Author Topic: Baby na o wag muna??  (Read 81009 times)

mimidy

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #180 on: November 24, 2011, 01:24:47 pm »
Hi! Im a newbie. Not sure kung ok pang magrespond sa thread na to, pero nakakarelate ako sa post ni mlee. I got married two years ago and like what mlee said, the questions were okay during our first year but on the 2nd year medyo nkakairita na talga. Most of the time, at the back of my head sinasabi ko, bakit ba kayo and nagmamadali?, would you pay for my hospital bills ba when I deliver? would you send my child to school?would you pay for my yaya... and fyi, we are not even trying.. One time, my hubby's aunt even said to me, "Pataba k lang ng pataba hindi ka nman nagbubuntis"!! (in a tone kinda nagmamagaling). Ano ako hayop? Inahin? Pag ba nag-asawa kelangan mag-anak agad? hindi ba pwede mag-family planning muna? haayyy..

mimidy

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #181 on: November 25, 2011, 12:38:36 am »
Actually kaya hindi ako makasagot sa mga tao na "we are not even trying".. kasi i fear that when the time comes na we decide to have a baby eh my problema pala sakin or sa hubby ko.. i know a couple kasi, similar to us, newly weds - gusto rin muna mag-enjoy ng sila lang, natapos na yung 2 year period allowance nila, turning 4 years na pero wala pa rin. Pero tama ka sis Neraks, wala nga talagang maitutulong yung mga tao na yun :/

yaskulet

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #182 on: November 25, 2011, 02:51:30 pm »
I am getting married next month and I have PCOS. Dumating ako sa point na once a year lang ako may mens. So worried talaga OB ko kasi feeling nila mahihirapan ako mag buntis. Now here's my dilemma, gusto ko pa talaga mag enjoy sa married life ko and besides I am sending my sister to school so balak ko after 2 years pa ako mag bebaby. Pero my fear is that baka at the time na ready na ako eh mahirapan naman ako. Super torn ako kasi gusto ko muna ma enjoy ang married life namen ni H2B. I want to travel and save pa kasi naubos savings namen sa wedding and house. Gusto muna namen mag business before mag baby. Super torn na ako, though si H2B gusto na din sana nya ng baby pero he respects me kaya kung san ako masaya go siya doon. My mom and dad are so ecstatic about my upcoming wedding super apo na ang topic nila laging mag asawa. Lahat ng plans nila now, lahat patungkol sa apo nila. My mom even called me and told me na mag bebaby ka na wag mo na antayin maka grad ang sister mo pag sabayin ko na daw ang pag aaral ng sister ko and ang pagbubuntis. Hayy..

For now, ayaw ko muna mag isip. Di ko alam if mag contraceptives ba ako after my wedding or go with the flow na lang na pag nabuo, edi ok. pag hindi edi okay din. Pero baka 1 year na lang allowance ko for the "enjoyment" kasi baka too late na ang 2 years. Btw, I am 27 and H2B is 29.


cookiesncream

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #183 on: November 25, 2011, 04:28:31 pm »
going 3 years na kaming married ni hubby...right after our wedding, we've been trying for a baby already...yung 1st year namin, that's the time na halos lahat ng relatives, friends and officemates namin eh nagtatanong kung meron na ba...hindi naman kami affected ni hubby nung time na iyon since bagong kasal pa lang naman kami...then came another year that's the time na medyo negative na mga comments ng mga kakilala namin like wala pa rin ba? ang tagal/bagal naman, naunahan na kayo, bilisan niyo...that's the time na naging emotional & affected na ako and i know pati si hubby affected na...i have some fertility problems kasi pero we are really trying and doing our best to be able to conceive...pero until now wala pa rin, lagi na lang namin iniisip na di pa namin time...in God's time magkakababy din kami...we just keep our faith, continue to believe and patiently wait...si Lord na ang bahala sa amin :) right now hindi na kami masyado affected sa mga comments ng iba dahil [textspeak!] na immune na din kami at yung iba nasawa na din sa kakatanong...   

yaskulet

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #184 on: November 25, 2011, 04:34:58 pm »
^okay lang yan sis! may napanood ako sa eat bulaga sa juan for all segment nila, after 12 years nag ka baby sila. so there's hope lagi. :) baby dust sanyo ni hubby mo :)

izabelle

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #185 on: November 25, 2011, 05:26:16 pm »
I posted here last May :) and ngayon i'm 7 months pregnant na.

pero hindi ko binabawi yung mga sinabi ko dati... alam nyo mga sis, sobrang life changing kapag magkakababy na.. lahat ng plans magbabago and the baby will be your number 1 priority. Masasabi ko na masarap talaga at iba sa feeling kapag nakapag ipon at naisettle mo yung mga importante bagay sa buhay nyong mag asawa. Yung nakapag enjoy kayo ng kayo lang dalawa.

we are very blessed na nabigyan kami ng ample time to do that bago ibigay si baby kasi sobrang naeenjoy ko pregnancy ko ngayon, walang hassle, walang stress at walang ibang iniisip.. masarap sa feeling na nasa tummy palang si baby nabibigay namin at nabibili lahat ng kailangan nya at higit pa dun..

1 year and 3 months bago kami nabigyan ng baby pero never kami nangarir.. nag enjoy kami sa buhay namin habang nag iipon :) and ngayon, sobrang happy kami kasi tama talaga ginawa namin dati,

wag kayo papapressure sa paligid nyo, hayaan nyo sila.. stick with your plans and TRUST GOD. :)

masarap magkaanak pero may perfect timing yan.. at masarap sa feeling kapag dumating ang perfect time na yun. :)

yaskulet

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #186 on: November 25, 2011, 05:37:17 pm »
^ wow sis na inspire naman ako dyan :) yan din plans namen ng H2B ko eh. In 3 weeks we are getting married :) Gusto ko muna maenjoy ang buhay may asawa lang at wala pa baby.

purpleangel11

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #187 on: December 10, 2011, 12:44:54 pm »


yeah sa tingin ko..dapat muna mag enjoy mag asawa bago magkaron ng baby...dapat resolve na issue between the two of you ..na kahit paano nakapag adjust na sa isa't isa..para pagdating ni baby...me bago nang priority..at hindi na ang isat't isa...

m_lim

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #188 on: December 17, 2011, 11:51:59 pm »
1 week palang kami married pero 7years na kami as bf-gf at na enjoy na namin ng todo ang isa't isa. sana magka baby na kami soon.

izabelle

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #189 on: December 18, 2011, 10:27:26 pm »
Each couple naman has a choice and we are not oblige na ipaliwag yun or ipaintindi sa kahit na sino. sa Pinas lang naman yata may culture na masyadong big deal kapag wala pang anak or ayaw pa mag anak.. sa ibang bansa walang pakielam sa ganyan and hindi minamadali yung ganyan.

nasanay kasi karamihan dito na porket kasal dapat agad agad mag anak. eh paano kung hindi yun paniniwala ng mag asawa or hindi palang talaga panahon.

basta ako, sobrang naapreciate ko na nag hintay kami ng more than a year bago makabuo kasi malaking bagay yung naisettle mo lahat.. may sarili bahay, may ipon at nakapag enjoy ng kami lang dalawa.. at least ngayon parang new chapter na ng buhay namin dahil next month lalabas na baby namin and super prepared pa kami..

hayaan nyo ibang tao, sila mastress para sa inyo lol, after all, hindi naman sila ang bubuhay sa baby eh.

ana mimi

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #190 on: December 19, 2011, 11:21:53 am »
may 5 mos old baby na ako pero di pa kami kasal, papakasal palang,we're together for 4 years muna. haay. naiinis ako. kase after ko magkaanak parang ayoko na sa bf ko.

yaskulet

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #191 on: December 19, 2011, 04:54:14 pm »
3 days pa lang ako married and we decided na mag ka baby sa 2013. Pero if ibigay na samen agad, thank you Lord. :) Pero goal namen, 2013 pa kaya in the meantime, gamet muna protection. Balak namen kasi muna mag ubos ng payables, mag ipon at makabawi sa nagastos, mag enjoy saka mag baby :)


izabelle

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #192 on: December 20, 2011, 06:02:14 pm »
^ congrats sis.. i agree with you, ganyan na ganyan kami ni hubby last year after we got married.. Motto ko kasi "Anything worth having is worth waiting for" :)

yaskulet

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #193 on: December 21, 2011, 11:58:20 am »
^thank you sis! buti na lang supportive si hubby saken :) ok lang sa kanya kahit ano for as long as masaya kami :) para lang kami mag bf/gf ngayon feeling naman namen walang difference :D

palamig

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #194 on: December 22, 2011, 11:31:01 am »
Quote
"Pataba k lang ng pataba hindi ka nman nagbubuntis"

narinig ko na to.. nung tuesday lang nung dumalaw kami sa byenan ko.

lupettttttt

izabelle

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #195 on: December 22, 2011, 12:10:31 pm »
^ grabe naman yan!

palamig

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #196 on: December 22, 2011, 05:06:58 pm »
^naman. sinabi mo pa

Periwinkle25

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #197 on: December 23, 2011, 07:11:49 am »
we just got married and I just stayed in Pinas for 1 and a half months and yet if people ask this question, it's as if there's something wrong with me not being pregnant..my goodness! they just can't wait..para namang sila ang bubuhay ng anak namin if ever.. kaya tuloy my hubby is pressured to have a child kasi pati daw siya, ang daming nag-aask.. Now he wants me to resign and just be with him..pero syempre, like ko na din..I hope God will grant us a baby soon, I'll be back in 4months for 50 days..baby dust to those who want :D

cosmochick

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #198 on: December 24, 2011, 11:10:30 am »
Hindi ko pa naman na eexperience mairita whenever someone asks me this question. We are married 6 months pa lang but then I'm 30 na. Sometimes, I do feel the pressure kasi my hubby wants to have a baby na talaga. He loves kids. Don't get me wrong, I also love kids but as of now, ayoko talaga muna. Masarap kasi ang ganito lang, we can do whatever we want, travel anywhere and para lang din kaming mag bf-gf. So I always tell hubby and kung sino man who asks me ,gusto ko ako lang muna baby ng hubby ko ,late next year pa plan namin..although I am secretly thinking of taking birth control pills by that time. hehe ayoko talaga , ang hirap kaya manganak!

neraks

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #199 on: December 28, 2011, 05:43:47 pm »
Hi again to all,hay update ko lang kayo since last time nag post ako dito.ayun nga mula november til december naging makulay at malungkot life ko BAKIT? kasi i got pregnant at super excited talaga kami kasi naman 13yrs kami nagintay.napaka ingat ko at bed rest na talaga ako lahat sa bed ko na ginagawa pati food ko dinadalan na lang ako.nagspotting ako at nagtuloy-tuloy yun kahit na i have meds na pangpakapit,yung spotting naging bleeding na at dun na ko nakunan.i had my D and C last week lang,masakit pero di ako nawawalan ng pagasa na magkakababy pa rin kami soon.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close