Author Topic: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!  (Read 111570 times)

thebratinella

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #280 on: March 04, 2018, 01:08:04 am »
Mabait si mother-in-law pero matampuhin. 2 magkapatid lang husband ko and sister niya. May time na dependent sila sa husband ko especially pag nag-away sila ni father-in-law. As in magskip ng work husband ko to go to their house. Buti natigil na yun kasi we don't go to their house anymore. Hindi kami in good terms with father-in-law. Nasanay na lang din ako sa moods ni mother-in-law. May time yan last year na I was on leave. Nakaplan talaga kami to go to a resort in Batangas. We didn't know umuwi pala sa province sila mother-in-law and some relatives to visit my husband's uncle na nahulog sa hagdanan and naoperahan. When mother-in-law saw our photos in FB, nagtext kay husband sabi nagawa niyo pumunta diyan pero hindi kayo umuwi sa province. Medyo annoyed ako kasi planned way ahead na yung trip because I filed for leave and we were in touch with my husband's cousin the whole time nung nalaman namin na naaksidente yung uncle niya. Ugali pa niya tuwing holiday to ask us if hindi ba kami uuwi sa province. Dumating sa point na nag-argue kami ng husband ko kasi napressure siya sa nanay niya umuwi. Buti hindi na rin ganun. Napagod na rin siguro. Kaya when sister-in-law suggested that we buy a house in 1 village, I didn't pursue it. Naiimagine ko na yung stress na alam nila lahat ng ginagawa namin saka ayoko malapit sa father-in-law ko. My husband and I are planning to buy our own house pero sabi ko sa kanya not to tell anyone. Ayoko kasi makarating kay sister-in-law baka biglang sabihin siya din bibili dun. For sure hindi kasi matitiis ng husband ko kapatid niya. 

plumpolka

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #281 on: April 17, 2018, 07:59:31 pm »
^i think yung sa pagbayad ng hubby mo sa food ng mother nya pag lumalabas kayo, wag mo na masamain, kahit di man magkusang mag alok magbayad. it's his mother parin naman.  :)  but all your other arguments, nakakainis nga! lalo na yung sagot pa yung panlibre sa amigas! hahaha. common issue ng kasama ang in-law sa bahay. 2 kayong nagiging reyna ng bahay na dapat ikaw lang (since bahay niyo yan at kayo ang nagbabayad)

Shadow Angel

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #282 on: April 22, 2018, 08:40:12 pm »
^maling paniniwala naman na hindj patulugin para madaling patulugin sa gabi. Babies/kids need to have enough rest and be calm before bedtime so they can easily sleep by themselves. Over fatigue like adults can cause the kids to be cranky and irritated.

simang

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #283 on: April 23, 2018, 07:25:07 pm »
books_mags i feel you, that's what I experienced when my MIL lived with us temporarily when I gave birth. Actually even with my mom ganyan rin feeling ko madalas, na they make you feel that they know your child better than you do. Yung feeling nila they know better kasi they've been there. Anyway, the best way to really avoid conflict is to NOT live with them. Okay na yung pabisibisita lang.

sarsingkit

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #284 on: April 24, 2018, 06:11:26 am »
^True. I wouldn't want to live with my own parents, why would I want to live with my in laws? I love my in laws and they are always nice and very generous pero gusto ko kami lang ni hubby and baby sa bahay. Hindi ako comfortable na may ibang tao. SIguro kasi nasanay ako ng mag isa ever since I graduated from college, kaya kahit parents ko ayoko kasama sa bahay.

plumpolka

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #285 on: April 25, 2018, 11:31:43 am »
^ sis, bida bida naman pala yang MIL mo. ok na sana sagot mo food kung ano kaya mo ibigay at iprovide. may gusto pa palang iba! juice qo! di rin yan uubra sakin.

chunglyme

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #286 on: April 26, 2018, 08:14:44 pm »
omayy! Scared!! i hope makasundo ko naman ang mother in law ko, esp. nalalapit na ang kasal. kakatakot din kase [textspeak!] father nya, unang meet ko ang daming ask about sakin. hehe

bleep

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #287 on: May 07, 2018, 12:01:07 am »
Mabait sakin si MIL ng mag boyfriend/girlfriend pa lang kami pero nung kinasal kami ayun lumabas na tunay na kulay. Ginagawa nyakong secretary nya (shes based in us) kung ano ano inuutos nya syempre ako bilang asawa ko anak nya sinusunod ko naman kahit minsan nayayamot nako. Sumabog na talaga ako nung one time inutusan nyako na patignan yung isang kapatid ni hubby sa psychiatrist (teenager yung kapatid ni hubby medyo rebelde phase sya) so kinausap ni MIL si bagets sabi oh may appointment ka with psychiarist ha tanong ni bagets ?bakit ako magpapatingin sa psych baliw ba ako?? ang nakakalokang sagot ni MIL ?Ewan ko ate mo (referring to me) ang nagpaschedule nyan eh? so ang kinalabasan kay bagets ako ang nagdecide na ipapsych sya. NAKAKALOKA. Di ko kinaya minessage ko sya sa facebook altho polite naman sinabi ko lang bakit ganun sumunod lang ako sa utos nyo ending sakin nagalit yung bata dahil sinab sa sinabi nyong yun? seenzone ako haha. Di kami nagusap ng one week eto na may kailangan si MIL minessage ako ganto ang message i apologize for what happened can i ask one last favor ... o diba taray straight to the point. Di ko sya pinansin sinabi ko sa asawa ko ikaw gumawa nyan inuutos ng nanay mo mamaya masisi nanaman ako. From that moment on di na kami nagusap which is mas okay sakin. Naaawa ako minsan pero nakakaloka kasi siya!

Queserasera

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #288 on: July 03, 2018, 09:03:09 am »
Asar ako palagi sa Unannounced / surprise sleepover ni MIL sa bahay namin. Wala kaming spare bedroom dahil yung isang kwarto storage room puro malalaking storage box , sa kabila naman mga damit namin bihisan at ibang gamit pa. Dito kami nagbibihis lalo sa umaga pag mag ready ako sa anak ko.

Yung bedroom namin mag asawa ang kasya  1 pullout bed lang meron sakto pang sa amin ni hubby at may single bed, tv rack.  Naiinis ako kasi alam niyo naman condo living napakaliit talaga tapos dito pa sisiksik basta ng walang paalam. Last time na pumunta siya magkasama sila sa labas maghapon ni hubby at tinext ako ni hubby na nagulat siya. Hindi daw siya makatanggi.

Sabi ko wala naman pwesto or maski spare mattress sa kusina mahiga. Okay daw latag extra comforter don daw mommy niya. - Sabi ko " Okay sige kayo bahala". Nagalit hubby ko nag reply ng double meaning message na napaka supportive ko daw.

sa isip ko ahh okay gets ako pala dapat maglatag sa labas at si MIL doon mahiga sa bed namin. Awang awa ako sa sarili ko na ako pa naglqtqg sa sahig sa labas ng kwarto namin. Nakakapagsisi makapag asawa ng taong mama's boy na hindi makatanggi sa mommy niya dahil minsan nakaka utang kami sa kanila.

nung umaga kulang ako sa tulog  4 hrs lang at ang sakit ng katawan ko pero nag decide akong samahan daughter ko at mag stay sa school hanggang 240pm ayoko mag stay sa bahay nandoon yung mag nanay, sakto umuwi kami ng anak ko nakaalis na sila uli.

paanong hindi sasakit rin ang katawan ko, bumangon ako ng 12MN yung common bathroom namin putik putik pati mga doormat dahil si MIL pinang bahay yung suot na sapatos kaya nag brush pa ako,ang banyo sobrang panghi, pagsilip ko sa bedroom namin nakahiga siya sa bed sa kama ko at nakasapatos. Gigil talaga ako dahil puti ang bedsheet nung time na nandito siya. Take note may kasama pang driver yan, doon rin papatulogin samin without our consent diba. buti na lang yung driver pinabalik doon kila SIL dahil kailangan siya doon kinabukasan ng umaga.

Mahal ko naman ang family ni hubby pero ayoko lang ng ganito, naguguluhan ako pero malinaw sakin na Talo ako sa laban na ito dahil nanay ng asawa ko yon pero sana maintindihan ng hubby ko na ibang bahay na ito hindi naman bahay ng nanay niya para gawin kung anong gusto nila.


Girltalker2

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #289 on: July 03, 2018, 09:17:17 am »

sa isip ko ahh okay gets ako pala dapat maglatag sa labas at si MIL doon mahiga sa bed namin. Awang awa ako sa sarili ko na ako pa naglqtqg sa sahig sa labas ng kwarto namin. Nakakapagsisi makapag asawa ng taong mama's boy na hindi makatanggi sa mommy niya dahil minsan nakaka utang kami sa kanila.


Maling mali naman ang asawa mo. Bilang lalaki, sya dapat ang matulog sa labas. Bakit ikaw, eh sya ang nag oo sa MIL mo.

Feeling ko hindi marunong magdesisyon hubby mo when it comes to your family kaya kayo na-e-echa pwera.

thebratinella

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #290 on: July 03, 2018, 12:37:59 pm »
^^Dapat pag-usapan niyo yan. Yung husband ko close din sa mother niya. Wala naman akong masabi sa mother-in-law ko kasi mabait naman pero di rin alam kasi yung limitasyon dati. Akala niya yung anak niya would always be there if kailangan nila may it be gawing driver sa lakad nila ng mga high school amigas, hatid-sundo siya sa Bulacan from Cavite, papasama bumili ng aircon or kung ano pa and referee dati pag nag-aaway sila ni father-in-law. It took 2 years din bago naintindihan ng husband ko na hindi puwede everytime magsabi nanay niya, takbo siya dun sa house nila to the point na affected na work niya like nag-away in-laws ko early in the morning. Tumawag si sister-in-law sa kanya para magsumbong so di pumasok husband ko sa work. Nasa parking lot na ng office pero nagpaalam sa boss na aalis. Turning point ng husband ko yung kami na nag-aaway noon dahil gusto niya sundin mga requests ng nanay niya. Nung tinamaan na mga sariling plans niya and napagod na rin sa mga emo text messages ng nanay niya. Paano kasi pag may hindi siya nagawa for his mother like umuwi sa province pag holiday or weekend, magtext si MIL ng madrama or panumbat sa amin like nangyari last year nung nakaleave ako at nagbiyahe kami. At lalo na yung pati ako inaway na ng tatay niya at natakot yung anak namin. Bumili kami ng house near his workplace without telling his family/relatives muna. Alam ng family ko pero sa side niya he didn't divulge. Gusto kasi ng sister niya bumili din ng house sa same village namin. Yun ang plan dati pero ginawa ko ako nagsuggest ng village na mas malayo kaysa sa house namin now and di ko finofollow up sa agent nung nag-ask husband ko if may available unit pa daw para masabi niya sa sister niya. At pinili ko 2-bedroom house lang talaga para no reason na may makitulog lagi sa amin.  ;D

Sana maintindihan ng husband mo na kayo na family niya, sis. Ikaw and yung anak niyo na ang priority dapat. Yung kapakanan niyo na muna bago yung mother niya or siblings. Hindi naman sa sinasabi na he won't care about her pero yung iconsider muna yung feelings and comfort mo.

ultimatehousewife

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #291 on: July 03, 2018, 05:32:04 pm »
Few months ago, nagka sakit mil ko. Food poison. So my husband went to her and took care of her. Tapos, last week, she told me, sana tinulungan mo asawa mong alagaan ako!  She told that to me nung nakatalikod asawa ko.

Asar na asar ako kasi dami ko rin Gawain sa bahay at negosyo. E andun naman anak niya na asawa ko na nakatira sa kanya 5x a week tapos sa akin 2x a week lang dahil yun ang gusto ni mil.

Hay buhay

engr_neechee

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #292 on: July 04, 2018, 08:54:57 am »
[Insert name of my hubby here], salamat sa 3k nakuha na namin sa cash card noong 13 april p...

Sabihin mo na lang kay neechee thanks

[Insert name of hubby here], kailangan namin ng 5k pambayad sa travel tax nmin kasi bumili kami ng gamot kahapon maintenance namin for 5 months inabot 12k kaming 2 ni daddy mo sa mercury may senior discount pa yun. bigyan mo naman kami pabaun mo na sa amin. Nakautang na kami kila [insert SIL's name] ng 35k kc nagbayad kami ng bahay 30k tag15k kami [insert SILs name here] noong april 5...payment namin ng ja feb at march.  Hindi na kc nagpadala si [insert BIL's name] ng 2 mos dahil sa ticket namin. Ako na kc gumastos sa application ng Schenzen visa at insurance kaya naubos savings namin...gusto lang kc namin makapasyal kasi matatanda na kami.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #293 on: July 04, 2018, 06:15:19 pm »
Nagpapasalamat ako na wala akong inlaws na mga ganyan.

Hindi ako pumili ng lalaki na priorities ang family, breadwinner or may umaasang relatives alam ko kasi pagmumulan namin ng away at hindi ko kaya manahimik sa ganyan issues.

littlekinselle

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #294 on: July 06, 2018, 04:52:29 pm »
^swerte mo sis! ako naman reklamo ko lang is un husband ko nagsha-share siya ng monthly amortization sa bahay nila nag start yun di pa kami kasal pero ngayon na-realised ko na mali kasi instead na  conjugal property nanamin un kaso ang mag bebenifit nun un mga kapatid niya .. ang masaklap dun 30 years nila babayaran yun bahay.  siya kasi ang panganay at iniisp niya sakanya mapupunta yun since yun 2 sisters niya may mga sarili na condo at asawa.

sunnnyside

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #295 on: October 07, 2018, 01:06:44 am »
Anong sinabi ng Halloween episodes sa mga MIL horror stories ng thread na to. :P Sa kin naman baliktad, i dont like my then future MIL nung bf/gf pa lang kami ni hubby but now ok naman kami. Sa ngayon lagi lang nya kami kinukulit na bigyan na sya ng apo. Understandable naman kaso nakaka-pressure din minsan.

waterbunny

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #296 on: October 07, 2018, 04:41:40 am »
Help! Nagkakasakit na ko sa stress ko kay MIL. Sobrang dami kong dapat ika-stress, pero nakakaya ko. Pero pag kay MIL hindi ko ma ignore. Wala akong mapagsabihan kaya yata ganito nangyari. Pati mom ko affected na. Sobrang stress nagkasakit na ko. 😷 sa mga makakakilala sakin, I'm sorry but I just have to get something off my chest. 

Nung una lagi ko iniintindi at pinagpapasensyahan, kaso nasa limit na yata ako. Mabait naman sya BUT...

Uninvited and unannounced visits. Noong di pa kami kasal ng asawa ko problem na namin to. Good thing lang noon is di sila nakakaakyat nang di sinusundo sa baba, at madali ako maka move on kasi may work ako at nadi-divert sa iba attention ko. Pero simula nanganak ako at nakalipat kami... Grabe lagi sila andito.  Weekly, minsan 3x a week pa. Just to see the baby. I appreciate naman efforts and time nila. Pero nakakairita lang kasi nawalan na kami privacy.Papabuksan pa nila un pinto kung natutulog kami.

Controlling? Manipulative? Di ko alam anong tamang term. Pero si mil, mag bf/gf pa lang kami, lagi na nya ko kinakausap para i convince sa mga gusto nyang mangyari sa buhay namin. Yun nakakairita on my part kasi para nya kong ni-brainwash na bata. Actually, nakapag-decide na nga sya eh. Dun daw kami titira sa kanila, business, etc. Tapos idadahilan nya matanda na sila and retiring para ma guilty. Kung kelan naman may sarili na kaming family saka pa kami nakontrol. Isa pa un sa kinakainis ko, yun lagi sya nag dedesisyon for us kahit di naman hinihingi. Di rin sya nagtatanong samin, like nun kasal namin sa mga sponsors kala mo sya un ikakasal. E family nga lang invited dapat. Ending family ko lang. Si hubby family and family friends. Hays. Kahit sa simpleng bagay like bday party prep. Pag kino-consider mo yun gusto nya, walang say. Pero sa hindi mo hinihingan, magulat ka na lang tapos na, nakabili na pala o order na.

Actions speak louder than words. Mil always tries to talk me out of my decisions. Nag papa convince naman ako minsan. Yun nga lang the next day ibang iba un pinagusapan namin sa gagawin nya. So wala na yun trust ko sa kanya. Hirap na ko maniwala sa kanya.

Inconsiderate, rude, insensitive sya sakin. Kung panu sya mag bitaw ng salita, basta ok sya wala syang pake sa feelings ng iba. Alam nya ng ayaw ko ipaparinig pa sakin. Lagi nya pa inaangkin ang baby namin. Si baby lang and hubby ang gusto nya. Love daw nya silang dalawa. Parang multo na lang ako sa paningin nya. Pag dumadating sila dito lagi ako pinapalabas para di ako makita ni baby. Tapos hindi nya ibabalik si baby sakin hanggang di kelangan ng milk. Lalo na nun andun kami sa kanila. Sobrang na stress ako. Most recent was at lo's party, pumapel pa din sya. Lagi inaagaw si baby. Ni wala man lang kaming pic ni baby na kami lang kasi lagi andun sa lola. Dito yata ko napuno. Sobrang epal nya!

Righteous. Feeling nya sya lagi tama. Di sya titigil gat di sya nasusunod. She's bossy. I get it she's the boss. Pero sa kanila lang un wag naman i apply sakin. Nasanay sya kay [textspeak!] lagi sya pinagbibigyan.

Pa guilty. Dito magaling si mil. Yun ikaw yun makaka feel ng guilt kahit wala ka naman kasalanan. Lagi nya to ginagawa. Pero may one time na matindi, with walkout pa. Gusto nya ikaw mag aapproach sa kanya or say sorry. Di naman ako guilty nung nangyari to kay hubby yata sya tampo. Pero pinagbigyan ko na mawala lang tampo. Di nya kasi naiisip stress si hubby gawa nya. At lahat kami apektado. Eto talaga un reason kaya di ko alam panu ihandle si mil. Para syang bata kung papatulan ko. Iiyak at magiinarte, magsusumbong sa family, tapos ako ang pasasabihin ng sorry.

Sobrang di ko ma feel na welcome ako sa kanya. Hindi lang ako nakaka feel nito, kasi even my mom, basta andyan sya. Dumating na sa point na tingin ko na sa kanya e insincere. Di ko alam panu pa makakatagal kay mil. Lagi pa naman sya nandito huhuhu. I don't want to see her muna. Kasi naHB talaga ko.

Help!!!

donya_dyosa

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #297 on: October 10, 2018, 06:48:34 pm »
^sis, di mo nabanggit how your husband deals with his mom or how your husband deals with this.

nakakatoxic. sis life is short. wag ka magpaunder, no sorrys, pag pinreasure ka ng husband mo. sorry mamili na sha. i know its easier said and done pero onti onti magmatigas kana. naiyak ako na wala kayong pic ng anak mo sa birthday nya. grabe na yon. gumising kana. lumaban kana.


la_pinay

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #298 on: October 11, 2018, 12:39:41 am »
^^ I feel you sis, iba ang stress with MILs, parang ang hirap i get over at ang bigat sa loob. better talk to your husband and set limits. kasi kung hindi, yun marriage mismo nyo ang maapektuhan. you have to protect your family, and your sanity too. I have been there, kami nga we lived with MIL and gusto yata nya sa kanya umikot mundo namin. control freak din at gusto laging involved sa lahat ng gagawin at desisyon namin. until hindi ko kinaya at pinapili ko si hubby kasi I cannot live like that anymore, mababaliw ako. now we moved out and may peace of mind na, pero si MIL clingy pa rin kay hubby.

bottomline is, pag usapan nyo yan. you set your rules sa family nyo, after all, extended family na lang ang mga inlaws. dumistansya ka if needed. you deserve a better life.

iamfoursixnine

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #299 on: October 13, 2018, 10:43:59 am »
My MIL has two faces.

pag nakaharap mabait sakin. Maawain and always look on my side.

Pag nakatalikod iba na bigla ugali. Dami complains sakin and d naman naniniwala sa mga sinasabi ko at times.

But i respect her kasi just as i respect my own mother. Never ako sumagot or nagdabog.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close