Im not sure kung dito ba yung right thread pero basta..I need help sisses..
I'm turning 24 this year and currently working as a tech support..
Di ako natapos ng college ( hanggang 3rd yr college lang then madami pa back subjects..so kung itototal, baka hangang 2nd yr lang ako )Nursing..
so yun ang kaibahan ko sa inyo mga sisses..lahat kayo graduate..and iba, graduate pa sa exclusive schools..
Sabihin na nating, di ako nag isip dati.. My MOM was a Supervisor sa Malaking Company sa Korea. Maluho ako before. Kahit papano naman, kaya ko bilhin lahat ng gusto ko. Nakapag pundar din kami ng 3 units ng taxi..Then, dumating yung time na si Mom, tinanggal na sa position niya. parang gusto nila Koreans muna before foreigners. Pero ang stay pa din si Mom dun kahit wala na siya working visa.gang naging TNT, at hanggang nahuli at nadeport. And nung super taas ng presyo ng gasolina..nabenta yung 2 units ng sasakyan para lang matustusan yung daily needs namin dahil wala na income si Mom..Ngyaon, nag aaral si sister and brother..ako work pa din and super ayaw ko na. mahirap for me. I dunno..Plan namin ni Mom, back 2 school ako next yr. and sana nasa Canada na siya that time. Ngayon, gusto ko hanap ng ibang job. si Bf, nasa SG now pero OJT lang siya. and sabi niya, hirap daw kumuha job. swertehan lang daw though di ako naniniwala sa "swerte".. Feeling ko talaga, sinakluban ako ng langit at lupa. Honor student din ako from grade school to high school.. pero nung college, puro drop drop failed..
I feel sorry for my Mom..
Parang gusto ko magwork sa ibang country.sabi ko nga,kahit saleslady alng or waitress sa SG oks lang. Di naman ako umaasa sa Mataas ng position tulad niyo dahil my diploma kayo and experience. Sa FB, mga classmates nung HS na akala mo wala mapupuntahan ang buhay, ayun! yung iba nasa Dubai, US, SG, New Zealand..iba nakakapag tour na sa Europe..My Gosh, papatayin ako ng insecurity sisses. and gusto ko din mag TESDA? kahit pang hotel lang dahil in demand daw sa SG. honestly, parang wala na sa utak ko mag aral ulit. ( feeling ko, pag tapos na ako, wala din hihire sa akin dahil old na ako, parang di ko na gusto, parang wala ng sense ) Sorry sa mga Nurses na Gtalkers..wala naman ako ibig sabihin dito..pero parang hirap na din talag hanap ng work kasi an dami nga namin. Sisses, ano ba magandang gawin? Sa buhay ba, kailangan Graduate ka para umasenso? Pero sa totoo lang, ayaw ko din naman magkapamilya ng walang college diploma. bakit kasi ganun, parang ang baba ng tingin sayo ..Ewan ko din, dami ko gusto gawin. gusto ko kumuha ng kahit certificate lang para maging qualified abroad. naisip ko din, kahit katulong na lang sa Italy kung 130K naman monthly..Kasi yung girl malapit sa amin, maid sa italy..now maganda na house niya and my 2 na siyang kotse..waaaaaa
ano ba to? Parang takot ako sa future ko..Para bang ayaw ko mawala si BF kasi siya lakas ko..kasi tanggap niya kagagahan ko..Para bang gusto ko stop ang time..Alam ko advice niyo is back to school ako next yr. pero what course po? kung tutuloy ko Nursing, magastos at not sure pa kung gaganda future ko dahil need ko pa rin naman ipass lahat ng exams.

Parang takot na takot ako ngayon..