Author Topic: on wife who cheat...  (Read 237434 times)

mad2amyrrh

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #420 on: November 28, 2011, 02:01:33 pm »
mahirap talaga tanggapin kapag nagcheat ang wife mo...nangyari na sa akin ang ganito sitwasyon... nagdududa na kasi ako dahil palagi may nagtetext sa kanya. sabi niya client lang daw yun coz she is working in a retail company at wala lang yun pero inamin naman niya na male client yun at nagtatanong lang. pinabayaan ko lang coz i trusted her so much na hindi niya gagawin na magcheat sa akin. 2 to 3 days lang kami nagkikita in a week dahil nagwowork din ako at medyo malayo sa work niya. pinabayaan ko lang kasi sabi naman niya wala naman daw at hindi niya gagawin yun.

nagdududa pa din ako kaya ginawan ko paraan na hulihin siya.. hindi ako pumasok sa work pero umalis pa din ako ng bahay in uniform para mas maniwala siya na papasok ako. wala siya work noon. kunwari papasok na ako sa work pero andun lang ako sa paligid, inabangan ko kung lalabas siya..ng makita ko na lumabas siya sinundan ko kung san pupunta. ilan minutes of following her nakita ko na panay ang text at halatang may hinahanap.nang malapit na siya sumakay sa sasakyan na nakapark (alam ko na sasakay siya.) nilapitan ko bigla...nagulat at dumiretso ng lakad, natakot at sabi may bibilhin lang daw siya kaya lumabas..pero kitang kita ko na sasakay siya. pinatay pa niya ang cellphone..nakuha ko yun phone at binuhay ko at doon hindi na siya nakatanggi dahil nabasa ko ang text messages at may usapan nga sila nung lalake.

napaiyak ako kasi hindi ko alam kung ano mararamdaman ko pero hindi ko siya sinaktan ng pisikal. nagcontrol pa din ako.. ayaw niyang umamin kung may nangyari na sa kanila nung lalake kasi lage niya ipinipilit na yun lang ang first time na sasama siya sa lalake na yun at wala pa nangyayari sa kanila, yun pa lang daw sana kung sakali...pero ang hirap paniwalaan ang ganoon paliwanag na wala pa mangyayari sa kanila.. nang tanungin ko siya bakit niya ginawa yun sa akin ang sinasabi niya natklso lang daw siya dahil sa sobrang importansiya at atensiyon na binigay sa kanya nunug lalake... ako naman asa na okay lang sa kanya na ganoon ang set up namin na 3 days lang kami nagkikita. wala naman siya sinasabi na problem sa akin..

hangga ngayon magkasama pa rin kami pero iba na talaga ang tinginan..hindi na nawawala ang duda.. pinipilit niya na hindi kami mag away kasi magkakasumbatan na naman.. go with the flow na lang muna ako.. hindi ko pa din alam kasi hangga ngayon kung ano gagawin ko kahit 10 months ago na yun nangyari...

bestfriendnijerome

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #421 on: January 08, 2012, 03:16:15 pm »
I've been reading this thread for a very long time and I can say most sisses here are open-minded and gives fair judgment. Yung ibang thread, nakakasama ng loob basahin. Grabe. Sana naman wag ganun kasi di nila alam ang feeling until maranasan nila. Wag sanang magsalita ng patapos. It can happen anytime. For most guys, cheating is a hobby...pampalipas-oras. But for women, usually it's unplanned at labag sa kalooban pero nangyayari pa rin.

I was halfway through backreading this thread but when I stumbled on this post of yours, sis, naluha talaga ako. You could actually be talking about me.  :(

bestfriendnijerome

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #422 on: January 08, 2012, 03:22:54 pm »
im guilty of emotional cheating like some of our sisses here.  ;)

but i know its just that, nothing more.  ;)

Same here, sis, pero worried na talaga ako kasi it's been almost 3 years and I'm still "in love" with this other guy. I use quote marks because I'm trying to convince myself that it's not really love that I'm feeling but more of a very, very strong attachment/attraction, something that will go away in time and if I try hard enough.

I deliberately looked for a thread on this topic hoping to find something that will help me. Sa totoo lang mga sis, hirap na hirap na ako and I try to help myself pero soooobrang hirap talaga.

Natutuwa ako sa mha non-judgemental posts/comments dito kasi napaka-empathetic. It's true pala na you shouldn't judge people kasi madaling magsalit, mangondemn pag hindi sayo nangyari/nangyayari. I never thought in my wildest dreams that I'b be the kind of person who cheats (emotionally or otherwise) but 3 years ago (and maybe until now) I found myself in the very situation I never, ever thought I'd be in. Akala ko sa pelikula lang nangyayari. Hindi pala.

bestfriendnijerome

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #423 on: January 08, 2012, 03:26:46 pm »
me too.. hayyysss.. hirap nito..

Count me in.  :'(

katrinac

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #424 on: January 12, 2012, 06:01:46 am »
just curious mga sis, ano ang nagiging grounds kung bakit nag che cheat ang girl? parang iba kasi sa pandinig ko na girl ang mag cheat. we know naman, pagdating sa ganyan, laging nadadawit ang name ng boys when it comes to cheating. parang bihira na girls. (IMO lang naman)  pero ano ba ang nagiging pagkukulang ni husband para mag lead sa pag cheat?

is it because nagsasawa na? or wala na talagang love?

spicyangel

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #425 on: January 12, 2012, 08:47:11 am »
^ for me, sobrang daming reasons, di naman kase tayo kagaya ng guys na may makilala lang bibigay na. usually it takes time para ma fall tayo and isang reason eh yung hindi maganda treatment sayo ng asawa mo, tapos etong guy na isa super special ka. i know it was wrong pero ganon eh.

Mr.Punch

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #426 on: January 12, 2012, 10:02:35 am »
So what's your point?  That a cheating wife always has the presumption of a mitigating factor and a cheating husband doesn't?  Parang ganito lumalabas eh:

1.  'Di maganda treatment ng husband, so wife cheats -- "It's ok sister, we understand you.  Group hug!"

2.  'Di maganda treatment ng wife, so husband cheats --  "HAYOP!!! Pare-pareho kayong mga lalaki!!!"

Ganun ba yun?

spicyangel

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #427 on: January 12, 2012, 10:13:04 am »
hinde ko naman jina justify ang pagiging cheater ko.  ::) sinabi ko lang ibang reasons ng babae. and i know mali manloko ng partner kahit gaano pa kahayop ang asawa mo. hiwalayan kung ayaw na diba? minsan lang kase naghahanap ng attention ang babae na di mabigay ng asawa. minsan din ganon din naman mga lalake diba? porket yung babae sinasabihan ka ng kung ano anong sweet nothings and compliments eh bumibigay na agad.
and mostly kase sa babae, may feelings na kasama. and eventually nagiging way yun para lumakas ang loob ng babae at iwan na asawa nila ng tuluyan. dahil alam nila na yung kalaguyo nila eh handa silang saluhin at mahalin. just my pov.  ;)

k_heart

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #428 on: January 12, 2012, 11:06:16 am »
basta ako, pag babae ang nagloko, talagang sira ang pamilya. Kahit babae or lalake, pag nagcheat, cheater pa din, taksil, it doesnt matter kung ano ang mitigating factor.

I don't condemn or judge naman our GT sisses na nag Taksil , Pero i just hate it when jina-justify pa ang acts to make it appaer right or clean.

Cheating is Cheating. Ang TAksil ay taksil whatever the circumstances are. Yung lola ko, iniwan ng  lolo ko at sumama sa iba. Peeo nagloko ba ang lola ko at pumatol sa ibang lalake? HINDI, she choose to keep her dignity and the sanctity of herself at pinalaking mag isa ang mother ko at pinatapos ng pag-aaral. Instead na kumerengkeng at humanap ng attention ng ibang lalake, yung energies nya ay nilagay nya sa anak nya,pagtatrabaho at sa pagaacquire ng mga properties,

The married woman  should try, should try ha, kasi di naman lahat ay strong-willed based sa mga posts
 dito to keep the family intact and not to fight their cheating husbands by cheating also. Pero sa pagbabasa ko dito, kahit di nagche cheat yung guy,may nagche cheat din na mga babae.

Iba talaga pag babae, ang nagloko, talagang sira na ang pamilya most of the time.
 
Kasi, sabi nga nung isa nating sis, it takes time time before mag-fall, eh bakit di na lang iniwasan kung alam nyang magkakasala pala sya. It's not instant, so its a deliberate act.

CHeating is cheating, No ifs or buts! Ayan, manang sounding na naman ako. I hate to have my daughters to grow up in the kind of environment where cheating is just like ordering at Mcdo.
Instant gratification.

Take up na lang a hobby or vent your energies sa mga anak or sa work para maging productive.

pansin ko, people who always seeks attention or needs attention from others have a low self-esteem.     
« Last Edit: January 12, 2012, 11:12:34 am by k_heart »

k_heart

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #429 on: January 12, 2012, 11:14:40 am »
The end doesnt justify the means. Hay, matanda na yata talaga ako.

pomegranate

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #430 on: January 12, 2012, 11:29:25 am »
So what's your point?  That a cheating wife always has the presumption of a mitigating factor and a cheating husband doesn't? 

Yan din tanong ko, if we women are striving for equality, pareho lang naman dapat di ba.

k_heart

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #431 on: January 12, 2012, 11:37:20 am »
Equality sa pagloloko? That's downright pathetic!

k_heart

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #432 on: January 12, 2012, 11:38:41 am »
I think hindi yan ang ganyang equality ang hinahabol ng babae!

k_heart

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #433 on: January 12, 2012, 11:41:01 am »
Walang redeeming factor, ang equality sa pagloloko. Ibinababa lang ang morality ng babae. I believe, na mas madaming GT sisses, who still believe sa morality at pureness ng family.

k_heart

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #434 on: January 12, 2012, 11:43:18 am »
Kung babae pa lang,ganito na mag-isip, so what's stopping the guys nA magloko? Wala sa kanilang mawawala, ang babae, nabubuntis. Kagaya nalang nung 1 thread, mgche cheat sa asawa, eh di naman gumamit ng contaceptive tapos praning na praning.

k_heart

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #435 on: January 12, 2012, 11:44:13 am »
Yang equality, ini-earn! Ipinapaglaban pero sa tamang mga bagay at oksayon, hindi sa katarantaduhan.

marose17

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #436 on: January 12, 2012, 12:42:40 pm »
Sana isipin na lang ng mga may asawa, babae o lalaki, na napakalaking kasalanan ang mangaliwa/manlalake/mambabae.  Isipin nila ang mga anak nila.  Ang kasalanan ng magulang, ang mga anak ang magpapasan.  Maaring hindi agad makikita ang epekto, pero maaring bumalik ang karma sa mga anak ninyo, imbis na sa inyo.  Matakot kayo sa epekto ng kasalanan.

katrinac

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #437 on: January 12, 2012, 10:04:09 pm »
k_heart - i love your posts, and i agree with you. :)

i really don't know the reason behind kung bakit nag che cheat yung wife/husband. pero sana kung married na ang tao, they should try to think or fix things muna diba. communication is the key. baka naman madaan pa. sayang din kasi. (IMO lang naman) sorry sa mahurt. pero sa mga nag cheat, di ba kayo natatakot sa possible na manyari in the future? like karma? or kung may anak kayo, what if ganon ang manyari? (wag naman sana)

iba lang siguro effect sakin ng pre-cana seminar. i'm not yet married, but gettign married in the next 4 months. and nakakalungkot isipin na ang daming marriage na nasisira because pambababae at panglalalake (di maganda pakinggan) hehe. kung may pagkakamali ang isa, pwede naman madaan sa magandang usapan. ;) di naman sa nakikialam ako, but as of now, super puzzled ako. kasi yung tatay ko, once nag cheat sa mom ko. pero dinaan sa magandang usapan. mom ko di nag loko despite sa ginawa ng dad ko. as in caught in the act na may ginagawang toot. pero instead makipaghiwalay, they tried to fix things parin. may lamat na ang relationship nila, pero little by little, naaayos naman.

basta, mali ang mag cheat, mapababae or mapalalake. mga sis, it's not too late na itama ang mali, di sa nag papaka angel ako, pero sayang kung married na kayo. you made a vow in front of God diba. and commiting adultery, is a sin. I don't want to sound judgmental, kaso may mga friends din ako na ganto ang pinagdadaanan. naaawa ako sa kanila, kasi di biro din ang pinagdadaanan nila. and sa mga sis dito na nahihirapan because of the situation, try to think muna. pag isipan nyong maigi bago gumawa ng move. kung may nanloko or niloko ka /kayo ng asawa nyo para humantong sa pag cheat, try nyo nalang pigilan. at least kayo, clear ang consience. in the long run, kayo parin ang panalo. walang mawawala sa inyo. :)

some might say na nasasabi ko to kasi wala ako sa gantong position, pero sayang naman. kung ganon lang. masisira ang life because sa ganon na pagkakalamali. ang cheating, di basta basta biro. it is a sin, ang family ang nakasalalay. sayang naman.

Peace!  8)

katrinac

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #438 on: January 12, 2012, 10:08:55 pm »
ngayon ko lang na realize, siguro ang ground kaya nag che cheat ang isang tao is di sila marunong makuntento kung ano ang meron sila. kung ano ang binigay at kung ano /sino ang nasa harapan nila. kaya ending, naghahanap sila na mag sasatisfy dun mga bagay na wala sa kanila or sa tao na kasama nila. :)

guilleanne

  • Guest
Re: on wife who cheat...
« Reply #439 on: January 12, 2012, 11:54:44 pm »
lahat naman ng nangangaliwa may reason eh, and they will try to justify their actions.

But the fact is, cheating is absolutely wrong.

I don't buy it rin na girls cheat for a different reason than men.

However I believe din na may nagkakamali talaga ng pinakasalan, and they don't deserved to be imprisoned in a hell of a marriage, kaya nga pro divorce din ako.

Walang general reason why people cheat din, case to case basis parin yan, me thinks

 

Latest Stories

Load More Stories
Close