Not yet married however been with bf for almost 4 years na
Issues I'm bothered about his family:
1. Yung mom nila passed away 2 years ago unexpectedly. When she passed saka lang nalaman nila bf and the whole family na may utang na pagkalaki laki mom nila. Never expected this since nung buhay pa naman ang luho ng life nila. Nag-checheck in pa sila sa hotels over the weekend para lang makapa-swimming sa pool

Ang ending silang magkapatid ang nagbabayad till now. So lahat ng savings ni bf naubos dahil sa utang na yan. I think masaklap pa eh iba ibang sources ang inutangan ng mom niya. Meron loan sa bank, 5-6 sa kakilala then meron pang sa ibang kakilala. Ang hinanakit ni bf, sana nagsabi yung mom nila noon kase may work naman silang mag-ate, sana natulungan siya magbayad kahit papano.
2. Yung ate niya ang inapproach regarding sa utang na yan. Ang issue ko dun, nung nilapitan siya, ni hindi man lang nag-verify kung utang talaga ng mom nila. As in dale dale, she agreed to pay the utang then and there without verifying it first

Parang hello, andame kayang manloloko jan.
3. Ginagawang driver ng mga kapatid si bf. Lalo na ang ate niya. Super hilig lumakwacha. Makakaalis ng bahay pero hindi pwedeng uuwi ng hindi susunduin ni bf. Ang nakakainis na part dun, lagi siya may bitbit na kaibigan niya, ipre-presenta niya si bf na siya na maghatid sa friend niya

Hindi man lang magtanong kung ok lang , baka may lakad na iba or out of the way ba. Toinks!
4. Nung buhay pa ang mom nila eh, mahilig ang mom and ate niya na utangan siya. To think x2 ang sahod nila kay bf tapos si bf pa ang nakakaipon sa kanila noon. Nakakatawa lang na nakakainis, uutangan pala siya ng ate niya para makabili ng luho.
5. We both work and live overseas. So is his tita and siblings. One time I went home for vacay, nagpadala ang tita niya ng 12 pcs na 100 ml perfumes! My golly! Ok lang nman magpadala, but 12 pcs na 100 ml perfumes talaga?

over over nman! Bitbitin ko daw kase may buyer na siya

Ngeks! Di ko nga tinanggap lahat. LOL
6. I think eto yung pinaka-kinaaasaran ko out of everything. Me and bf have gone out for dates to celebrate either monthsary/anniversary. Meron instance where kakain palang kame or oorder palang kame, yung ate niya will call him para lang magpahatid sa mall or kung san lupalop ng birthday man siya aattend or magpapasundo somewhere para umuwi. I'm like

Di ba siya marunong umuwi??? Ang nkakainis na part? She knows we are out and celebrating. Wala man lang consideration. Happened not only once.
I don't meddle when it comes to his money kase we are not married but I make it a point to tell him na magtira ng savings for himself. Ending? Naasar lang siya kase wala daw maitatabi talaga since bayad here and there ng utang na hindi naman siya ang nakinabang.
With all those things combined, right now, I do not see myself with him in the future. Honestly, with his family set up. I do not think we will be in good terms if ever magpakasal kame. Para kaseng napaka-dependent nila kay bf. Like a day will not pass without them asking him for favors for this and that. I am not used with their set up as a family na problema ng isa eh problema ng buong pamilya. Tipong utang ng tita niya eh utang nilang lahat. Frankly, I do not like this way of practice since my family is not like this.
Bf is 28 years old and yet he has no savings. No Plan B. No Emergency fund. He works for his salary na sa bayad ng utang lang napupunta and even though asar ako minsan sa ate niya, I feel sorry for her too kase ang sahod niya sa bayad ng utang lang din napupunta. What if biglang may emergency? Eh di nganga lang sila

I know it's not right, but I kinda resent their mom for doing this to them.