eto ha, pasensya na kayo sa mga misadventures ko:
1. age 5, nag-try akong magyosi. ha ha ha!

yung mga upos ng sigarilyo na ginamit ng tatay ko at hinahagis sa tabi-tabi e sobra akong na-curious at gusto kong malaman kung ano ang lasa. kaya kinuha ko yung upos, muntik pang masunog mukha ko. tapos ginaya ko siya, hinigop ko sabay ubo ako ng ubo. iyak ako ng iyak.
2. nagkikiss ako sa demonyo na inaapakan ni San Miguel! catholic kami, bata pa ako, after ng misa, nakikita ko mga taong humahalik sa santo. e sunod ako ng sunod kung saan pumunta nanay ko. habang hinahalikan ni nanay ang kamay ni San Miguel (St. Michael Arcangel), hinahalikan ko naman yung devil na inaapakan niya. ha ha ha! e kasi naman, yon lang ang abot ko. malay ko bang bad yon

hindi rin napapansin ni nanay dahil busy sya praying. na-realize ko katangahan ko noong mga grade 3 na siguro ako.
3. ang pustiso ni lola

syempre bata pa ako niyan, kapag nagbabakasyon kami kina lola, lagi ko siyang pinapanood na after niya kumain, inaalis niya yung pustiso tapos binu-brush niya. talagang di ako makapaniwala! sobrang mangha talaga ako. ha ha! tapos nilalagay nya pustiso niya sa basong may tubig sa kusina bago siya matulog. one night, bumaba ako sa kusina at kinuha ko yung pustiso at sinubo ko. nyah!!!!
4. nagkaroon ako ng sugat sa noo noong 7 ako, isang mahaba, isang mahabang linya na sugat. sabi ko nahulog ako sa kama. pero ang totoo, kinuha ko yung razor (pang-ahit) ni tatay tapos inahit ko yung noo ko. isang pasada sa noo! aaaa! sakit! as in nakita ko na lang na tumulo yung dugo, parang horror movie. nilagyan nina ate at kuya ng lupa para daw tumigil ang dugo. ha ha ha!
5. eto college days ko, di alam ni nanay na yung payong niya 10 times ko na atang nawala. everytime nawawala ko, dumadaan ako sa baclaran para humanap ng exactly the same payong

sabi pa ni nanay kay ate "buti pa itong kapatid mo, maingat sa payong. mukhang laging bago!"

hehe. di niya alam kung naka-magkano ako sa dami ng payong na nawala ko.