watch now

Author Topic: What is something you did as a child that your parents don’t know about?  (Read 22273 times)

iYaMoTo

  • Guest
Sharing stories from when you were young is a great  conversation starter and is often good for many laughs. Trusting each other with a secret is fun as well.  ;)

mine is:

My mom don't know na nung bata ako pumupunta ako palagi sa Gubat sumasama ako don sa mga friends ko na maligo sa iLog.. ;D

aquacharly

  • Guest
At the  age of 4, nag mahmahjong na ako.. something like that, no big deal mahjong naman ano.
My dear lola is a certified mahjonggera.  The sessions start at 1PM, end at 6 -- at least 4 tables in her study.
   The only days-off  are Good Friday, Christmas Day and Jan. 1
   
My lola would pick me up most days, and return me at 8PM, in time for my bedtime.  Nakapaligo na ako, nakapajamas na.   In the mornings, we go make pasyal, make the rounds of her collections from tenants, checking on her business.  Paghapon, mahjong na.

Accdg to my lola,  when I was 1  yo... she would make me sit on her lap while she played.  Then 1 day... somebody threw down 1 ball.  Binagsak ko daw the pair of 1 ball na nakatayo.   That started my mahjong career. 

My parents found out when I was  7.  We were spending Holy Week at lola's rest house in Matabungkay.  She had to pee... she called me to play for her.    I kept pace with the oldies.. kaya ko pa with joker on the wall, and no numbers on the tiles..  hehe    My dad, her son, was sooooo mad!   

But for me,  those mahjong sessions or just being there in that room with the mahjonggeras while doing my homework or playing .. I learned a lot just listening to the oldies. Mga true-to-life lessons talaga.

iYaMoTo

  • Guest
talaga marunong ka mag mahjong sis? lahat ng sugal alam ko mahjong lang hindi ko alam.. ang galing mo naman..

rianne_mallows

  • Guest
when i was 12, i trade some of my books for a voodoo and fortunetelling book  :-X  hindi ko sinabi kasi yari ako ;D

hindi ko naman maintindihan kaya ni-trade ko na lang ulit for other books :P

iYaMoTo

  • Guest
talaga sis? salbahe ka sis.. anong klaseng book yung ni-trade mo sis? :)

aquacharly

  • Guest
talaga marunong ka mag mahjong sis? lahat ng sugal alam ko mahjong lang hindi ko alam.. ang galing mo naman..

Mahjongg is no big deal.  It just hones your memory, that's all. 
It's easy...puede ka magisip ng problema mo habang nagririgodon,,  puede ka pa rin maki dakdak sa phone,  puede ka pa magturo ng math -- (my lola would sit me beside her and make me memorize my multilplication tables there sa tabi nya between her pongs and todas!  hate na hate ko kasi the multiplication tables noon)  hehe

What am I gonna teach my kids?  Not mahjong.  But pusoy. 
Yan, may matutunan about tactical diskarte.     hehe
And poker -- parang family sport coz my husband is soooo into poker.


talaga sis? salbahe ka sis.. anong klaseng book yung ni-trade mo sis? :)

kung ako ask mo nyan, sagot ko:  Kama Sutra with complete illustrations.    LOL

rianne_mallows

  • Guest
talaga sis? salbahe ka sis.. anong klaseng book yung ni-trade mo sis? :)

nakalimutan ko na.. basta 2 yun eh hardbound book.. buti hindi napansin ni mother ;D yung classmate ko na pinagtrade ko sa kapatid niya ata yung book, eh gusto niya yung sa akin kasi madami drawing, ayun trade kami ;D


What am I gonna teach my kids?  Not mahjong.  But pusoy. 
Yan, may matutunan about tactical diskarte.     hehe
And poker -- parang family sport coz my husband is soooo into poker.


kung ako ask mo nyan, sagot ko:  Kama Sutra with complete illustrations.    LOL

i dont know a thing about mahjong pero sa pusoy hah! unbeatable ako harhar 8)

kama sutra? mmm.. sayang hindi ko naisip yun nung bata pa ko hehe ;D

aquacharly

  • Guest

RIANNE:

Ngek!  I will remember not to go up against you sa pusoy.  hehe

Mahjongg is boring... pusoy is a more interesting game.
Atchaka kahit saan puede mag pusoy.  Eh kelangan mo pa ng table sa mahjongg...  the mahjong cards just don't do it for a mahjonggera   hehe

Yes, I sure will make sure my kids get to be as good as you sa pusoy.

Tigershark09

  • Guest
eto ha, pasensya na kayo sa mga misadventures ko:

1. age 5, nag-try akong magyosi. ha ha ha! :) yung mga upos ng sigarilyo na ginamit ng tatay ko at hinahagis sa tabi-tabi e sobra akong na-curious at gusto kong malaman kung ano ang lasa. kaya kinuha ko yung upos, muntik pang masunog mukha ko. tapos ginaya ko siya, hinigop ko sabay ubo ako ng ubo. iyak ako ng iyak.

2. nagkikiss ako sa demonyo na inaapakan ni San Miguel! catholic kami, bata pa ako, after ng misa, nakikita ko mga taong humahalik sa santo. e sunod ako ng sunod kung saan pumunta nanay ko. habang hinahalikan ni nanay ang kamay ni San Miguel (St. Michael Arcangel), hinahalikan ko naman yung devil na inaapakan niya. ha ha ha! e kasi naman, yon lang ang abot ko. malay ko bang bad yon ;) hindi rin napapansin ni nanay dahil busy sya praying. na-realize ko katangahan ko noong mga grade 3 na siguro ako.

3. ang pustiso ni lola :) syempre bata pa ako niyan, kapag nagbabakasyon kami kina lola, lagi ko siyang pinapanood na after niya kumain, inaalis niya yung pustiso tapos binu-brush niya. talagang di ako makapaniwala! sobrang mangha talaga ako. ha ha!  tapos nilalagay nya pustiso niya sa basong may tubig sa kusina bago siya matulog. one night, bumaba ako sa kusina at kinuha ko yung pustiso at sinubo ko. nyah!!!!

4. nagkaroon ako ng sugat sa noo noong 7 ako, isang mahaba, isang mahabang linya na sugat. sabi ko nahulog ako sa kama. pero ang totoo, kinuha ko yung razor (pang-ahit) ni tatay tapos inahit ko yung noo ko. isang pasada sa noo! aaaa! sakit! as in nakita ko na lang na tumulo yung dugo, parang horror movie. nilagyan nina ate at kuya ng lupa para daw tumigil ang dugo. ha ha ha!

5. eto college days ko, di alam ni nanay na yung payong niya 10 times ko na atang nawala. everytime nawawala ko, dumadaan ako sa baclaran para humanap ng exactly the same payong :) sabi pa ni nanay kay ate "buti pa itong kapatid mo, maingat sa payong. mukhang laging bago!" :) hehe. di niya alam kung naka-magkano ako sa dami ng payong na nawala ko.


rianne_mallows

  • Guest
^sobrang laughtrip itong post po LOL ;D fave ko yung sa razor ;D

evilwoman

  • Guest
when i was around 5 or 6, i was playing near our neighbor's window (kakamatay lang ng dad nila), kita ko bukas ang tv nila at di ko type ang palabas (di naman ako nanonood, kita ko lang at di ko type). what i did was i got our tv remote control and secretly changed the kapitbahay's channel. kagulo silang mag-anak dun. sabay tayaan sa jueteng using the previous channel at yung channel na napili ko. kwento pa din nila yun sa mom ko pero di ako nagconfess kay mama. haha.. up to now ang alam nila is nagparamdam ang dad nila.. hehe

kettlekorn28

  • Guest
laughtrip nga yung kay sis tigershark. Lalo yung number 4. Wahaha!

antagonist

  • Guest
i so love this thread.  ;D

anyway when i was in grade school, lahat ng asssignments ko sa arts pinapagawa ko sa kuya ko (a year older than me), i don't know why i have no patience to do it dati considering graduate ako ng fine arts now ;D

sumusungkit ako lagi ng piso dun sa malaking alkansya ng lola ko (malalaking piso pa sya noon)

one time nagsara ng pintuan ng living room ang nanay ko with her kumare to watch porn (betamax pa ang uso nun), sumilip kami ng mga kalaro ko. hala nandiri kami sa nakita namin sa tv kaya nagtakbuhan kami papalayo habang tawa ng tawa. di naman kami nahuli, busy sila sa daldalan. :P

Kady_14

  • Guest
a near death experience with my HS friends. trip trip lang, I think we were 14 or 15 years old then. tinakas namin yung extra car ng parents ng classmate ko. it was an old box type car. We had a guy friend / classmate drive - who barely knows how to drive. siguro mga 7 kami siksikan sa loob. trip lang.

So ayun, parang ngpractice sya magdrive with us in the car. drove on the highway and muntik na kaming maipit ng 2 bus na nagigitgitan sa commonwealth ave (accident prone area)

when my dad learned about it, years after. kita ko namutla sya. then saka nagalit.

-- as a child pala. hehe...

* anything I do then, I do it twice kasi sabi mamamatay daw ang nanay ko. So kahit na nahulog na ako sa monkey bars (aka baras) inulit ko pa din. hahaha

* re the pustiso, nakikita ko naman yung alkazeltzer ginagamit ata ng lola and lolo ko pang linis ng pustiso, pag nalingat sila pinapakialaman ko sa cr nila sa kwarto yung pati yung alkazeltzer. pero di ko naman sinubo. hahaha laugh trip.

*pinapakialaman ko ang bag, wallet ng nanay ko. di naman ako nangungupit, I just wanted to know what is inside. (namana ng anak ko na babae- pakialamera din) ginagawa ko kasi namimiss ko nanay ko nuon pag wala sya sa bahay at nasa work. inaamoy ko pati yung wallet nya pamalengke kahit amoy pera at palengke. hahahaha ;)

isip pa ako.
« Last Edit: May 13, 2010, 01:03:14 pm by Kady_14 »

binggay

  • Guest
Sharing stories from when you were young is a great  conversation starter and is often good for many laughs. Trusting each other with a secret is fun as well.  ;)

mine is:

My mom don't know na nung bata ako pumupunta ako palagi sa Gubat sumasama ako don sa mga friends ko na maligo sa iLog.. ;D

Sis, san yang Gubat? Parang narinig ko na rin yan before, di ko na maalala san nga ba yan?

iYaMoTo

  • Guest
^ malapit to sis sa lamesa dam. tawag nila don sa balite kasi may malaking puno ng balite don.. saka isa pa don naman sa lupa ni araneta tawag ata don aquarie.. ;) bakit sis?

iYaMoTo

  • Guest
sis Tigershark09 kakatuwa yung sayo.. lalo na yung sa postiso ni lola. LOL  ;D  isipin ko muna yung mga kalokohan ko nung bata ako.. popost ko rin lahat yung akin.. nainggit ako eh.. hehe
« Last Edit: May 14, 2010, 11:03:11 pm by iYaMoTo »

Tigershark09

  • Guest
@iyamoto, sobrang likot ko talaga noong bata at matigas ulo ko kaya lagi akong napapahamak. hehe.

@Kady_14, nadiri nga ako nang sinubo ko na yung pustiso. ewww! tinitingnan ko pa sarili ko sa mirror kung bagay. a ha ha ha!

@antagonist, nangungupit din ako ng barya sa alkansya ni nanay at sa palda ng lola ko. hehe. binibili ko ng ice candy, plastic balloon at chinese hopia.

Kady_14

  • Guest
Madagdag ko lang, yun pinsan ko na mas matanda. naka retainers (uso nuon di ba) eh pag nasa bahay di naman nya sinusuot, nilalagay nya sa plastic glass ng tupperware yung madaming kuya na me takip then nilalagay nya sa ref nila. one time yung kapatid nya uhaw na uhaw umuwi muna kasi nglalaro sa labas ng bahay. ininum nya yung tubig. hahahaha diring diri sya na me retainers pala sa ilalim. eewwwww.....

iYaMoTo

  • Guest
^ yuck sis kady kadiri naman yon.. parang yung friend ko pag kumakain kasi sya ng nakakamay may baso sya tapos binabasa nya don yung kamay nya kasi ayaw nya na yung kanin dumidikit sa kamay nya. e one time pumunta don yung friend nya. sobrang close nya yon kaya free yung friend nya kahit anong gawin nya sa bahay nung friend ko. siguro uhaw na uhaw kaya yung basong may tubig sa lamesa yon yung ininom nya.. hindi nya alam yun yung pinaghuhugasan ng friend ko ng kamay.. tapos nung bumalik yung friend ko sa lamesa nagtaka sya kasi nawala yung baso sa lamesa sabi nya "asan nayung hugasan ko ng kamay" punta sya ng lababo sabi nya bakit andito na toh?" nagulat yung friend nya tapos nung nalaman na hugasan pala nya ng kamay yon. grabe masuka-suka sya.. LOL ;D

lesson: wag iinom sa basong may tubig na nakalagay sa lamesa.  :)

@sis Tigershark09:

1. age 5, nag-try akong magyosi. ha ha ha! :) yung mga upos ng sigarilyo na ginamit ng tatay ko at hinahagis sa tabi-tabi e sobra akong na-curious at gusto kong malaman kung ano ang lasa. kaya kinuha ko yung upos, muntik pang masunog mukha ko. tapos ginaya ko siya, hinigop ko sabay ubo ako ng ubo. iyak ako ng iyak.

-parehas tayo sis Tigershark nung bata kasi kami ni ate don kami nakatira sa lola namin. bali yung gilid ng bahay ng lola ko may puno ng santol. umaakyat kami don sa bubong tapos kinukuha namin yung maliliit na sanga ng santol ginagawa naming yosi ni ate. Paramihan pa kami ng sanga ni ate na hihithitin.  ;D hithit buga lang kami ni ate don sa santol.. LOL.
Ito na.. yung lola ko tinapon nya yung yosi nya tapos nung umalis na sya dinampot ko tapos hinithit ko tamang tama dumating yung amiga nya huling- huli talaga ako sa akto nag naghits ako sinumbong nya ako sa lola ko tapos pinalo ako ng lola ko sa pwet..  :D
« Last Edit: May 15, 2010, 01:43:35 pm by iYaMoTo »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close