watch now

Author Topic: Low appetites  (Read 165304 times)

joyce09

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #220 on: May 07, 2012, 09:05:21 pm »
You have to slowly re-introduce different textured food to his diet up to the time he gets used to the different textures and he learns to chew.
Occupational therapists can help with feeding difficulties.

thanks doc...

joyce09

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #221 on: May 07, 2012, 09:18:07 pm »
joyce09, ang turo sa akin ng pedia namin, subuan ang bata every 15 minutes throughout the day (kahit habang naglalaro, nagbabasa) para ma-train ang bibig na ngumuya. OK lang yung may sabaw pero dapat may texture pa rin yung pagkain. Yun ang unang goal, ma-train an chewing. Pag nasanay na, pwede nang set yung feeding time--1 hour breakfast, 1 hour lunch, 1 hour dinner. Worked for us.

sis DV thanks sa pagshare ng info... kaso ang problema sa son ko di mo talaga masubuan ng food lalo rice titingnan niya muna ang isusubo mo pag di niya type ayaw talaga kaya ang talaga ng problema ko sa pagppakain sa kanya kaya nakakainggit makita yung mga bata na ang sarap kumain... hayyy sana lumaki na at matutunan ng kumain ng solid food..

Cherry143

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #222 on: May 08, 2012, 12:43:02 am »
Lalong lumala ang appetite ni baby ko...  hindi na nya nauubos ang milk nya (mas kumonti pa, from around total 27oz down to 24oz) at pati rin sa solids (from around 3-4cubes per meal, x3meals then ngayon mga 1.5cube nalang per meal, x3meals).

At 11months old, ayaw na nya ng mga pureed food nya kahit na hindi na gaanong na-blender ang mga food.  then, ngayon at 12months, ayaw na rin nya kahit blended or hindi!  Ang favorite lang nya ay noodles (not instant noodles ha), i mean, the pasta noodles lang - gaya ng pansit noodle itself, or yung elbows... ayaw ng chicken na hinimay-himay kahit super ninipis na, ayaw nya.  Gusto nya ang noodles kasi nahahawakan nya rin then susubo nya.  Pero any other food na bibigay, ayaw nya.

Isa pang favorite nya ay mango, pero syempre, bad naman ang palaging mango.  Favorite din nya ang pakwan and oranges.  Then, wala ng iba pang food.  :(

bettyboop1322

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #223 on: May 09, 2012, 08:35:19 am »
Sis lelet ganito exactly nangyari sa son ko sinanay ko siya sa soft food mula nung baby palang siya lagi nka blender ang pinapakain ko ang reason ko naman para healthy food hindi siya nasanay sa mga hard food kaya till now 2.10 yr old na  siya malaking problema ko kasi di ko siya mapakain ng rice tamad ngumuya. kaya ang rice niya laging may sabay at nilalagyan ko ng okra para malunok niya which is gusto naman niya. kaya malaking challenge sa akin ngayon ang pagpapakain sa kanya. di siya marunong magchew minsan at tamad magchew.
Doc ano kaya magandang gawin? is there any therapy for like this? thank you.

Ganito din ang nephew ni hubby. 3 y.o. na pero pag pinapakain ng rice meal niluluwa nya, parang di nya maswallow ang solid foods. My MIL is blaming my SIL kasi ang katwiran daw palagi ni SIL malakas naman daw mag milk, thinking that milk is a complete food hanggang sa nakalakihan nya na di kumakain puro milk, pano walang effort ang mother. Until now 3+ na yung bata di pa din kumakain ng solid foods kaya ang payat & madalas may sakit. Yung panganay ko at 3 was already eating in his own, as in ang dami nya nakakain lalo pag favorite nya ulam like tinola, bistek, etc.

babymom20

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #224 on: May 09, 2012, 02:30:27 pm »
baka naman sa swallowing na talaga ang problema. I dont know the exact name of the therapy, but its working on my baby. It was just by accident. Sinama ko si baby on my appointment sa aking TMJ dentist. Then nakita nya payat nga raw. Then she said, itherapy nya raw. Isama ko daw lagi pagpupunta ako sa kanya. Weekly visit pa ako sa kanya. So weekly din massage nya si baby sa may jaw, mouth,neck,head.. And we believe its working. Buka pa lang ng bibig, lumaki talaga. And as in ang dami nyang nakakain ngayon. Less than a month, kita agad bumilog katawan nya compare sa dati. Hope magtuloy-tuloy lang.

pumngold

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #225 on: May 09, 2012, 03:58:21 pm »
baby ko naman she can swallow solid food at 13 months. kahit lumpia shanghai she can eat it. problem lang talaga konti niya kumain. minsan gusto lang maglaro ng food niya. and yung ulam niya yesterday ayaw na niyang kainin the next day.

leletmd

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #226 on: May 09, 2012, 11:09:25 pm »
sis DV thanks sa pagshare ng info... kaso ang problema sa son ko di mo talaga masubuan ng food lalo rice titingnan niya muna ang isusubo mo pag di niya type ayaw talaga kaya ang talaga ng problema ko sa pagppakain sa kanya kaya nakakainggit makita yung mga bata na ang sarap kumain... hayyy sana lumaki na at matutunan ng kumain ng solid food..

What type of food does he eat? Does he eat bread or pasta? Kasi if he eats bread, you can try to hide the meat or veggies in the bread. Same with pasta. You can try to give small amounts of meat and veggies with the pasta. Pakonti konti lang till he gets used to it.

baka naman sa swallowing na talaga ang problema. I dont know the exact name of the therapy, but its working on my baby. It was just by accident. Sinama ko si baby on my appointment sa aking TMJ dentist. Then nakita nya payat nga raw. Then she said, itherapy nya raw. Isama ko daw lagi pagpupunta ako sa kanya. Weekly visit pa ako sa kanya. So weekly din massage nya si baby sa may jaw, mouth,neck,head.. And we believe its working. Buka pa lang ng bibig, lumaki talaga. And as in ang dami nyang nakakain ngayon. Less than a month, kita agad bumilog katawan nya compare sa dati. Hope magtuloy-tuloy lang.

Occupational therapists also perform some form of facial massage for kids who find it hard to chew and swallow. From what I know, it helps a lot in developing the muscle tone in the area.

AnneGEAM

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #227 on: May 10, 2012, 12:47:08 am »
If your kids are underweight it's best to consult your pedia about possible options such as appetite stimulants.

mikaela325

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #228 on: May 10, 2012, 07:13:05 am »
Check up ni baby yesterday. Sad to say he is underweight. At 23 months 10kgs lang sya. Pedia's advised is heraclene for a month. Nakaka 30oz of milk in a day sya but konting kumain ng solid food.

DV

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #229 on: May 10, 2012, 01:10:09 pm »

For everyone's reference, here are the WHO Child Growth Standards:
http://www.who.int/childgrowth/standards/en/
« Last Edit: May 10, 2012, 01:15:52 pm by DV »

kreins

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #230 on: May 10, 2012, 07:56:25 pm »
Check up ni baby yesterday. Sad to say he is underweight. At 23 months 10kgs lang sya. Pedia's advised is heraclene for a month. Nakaka 30oz of milk in a day sya but konting kumain ng solid food.

helo sis ilang months na baby mo? yung baby ko kase bigla nagkakagana ng pakonte konte sa solid mag 19 months na sya this may.. vit. nya yung gummy vites milk nya GPA pediaisure nagttry ako nito ng lactum parang gusto naman nya..

glamtan

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #231 on: May 11, 2012, 09:53:54 pm »
Hi!
Baby ko 11mos and 2 weeks pro 7.1kgs lang sya kakastress.may primary complex kc pro nag-gain [textspeak!] ng weight sabi ng pedia kaya lang napakaunti ng dinadagdag na timbang.pure breastfeeding and propan tlc drops ang take nya,balak ko tuloy pag nag 1yr old na sya bigyan ko ng milk aside sa breastfeeding.Baka kc dun sya tumaba,ok ba ang lactum?[textspeak!] ba masuggest nyo mga sis?tia

joyce09

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #232 on: May 11, 2012, 10:49:28 pm »
What type of food does he eat? Does he eat bread or pasta? Kasi if he eats bread, you can try to hide the meat or veggies in the bread. Same with pasta. You can try to give small amounts of meat and veggies with the pasta. Pakonti konti lang till he gets used to it.

Yes doc he eat bread pero yung mga soft lang like taste and sandwich buti ngayon kumakain na ng burger pero hindi ata kain tikim lang kasi konti lang talaga nakakain niya. pasta naman gusto niya lalo pansit any kind basta panisit yon ngalang konti at pansin ko di siya ngumunguya lunok lang ng lunok. pero pag rice tapos walang sabaw na ulam never pa siya kumain at masyado maarte pa ayaw niya na nakikita niya akong kumakain na nakakamay at pag di niya gusto itsura ng ulam sasabihin pa niya eww yaks dirty hands mama...

try ko nga gawin ang pag massge sa mouth area niya baka mag improve eating habit niya..

leletmd

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #233 on: May 13, 2012, 08:19:02 am »
@joyce09:
Since sight pa lang, ayaw na, then it might really be better to hide the meat and veggies in the tasty bread. Start with small servings till he gets used to it. I also suggest you bring up your concerns with your pedia. Baka pwede kayong irefer to a nutritionist or a therapist.

joyce09

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #234 on: May 15, 2012, 12:02:02 am »
thank you doc for the insight....

reb_woods072683

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #235 on: May 15, 2012, 12:33:47 am »
effective ba sa baby nyo ang appebon? kasi we tried mosegor sa baby ko kaso hindi naman nag gain ng weight eh. nakaka depress ang mahal pa naman ng mosegor. how much ang appebon?

bettyboop1322

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #236 on: May 15, 2012, 08:01:04 am »
^sis, gaano katagal mo na pinatake si baby ng mosegor? yung panganay ko until 3 sya payat talaga then nag mosegor sya ng 6 months straight & another 6 months appetens. simula nun super lakas na kumain ng son ko, now naman pinagdiet namin kasi overweight.

honey_iya

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #237 on: May 15, 2012, 11:40:40 am »
^^appebon kid iniinom ng 8yo daughter ko now. malakas naman siya kumain pero ampayat niya talaga. sabi ng pedia for 3 months lang daw, almost 2 months na siyang umiinom gusto ko na ipatigil kasi ganun parin naman payat ::)

P280.00 yung 250ml

AnneGEAM

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #238 on: May 15, 2012, 04:59:19 pm »
baka naman sa swallowing na talaga ang problema. I dont know the exact name of the therapy, but its working on my baby.

Babymom20, this is so nice to hear! I'm curious about that condition but it's great to hear na therapy yung katapat niya! Good luck and hope your kiddos progress continues! Be safe!

bettyboop1322

  • Guest
Re: Low appetites
« Reply #239 on: May 16, 2012, 10:25:55 am »
^^appebon kid iniinom ng 8yo daughter ko now. malakas naman siya kumain pero ampayat niya talaga. sabi ng pedia for 3 months lang daw, almost 2 months na siyang umiinom gusto ko na ipatigil kasi ganun parin naman payat ::)

P280.00 yung 250ml

ganyan talaga tayong mga mommy, pag pinapainom si baby ng appetite booster naiinip pag walang makitang progress. tyagain mo na lang sis. tapusin mo na 3 months, then pag wala effect tell mo kay pedia para mabigyan ng iba. pero son ko sa mosegor/ appetens talaga nahiyang. iba yung lakas nya kumain 2 to 3 times nagdidinner :D kaya vitamin c na lang sya ngayon

 

Latest Stories

Load More Stories
Close