watch now

Author Topic: What is something you did as a child that your parents don’t know about?  (Read 22251 times)

hersmart4ever

  • Guest
Mabait ako as a kid. LOL. The worst thing I did then was watching Maging Sino Ka Man w/ my friends without their knowledge. Ang alam nila, may activity kami sa school.

Poleng

  • Guest
my parents never really knew me.
present sila sa bahay pero masyado sila busy sa kanya kanyang careers para pagtuunan ako ng pansin. kaya wala silang alam sa mga kalokohan ko. hehe...

pero way back when i was in elementary. nung usong uso pa yung gameboy. i brought my baby brother's game boy sa school and then it was confiscated. i never told my parents about it kasi alam ko sangkatutak na sermon ang mareReceive ko. bawal ang mistakes sa household namin. ayun, hindi ko na nakuha. hehe... ;)

pumpkin13

  • Guest
When I was 8 years old, naligo kami sa dagat ng kuya ko and kalaro ko. We decided maglaro ng tagu-taguan sa tubig. So si kuya ang taya. Nagtakip sya ng mata dun sa parang sirang wall malapit sa tubig then kami ni Anna(playmate ko), naisip namin magtago sa ilalim ng tubig. We could swim naman sa mababaw na part lang. So we shouted "Game!" then lumubog na kami. Until nalulunod na pala si Anna kasi napunta sya sa malalim na part. Worse is, nahila nya ko. Kasi sa gusto nyang makaahon sa tubig, she was pushing me down para makabwelo sya pataas. Hindi na ako makakilos nun, she was holding me sa collar ko sa likod. I remember so clearly that I was praying that time. Sabi ko malapit na bday ko and hindi na ako aabot sa 9th year ko. God save me.

And He heard my prayer kasi naramdaman ko na lang someone was pulling us out of the water and kuya ko yun. He was only 10 years old at the time. Siguro adrenaline rush, takot and worry, nakaya nyang hilahin kaming dalawa ni Anna sa shore. I was so scared and naging secret namin yun ng kuya ko til now.

Ang naging effect lang nun sa akin is I can't sleep when it's raining. Para akong nalulunod palagi and my mom couldn't explain where the fear came from. I still didn't tell her. :-\

honey-ecclaire

  • Guest
woah!that's really kinda katakot tlaga sis....

sxymnky

  • Guest
...that i took good care of my lil sisters nung wala sila  :(
'twas my lil sis bday...walang handa so i made a cake for her "kamote cake" hindi ko alam papano ko nagawa yun hahaha but i made her happy ;)
sarap ko magmahal ng kapatid noh?  ;D

beijhing

  • Guest
^^oo nga sis, scary yun. don't you ever think of telling your parents? I'm not really an expert pero baka kasi may effect sau yun nang hindi mo lang alam/napapansin (aside from you can't sleep when it's raining)

^that's so sweet sis. I'm sure di makakalimutan yung ng sister mo.

ako when I was a kid, I tend to "shoplift". not really intentionally kasi I didn't know i was stealing naman. bata pa talaga ko siguro mga 3-4 years old. whenever we go to the groceries and magbabayad na kami, kumukuha ko ng mga small thingies don sa malapit sa counter (candies, band aid, cookies). i just learned na masama pala ginagawa ko nung mapanood ko sya sa TV (sesame street or batibot ata, di ko na tanda). simula non "nagbagong-buhay" na ko  ;D

honey-ecclaire

  • Guest
bagong buhay ka na nga hehe!

choco_pie

  • Guest
share ko lang [textspeak!] sa akin medyo ng yari ito nung uso pa ng beta max may bala kami ng beta max namin ang nilalaman ng most embarrassing birthday ko sa isang sikat na food chain. naka record lang naman [textspeak!] buong scene kung saan pinag sisipa ko [textspeak!] mascot nila hahahaha kasi takot ako at naka dress pa ako ng time na un. [textspeak!] lumipas ang mahabang panahon nakakita ako ng pag kakataon na sinira at ginupit ko [textspeak!] film ng tape na un at hindi pa ako na kontento sinunog ko pa. at tinapon sa malayong lugar, when i turn 25 years old biglang hinanap sa akin ni mama papaburn daw niya sa cd ako naman playing inocent na wala akong alam, pero deep inside nakahinga ako ng maluwag. good thing i got rid of that tape am so evil  ;D

apreal

  • Guest
nice thread...kakatuwa!!

ako naman kwento ko yung pina bad na ginawa ko nung bata ako...

1. nagturbo mom ko ng 2 chicken kasi pupunta mga friend ng dad ko mag iinuman sila, after maluto yung chicken natulog si mudra kinain ko lahat yung balat ng chicken  tapos nahuli ako nung anak ng labandera inalok ko pa sya 2 kaming kumain tapos sabi nya hala lagot tayo papaluin tayo natakot ako kaya ginawa ko kinuha ko yung pusa namin nilagay ko sa mesa at pinabayaan ko syang kainin yung chicken. windang ang mudra ko nung nakita nya yung chicken kinakain ng pusa.

2. nakuha ko minsan lighter ni daddy pinaglaruan ko sa garden tapos nakita ko nakasampay towel ni yaya ewan ano pumasok sa isip ko sinindihan ko,gulat ako kasi sobrang bilis nung apoy nakita ko sa mesa sa garden yung pitsel na tupperware  may tubig ka tarantahan yun yung pinang saboy ko na tubig pero di namatay apoy,naubos na lang yung towel,madali ko winalis yung mga abo tapos tinapon sa basura,mega hanap si yaya si mommy namin nagtaka bakit daw may sunog yung pitsel nya. never ako umamin...



cuppie_cake

  • Guest
I ♥ this thread! So funny..

1. Naku may pag kakikay talaga ko nung bata pa lang, pinakelaman ko yung makeup kit ng tita ko, naglipstick ako and nabali ko un, my tita didn't know na ako pala ang nakealam. Pati bra nya in her drawer, pinagtrtripan ko isukat, kerengkeng!

2. I cut my hair too, though di nako masyado bata nun, I think this was around my teenage years na. Ayaw kasi ng mom ko ako magpagupit ng hair eh, naiirita nako, ayun pinagtripan ko disaster ang ending ng buhok ko, uka uka and talagang you would notice na maigsi, almost a month or two din ako diresto naka ponytail.

3. Kasabwat ko tita ko dito, ayaw din kasi ako ng mom ko kumain ng candies and gum masisira daw teeth ko. My tita naman would give me "judge" bubble gum everytime di nakatingin si mama, and I would go straight to the bathroom to chew it, pretending na jumejerbs ako pag wala na [textspeak!] taste my tita would come in the bathroom and I would call her to ask water (palage ako constipated) tapos kukunin na din nya gum ko..


4. Iniinom ko alka seltzer ni mama, sarap na sarap ako nun. Yung sustagen and anchor ko na milk (na ayaw ko na inumin) pinapapak ko lang with spoon, mas masarap para sa akin. Tapos yung cecon na adult vitamin ng tito ko pumipuslit kami ng pinsan ko and we would take it like 2-3x a day ang sarap kasi lasang candy lang..

Isip pa ko.


prettykhae

  • Guest
I ♥ this thread! So funny..

1. Naku may pag kakikay talaga ko nung bata pa lang, pinakelaman ko yung makeup kit ng tita ko, naglipstick ako and nabali ko un, my tita didn't know na ako pala ang nakealam. Pati bra nya in her drawer, pinagtrtripan ko isukat, kerengkeng!

2. I cut my hair too, though di nako masyado bata nun, I think this was around my teenage years na. Ayaw kasi ng mom ko ako magpagupit ng hair eh, naiirita nako, ayun pinagtripan ko disaster ang ending ng buhok ko, uka uka and talagang you would notice na maigsi, almost a month or two din ako diresto naka ponytail.

3. Kasabwat ko tita ko dito, ayaw din kasi ako ng mom ko kumain ng candies and gum masisira daw teeth ko. My tita naman would give me "judge" bubble gum everytime di nakatingin si mama, and I would go straight to the bathroom to chew it, pretending na jumejerbs ako pag wala na [textspeak!] taste my tita would come in the bathroom and I would call her to ask water (palage ako constipated) tapos kukunin na din nya gum ko..


4. Iniinom ko alka seltzer ni mama, sarap na sarap ako nun. Yung sustagen and anchor ko na milk (na ayaw ko na inumin) pinapapak ko lang with spoon, mas masarap para sa akin. Tapos yung cecon na adult vitamin ng tito ko pumipuslit kami ng pinsan ko and we would take it like 2-3x a day ang sarap kasi lasang candy lang..

Isip pa ko.


sis parehas tayo! lol... nun bata ako, may mga bra sa haus na hindi na ginagamit! i will get them and wear them.... ahahaha, at kukunin ko mga dolls ko, papadedehin ko. feeling WOMAN NA AKO NUN. LOL..
at pag ala rin mama ko, i would invade her bag at use ko mga make-up nya at pose pose ako sa may mirror.. at pati mga heels nya nun. tee hee!... malandi di ba?

cuppie_cake

  • Guest
^korek! kababata bata kerengkeng na..  ;)

killbill

  • Guest
wag nasa office pa parents namin pinapanood namin ng mga kababata ko mga nakatagong betamax at vhs  ng mga tatay namin tas pag sinoli namin, kelangan  ganun din itsura nya kung paano din sya naka salansan bago namin kinuha para hindi mahalata.

PINKAHOLIC

  • Guest
LOL, dami ko tawa dito.
Marami akong gustong i-share kaso super bad ng mga ginawa ko hehe.

1. When i was grade 6, nilunod ko yung isa sa alagang sisiw ni papa sa pinag-iinuman ng mga manok, tapos nung nangingisay pilit kong binubuhay ginagamot ko pa kunyari. Nung namatay takot na takot talaga ako kapatid ko pa napagbintangan.

2. Umakyat ako sa bakod ng kapitbahay nakita kong may asong bagong panganak na nakahiga sa hukay ng lupa, binuhusan ko un ng tubig. Galit na galit na nakatingin sakin yung aso habang kagat kagat yung mga baby nya para ilipat ng ibang pwesto. Bad ko =C

3. Nung 12 y/o ako, 1st time kong magkamens, dun ko hinagis yung napkin ko sa kapitbahay namin ( kaaway ng family namin ) yikes.

4. Umaakyat ako ng bubong at nanunungkit ng balimbing at mangga sa kapitbahay, yung mga bulok binabalibag ko sa bubong nila =D

5. When i was 3rd year H.S, pinakealaman ko maxipeel #3 ni mama saka pinahid sa toes ko. Kinabukasan nasunog as in 5 shade darker, tinanong nya kung napano un sabi ko nalaglagan ng acid sa laboratory room.

6. Sinasalin ko yung cologne or lotion ni mama sa ibang lalagyan,
kapag medyo nangalahati saka ko sasalinan ng tubig hanggang mapuno para di halata. Takang taka nga c mama kasi di na raw mabango yung cologne at yung lotion malabnaw na.

7. When i was 9, binalak kong magpaampon sa mag-asawang nakatira sa gubat kc dami nila fruit..

8. Nananakot ako ng mga kapitbahay nung bata pa ako, kinakatok ko house nila sabay takbo. Kala nila momo, gumagawa nga rin ako death threat nun nilulusot ko sa bintana.

9. Inoobliga ko yung isa kong kaklase na bumili ng kwintas ( tali lang na binuhol) sa halagang 10pesos. Tinatakot ko na kapag di binili sasabunutan ko sha. War freak ako nung elem days e.

10. Namatay ang grandpa ko sa cagayan c mama lang ang bumyahe tapos kami ni younger bro humanap ng pic ni lolo tas nilagay ko sa frame. Nilapag ko sa bangko na may magandang sapin naglagay kami ng bulaklak,kandila pati cross. Dinadasalan pa namin kunyari. Muntikan ng magkasunog hehe ..
May mga kasunod pa =D
« Last Edit: March 14, 2011, 03:48:06 pm by PINKAHOLIC »

chinkee

  • Guest
haha super winner naman tong thread na to.. nakakatawa. and nakakapagbalik ng mga memories.. :)
gusto ko yung nabasa ko dito na iniinom yung cough syrup kasi nasasarapan sobra.. hehe.. parang adik lang ba?LOL
ako naman kinakain ko [textspeak!] gerber, cerelac ng mga baby ko na kapatid dati.. pag naubos na yung supply magtatanong na mom ko sa katulong bakit ubos agad basta ako tahimik lang ;D

SweetieNela

  • Guest
pinakaworst nalang yung imemention ko since super dami. hahaha.

yung tuition fee ko nung highschool pinang kain ko ng pizza halos araw araw ako nasa pizza hut ako lang kumakain hahaha. dumating yung time na magpipirmahan na ng report card ayaw pirmahan dahil kulang padaw ako bayad haha nagdahilan nalang ako may babayaran sa graduation ayun di naman nagtanong nagbigay nalang si papa ko hahahahah. : ) ) bwahahaha. di pa alam hanggang ngayon.

a_y_e_n

  • Guest
ako sutil daw nung bata pa ako. sakit ng ulo ng mama ko.

nung nasa grade school ako, tumayo ako sa washbowl sa bathroom ng isang house namin. eh ang bigat ko, kaya bumagsak at nasira. papa ko lang nakakaalam pero makakalimutin naman yun. fast forward, las week papaayos namin yung house na yun since dun kame tititra muna ni hubby. sabi ng mama ko sa aswa ko, nakasira daw nun isa sa amin ni kuya pero di nya lam kung sino. dun ko lang din inamin na ako yun. hehe

yung iba, nangungupit lang ako sa tindahan namin everyday. :D feeling ko naman may kutob na parents ko about that eh.

sonncza

  • Guest
kinagat ko nipples ng yaya ko, kaya pala umalis, siguro hiyang hiya si yaya ko noon aminin ang totoong reason bakit sya aalis, hehe

yung delivery jeep ng lolo ko inistart ko, ayun nagmove forward bigla, buti walang sasakyan sa harap, hehe, sabi ko kay yaya wag sasabihin eh kasi kasalanan nya yun at nung driver at nandun kame nakasakay sa jeepney na pangdeliver ng bigas

nung bata pa ako, di alam ng mama ko na sumasabay ako sa mga tindera namen, nageexchange kame ng ulam, ako ulam ko kanin at toyo lang. sila yung nakafried chicken, hehe, sarap na sarap naman ako kumain ng nakakamay at ulam toyo lang, pag magdidinner na kame ng lola ko galit na galit siya kay mama bakit daw ako tinuturuan kumain ng nakakamay, eh chopsticks gamit namen ng mga lola ko, hehe

Pink_Sugar

  • Guest
nakakatuwa naman yung mga stories dito haha... nakakarelax

LOL. ako naman na-stress sa mga nababasa ko dito.  ;D ;D ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close