Author Topic: Baby na o wag muna??  (Read 81064 times)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #240 on: March 13, 2012, 10:39:12 pm »
Sis, hinde naman yung people around you ang magbubuntis and magpapalaki ng baby. Having a child needs emotional, mental, and financial maturity. It's a big responsibility. Most likely, kaya ka in a dilemma now is because ayaw mo pa. Wag ka pa-pressure sa kanila. Kame ni hubby, we took our time. Kesehoda na kame na lang sa family nila non ang wala pang baby, so what? Dumating pa sa point na kala nila, incapable ako. Hinde din ako nage-explain sa kahit kanino non.

Don't let other people's lack of tact affect you and put you down. It doesnt mean na porke hinde mo pa gusto magka-baby eh you're a bad person na. At the end of the day, it's your life and it's your body. Kung kelan ibigay ni God sayo, then welcome it :)

FrogPrincess

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #241 on: March 14, 2012, 06:30:42 pm »
uso yata talaga ang pakikialam sa buhay ng may buhay ano? may mga tao talagang kahit kakatapos lang ng kasal nyo eh baby na agad hinahanap.

I'm a new wifey din got married last January lang pero no plans of having a baby muna. I LOVE kids pero I think it's a very big responsibility so if you have doubts on whether ready or not pa ba, better wait for a while. Having a baby is a life-changing experience kaya dapat ready na talaga. I have a feeling na gusto ko na pero may doubt pa konte siguro kasi we're based abroad din kaya mahirap in terms of magbabantay and everything.

 

yaskulet

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #242 on: March 15, 2012, 12:50:19 pm »
Same here, its our 3rd month tomorrow. And wala pa din kami baby kasi we decided na next year nalang. Sana next year, di naman ako mahirapan sa pag coconceive. I have PCOS din kasi. Planning on consulting a doctor this month para at least ma ultrasound ulit ako. For now, pay muna ng payables and bills.

Paperless

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #243 on: March 15, 2012, 01:01:50 pm »
pray na lang tayo sis, sana by next year... okay na ang situation and magkababy na tayo  :) mag 3 months narin kami ni hubby sa katapusan, pero wala pa lang talaga nabubuo...

yaskulet

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #244 on: March 15, 2012, 01:06:50 pm »
^classmate pala tayo sis pag dating sa married life! hahaha! go aja sa baby! :)

Paperless

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #245 on: March 15, 2012, 01:23:14 pm »
sana baby girl sa akin... kung pwede lang naman.. importante naman healthy..  :D

FrogPrincess

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #246 on: March 15, 2012, 01:24:50 pm »
^^makiki classmate din ako mga sis  ;D

2 months pa lang kami pero in terms of baby issue parang next year na rin siguro kasi medyo mahirap lalo na kami lang dalawa magkasama. kelangan paghandaan...jusko 3o na rin ako sana naman di ako mahirapan magbuntis when we're ready na.

yaskulet

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #247 on: March 15, 2012, 01:49:05 pm »
^^sis that's my prayer as well! pero i think pag buntis na tayo, ang dasal na naten kahit ano po Lord, basta normal. :)

^yay sis, 3 na tayong classmates! siguro classmates din tayo sa pagbubuntis. next time iba na topic naten. hehe.

FrogPrincess

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #248 on: March 15, 2012, 01:58:57 pm »
^naku na-excite naman ako! sabihin nyo saken pag buntis na kayo ha at ng makahabol naman ako ;D

gusto ko rin ng girl sana pero korek pag anjan na the only prayer is forit to be healthy  :)

yaskulet

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #249 on: March 15, 2012, 02:20:51 pm »
^yay sige! :)) nakakatuwa naman, akala ko ako lang ang bagong kasal na wala pang anak. :D

Msfi

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #250 on: March 15, 2012, 02:33:24 pm »
Basta advice ko sa inyo mga girls, even if you don't plan to have a baby yet eh consult na din kayo ngayon sa OB para ma check na din ang conditions ng fertility nyo.  If mag take kasi kayo ng pills, may number of months bago kayo i-allow to get pregnant pag tumigil kayo.  May mga supplements din na magandang i-take prior to getting pregnant. 


Paperless

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #251 on: March 15, 2012, 03:58:28 pm »
^tama sis, may nabasa nga akong ganiyan... in fact, nagtake ako ng iberet folic 500+, nagstart ako last month... pero di pa talaga ako nakapagpaconsult sa OB dalaga pa ako nagtake na talaga ako niyan... hopefully makahanap ako ng time.

^^ako din parang biglang na-excite magpreggy...  ;D

pisces19

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #252 on: March 15, 2012, 04:05:54 pm »
Wag kang magpapdala sa sasabihin nila,,,nasa sa iyo pah din ang huling desisyon este as sa inyong dalawa ng asawa mo pala,,pero pag iisipin mo rin 28 ka nah,,marami kasi nagsasabi nah pag above 30 years old ka nah,,medyo mataas nah ang risk ng pagbubuntis... isa din yun sa iconsider mo... ;)

FrogPrincess

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #253 on: March 16, 2012, 01:54:32 am »
dumadami classmates dito ah ayos!

Sa ngayon di namin pinipilit pero di rin pinipigil magka baby. Tanong ko lang, whats the best supplement to take? The only supplement i'm taking now is PP Zinc for acne to tame down my never ending pimps. I'm planning to start taking pre-natal vitamins para prepared na body ko just incase. Any spexific brand you can suggest mga sis?

izabelle

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #254 on: March 16, 2012, 02:55:59 am »
huwag madaliin ang pagkakaroon ng baby.. kami ng husband ko 1 year and 4months after ng wedding bago nakabuo.. pero no regrets kami kasi nakapag travel kami, nakaipon, may sariling bahay at nakapag enjoy ng kami lang.

mahirap na masarap magkaroon ng anak, kulang pa 24 hours sa pag aalaga sa baby. kahit may yaya pa, iba kasi yung ikaw mismo nag aalaga sa baby mo.. kaya dapat hindi lang financially ready.. emotionally din. :)

hindi natin obligasyon mag anak para maplease lang ibang tao :) hayaan nyo sila.. sobrang magastos magkababy.. hindi kasi pwedeng tipirin ang baby e.

gatas palang 1k to 1500 per week kayang umubos ng 6 weeks old na baby ko ng 1 lata ng milk per week.. eh how much more kapag nag 2 months na sya? :D diaper pa, immunizations (3k to 7k per shot) and marami pa!

isa pa, sobrang mahal magpaaral.. 16 to 17 years from now grabe na tuition fee sa college.. eh hindi naman pwedeng sa basta basta school ipasok ang anak ko lol kaya dapat talaga lahat pinaghahandaan :)

may tamang panahon para sa lahat ng bagay.. and masarap sa pakiramdam na handa ka sa responsibility na yun. bakit mamadaliin? eh diba nga anything worth having is worth waiting for! :)
« Last Edit: March 16, 2012, 03:00:21 am by izabelle »

Paperless

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #255 on: March 16, 2012, 11:37:13 am »
pero sis, paano naman sa mga tulad ko na nagkakaedad na... am hoping talaga na kahit makaisa man lang... currently, medyo wala pa talagang ipon pero kasi baka if ipagpapaliban ko pa, baka masyado na risky...

yaskulet

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #256 on: March 16, 2012, 12:39:21 pm »
Ako sisses, 27 pa lang ako going 28 this year. Bata pa ba yun? Kasi balak ko next year pa, pero may PCOS ako eh. Mag pa sked nga ako sa OB tomorrow, di ko naman alam ano sabihin ko. Baka maya sabihin mag baby ka na, OMG. Pano na ang business ventures ko.

Paperless

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #257 on: March 16, 2012, 02:33:43 pm »
may mga symptoms ka ba naramdaman sis? pano mo nalaman about sa condition mo?

gullible

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #258 on: March 16, 2012, 03:00:43 pm »
pa-join din mga classmates..hehe...

kami ni hubby, 4 months na kaming kasal...i'm turning 26, si hubby naman 27...before we got married naisip namin 1 year after wedding na kami mag-baby para ma-enjoy muna namin..at the same time makapag-ipon...kaso like sis chielen22, madami rin pressure from family and friends na mag-baby na kami :( halos every other day nag-iiba decision ko...minsan feeling ko gusto ko na...minsan naman parang ayaw ko pa...haay...ang fear ko lang naman kasi eh baka mahirapan naman ako mag-conceive kapag gusto na namin...

tama suggestion ng mga sisses dito, I guess kelangan ko na maghanap ng OB para at least alam ko ano mas mabuti :)

yaskulet

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #259 on: March 16, 2012, 03:52:50 pm »
^sis pareho tayo. nalilito na nga hubby ko eh, di na alam ano ba talaga gusto ko hahaha! buti nalang si hubby laging kung san ako masaya dun siya. hehe. iba iba kasi isip ko araw araw. hahaha! sa ngayon, ipon muna kami. pero bukas sasamahan nya ako sa OB para din ma check na ako.

@dheedhee: sis, si mom ko nag ka myoma siya, tinanggal yung mattress nya after nya panganak sister ko after nun di na siya pede mag conceive (kaya nag anak daddy ko sa labas kasi akala nya makakalalaki siya, e babae pa din - all girls kasi kami). si friend ko naman na super conservative ( na late na nag bf, nauna pa saken mag asawa) nagpabuntis na din sa BF kasi may myoma din siya, pero nakabuo naman siya and due nya na sa may. kaya tama itry mo na nga yan since may ipon na naman ata kayo kahit pano. ako, bukas ko pa malalaman ang situation ko. last ultrasound ko sis ay 2007 pa (anong petsa na) sana normal or di serious ang pcos ko after ultrasound.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close