watch now

Author Topic: Potty-training tips  (Read 86237 times)

younis

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #220 on: December 07, 2011, 10:18:49 am »
^sis got mine from Baby Co. sa SM department store, Owen yung brand, 2 sizes yun eh, yung bigger size ang kinuha ko, i forgot how much was it, almost P1k ata... check mo na lang sis.
« Last Edit: December 07, 2011, 10:30:36 am by younis »

hunny_ally

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #221 on: December 07, 2011, 10:22:16 am »
Athe mattress protector you can get it from SM. but mainit siya especially during summer.

Tip: make your kids go to the bathroom every hour/hour and a half. Kahit there's no urge. Just for the, to get used to the idea of going to the bathroom, putting down their briefs/panties and sitting on the toilet. If they did wiwi, then good. If not, ok Lang din.

redpill

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #222 on: December 07, 2011, 09:54:11 pm »
mine's not yet potty trained. 2.5 yo na ya, ayaw nya umupo sa bowl pati sa potty chair nya. pero she can distinguish wet from dry na, and whenever nasa labas kami, she can control her bladder. ang hirap i-train ng anak ko..:(

sarahsensible

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #223 on: December 07, 2011, 10:16:50 pm »
^tyagaan talaga sis.

Sa amin ang umubra lang talaga hindi na sila diaper, kahit pag tulog..ayun pag naramdaman nilang basa ayaw nila, so natuto din. Imagine I have 3 toddlers...awa ng Diyos sabay sabay naman natuto

lalei

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #224 on: December 08, 2011, 07:54:56 am »
Ok naman during day time ang anak ko. Nag-digress lang sya nung winter season kasi parang sobrang himbing ng tulog sa gabi at para ma-save ang sanity naming lahat I put him back to diaper. Napakahirap kasi magpatuyo ng linens during winter at naawa din akong na-iinterrupt ang tulog nya. Nasa Pilipinas kasi ang MIL ko ngayon kaya naisip kong dyan magpabili kung malaki talaga discrepancy ng prize dyan at dito. Di naman pala ganon kalaki at hassle pa sa kanya dalhin dito. Nasa $48 kasi dito ang queen size.

mistypink

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #225 on: December 08, 2011, 09:44:02 am »
yun son ko mag 3 y.o. sa january,,, nagulat ako marunong na mag cr,, nagwo work kasi ako dati,, natuto sya kasi nakikita nya sa mga older cousin nya,, minsan sya na mismo nag initiate na mag cr,, at gusti lagi naka short na lang, so tuwing gabi na lang sya diaper, minsan nga kahit siesta,, nakakapigil sya ng wiwi sa sleep nya, kasi pag gising nya antagal nya mag wiwi,,, dapat siguro talaga ang mga edad 2-3 me model sila re potty training,,

mommynin8

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #226 on: December 09, 2011, 08:45:30 am »
mine's not yet potty trained. 2.5 yo na ya, ayaw nya umupo sa bowl pati sa potty chair nya. pero she can distinguish wet from dry na, and whenever nasa labas kami, she can control her bladder. ang hirap i-train ng anak ko..:(

you can't force it sis, she'll do it once she's ready.  i think my son was about three when he suddenly was able to go potty and got toilet trained.

michi247

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #227 on: December 09, 2011, 09:33:19 am »
mine's not yet potty trained. 2.5 yo na ya, ayaw nya umupo sa bowl pati sa potty chair nya. pero she can distinguish wet from dry na, and whenever nasa labas kami, she can control her bladder. ang hirap i-train ng anak ko..:(

don't worry sis, in time mapotty trained mo rin siya. ganyan din son ko, nastress lang ako kasi walang successful na wiwi at pupu sa toilet for almost three weeks na nagpotty trained so pinagdiaper ko na lang ulit, then before siya mag 3yrs old, nagsabi siya ng wiwi and dinala ko sa toilet and nagwiwi nga. before kasi magsasabi siya ng wiwi or pupu pero tapos na nakaihi na siya or nagpupu sa diaper, after nung successful wiwi niya di ko na sinuotan ng diaper and tuloy tuloy na.

problem ko lang pag lumalabas, gusto ni hubby nakadiaper pa rin kasi baka umihi sa biyahe pero ako ayaw ko na kasi ok na nga kami sa bahay saka ako nahihiya pag lumalabas diaper niya at malaki na siya. ano ginagawa niyo pag lumalabas kayo?

mommynin8

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #228 on: December 09, 2011, 10:24:43 am »
^at that age i think you can talk to your child and ask if it's ok for him/her not to wear diapers when going out.... and if sabi nya ok, just before you leave pawiwiin mo na and pa poop in mo na din kung pwede para walang accidents during the trip.

kami dati we make sure naka poop na sya (or kung hindi pwede, yung time ng pag poop nya meron cr na pwede sya gumamit dapat andun na kami) then wiwi para no accidents.

michi247

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #229 on: December 09, 2011, 10:58:59 am »
^thanks. try ko muna sa malapitan na biyahe.  :)

tiggerlily

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #230 on: December 19, 2011, 04:08:55 am »
ok lang na magpigil ng wiwi sa bata kasi kailangan nila matutunan yun muscle control. pero dapat hindi rin sobra sobra. tumagal kami magpotty training kasi once tinamad ako ibinabalik ko palagi yung diaper. ginawa ko hindi na ko bumili ng diaper kaya kahit ako napilitan na rin ituloy tuloy. there was a time na marunong naman sya tumakbo na sa cr para magwiwi pero gagawin nya pa rin sa shorts. nakaka-frustrate kasi alam ko na sinasadya nya. na-try ko na lahat ng positive reinforcement pero wala lang sa kanya. kaya napilitan ako to go the other way. sabi ko kapag nawiwi pa sya ulit wala ng disney junior. akala nya di ko tototohanin. nun ginawa nya ulit, umiyak sya nun tinanggal ko sa disney junior. i let him cry for a minute and then binuksan ko na ulit. since then, di na nya ginagawa. asar na asar ako sa ginawa ko pero no choice ako e.

basta pawiwiin ko before umalis ng bahay at pagdating sa destination, ok naman na kami. pero lately, ayaw na nya ng ganito. basta he will go when he needs to go. napipigil nya naman sa byahe. kapag super tagal ng car trip, sinasabi ko sa kanya na pilitin nya magwiwi dahil matagal ang byahe. or sinasabi ko na kadiri ang cr sa pupuntahan namin kaya mag-cr na sya. dahil sa pagka-oc nya, pipilitin nya magwiwi. hehe! when we went to cebu and had to make a 6 hour car trip, we stopped on the side of the road when he yelled wiwi! and kapag nasa mall kami, nagtatatakbo kami papunta ng cr kasi ayaw nya mag-cr pagdating.

night wettings na lang ang problem namin lately. afternoon naps kaya nya na i-control. sa night wettings, i carry him every 3 hours or kapag bumibiling sya - namomonitor ko because i work at home ng graveyard.

nun minsan kinukulit ako ng mom ko na ibalik ko na lang daw ang diapers sa gabi para di ako mahirapan. binubuhat ko kasi papunta cr anak ko para magwiwi. sayang naman hirap namin. 6 months diaper free na kami. konti na lang, finish line na. :D

kiz_me1109

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #231 on: December 28, 2011, 03:58:52 am »
My son is 2 years and 4 months and he is already potty trained. One of the best TIP I can give is BE PATIENT. Yes, at first mahirap talaga especially with boys kasi they should stand when they pee. So dagdag turo pa yung huwag sila dapat umupo. I started to potty train him before he turned 2. It was a very long process. At first 2 times a day siya mag diaper. One in the afternoon during nap time and 1 at night. Then, the rest of the day naka undies / shorts lang siya. I first taught him na sa potty mag weewee. So he sits there kapag gusto niya mag wee wee. There are times na hindi niya ma control kaya napapa-wee wee parin siya sa undies niya. Pero ok lang. After a few months, nakikita niya yung Dada niya na nakatayo kapag nag wee wee, Ayun, ginagaya na niya. Then, we started not to use diapers during nap time. And pag gising niya kahit hindi niya sinasabi na mag wee wee na siya e pinipilit ko na siya.

Now, during night time nalang siya nag d diaper. :-)

minicake

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #232 on: January 18, 2012, 01:55:45 pm »
Haaay my baby is 1 year and 4 months na sinusubukan na namin sya i potty train kaso hirap na hirap kami kasi kung san san pa din sya wiwi. Pero kapag tinanong mo sya san ka wiwi or pupu turo nya potty nya.. Ayaw nya pa umupo kapg bukas yung potty nya gusto nya sarado.. Advise kasi pedia nya na di na muna sya diaper kasi di mwala rashes nya kaya naisip namin na itrain na sya.

melmedrano

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #233 on: January 18, 2012, 02:32:16 pm »
last dec. 19 namin sinimulan i-potty train ang son ko... he's one year and 7 months then... bumili ako ng urinal na pang hospital, yung parang pitchel... tapos doon namin sya pinapa-wiwi pagkailangan na... pero we placed it sa may door ng CR namin... so pag sasabihin nya na wiwi na sya... then we will rush to the CR tapos dun na sya wiwi sa urinal nya... at least alam nya kung saan sya dapat pupunta. Same goes sa pupu... pero ayaw nya sa potty trainer... mas gusto nya sa toilet bowl na talaga... i just put on cushion na pang baby.

So far so good... sa gabi na lang din kami nag-d-diaper, pero pansin ko na halos wala pang laman yung diaper nya pag gising, so eventually siguro simulan ko ng alisin ang diaper sa gabi.

Pansin ko lang na simula nung nag training kami, naging conscious na sya sa wetness ng diaper nya at pilit nya talagang pinapa alis ang diaper nya pag basa na... or may laman nang pupu.

Tip ko lang is to be consistent... kasi na-co-confuse din yung mga bata. Like my son, pag nakadiaper pa sya sa umaga tapos sinabi nya na wiwi... sasabihin kadalasan nung yaya nya na sige lang nakadiaper ka naman eh... sayang ang diaper mo wala pang laman... ang result, confused sya kung kailan dapat nya sabihin at kung kailan ok lang na basta na lang mag wiwi.

tiggerlily

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #234 on: January 19, 2012, 01:15:07 pm »
^ this is why i have stopped buying/using diapers completely kahit di pa kami tapos talaga ng potty training. nakakatagal pa yung pabalik balik ng diapers e. isa pa, kids don't like the idea of having wet underpants. nakakainis yun for them. kaya when they wet themselves, normally, they try not to do it again by controlling their bladder. your yaya shouldn't do that kasi back to square one na naman ang training. and even if they wet themselves try not to be angry with them. use positive reinforcement as much as possible.

ritchelle09

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #235 on: January 19, 2012, 03:08:34 pm »
hi mga mommies! ang baby ko naman na start na namin siya ipotty train last month she's turning 1 yr and 3 months next week. medyo mahirap pa nga minsan nga nasasabi ko sa asawa ko "di ba natin masyado minamadali si baby" kasi baby pa yan e... kaso turo ng nanay ko pwede na daw itrain so ginagawa nga namin kahit mahirap, minsan natitiyempuhan umiihi sa potty trainer niya pero most of the time kung saan saan lang.... pero sa poo niya medyo trained na siya every morning paggising niya bago siya palitan  ng damit (from pajama to pambahay) automatic pag nakaupo na sa bowl maya maya mag pupu na siya  yun nga lang need mo rin siya sabayan umiri hehe... sa weewee lang kami medyo hirap pa pero sabi nga ng madami tiyagaan lang talaga....mga sis ask ko lang what ba purpose ng potty training pants ? kasi may gift yung tito ni baby sa kanya from mothercare kaso nung itry ko tumatagos pa din ang wee paano ba yun ginagamit?

tiggerlily

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #236 on: January 19, 2012, 07:14:15 pm »
^ ang alam ko (please correct me if i'm wrong mga sis) it's just like a normal shorts or panty with the kid's fave character. you can tell your kid na iwasan mabasa si ben 10, thomas train or hello kitty (depende kung sinong character) kaya dapat sabihin sa yo kung magwiwi or pupu para pupunta kayo sa potty seat.

ritchelle09

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #237 on: January 19, 2012, 08:54:27 pm »
^ ah ganun ba yun sis? kasi yung sa baby ko wala siya character flower design lang and yung pundiyo niya may lining na pang insert ng cloth diaper pero manipis lang kaya tumatagos pa din....

Princess_Chill

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #238 on: January 20, 2012, 01:48:34 am »
I started to potty train my 1yr and 8 month baby girl. Last month but it turned out na bumalik ako sa pag diaper sa kanya. Actually there's no problem sa pag train sa kanya pag inupo ko siya sa potty trainer nya umiihi naman siya the problem is hindi pa siya masyado nagsasalita to tell me na she needs to go weewee. since wala naman ako haousehelp or yaya i decided na i train nalang siya pag nakakapag salita na siya para deretso na siya sa potty :)

tiggerlily

  • Guest
Re: Potty-training tips
« Reply #239 on: January 20, 2012, 03:46:13 am »
^^ ang ganda naman nyan training pants ng baby mo. siguro it goes with the idea na ma-feel nila ang wetness while absorbing most of the wetness.

^i haven't tried it but others train using sign language. they even potty train way before baby's first year. i'd love to try pero i don't have the time.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close