It just pop out in my mind.... Eh Saan ang Tamang lugar?
?

it was a reply/post intended to myself.. lam mo, may mga tao na pag nalaman nila na naghahanap ka ng atensyon/affection, gagamitin nila yan para pagisipan na gawan ka ng masama o pagsamantalahan ang kahinaan mo. I'm talking about meeting people online (sa mga chat/forums) as well as meeting strangers kung san san lang. The internet is a dangerous place.
Pero let me try to answer your question na rin tutal anjan na e hehe..
People who are at least in the circle of friends of people you know. Kaibigan ng kapatid mo, ng kaibigan mo, kaibigan ng kamaganak mo, kapitbahay mo, ka-batch mo sa college or friend ng ka-batch mo, etc..
Ako olats e, kinukulit ko nga ang mga kapatid ko baka may friends sila na pede nila ipakilala sakin kaso ayaw ako tulungan. Pero sa totoo lang yang mga reto reto na yan, ok yan e, kasi yung magrereto sayo ang iniisip nyan baka mapahiya lang sya kung sino sino lang irereto nya. So kung alam nya na panget ugali ng tao, hindi nya yan irereto sayo. Sabi nga ng kapatid ko sakin nung tinatanong ko kung may bf yung isang friend nya, "alam ko ugali nyan, maarte yan, b**** yan bat ko ipapakilala sayo" makes sense?
Yung isang kaibigan ko, ang payo sa kanya ng isang pastor, pumunta ka sa mga binyagan, sa mga kasalan, burol baka dun may makilala ka hehe.. Ayun, yung pangalawang asawa nya, nakilala nya sa burol ng kapitbahay nya, yung anak ng namatay e yun yung nakatuluyan nya.
Mag join ka ng mga clubs, organization for a chance to meet people na meron kayong common interest (Example:Surfers club, mountain hikers, photographers club, etc). Sa church mo din siguro or kung sa work naman may mga parang non-work related groups. Like etong sa Company namin merong isang group ng mga singers nagpapa audition to invite more people to their club. Balak ko nga mag audition haha.
Speed dating is not bad rin. I recently attended an event kahit mejo olats ako hehe. Pero dun mo makikita na marami talaga ang naghahanap. Yung mga makikilala mo naman sa event e sigurado mga naghahanap din yun, lalo na kung mahal ang bayad sa event. Sino ba naman gagastos ng 1k para lang makipag bolahan lang diba?
La na ako maisip e, pero pag may naisip din kayo, share nyo rin sakin dahil gaya ng iba sa inyo, naghahanap pa rin ako e hahaha
