I got married when I was 24 while hubby was 28. At first, plan namin to have a baby after a year pa. Pero meron akong friend na preggy that time and sobrang happy sa pagkukwento about her pregnancy experiences. Because of that nagkaroon ako ng desire na maging preggy na rin.

I discussed that with my hubby and pumayag naman sya. Ayun after a month, I got pregnant. Same thing happened dun sa isang friend/officemate ko na 6mos married na, I was very happy telling her my pregnancy experiences kaya ayun, sumunod din sa akin sa pagbubuntis.

we’re like twins sa office, magkasunod na month pinanganak ang mga babies namin.

I had a post partum blues after kong ipanganak yung first born namin. One day lang naman, dun sa hospital iyak ako ng iyak. Natatakot kasi akong kargahin si baby, first time kong magbubuhat ng ganong ka-fragile na baby. But hubby was very supportive, he assured me na he’ll help me in taking care of our baby. For the first six months, si hubby yung palaging nagkakarga sa kanya ako naman, mostly taga-timpla ng milk and change ng diaper. But God made a way na maovercome ko yung fear ko na baka masaktan ko si baby pag kinarga ko kaya hinayaan nyang ma-assign si hubby onshore for 2 mos. Yung 2 mos na yun e sobrang wonderful, todo bonding talaga kami ni baby na kaming dalawa lang. (Although naka-backup yung family ko since we’re living in a 2-door apartment that time.) Pagbalik ni hubby, pareho pa rin kaming hands on sa baby namin

After 4 yrs, we decided to have another baby. Yung mga natutunan ko sa first born ko, na-apply kong lahat sa 2nd baby namin. Premature sya nung pinanganak ko kaya naman sobrang mommyng-mommy ako sa kanya pagkapanganak pa lang (except lang nung first week since kailangan nyang magstay sa hospital ng 1 week.)
Now, my first born is already 8 years old tapos yung bunso ko naman is turning 4 on November. Wala kaming naging experience na nalimitahan yung mga engagements namin. Btw, I’m a working mom. Thankful ako kay Lord kase nakapagpagawa kami ni hubby ng duplex and my family is living next door to us. So tiwala ako sa mga naiiwanan namin pag nagwowork na kami ni hubby. Tuloy-tuloy pa rin ang pagdidate namin ni hubby during weeknights pag weekends naman, lumalabas kami as a family. Twing may outing sa office, binibitbit ko ang family ko, gusto ko kasi pag nag-eenjoy ako, nag-eenjoy din ang family ko. Nung outing nila hubby sa Palawan, binitbit nya rin kami at pati sa mga field trip ng kids, as a family kami lagi umaattend. Even nung ma- assigned for a short business trip in Singapore, binitbit ko rin sila

now, pinaplan namin as a family yung iba pang mga trips na gagawin namin.
This year, I have a desire to have another baby, gusto ko kasi magka-girl, 2 boys yung mga anak namin. Nasa process ng pag-uusap kami ni hubby

Tama yung ibang sisses dito, kailangan i-plan maigi ang pregnancy, mahal ang check-ups, vitamins, manganak, vaccines, etc. Pero kung solid ang decision nyong mag-asawa to have a baby, I think kakayanin namin

Wag magpadala sa pressure from other people. It’s between you, hubby and God kasi yung iba kahit gustong magka-baby na nahihirapan, kaya kailangan isali si God sa usapan

]