Yung childhood bestfriend ko.. we were 19 when she got pregnant by her bf.actually hindi namin gusto yung guy for her.kasi she's bright, yung tipong malayo ang mararating.madami din nangligaw sa kanya na matitinong guys (kasama na mga crushes ko lol).pero ewan ko ba, ganun daw ang matatalino sa school, medyo slow pagdating sa love.so ayun, naging "you and me against the world" pa sila. the guy was 6 or 7 years her senior ata.she was a student and the guy nagwowork naman pero hindi nagtatagal sa isang job.so hindi stable.
on and off ang relationship nila.after several years ng on and off, she got pregnant.willing naman si guy na panagutan.that time she was crying to me kasi sya ang bread winner ng family, mahirap lang sila tapos ganun pa ang nangyari. sa takot nya, sumama na sya dun sa guy. so inuwi na sya nung guy sa family nya. nagkataon malapit lang yung bahay ng bf nya sa bahay namin so I got to visit her sometimes. nun pa lang sinasabi na nya sakin na parang iba ang ugali ng in-laws nya especially yung mother. pag kaharap ang ibang tao, ang bait daw sa kanya.pag sila na lang, galit sa kanya. she would cry to me everytime, hindi daw nya alam yung pinasok nyang problema. so she decided na after giving birth, magwowork sya para makaalis sila ng baby nya. yung guy naman kasi is mama's boy. as in. nakikita ko yung eksena nila minsan pag andun ako.
so she gave birth, they were happy, parang perfect family na. then one time, she talked to me, she was crying again kasi si guy daw is pinagbibintangan sya na may iba sya eh nakakulong na nga lang yung friend ko sa bahay kasama ang in-laws nya. pati celphone nya, kinuha nung guy. so i asked her kung meron ba, sabi nya nung simpleng mag bf palang sila, hindi na sya tumingin sa iba, ngayon pa kayang may baby na sila. hindi naman kasi talaga ganun yun friend ko. i gave her some pieces of advice, hindi ko din kasi alam ang gagawin. tapos palagi na sila nag aaway.
after a few months, nakipaghiwalay sya dun sa guy. umuwi sya sa kanila kasama yung baby.i got to talk to her mom about the situation and she said super happy sila na bumalik na friend ko with her baby pero hindi nila kayang buhayin yung mag ina. when the guy tried to reconcile, she gave in. sabi nya kasi she needed the guy's financial support. so uwi ulit sila sa family nung guy. ayaw daw kasi nung guy magstay sa house nila kasi magagalit daw mama ni guy.
yung tita ng friend ko who's in the states, nabalitaan yung nangyari and she decided to help my friend go back to school. sayang daw kasi.sa UP din kasi nag aaral. so she went back to school, then the guy lost his job. feeling insecure siguro, lalong madalas na yung away nila.
after a year, as in right after mag 1st bday yung inaanak ko, my bestfriend left. hindi nya nadala yung baby. nabalitaan ko na lang sa kapatid nya na sinasaktan na pala sya nung guy. she went to manila daw.
i never heard from her for a long time. then one time, it happened that my tita and her tita met and nagbigayan ng number so i got her number, she got my number din pala. she called me first. biniro ko sya na "may binata ka na" kasi 7yrs old na ngayon yung kid nya. she was just quiet pero i could hear from the other line na parang nasaktan ko sya.she didn't speak for quite a long while, sabi ko sorry. then she said everyday in 6yrs, she keeps on thinking about her kid and para daw syang pinapatay sa guilt. sabi nya she was so weak to give up. i asked her kung balak pa ba nyang kunin, sabi nya hindi nya alam. pakiramdam daw nya ibang tao na sya. i stopped na sa pagtatanong. ayun.
haba kwento ko. lol.
