^Thanks for your wonderful and meaningful post, sis!
Napa google ako kung sino si Seph Ubalde. Wow, ang bata pa nga nya and malayo pa sana ang mararating. I read some articles about him and found out na hindi pala sya naniniwala sa anti-depressants. He admitted he was diagnosed with clinical depression but I felt sad nung nalaman ko he was not taking medication. Sayang.
Sabi ng neuro/psych ko, "tulungan mo ang sarili mo. yung pinagdadaanan mo, normal na nararamdaman ng isang tao" so bukod sa meds, I try to keep myself busy. I go to church not only on Sundays but when I have time also like after office. I pray a LOT.
Share ko lang mga sis.. Yung case ko naman alam ko na "acceptance" lang ang makakatulong, hindi ko lang talaga matanggap kaagad. Alam mo yung feeling na you trust one person and never mo naimagine na sasaktan ka nya but in the end, sya pala yung gagawa sayo ng hindi mo ineexpect? Hindi ito lovelife,

I am referring to my dad. He is my hero and I look up to him. He is also the role model of my brothers. Kulang nalang patayuan ko sya ng rebulto. Found out a year ago that he has another family. May dalawa silang anak ng kabit nya, ages 20 and 13. Sa facebook ko lang nalaman lahat using my "kutob". I didn't even know the name of the kabitch at first but I had a clue her name starts with "J". No one from our relatives told us and I felt like no one from them also cared or perhaps, tikom ang mga bibig nila kasi baka magalit dad ko sa kanila. When I found out, kala ko aatakihin ako sa puso. Hindi ko alam kung kikimkimin ko nalang o sasabihin ko sa mom and siblings ko. Pagpasok ko ng office after kong malaman, as in simple task hindi ko magawa. Pag gising ko sa umaga, wala akong gana sa LAHAT. Ayokong bumangon, naiisip ko bakit pa ba ako nagising. Parang nawalan ako ng direction sa buhay. Weeks, months have passed at medyo natutunan ko kung paano ihandle yung lungkot at disappointment ko. August last year, I saw their videos on youtube. Ang sakit.. Ang saya nila tapos kami dito ganon pa rin ang buhay. Ninakawan ako ng tatay na hinihintay kong bumalik. Galit na galit ako sa kabit nya kasi nakilala pa nya kami, alam nyang tatlo anak ng tatay ko and mga bata pa kami nung nakita nya kami. Actually hindi lang tatay nawala sa amin kundi future na mas maganda sana. I know may mali rin ang tatay ko, big time. Pero sana hindi pumayag si ateng kabitch diba kasi dalaga sya eh.
September last year around 2nd week, nahirapan akong huminga at nagpapalpitate ako ng bongga. Na-ER ako and findings was neurocirculatory asthenia. October nangyari uli, this time mas matindi kasi hindi ko na maigalaw mga kamay ko, namamanhid ang binti ko. NaER ako twice nung October, anxiety attack ang diagnosis. November ganon nanaman uli but tests always came out normal so I was referred to a neuro/psych. Doc said I should not be worried kasi hindi raw neurocirculatory asthenia ito, panic attack daw. Been taking my meds since December and so far, so good naman. Nung una sobrang nakakaantok yung meds. Nabawasan na rin yung episodes ko ng panic attack.
Sabi ng psych ko wala naman na raw akong magagawa. At yung katawan ko "pumipito" na raw kaya dapat focus nalang ako sa family ko, accept and forgive. Naalala ko pa sabi nya mag usap kami ng dad ko, the sooner the better. Bilib din ako sa psych ko, ang galing kasi magsalita. Convincing. No wonder ang mahal ng bayad sa kanila, lol.
Now I believe that
stress manifests in the body. So everytime din na maiisip ko "sila", I divert my attention and thoughts and just focus on my health, my family and my work.
*hug hug hug* sa lahat ng nasa thread. <3