Bigay ko lang additional info.
Dati, nung bago pa lang kami, umiinom kami ng best friend ko na guy. Si wife at that time nasa isang event ng office nila somewhere nearby and tatawagan nya ako or ite-text once tapos na sila so I can fetch her and sabay na akmi uuwi kasi gabi yun.
While drinking, nagulat ako ng may tumawag sa phone ng friend ko and bigla ipinasa sa akin sabi nya misis mo. Mukha namang gulat si friend ko. Sabi sa phone ni wife kanina pa daw kasi sya tawag ng tawag sa phone ko di ko sinasagot kaya dun na sya tumawag sa number friend ko. After namin usap, check ko phone ko, dami nga missed calls.
Ngayon nung nasa byahe na kami, nagagalit ako una, inusisa ko sya bakit meron syang number ng friend ko eh hindi ko naman binigay sa kanya. Sabi nya nakuha nya sa lumang phone ko store nya lang daw para kung may emergency daw etc. Nagagalit ako that time kasi feeling ko at yun ang sinasabi ko sa kanya, pasikreto nya kinuha number friend ko para mag-spy siguro kung lumalabas ako na paalam ko kasama ko si friend ko, ma-check nya kung si friend nga kasama. Galit na galit ako dahil kung hindi masama intent nya in getting my friend's number, sana sa akin nya hiningi at hindi nya na kinalkal luma kong phone. Nangyari ito more than a year ago na.
Then yesterday, may event sila ulit nearby dun sa friend ko. So sabi nya, makipag-meet na lang ako kay friend habang wait ko sya matapos sa event para may kasabay sya umuwi. Sabi ko sige dun kami sa nearby bar iinom. Ask nya, iinom kayo? SAbi ko alangan namang magtitigan kami ano gagawin namin. Sabi nya eh di dun muna kayo sa house ng friend mo. Sabi ko, ano naman gagawin namin dun? Sagot nya, eh di mag-playstation kayo. Dun ako natigilan, kasi once ko lang naman isinama si wife sa house ni friend ko. At that time, may playstation nga sya pero nakatago yun that time I remember it well dahil niligpit nya mga things at clutters sa room nung dumating kami dun kasi iinom kami ng friend ko. Kaya nagulat ako, bakit alam nya na may playstation si friend ko? I ask wife, bakit alam mo na may playstation si friend? Sagot nya wala lang feeling daw lang nya meron sabay ask nya ako, meron nga daw ba si friend playstation? Sabi ko oo meron pero nakatago yun nung dumating tayo dati sa house nila kaya hindi nya nakita yun paano nya kako nalaman? Sabi nya feeling lang nya hula lang, isip lang sya pwede kasi gawin namin friend ko pag tumambay ako dun.
Since kahapon, after nung usapan namin na yun, hindi ko nakinikibo si wife. Until now hindi ako maka-work maayos kahit marami dapat gawin. Kaya nga ako napa-member dito sa female network kakahanap ng makakausap na hindi kilala si misis ko kasi ayaw ko rin ma-tarnish image nya sa circle namin.
Tama kaya hinala ko? After yung yesterday bumalik agad sa isip ko last year na meron syang number ni friend kahit hindi ko binigay. Ang naiisip ko tuloy, pumupunta si wife sa house ni friend ko ng hindi ko alam and God knows what kung ano ginagawa nila. Silent treatment ako since yesterday kay misis. Di din sya start conversation sa akin since last night until before kami pumasok sa office kanina. though hindi ko naman sya inaway kahapon and di ako nagtaas boses, at hindi ko sya directly confront kahapon. Yun lang ask ko sya pano nya nalaman may playstaion s i friend ko di na ako nag-elaborate.
Ano sa tingin nyo? And paano ba kasi malaman kung si misis may iba? Parang mabaaliw ako sa kakaisip eh kagabi pa ako tuliro kasi yung friend ko na yun eh not just an ordinary friend, matagal ko nang best friend yun eh.