasi natapos ko yun ng d nalalaman ng parents ko.  :D


ishare ko na din yung kay bf:

may malaking hiwa (scar) sa noo niya. everytime na itatanong ko kung bakit ayaw nya sagutin. One time, nakakwentuhan ko yung kababata nya at by accident naikwento nya kung bakit...kaya daw may scar siya dun dahil inawat nya yung nagaaway na pusa.ayun siya ang kinalmot!
halos mamataymatay ako kakatawa nung nalaman ko yun! LOL
« Last Edit: June 01, 2010, 06:21:37 pm by nainaj »

rockONsaint

  • Guest
Ang kulet ng mga kwento dito.  Nakakatuwa.  Eto hindi alam ng parents ko noon pero nung kinuwento ko ngayong malaki nako, tawa sila ng tawa.

1. Nung bata kasi ako tumira kami ng family ko sa Kuwait kasi dun nagwowork Daddy ko.  So ang mga nakatira sa bahay namin yung grandparents ko sa mother side.  Nung nakabakasyon kami nung 8 years-old ako, pinakealaman ko yung closet ng grandparents ko kasi sabi ko pa nga tutal bahay naman namin yun. hehe.  May nakita akong injection doon.  Ginagamit yun ng lolo ko para sa mga manok niyang pangsabong.  Linagyan ko ng tubig sabay press ko yung injection.  Naaliw ako na lumabas yung tubig sa needle.  Everyday noon kung ala sila sa loob ng bahay, kinukuha ko yung injection basta lang gusto kong nakikitang lumalabas yung tubig sa needle.  Ang ginagawa ko pa, pinupunasan ko sa t-shirt ko yung injection para hindi halatang ginamit kasi basa.  Eh nung isang araw nabasag ko kasi nadulas sa kamay kong basang basa na.  Hindi ko sinabi ako nakabasag.

2.  Nung mga 5 years-old ako, nasa terrace ako nun habang yung grandparents ko naglalaro ng pusoy dos.  Nakita ko yung yosi ng lolo ko nasa pasamano sa terrace.  Kinuha ko yun tapos tumalikod ako sabay hithit.  hehe.  Buti hindi ko natutunang maging habit ang smoking.

3. Kaming magpipinsan, inuutusan kami ng mga uncles namin bumili ng mga ilang bote ng beer sa tabing tindahan.  Tapos pagkatapos namin bumili kung minsan kami yung nagvovolunteer na magbukas ng mga bote.  Eh nung isang araw, nacurious kaming magpipinsan.  Nagtataka lang kami bakit sarap na sarap sila sa beer.  So ako yung unang nagkaroon ng lakas ng loob kasi isa ako sa matatanda nun, mga 6 years-old ako nun.  Binuksan ko yung isang bote tapos sabay uminom ako agad.  Ayun ang pangit pala ng lasa.  Kasi ininom ko yung parang bubbly part yung unang lalabas pagbukas mo ng bote, hindi ko lam ang tawag dun.  Mukha kasing masarap pero hindi pala.  LOL

4.  Nung mga 6 years-old ako, gunupitan ako ng lola ko.  So nung natapos na, nakita ako ng pinsan ko na ka-age ko rin and nagustuhan niya yung gupit ko na parang bunot style.  Sabi ko sa kanya, "Gusto mo, gupitan din kita?"  Oo sabi naman niya.  Ayun, kinuha ko yung gunting ko sa bag ko na gamit ko sa school.  Ang itsura pa nga nun giraffe na yung isang side eh pink, yung isang side green, basta pambatang gunting.  Pinaupo ko yung pinsan ko sa upuan tapos naglagay ng damit over her shoulders.  Basta ginaya ko yung ginawa ng lola ko saken.  Ginupitan ko yung pinsan ko.  Dumating din yung kapatid niyang younger sa kanya and siya rin ginupitan ko.  Eh nakita ako ng isa pang lola ko, tinawag niya yung lola ko tapos ako sabay tago sa kuwarto.  Siyempre ang gupit ko nun eh hindi pantay pantay ang bangs nila, kaya rinemedyuhan nalang ng lola ko.

5. Uminom ako ng cough syrup sa ilalim ng dining table namin.  Kagagaling ko lang nun sa ubo kaya na-adik ako sa lasa.  Tinungga ko yung isang bote na mga 1/4 nalang siguro natitira.  Basta mga 7-8 years old ako nun.  Ang sarap kasi eh.

6.  Dumating yung mga kabarkada ng Daddy ko tapos sinabihan ng Daddy ko kami ng kapatid ko and pinsan na sa labas kami maglaro at huwag kaming papasok sa loob ng bahay.  Yun pala nanood sila ng porn.  Eh kami naman sumilip kami sa loob tapos nung nakita namin yun, nagtakbuhan kaming paalis sabay hagikgikan.

Beng01

  • Guest
sis Tigershark09, nakakatawa ka naman. Sinubo mo iyong pustiso ng lola mo. You are very curious as a child kaya kung ano ano tina try mo. ;D
At nung college ka, ang dami mong nagastos kakabili ng payong. Nakakaliw ka  ;D

eto ha, pasensya na kayo sa mga misadventures ko:

1. age 5, nag-try akong magyosi. ha ha ha! :) yung mga upos ng sigarilyo na ginamit ng tatay ko at hinahagis sa tabi-tabi e sobra akong na-curious at gusto kong malaman kung ano ang lasa. kaya kinuha ko yung upos, muntik pang masunog mukha ko. tapos ginaya ko siya, hinigop ko sabay ubo ako ng ubo. iyak ako ng iyak.

2. nagkikiss ako sa demonyo na inaapakan ni San Miguel! catholic kami, bata pa ako, after ng misa, nakikita ko mga taong humahalik sa santo. e sunod ako ng sunod kung saan pumunta nanay ko. habang hinahalikan ni nanay ang kamay ni San Miguel (St. Michael Arcangel), hinahalikan ko naman yung devil na inaapakan niya. ha ha ha! e kasi naman, yon lang ang abot ko. malay ko bang bad yon ;) hindi rin napapansin ni nanay dahil busy sya praying. na-realize ko katangahan ko noong mga grade 3 na siguro ako.

3. ang pustiso ni lola :) syempre bata pa ako niyan, kapag nagbabakasyon kami kina lola, lagi ko siyang pinapanood na after niya kumain, inaalis niya yung pustiso tapos binu-brush niya. talagang di ako makapaniwala! sobrang mangha talaga ako. ha ha!  tapos nilalagay nya pustiso niya sa basong may tubig sa kusina bago siya matulog. one night, bumaba ako sa kusina at kinuha ko yung pustiso at sinubo ko. nyah!!!!

4. nagkaroon ako ng sugat sa noo noong 7 ako, isang mahaba, isang mahabang linya na sugat. sabi ko nahulog ako sa kama. pero ang totoo, kinuha ko yung razor (pang-ahit) ni tatay tapos inahit ko yung noo ko. isang pasada sa noo! aaaa! sakit! as in nakita ko na lang na tumulo yung dugo, parang horror movie. nilagyan nina ate at kuya ng lupa para daw tumigil ang dugo. ha ha ha!

5. eto college days ko, di alam ni nanay na yung payong niya 10 times ko na atang nawala. everytime nawawala ko, dumadaan ako sa baclaran para humanap ng exactly the same payong :) sabi pa ni nanay kay ate "buti pa itong kapatid mo, maingat sa payong. mukhang laging bago!" :) hehe. di niya alam kung naka-magkano ako sa dami ng payong na nawala ko.

Beng01

  • Guest
Ako naman, nung mag 10 years old na ko, binuksan ko iyong closet ng katulong namin. Nakita ko iyong wallet nya at kumuha ako ng 20 at 50 pesos. Bumili ako ng mga candy. Until now wala siyang idea na ako ang nangupit sa wallet niya.  :)

Dahil naguilty ako, nung high school na ako, nilibre ko siya sa Jolibee  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close