Author Topic: how to deal with depression  (Read 141305 times)

J.warner

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 89
Re: how to deal with depression
« Reply #740 on: September 11, 2019, 03:24:58 pm »
^ acetylcholine - same here sis. I removed my Facebook. Yun lang naman social media ko and yet naooverwhelm ako sa nakikita ko. I try to be positive pero puro kaplastikan at hypocrisy nakikita ko.

Dito na lang ako sa GT humahanash 😂

Want to share my moments of depression too- actually iniisip ko kung meron ba talaga, parang wala naman. Of course, sadness paminsan minsan. Pero mabilis ako mag move on.
I lost both my parents. Ive been working since I was 16. Ako na nagpa aral sa sarili ko. Naka grad ako 25 yo na ko. Nabuntis ako at 22 tapos iniwan lang ako as in never na nagparamdam yung guy ever. Right now my child is 6 years old pero he does not know im his mom kasi lumaki sya sa sis ko and her husband and yun na nakalakihan nyang parents. Im currently based abroad and feeling very homesick.

Anyways, I dont know why I never considered myself depressed parang manhid na siguro ako after all my trials in life, ano pa bang mas worse na dadating. Alam mo yung ganung feeling? Pero yun nga..... I try to be positive each day and avoid toxic people or situations. If u ask my friends or coworkers how would they describe me- masayahin ako. Siguro dahil quotang quota na ko sa hirap and lungkot in the past, kaya I choose to be happy na lang. by the way im 30 year old female.   

crzysxycl

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2341
Re: how to deal with depression
« Reply #741 on: September 16, 2019, 08:42:20 am »
^I'm sure your parents are watching over you, and are very proud of what you have accomplished. :)

Jiyongah

  • Where is the L O V E ?
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 292
Re: how to deal with depression
« Reply #742 on: September 16, 2019, 07:32:39 pm »
^Oo nga sis, tigas ng ulo ko eh. Pag ok na pakiramdam, napapakape at matcha minsan. Pero this time ayaw ko na talaga kasi sabi ng psychiatrist ko, pag bumalik daw yung symptoms ko mas matagal akong iinom ng gamot.

Ah yes, sa mga pinapanood din minsan no. Romcom nalang ako palagi para good vibes. Ayaw ko ng madadrama, ang bilis ko maiyak eh. 13 reasons why, dami ko kakilalang nanonood nyan haha.

True sis minsan ang hirap talaga umiwas sa mga triggers. Oo ako sis comedy as much as possibler. Siguro super na karelate kasi ako sa 13 reasons why haha kaya ayun inatake lol

crzysxycl

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2341
Re: how to deal with depression
« Reply #743 on: September 16, 2019, 10:51:07 pm »
^Haha. Wag ka na manood nun sis, para di ka na atakihin. If I may ask, are you still on meds sis?

If I may, here is my story.. short cut version nalang kasi baka bukas pa ako matapos, lol.

Issue #1: Dad is abroad and recently nalaman ko may ibang family na sya. Alam ng mga relatives but I had to dig every suspicious profile in fb para mahanap ko profile ng kabitch at ng mga anak nila. Yes, I have a step sister and brother. 20 and 13 years old, respectively. I am 36. The kids don't know my dad is married to my mom. The kabitch knew my mom, they met years ago. Mga grade school palang kami. Actually, we met her pala sabi ng mom ko. Imagine, ninakawan nya ng tatay yung 3 batang wala naman kasalanan sa kanya.

Issue #2: My marriage is on the rocks. My husband is short-tempered. Dominante, bawal ako magkamali, bawal ako sumagot sa kanya, bawal ako mamgatwiran kahit sya ang mali. He hit me on the arm and kicked me on the hips 1 month after I gave birth via CS. Yes, hindi masakit but emotionally sobrang sakit. Pinalampas ko pero umulit ng umulit ng umulit. Binabastos ang pamilya ko. Many times kapag nag aaway kami tumatahimik lang ako kasi he threatens me na sasapakin nya ako. But 2 weeks ago we had a big fight dahil sa napakaliit na bagay. That's how he is, pinapalaki pati nga walang kwentang bagay. Since that fight, hindi na ako umuwi sa bahay namin. Civil kami ngayon (cause I have to be, for my baby) and knowing him, hindi papatalo at laging nakasigaw, kala mo lagi naghahanap ng away.

Issue #3: Because of issue #1, I have to support (well, not really but more like back up) kasi kulang ang padala ng dad ko most of the time. I feel like his responsibility was passed on to me  in a way. Ok lang naman, I have a stable job but sometimes I feel pressured because I want to give my family the best that I can and I don't think it is not enough. Nakukulangan ako. I am always in search of ways to improve our lives, financially ito.

In fairness, dati kapag kinukwento ko mga issues ko sa buhay, naiiyak ako. Hindi ako naiyak ngayon, yehey! #improving 😂

Sana tuloy tuloy lang ito. I always pray for guidance and focus.

Acetylcholine

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 126
Re: how to deal with depression
« Reply #744 on: September 16, 2019, 11:49:10 pm »
Ako naman coming from family na may history of depression, anxiety and nervous breakdown nakwento ko na sa isang thread na yung sister ko is bipolar yung dalawa ko na tita depression, yung isa suicide attempt hindi natuloy ang cause is dahil brokenhearted dalawa sa cousin ko nagkanervous breakdown yung isa tumatakbo nakahubad yung isa lahat ng naging trabaho nya iniiwan sa ere and kakaiba na sya magsalita.

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5184
Re: how to deal with depression
« Reply #745 on: September 17, 2019, 06:38:05 am »
Ako di naman ako depress pero malungkot ako. Tumatanda ako wala akong napupundar. Ipon ako ng ipon para sa property na gusto ko pero di ko makuha, wala akong makuha na approval galing sa family ko. Yung mga kapatid ko ok magpundar, suportado pero pag ako di pwede. Mag-ipon pa daw ako. Yun nga e nag-ipon ako, yung ipon ko ipinagamit sa kapatid ko. Next time nalang daw yung gusto ko para sa sarili ko. Yung isa kaaalis lang ako din gumastos. Sa Pinas lang ako nagwowork, sila nakaabroad pero mas may ipon ako kesa sa kanila. Ang hirap ng panganay, dapat ba talaga panganay lagi ang nagbibigay? Sana iconsider din naman nila ako, na nagkakaedad na ako. Nagseselan pa yung isa sa trabaho, palibhasa may masasandalan. Minsan naiisip ko layasan baka magsiikot ang mga pwet.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

Acetylcholine

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 126
Re: how to deal with depression
« Reply #746 on: September 17, 2019, 05:33:27 pm »
Wala naman masama sa pagtulong maybe much better wag 100% yung ibigay mo ang hirap ng walang anda pag thunder na.

crzysxycl

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2341
Re: how to deal with depression
« Reply #747 on: Today at 09:59:07 am »
^^Sis, baka you can talk to them. Eldest din ako and minsan ganyan din feeling ko. Nakakaipon naman ako pero konti lang. Hindi ko rin kasi sila matiis. Nabibili ko pa rin naman yung gusto ko pero right now gusto ko mag focus sa long term goals ko kasi tumatanda na rin ako and I have a 3yr old son.. gusto ko mag ipon ng mag ipon for his future. Nababasa ko posts mo dun sa mga travel threads sis, may anak ka rin diba? Kung adults na mga siblings mo, for sure maintindihan naman nila na may iba ka rin responsibilidad.

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5184
Re: how to deal with depression
« Reply #748 on: Today at 11:59:05 am »
^Yun nga sis e, di ko matiis. Yes may anak ako and single parent din kya nagiipon din ako. Ayaw ko na dumating yung panahon na aasa ako sa anak ko at maging pabigat lalo na nagiisa lang siya at wala na akong plan na mag-anak pa.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

 


Latest Stories

Load More Stories
Close