Author Topic: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!  (Read 111802 times)

IamCessy

  • Guest
Re: MIL Serye
« Reply #240 on: January 12, 2017, 02:21:31 pm »
Ako at first, nung bf/gf pa lang kami ni hubby, may feeling akong di ako gaanong type ni MIL. Pero I realized na ganun talaga mga mommies, parang siya lang dapat ang girl sa buhay ng anak nilang lalaki. Ngayon, okay na okay naman kami ng MIL ko. Nasa ibang bansa siya so di kami masyado nakakapagbonding pero constant naman ang communication sa FB.

simang

  • Guest
Re: MIL Serye
« Reply #241 on: January 12, 2017, 04:09:46 pm »
Naisip ko din yan.. Bakit kaya palaging may conflict with MIL. Yung mom ko sobrang bait as in hands down, pero may nasasabi pa ding negative about sa wife ng brother ko. Okay sila ng SIL ko pero minsan pag nagkukwento sya meron at meron pa rin syang negative comment about my SIL.

Anyway, 1 year married pa lang kami and wala naman akong problem with my MIL. If anything, feeling ko nga sya ang naiilang/nahihiya sa akin. Sana naman wala kaming maging issue. Sobrang bait ng MIL ko and love na love sya ng husband ko kaya I really try my best to get along with her and the rest of my inlaws.

eleine26

  • Guest
Re: MIL Serye
« Reply #242 on: January 12, 2017, 04:18:57 pm »
Quote
IamCessy
[/b]
siguro nga may selos factor noh at parang hirap sila ilet go anak nila. ganyan MIL ko, baby boy pa din tingin niya sa anak niya kahit may sarili na pamilya.  >:(

Quote
simang
[/b][/b]
good for you sis na okay kayo ni MIL  ;) siguro kahit okay kayo meron pa rin talaga nasasabi noh? bakit kaya?! hahaha

IamCessy

  • Guest
Re: MIL Serye
« Reply #243 on: January 12, 2017, 05:01:58 pm »
^naku, oo sis. Baby boy pa nga tawag niya sa hubby ko. Natatawa na lang si hubby.  ;D

sarsingkit

  • Guest
Re: MIL Serye
« Reply #244 on: January 12, 2017, 11:25:54 pm »
My MIL and I get along well. Hindi kami super close but I try my best na hindi kami magkaconflict. Kung paano ko itreat yung parents ko, ganun din treatment ko sa kanila, if not, mas mabait pa ako sa kanila. Haha. Magbf pa lang kami ni hubby, pinapafeel ko na sa kanila na kahit kelan hindi ako magiging reason para mapahiwalay si hubby sa kanya. We lived with them for a year, kaya when we moved out, all out support si MIL samin. As in hinati nya lahat ng gamit sa kusina at binigay sa amin para hindi na kami bibili. I am pregnant now and sya agad bumili ng pinakamahal na item sa listahan ko. She encourages me to help out my dad financially (hindi ko sure kung matutuwa ako dito or hindi dahil parang nakaabang tuloy lagi tong tatay ko. lol)

Bottomline siguro is always assess yung relationship nyo. I am always nice to them and make sure I spend time with them pero I still keep a safe distance. Siguro malaking factor din yung hindi na kami nakatira sa kanila. And nakikita naman nya kung paano ko alagaan yung anak nya. Hindi din ako maluho. Matipid kami mag asawa. Kaya happy si MIL sa amin as a couple.

iampennylane

  • Guest
Re: MIL Serye
« Reply #245 on: January 13, 2017, 02:38:36 am »
MIL ko naman sobrang bait. We get along so well.
Ako lagi ang kausap niya instead of hubby lol
My hubby even jokes about it na mas mahal pa daw ako ng nanay nya kesa sa kanya.
So I guess, depende pa rin talaga, malaking factor din siguro yung how you treat them :)

yannuh

  • Guest
Re: MIL Serye
« Reply #246 on: January 13, 2017, 09:26:20 am »
Swerte din ako kasi super bait ng MIL ko. Hindi ako madalas makasama pag pumupunta si hubby sa house nila pero pag andun ako, lagi ako kinikiss ng MIL ko at lagi sinasabihan ng "miss you". Hehe angkulet nga e. Saka pag nasa bahay nila ako, todo asikaso sya smen ni hubby.

Shadow Angel

  • Guest
Re: MIL Serye
« Reply #247 on: January 13, 2017, 09:57:21 am »
Count me in sa lucky na may mababait na mga in-laws considering na mga foreigner sila sobrang asikaso kami lalo na ako pag nasa house nila at dumadalaw. Feeling ko nga mas masaya sila na ako naging wife ni hubby dahil lalo naging mas malapit sa kanila si hubby. Na touch pa nga ako nun dahil nag padala pa sila ng card sa akin bilang welcome sa family nila. Anak nga tawag nila sa akin. Then Birthday ko nagpadala rin ng bouquet si hubby ko tuwang-tuwa rin sya. Kaya kung kaya ng schedule namin pinipilit namin na makadalaw sa kanila madalas.

imprincessfiona

  • Guest
Re: MIL Serye
« Reply #248 on: January 13, 2017, 01:19:25 pm »
Swerte din ako sa MIL ko. Hindi sya pakialamera gaya ng iba.

gc.garcia

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #249 on: January 29, 2017, 09:23:52 pm »
Not yet married however been with bf for almost 4 years na

Issues I'm bothered about his family:

1. Yung mom nila passed away 2 years ago unexpectedly. When she passed saka lang nalaman nila bf and the whole family na may utang na pagkalaki laki mom nila. Never expected this since nung buhay pa naman ang luho ng life nila. Nag-checheck in pa sila sa hotels over the weekend para lang makapa-swimming sa pool  ??? Ang ending silang magkapatid ang nagbabayad till now. So lahat ng savings ni bf naubos dahil sa utang na yan. I think masaklap pa eh iba ibang sources ang inutangan ng mom niya. Meron loan sa bank, 5-6 sa kakilala then meron pang sa ibang kakilala. Ang hinanakit ni bf, sana nagsabi yung mom nila noon kase may work naman silang mag-ate, sana natulungan siya magbayad kahit papano.

2. Yung ate niya ang inapproach regarding sa utang na yan. Ang issue ko dun, nung nilapitan siya, ni hindi man lang nag-verify kung utang talaga ng mom nila. As in dale dale, she agreed to pay the utang then and there without verifying it first :o Parang hello, andame kayang manloloko jan.

3. Ginagawang driver ng mga kapatid si bf. Lalo na ang ate niya. Super hilig lumakwacha. Makakaalis ng bahay pero hindi pwedeng uuwi ng hindi susunduin ni bf. Ang nakakainis na part dun, lagi siya may bitbit na kaibigan niya, ipre-presenta niya si bf na siya na maghatid sa friend niya ???  Hindi man lang magtanong kung  ok lang ,  baka may lakad na iba  or out of the way ba. Toinks!

4. Nung buhay pa ang mom nila eh, mahilig ang mom and ate niya na utangan siya. To think x2 ang sahod nila kay bf tapos si bf pa ang nakakaipon sa kanila noon. Nakakatawa lang na nakakainis, uutangan pala siya ng ate niya para makabili ng luho.

5. We both work and live overseas. So is his tita and siblings. One time I went home for vacay, nagpadala ang tita niya ng 12 pcs na 100 ml perfumes! My golly! Ok lang nman magpadala, but 12 pcs na 100 ml perfumes talaga???? over over nman! Bitbitin ko daw kase may buyer na siya ??? Ngeks! Di ko nga tinanggap lahat. LOL

6. I think eto yung pinaka-kinaaasaran ko out of everything.  Me and bf have gone out for  dates to celebrate either monthsary/anniversary. Meron instance where kakain palang kame or oorder palang kame, yung ate niya will call him para lang magpahatid sa mall or kung san lupalop ng birthday man siya aattend or magpapasundo somewhere para umuwi. I'm like  ??? Di ba siya marunong umuwi??? Ang nkakainis na part? She knows we are out and celebrating. Wala man lang consideration. Happened not only once.

I don't meddle when it comes to his money kase we are not married but I make it a point to tell him na magtira ng savings for himself. Ending? Naasar lang siya kase wala daw maitatabi talaga since bayad here and there ng utang na hindi naman siya ang nakinabang.

With all those things combined, right now, I do not see myself with him in the future. Honestly, with his family set up. I do not think we will be in good terms if ever magpakasal kame. Para kaseng napaka-dependent nila kay bf. Like a day will not pass without them asking him for favors for this and that. I am not used with their set up as a family na problema ng isa eh problema ng buong pamilya. Tipong utang ng tita niya eh utang nilang lahat. Frankly, I do not like this way of practice since my family is not like this.

Bf is 28 years old and yet he has no savings. No Plan B. No Emergency fund. He works for his salary na sa bayad ng utang lang napupunta and even though asar ako minsan sa ate niya, I feel sorry for her too kase ang sahod niya sa bayad ng utang lang din napupunta. What if biglang may emergency? Eh di nganga lang sila :o I know it's not right, but I kinda resent their mom for doing this to them.
« Last Edit: January 30, 2017, 01:44:40 pm by gc.garcia »

shinies

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #250 on: January 31, 2017, 07:46:52 pm »
With all those things combined, right now, I do not see myself with him in the future.

Bilib ako sayo sis.. Ngayon pa lang alam mo na ano kinahihinatnan niyo..

1 - Totong kasalanan ng nanay nila yung sitwasyon ngayon pero wala na kasing magagawa tungkol dun eh..

2 - Tama, yung bangko kasi may mga papeles yan pero yang mga 5-6 at sa mga kakilala, nakupo!

3 - Infer, nagbabayad ng mga utang pero kayang kaya maglakwatsa? ::)

5 - Good job! Kung ano lang yung reasonable na gawin mong pabor, gora.

6 - Ibig sabihin lang sis, pamilya niya talaga ang priority niya. Selfish din naman na papiliin mo siya.

I don't meddle when it comes to his money kase we are not married but I make it a point to tell him na magtira ng savings for himself. Ending? Naasar lang siya kase wala daw maitatabi talaga since bayad here and there ng utang na hindi naman siya ang nakinabang.

Saktong meddle lang dapat kasi para naman sa ikabubuti niya yun eh. At kung binabalak mo na maging pamilya ka niya, eh tama naman iniimpluwensiyahan mo siya sa pera.
Pero oo, nagging ka na kasi naiinis na nga siya na kailangan niya magbayad. Di niya maiisip na para sa kanya yung pagpapaalala mo.

I do not think we will be in good terms if ever magpakasal kame. Para kaseng napaka-dependent nila kay bf. Like a day will not pass without them asking him for favors for this and that. I am not used with their set up as a family na problema ng isa eh problema ng buong pamilya. Tipong utang ng tita niya eh utang nilang lahat. Frankly, I do not like this way of practice since my family is not like this.

At sasabihin ko sayo sis, for life yan kasi family "values' na nila yan. Totoo na lagi niyo lang pag-aawayan yan kasi hindi masosolusyunan yung ganyang klaseng kultura nung pamilya nila.
Idagdag mo pa na nasobrahan ng bait ang BF mo. Ok sana pero dahil din dito kaya may mga peste sa buhay niya.

Siguro ang dapat itanong mo sa sarili mo eh, kaya mo ba ito pagdaanan panghabangbuhay?
At kaya mo ba buhayin ang pamilya niyo? Parang ikaw ang breadwinner kasi lahat ng kita ni BF dun lang sa utang mapupunta.
Pinaka-importante sa lahat, isipin mo pag nagka-anak na kayo, kaya mo ba na yung dapat ibigay sa anak niyo eh mapupunta lang dun sa pamilya niya?

Oo matagal pa yan pero pag kinasal ka kasi, walang sisihan yan. Lalo na sobrang magkaiba pamilya niyo. Pagisipan mo na lang mabuti sis..

ficklemind

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #251 on: February 02, 2017, 12:07:12 pm »
^ sis, yun na nga kinahihimutok ng future in laws mo, mababawasan or baka wala ng maging financial support silang makuha sa h2b mo kasi magaasawa na, magsasarili ng pamilya. Dinadaan lang sa pangmamata sa inyo pero in truth takot na takot mabawasan ng grasya! Inaalam niya kung may sarili kang pera or makikihati ka sa pera ni h2b.
Madami ganyan na pamilya dito sa Pinas, pag magaasawa na yung financer nilang anak nag-aalburuto, lalo na OFW pa si H2B mo. Gusto sila muna makinabang. Sorry masyado nega.

I was an OFW din nung kinasal at tumutulong financially sa family ko, hinde naman nabigla family ko kasi hello turning 8 years na kami magbf/gf. Hinde nagalit family ko although may mga konting jokes na about sa mawawalan na sila financial support.
Anyway I'll just make it clear sa family ko ano na lang pwede ko maitulong sa kanila once nagpakasal na ako, meron pa din naman pero konti na lang, tanggap naman nila.

shinies

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #252 on: February 02, 2017, 03:13:08 pm »
Normal yan sa mga magulang na isip muna sarili kesa anak nila. Mag focus ka sa fiance mo. Pakita mo ano yung tunay na pagmamahal. Pakita mo paano siya mamahalin ng pamilya mo.

Tungkol sa pera, magusap kayo ng budget. Dapat fixed lang bigay niya sa nanay niya kesehoda di pa kayo kasal.

Di natin mapipili pamilya natin eh. Tulong na lang ng kung anong maluwag sa kalooban at yung hindi maapektuhan kinabukasan niyo.

May sinabi din MIL ko nung nagpaalam mister ko dati. Di ko maalala kasi wapakels ako haha.
Si mister lang inasikaso ko ng TLC.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #253 on: February 15, 2017, 04:58:39 pm »
sis ohcmon, pag isipan mong mabuti kung gusto mong pakasalan talaga si h2b mo. kasi pag nagpakasal ka pati buong pamilya niya pinapakasalan mo narin! totoo yan. kahit ideny pa ng iba na asawa naman nila ang pakikisamahan nila but still you are going to be part of that family -- for better or for worsts.  ;)   

kung ngayon palang di mo kayang sikmurain ang inlaws mo, gamitin ang isip at huwag lang ang puso. simula palang yan problema mo i tell you it will even get worsts. baka sa kalaunan maging part ka ng mga GT forums about sa mga asawang panay reklamo about sa inlaws nila pero hindi na sila makawala.

ika nga, run to the next hill while you can!  ;D  dahil ang success ng marriage ay hindi lang naka based sa pagmamahalan ng mag asawa. malaking factor ang relationship with the inlaws. sa ayaw man natin at sa gusto. ngayon palang maging wise ka na kung anong pipiliin mong buhay.
« Last Edit: February 15, 2017, 05:00:43 pm by lovemeagain30 »

Purple_Power

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #254 on: February 17, 2017, 08:07:01 pm »
I am glad that my mother in law is not a monsters in law as I thought she would be also horrible as her mother which is the granny of hubby. I realize na magkalayo attitude nila. My MIL itself has pleasing personality, knows how to be humble, she is also madiskarte sa buhay but at least knows to adjust with people, may pagka sales personality rin kasi. There are some of her advises na ironic pa rin sa real life situation niya but I still find it credible compare to her mother. I never thought she will apologize for what her mother did to me and good thing hindi naman na niya ako kinausap about the petition ni hubby na forfeited dahil nagpakasal na kami. Inintindi na rin naman niya. Binilin niya rin sa family ko na kami na bahala sa anak niya. Her remarks are always positive about me kapag kausap ang anak niya o si hubby, unlike the granny halos lahat mali maya maya sumbong hanggang sa nag-aaway na kami ni hubby kasi wala nang kwenta mga sinasabi niya.

gc.garcia Curious lang ako, paano kayo nagbreak saka on what particular reasons? Buti hindi nadevastate ang bf mo?

littlekinselle

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #255 on: March 07, 2017, 02:45:05 am »
I cant call my MiL as a monster.. pero she's FAKE.. I all know were okay bf/gf pala lang kani ng asawa ko mahilig ako mag gifts ng  bongga even tumuling ako financially sa medical bills ng Bro-in-law ko.  Di man lang ako naka tanggap ng thank you but pinalagpas ko na yun.. kahit mag asawa na kami ganon oa din ako never ako nahing madamot..   ngayon nag ka anak na kami at nag decide na di kami tumira sa bahay at nung nagkasakit ako dun ako nakadinig ng di magagandang bagay yi the point sinabihan ako na wala akong kwentang asawa kundi alam is mag padede..  at eto pa pinag tatawanan pa nila ang ilong ng anak ko pango daw at mana sa mama ko  so what kung pango?? Diba?.. well napatawad ko na sila pero di maalis yun sa isipan ko na ganon pala siya kaya ngayon ilag ako sakanya at civil pa din. Pero un makikipag close na ako sakanya kay MIL hindi na siguro.  Hindi talaga pwede mag sama ang dalawang reyna sa isang palasyo..

loveleah

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #256 on: March 07, 2017, 04:32:21 am »
Ako naman dati sunod sunoran sa gusto ng MIL, nung una kong pumunta sa bahay nila para dun na mag stay, was 6mos preggy, ang una nyang tinanong sa akin is, "alam mo bang gumamit ng washing machine?", gosh kinabahan na ako, and true to it, tinuruan nya akong mag laba gamit ng washing machine! pano labhan ang polo ng anak nya and pano ito sampayin the way na GUSTO niya, months went on, ganyan lagi, siya dapat ang may SAY sa lahat ng bagay, pati sa pag aalaga ng anak ko, kahit may yaya ako, and nag aaral at the same time nag tatrabaho, ginigising ako para tanungin ano ang lulutuin ko.. natiis ko yun lahat lahat, until naka pag decide na ako na bumukod, sa bagong bahay namin bisita nalang [textspeak!], pero everytime na bumisita siya, dapat may nagawa siyang OWN thing na dapat sundin, tulad nang paano sampayin ang mga labahan, tinuturuan nya ang mga katulong lol.. hindi ko malimutan, binigyan niya ng oil ang yaya ng anak ko, yun daw ang i massage sa baby every night, nang inamoy ko ang baho talaga, may racumin para yun, nang tinanong ko siya tungkol dito, sabi niya, gawain daw yun ng mga oldies kasi daw cool yung racumin, so fresh sa balat, ano ba yan?! years later, kinausap ako ng hubby ko na bumalik sa house ng mama niya para may maka tulong sa pag babantay ng mga bata, pumayag ako, dito na lalong lumala, although hindi na ako tulad dati na sunod sunoran sa gusto niya, pero lahat ng galaw ko binabantayan niya, and worse, chinichismis niya ako sa chat, minsan kasi open yung messenger niya, nababasa ko, keso daw lumalakwatcha ako every saturday, dayoff ko kaya yun sa work, parang hindi ako deserving na i enjoy ang dayoff ko, ang life ko, minsan ginala ko mga bata , chinichismis na naman niya na lagi daw ganyan, puros nalang enjoy enjoy , eh ano kaya dapat gawin, dapat nasa bahay lang ba pati mga bata , at nag mu mukmok? kaya ngayon gusto ko na namang umalis, at bumalik sa dati naming bahay, masyado nang toxic, and notice ko parang na iba na ang outlook ko in life, nagiging nega na rin ako, pag kina kausap ko naman hubby ko, sabihan lang ako na intindihin ang nanay niya..

bluish_mommy

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #257 on: March 07, 2017, 07:08:29 am »
hay! I am somehow glad that my MIL and I are in separated ways na. Things could just get worst if patuloy pa sya titira sa amin, good thing sya na mismo ang umalis at nag-abroad. I cannot totally call her Monster, kasi di rin naman sya talaga makaporma sa akin ng katarayan nya. Pinatawad ko na sya sa lahat ng atraso nya sa akin, and I hope ganun rin naman sya sa akin. now I have for her is awa, naaawa ako sa kanya talaga dahil napalayo sya sa mga apo nya, miss na miss nya mga anak ko, she had to go para tuparin rin naman mga naudlot nyang pangarap. mahirap din na wala sya dahil for a long time sya nag alaga sa mga anak ko then suddenly naiwan kami with the helper and yaya lang, iba rin talaga kapag palagay loob mo sa mga naiwan mo sa mga anak mo while you are working. but then again, what can I do, ganun talaga, generally I think lahat ng nangyari sa amin ay para sa ikabubuti naming lahat.

ultimatehousewife

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #258 on: March 07, 2017, 09:10:11 am »
hindi ko malimutan, binigyan niya ng oil ang yaya ng anak ko, yun daw ang i massage sa baby every night, nang inamoy ko ang baho talaga, may racumin para yun, nang tinanong ko siya tungkol dito, sabi niya, gawain daw yun ng mga oldies kasi daw cool yung racumin, so fresh sa balat, ano ba yan?!

Sis, Racumin? Ito ba yung sa daga?

Purple_Power

  • Guest
Re: Mother-In-Law=MONSTER IN LAW!!!
« Reply #259 on: March 21, 2017, 11:14:53 am »
^Oo nga ano yung racumin? Ang alam ko yan yung lason sa daga eh!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close