^payatot nga yung bunso ko sis, pero sabi nga ni pedia, pasok pa naman daw sa bracket yung weight niya. samantalang yung panganay ko nung ganitong age niya nun, doble din ang weight kasi matakaw naman yun, walang pili pili sa pagkain, kahit ano ihain mo kakainin. e ngayon dalaga na, kaya nagdadiet naman. hehe
itong si jade, kapag gusto niya yung food, marami siya nakakain. nakakakain siya mag isa pero matagal, kaya dapat subuan para makarami at mabilis. favorite niya, rice & bacon na hindi crunchy. bungi kasi kaya hirap ngumuya. hehe. hotdog, ham, maling, spam, favorite din niya. any chicken, fried chicken or chicken nuggets, kailangan malambot tsaka naka slice na maliliit. poached egg or srambled egg plus rice, rice with any sabaw, or sauce ng adobo, type din niya. lalo na ang taba ng baboy, slice ko ng maliliit tsaka hinahalo ko sa rice niya. sopas, pansit, spagetti, okay din sa kanya, basta walang sahog. minsan gulay, kalabasa at potato, minamash ko sa rice niya, wala siyang magawa kundi ngumuya at lumunok. hehe.
minsan nga lang, sa tagal niya kumain, nagpapang abot na yung meal. like pag kumain siya ng breakfast, parang nagiging brunch na din. minsan naman late na kumakain ng lunch, tuloy dinner na din yun. pag sinipag ako, susubuan ko ulit kahit mga 9pm na. mga 10-1030pm kasi siya natutulog