Help! Nagkakasakit na ko sa stress ko kay MIL. Sobrang dami kong dapat ika-stress, pero nakakaya ko. Pero pag kay MIL hindi ko ma ignore. Wala akong mapagsabihan kaya yata ganito nangyari. Pati mom ko affected na. Sobrang stress nagkasakit na ko. 😷 sa mga makakakilala sakin, I'm sorry but I just have to get something off my chest.
Nung una lagi ko iniintindi at pinagpapasensyahan, kaso nasa limit na yata ako. Mabait naman sya BUT...
Uninvited and unannounced visits. Noong di pa kami kasal ng asawa ko problem na namin to. Good thing lang noon is di sila nakakaakyat nang di sinusundo sa baba, at madali ako maka move on kasi may work ako at nadi-divert sa iba attention ko. Pero simula nanganak ako at nakalipat kami... Grabe lagi sila andito. Weekly, minsan 3x a week pa. Just to see the baby. I appreciate naman efforts and time nila. Pero nakakairita lang kasi nawalan na kami privacy.Papabuksan pa nila un pinto kung natutulog kami.
Controlling? Manipulative? Di ko alam anong tamang term. Pero si mil, mag bf/gf pa lang kami, lagi na nya ko kinakausap para i convince sa mga gusto nyang mangyari sa buhay namin. Yun nakakairita on my part kasi para nya kong ni-brainwash na bata. Actually, nakapag-decide na nga sya eh. Dun daw kami titira sa kanila, business, etc. Tapos idadahilan nya matanda na sila and retiring para ma guilty. Kung kelan naman may sarili na kaming family saka pa kami nakontrol. Isa pa un sa kinakainis ko, yun lagi sya nag dedesisyon for us kahit di naman hinihingi. Di rin sya nagtatanong samin, like nun kasal namin sa mga sponsors kala mo sya un ikakasal. E family nga lang invited dapat. Ending family ko lang. Si hubby family and family friends. Hays. Kahit sa simpleng bagay like bday party prep. Pag kino-consider mo yun gusto nya, walang say. Pero sa hindi mo hinihingan, magulat ka na lang tapos na, nakabili na pala o order na.
Actions speak louder than words. Mil always tries to talk me out of my decisions. Nag papa convince naman ako minsan. Yun nga lang the next day ibang iba un pinagusapan namin sa gagawin nya. So wala na yun trust ko sa kanya. Hirap na ko maniwala sa kanya.
Inconsiderate, rude, insensitive sya sakin. Kung panu sya mag bitaw ng salita, basta ok sya wala syang pake sa feelings ng iba. Alam nya ng ayaw ko ipaparinig pa sakin. Lagi nya pa inaangkin ang baby namin. Si baby lang and hubby ang gusto nya. Love daw nya silang dalawa. Parang multo na lang ako sa paningin nya. Pag dumadating sila dito lagi ako pinapalabas para di ako makita ni baby. Tapos hindi nya ibabalik si baby sakin hanggang di kelangan ng milk. Lalo na nun andun kami sa kanila. Sobrang na stress ako. Most recent was at lo's party, pumapel pa din sya. Lagi inaagaw si baby. Ni wala man lang kaming pic ni baby na kami lang kasi lagi andun sa lola. Dito yata ko napuno. Sobrang epal nya!
Righteous. Feeling nya sya lagi tama. Di sya titigil gat di sya nasusunod. She's bossy. I get it she's the boss. Pero sa kanila lang un wag naman i apply sakin. Nasanay sya kay [textspeak!] lagi sya pinagbibigyan.
Pa guilty. Dito magaling si mil. Yun ikaw yun makaka feel ng guilt kahit wala ka naman kasalanan. Lagi nya to ginagawa. Pero may one time na matindi, with walkout pa. Gusto nya ikaw mag aapproach sa kanya or say sorry. Di naman ako guilty nung nangyari to kay hubby yata sya tampo. Pero pinagbigyan ko na mawala lang tampo. Di nya kasi naiisip stress si hubby gawa nya. At lahat kami apektado. Eto talaga un reason kaya di ko alam panu ihandle si mil. Para syang bata kung papatulan ko. Iiyak at magiinarte, magsusumbong sa family, tapos ako ang pasasabihin ng sorry.
Sobrang di ko ma feel na welcome ako sa kanya. Hindi lang ako nakaka feel nito, kasi even my mom, basta andyan sya. Dumating na sa point na tingin ko na sa kanya e insincere. Di ko alam panu pa makakatagal kay mil. Lagi pa naman sya nandito huhuhu. I don't want to see her muna. Kasi naHB talaga ko.
Help!!!