watch now

Author Topic: Is it right to avoid a "friend"?  (Read 61381 times)

changelessme

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #40 on: April 07, 2010, 04:47:43 pm »
it is right sis.. kung yan ang isa sa nagpapagaan sa'yo, iwasan mo siya.

chinkywinky

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #41 on: April 08, 2010, 09:43:42 pm »
  -- minsan kasi andun yung feeling na ayaw mo ng makarinig pa ng explainations sa kanya kasi sawa na sa kasinungalingan niya.

true. That's why hindi ko na siya kinausap, saka mabilis sumama ang loob nya.

yinandyang

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #42 on: April 11, 2010, 02:27:27 pm »
umiiwas ako sa mga friends na medyo toxic kausap. yung i dont feel good after we bond or we talk. i feel that in a person e.

recebtly napaparanoid nga ako e. kasi pag nagaaya yung dati namng friend/ officemate e di namin sinisipot at kung ano ano reason namin.  matagal na akong walang amor sa kanya pero yung iba kong friends saka lang nainis dahl sa gionawa nya last time. nakakguilty lang kasi minsan, pag makaksama kami ng wala si friend na yun pinag tatawanan namin yung mga palusot namin.

naisip ko tuloy baka naman ganun din gawin nila sa akin :(

~lovesick~

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #43 on: April 11, 2010, 08:10:00 pm »
it depends on the situation. but, you'll never when you need her.. or when she'll help you out. it's a case to case basis.

miss resilient

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #44 on: April 12, 2010, 09:49:29 am »
iwasan ang mga friends na bad influence..insecure..user..at higit sa lahat yung hihilahin ka pababa..at plastic..dont waste time!

exactly, pero parang may point din yung isang poster..sabi niya..you'll never know when she or he will help you..di ba?

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #45 on: April 13, 2010, 12:25:05 pm »
na experience ko na rin yan, nag start ito siguro sa first three years ng friendship namin na nag start nung college.

nung una iniisip ko biro lang ang mga pang ookray nya sa akin, pinipintasan nya ang mga suot ko dahil hindi color-coordinated ang suot ko, at marami pang pang ookray na di ko pinapansin since for me small things lang naman

kaso as years go by.... habang naiipon na pala ang sama ng loob ko sa kanya dahil yung mga pang ookray nya dumarami at lumalaki, nandyan yung i-underestimate nya ako dahil mas malaki ang sahod nya at mas maganda ang company na pinag ta trabahuhan nya. at meron pang time na tagal ko di nakahanap ng work at sinabihan niya ako na kaya daw di ako tinatanggap ng ina aplyan ko dahil di maganda ang smile ko at marami pang iba...

hanggang sa nag pe prepare na lang ako ng wedding ko andun pa rin ang mga pang ookray (suspicion ko naiinggit sya nun time na yun dahil mag aasawa na ako, samantalang goal nya noon na siya ang unang magpapakasal sa barkada namin)...

at hanggang sa may asawa na kami pareho at pakiramdam ko lagi na lang nya ipamumukha sa akin na mas magaling, mapera, sosyal at succesful sya kesa sa akin...

at recently na discover ko na ang hilig nya mag imbento ng kwento tungkol sa buhay nya...

di ko sya maintindihan kung bakit ganun na lang ang treatment nya sa akin, as far as im concerned wala naman akong nagawa na masama sa kanya. i tried to be a very good friend to her...

nasobrahan na ako kaya recently, i called it quits. ang hirap lang niya iwasan dahil friends ang mga husbands namin at ayoko ma apektuhan ang friendship nila...

ngayon pag nag iinvite sya sa mga important ocassion sa buhay niya, pilit ako gumagawa ng excuse para di pumunta (alam ng husband ko ang lahat ng ito kaya nauunawaan nya) at pupunta lang ako sa kanila un announced at kung kelan ko lang gusto..

wala na rin yung init ng friendship na dati ay iningatan ko ng matagal na panahon, siguro napagod na talaga ako...

hay! sorry napahaba, actually konti pa ito para maibuhos lahat ng sentiments ko tungkol sa so-called friend ko na ito.

all these years isa lang naman ang bagay na di nya kayang baguhin, kaya siguro ganun na lang ang insecurity nya sa akin: MAS MAGANDA AKO SA KANYA!  ;D

thanks sa lahat ng nagbasa!

kwinchesters

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #46 on: April 13, 2010, 02:32:05 pm »
umiiwas ako sa mga friends na medyo toxic kausap. yung i dont feel good after we bond or we talk. i feel that in a person e.


Parehas tayo sis, ayoko ding kausap ang toxic na tao like yung taong simple lang ang tanong,pabarubal sumagot o seryosong usapan pero out of context yung pagjoke.
Iniiwasan ko na din ngayon yung mga taong pag sinabihan mo ng problema eh nagiging way nila yun para iangat yung sarili nilang strengths. Hindi nakakatulong yung ganun eh, ganyan din ako feel ko agad yung sincerity ng kausap ko.

hot_hydz

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #47 on: April 16, 2010, 02:29:13 pm »
hay naku mga sisses..malas ako pag dating sa friends sa ngayon mahirap maghanap ng true friend..kadalasan inggit lang ang ikakasira nyo kaya mas focus na lang ako sa family ko anyways nabubuhay naman tayo kahit onti lang firends natin diba at saka stress lang minsan dulot nila so better get busy on ourselves pabeauty na lang kesa makichika sa mga plastic na akala natin true satin..malalaman mo lang friend turing sayo pag kaylangan mo tulong nya at nandun sya to help test nyo mga friends nyo pag wala effort means you are not a friend for her..ako sobra makipag kaybigan kaya minsan inaabuso lang ako..dala na ako.. >:(

shinta

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #48 on: April 22, 2010, 12:49:26 pm »
^ i avoided a number of friends as well. i felt bad, pero my life changed for the better because of this. i wish i didn't have to avoid them, pero i never regret that i did.

true na may ups and downs ang friendship, just like any relationships. pero kung sobrang toxic na at nagiging cause ng sobrang stress, it's not worth it anymore. i believe that your friends can neither abuse you nor treat you badly if you won't let them. if you stay inside a bad friendship, ikaw din magsa-suffer and you only have yourself to blame for staying.

the notion that friendships last is not true for everyone. there are friends worth keeping, and there are friends na mas ok na wala sa buhay mo. that's what i learned.

wet_bikini

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #49 on: April 28, 2010, 01:57:19 am »
so far 2 palang iniiwasan kong "friends".  yung isa kasi she said some bad things about me behind my back.  samantalang ako na ngalang yung natitira niyang true friend.  had enough kaya ayun i started avoiding her.

yung isa naman, sobrang minahal ko yung friend ko na iyon. umaakyat ang telephone bill namin kakatawag ko sa kanya para damayan siya sa mga problema niya.  was there for her during the toughest times sa marriage niya, nung nag-cheat siya, nung nakipaghiwalay na siya sa asawa niya.  minsan feeling ko mas mahal ko pa siya kesa sa mga sisters ko.  i was so protective of her.  pero ganon lang palagi.  i was always there for her.  texting her, calling her etc.  pero siya walang effort.  then may pinag-awayan kami tungkol sa pera at sinabihan niya pa kong demonyo.  my god! then after a year or so, we reunited.  akala ko ok na.  pero ganon ulit, wala pa ding effort sa part niya.  ni hindi manlang makakamusta.  until finally, i gave up on her when she stood me up last January.  at sinabi niya pa sa isang friend na effort pa daw kasi kung luluwas siya.  sampal na sakin yon.  she didn't hear anything from me.  bigla ko nalang siyang iniwasan.  i didn't even greet her on her birthday.  deadma.  nakikita ko status niya sa fb madalas tungkol sa bf niya na nakakasakal daw etc.  tumataas nalang kilay ko.  wala na kong time sa mga ganong drama.

prettygurl00001

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #50 on: April 28, 2010, 03:50:29 am »
I think it's just right to avoid someone na itinuring mong friend once, pero somehow you felt na parang hindi naman sincere ang treatment nya sayo as a friend.
Meron akong iniwasan, an officemate/friend.Actually nung una hindi ko talaga sha friend kaya lang since friend sha ng friend ko at lagi sumasabit pag nagbo-bonding kami ng friend ko so naging friend ko na rin.
Kaso mashado kasing mahilig manlait.Even pag kami magkakausap,anjang she'll make fun of you tapos biglang lalaitin ka ganyan.E ako kasi hindi ako mahilig manlait ng tao.Tapos pag sha naman ang biniro mo galit na galit agad.Mahilig din sa chismis,saka pag may kinuwento ka na masayang moment mo,naka-make faces sya,para bang hindi sya happy for u.Tapos naalala ko nung wedding ko,hindi na nga sya nagregalo,hindi pa nya binigay yung gift nung friend ko sa'kin.So nung umalis sya sa company,hindi na talaga ko nakipag-keep in touch.For me she's not worth it.

prettygurl00001

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #51 on: April 28, 2010, 04:03:51 am »
I also have this friend that I truly cared for,pero dumating sa point na napagod na rin ako.Ako kasi yung tipo ng friend who really cares for a friend,as in pag may problems,mega advice talaga.Ayaw ko ng nasasaktan ang mga friends ko lalo na pag tungkol lang sa guys.Eh si friend ko na toh,super bulag-bulagan sa BF. Ilan ulit na sila naghiwalay at nagbalikan,she's always taken for granted ni guy.She gave her all pero sha lang talaga nag-eeffort sa relasyon nila.Tapos pansin ko kasi,nakakaalala lang si friend sa'kin pag may problems sya.Pag ok sila ni BF dedma lang ako,ni text wala kesyo wala daw sya load.Pero pag si BF nag-uubos pa talaga ng load yun kakatawag.Basta ganun lagi,ako hingahan nya ng problem.Kaso no matter how many times ko pagpayuhan,hindi naman nakikinig.Para na ko sirang plaka kaka-sermon pero balewala.Tapos pag may problema ako din nahihirapan kasi naaawa sa kanya.So ayun,nabuntis sya and ayaw panagutan ng guy,pero sila pa rin until now! So ano pa silbi ko diba?I don't think she needs my advice anymore coz dumating na sya sa point ng sobrang pagka-martyr.Na-drain na rin ako sa pagke-care sa kanya eh.

chinkywinky

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #52 on: April 28, 2010, 10:36:01 pm »
kwento ko lang ulit, tumawag sya sakin last week. After so long. Isip ko, "siguro may ipagyayabang to". And tama ako, kinwentuhan lang nya ko na may bago syang phone.  ;D Ohkkayyyy!

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #53 on: April 29, 2010, 08:22:13 am »
^ganun din ang so-called friend ko sis, tatawag siya kung may ipagyayabang or ookrayin ako!   :(

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #54 on: April 29, 2010, 08:39:18 pm »
ako din merong iniiwasan.

may pagkama - ere din kase itong kinilala kong kaibigan. sa totoo lang, nung nag join ako sa group nila, akala ko ok siya. until one time, nadiscover ko na marami pala siyang grudges sa akin. as in. she called me autistic kase hindi ako nagsshare ng stories sa kanya. for me kasi, private life ko yun. saka mabigat ang loob ko sa kanya. pinapakisamahan ko siya kase ang alam ko, katulad din naman siya ng ibang members ng group na madaling pakibagayan. wala akong problema sa kanya. kase ginagalang ko ang personal life niya. but she talks behind me.too much.

noong nadiscover ko na bwiset siya sa akin, hindi ko kinaya. magkatabi kase kami ng cubicle. one time,nag - aangas siya sa presence nung ibang lahi na namasyal sa place namin. nagreklamo siya  saken na nababanas siya. so sinabi ko sa kanya na paalisin mo kung gusto mo. tapos super sama ng loob niya. feeling ko nakaganti ako kahit papano. from then on, hindi na ako sumasabay sa lunchbreak. iniwasan ko talaga siya. i made sure, ill make even with her.


ebbah

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #55 on: August 02, 2010, 01:15:57 pm »
ako rin may iniiwasang friend. feeling ko kasi super close kami yun pala hindi. ako siguro super open ako sknya pero siya maraming hndi sinsabi at nagssinungaling pa. miss ko na nga siya eh pero tinitiis ko talaga. hindi niya alam na i am avoiding her or alam niya pero dedma lang kasi nga hindi friend ang turing niya sken..chatmate lang. :(

babypowder99

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #56 on: August 02, 2010, 06:45:19 pm »
^somehow parehas tayo kasi i treasured her as my sister na nga kasi super close kami but then narealize ko parang di sya ganun sa akin. nakakasad kasi akala ko best of friends kami pero dami pala nyang mga secrets na diko alam na sa iba ko pa nalaman na diko naman inakala na naging closed namin lalo at madalas kami ang magkasama dahil iisa kami ng work and schedule kaya halos kami lang talaga ang magkasama

nalungkot ako add nya ako sa facebook but when i checked her profile naka hide ang wall nya sa akin, sobrang nagulat ako at na sad for what pa at inadd nya ako and diko din ma gets bakit hide nya wall nya maybe di nya gusto ma update ako sa happenings nya or whatever pero diko maisip kung bakit? nakakasad kasi sa tagal ng pinagsamahan namin together good bad andun kami walang iwanan pero at the end di pala nya ako tinuring na real friend for her

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #57 on: August 02, 2010, 07:02:05 pm »
it's just right to avoid a friend kung iyon na lang ang alam mong paraan para di ka lalong magkasala at sumama ang loob dahil sa isang tao.

sistah!

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #58 on: August 03, 2010, 01:34:02 pm »
ako din, im dropping someone out of my life. sobrang bigat ng desisyon na to pero i just feel like we're moving in different directions. iba na ang mga gusto ko gawin, at sya rin ganun. maybe i've outgrown her. maybe we just really have different morals.

kwinchesters

  • Guest
Re: Is it right to avoid a "friend"?
« Reply #59 on: August 04, 2010, 07:33:32 am »


The other day,me and hubby had a fight. Since he hasn't done effort to straighten the issue, i decided to walk out of our house. Magpapalamig lang para hindi na din makita ng anak namin na nagaaway kami. Tinext ko yung ever trusted and loyal friend ko na nag-away kami ng hubby ko,ang gusto ko sana imi-meet ko si friend since i need someone to cry on kesa sa kalsada ako maiyak diba dahil kinakausap nya ko sa text lang. Sabi ko if we could meet sana this time,sobrang kaylangan ko ng makakausap. Mga past 8 na ng gabi yun so sabi ko wala akong matutuluyan ngayong gabi,gusto kong makausap kita at okay lang ba na magpalipas ng magdamag sa inyo? Ang text sakin ni friend ganito, ''Umuwi kana,dont let your anger cloud your judgement. Maaayos din yan gusot nyo. Gusto kitang tulungan sana pero wala ako sa bahay andito ako sa bahay ng sister ng boyfriend ko.
Nagreply ako ke friend sabi ko thank you na lang at uuwi na lang ako. Pero ang totoo paikot ikot lang ako sa isang lugar para magpalipas kahit ilang oras.

Nagkaayos naman kami ng husband ko siguro nakatulong yung umalis ako akala nya kasi iiyak lang ako sa isang tabi, habang sya may pinagwayan na nga kami pero nagawa pang magcomputer at manood ng youtube at deadma lang sa nangyari.

Kaya lang to be honest medyo nagtampo ako ke friend. Kasi this is the time na kaylangan ko ng literal na shoulder to cry on. First time kong humingi ng tulong sa kanya na kaylangan ko ng kausap personal. Diba ganun naman talaga ang magkaibigan, kung pwede nga lang makiiyak ka din sa kaibigan mo, makitawa pag masaya sya. Siguro nageexpect lang ako na pag magkaibigan kayo at nasaktan yung isa, bago mo pauwiin inalam mo muna yung buong pangyayari. Nagtext sya sakin na pinauuwi nya na ako agad, diko man lang narinig sa kanya na okay dito ka muna pero magusap muna tayo mabuti baka magbago din isip mo. Wala namang problema sakin kung uuwi ako,sana lang konting time na makapagusap kami.



 

Latest Stories

Load More Stories
Close