na experience ko na rin yan, nag start ito siguro sa first three years ng friendship namin na nag start nung college.
nung una iniisip ko biro lang ang mga pang ookray nya sa akin, pinipintasan nya ang mga suot ko dahil hindi color-coordinated ang suot ko, at marami pang pang ookray na di ko pinapansin since for me small things lang naman
kaso as years go by.... habang naiipon na pala ang sama ng loob ko sa kanya dahil yung mga pang ookray nya dumarami at lumalaki, nandyan yung i-underestimate nya ako dahil mas malaki ang sahod nya at mas maganda ang company na pinag ta trabahuhan nya. at meron pang time na tagal ko di nakahanap ng work at sinabihan niya ako na kaya daw di ako tinatanggap ng ina aplyan ko dahil di maganda ang smile ko at marami pang iba...
hanggang sa nag pe prepare na lang ako ng wedding ko andun pa rin ang mga pang ookray (suspicion ko naiinggit sya nun time na yun dahil mag aasawa na ako, samantalang goal nya noon na siya ang unang magpapakasal sa barkada namin)...
at hanggang sa may asawa na kami pareho at pakiramdam ko lagi na lang nya ipamumukha sa akin na mas magaling, mapera, sosyal at succesful sya kesa sa akin...
at recently na discover ko na ang hilig nya mag imbento ng kwento tungkol sa buhay nya...
di ko sya maintindihan kung bakit ganun na lang ang treatment nya sa akin, as far as im concerned wala naman akong nagawa na masama sa kanya. i tried to be a very good friend to her...
nasobrahan na ako kaya recently, i called it quits. ang hirap lang niya iwasan dahil friends ang mga husbands namin at ayoko ma apektuhan ang friendship nila...
ngayon pag nag iinvite sya sa mga important ocassion sa buhay niya, pilit ako gumagawa ng excuse para di pumunta (alam ng husband ko ang lahat ng ito kaya nauunawaan nya) at pupunta lang ako sa kanila un announced at kung kelan ko lang gusto..
wala na rin yung init ng friendship na dati ay iningatan ko ng matagal na panahon, siguro napagod na talaga ako...
hay! sorry napahaba, actually konti pa ito para maibuhos lahat ng sentiments ko tungkol sa so-called friend ko na ito.
all these years isa lang naman ang bagay na di nya kayang baguhin, kaya siguro ganun na lang ang insecurity nya sa akin: MAS MAGANDA AKO SA KANYA!

thanks sa lahat ng nagbasa!