watch now

Author Topic: hinanakit kay hubby, meron ka ba?  (Read 70286 times)

loveforall

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #40 on: September 12, 2009, 03:16:37 pm »
Mga sis may tanong lang ako sa inyo dahil single pa ako, kung sakali sa mga nakwento ninyo na irresponsable o bastosin ang ugali ng mister, hindi ba ninyo nahuli o napansin mga ganyang katangian sa kanila nung nagliligawan pa kayo?  halimbawa kasi kung nakikita ko sa lalaki na magastos aasahan ko na hindi ito masyadong nakakapagipon kahit malaki pa ang sweldo o kaya kapag irresponsable ito makikita ninyo sa mga decision niya sa buhay kung kilos agad o tatamad tamad etc etc

sis hanggat di mo nakakasama sa iisang bubong ang isang lalaki, di mo talaga makikita totoong ugali nya..

kasi pag naglligawan pa lang, laging positive side lang pinapakita nila,kahit tayo.siguro kung medyo matagal-tagal din kayong mag-on before getting married,medyo you'll get an idea how he handles problems,stress,money matters. pero lilitaw lang talaga kung ano sya kung iisang bubong na lang inuuwian nyo.

gofredoloi

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #41 on: September 13, 2009, 07:50:30 am »
Tama ka habang hindi mo nakakasama sa isang bubong hindi mo malalaman kung ano siya kahit pa matagal kayong mag on.... Best thing habang boyfriend mo pa yong guy try mong makilala ang mga relatives niya... kung okey ka sa family niya walang problema puede kang magpakasal pero kung ayaw sa iyo ng family niya... huwag na lang kasi mahirap makipag agawan ng atttention at pag ayaw sa iyo kahit pa gawin mo ang lahat para ma please sila  wala pa ring mangyayari.... believe me noong mag boyfriend pa lang kami ng asawa ko sabi niya huwag ako mag alala kasi hindi naman sila ang makakasama ko pero simula ng nagsama kami mag asawa  ang pinagmumulan namin lagi ng away ang family niya...

blinkinglights

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #42 on: September 13, 2009, 08:43:11 pm »
sis hanggat di mo nakakasama sa iisang bubong ang isang lalaki, di mo talaga makikita totoong ugali nya..

kasi pag naglligawan pa lang, laging positive side lang pinapakita nila,kahit tayo.siguro kung medyo matagal-tagal din kayong mag-on before getting married,medyo you'll get an idea how he handles problems,stress,money matters. pero lilitaw lang talaga kung ano sya kung iisang bubong na lang inuuwian nyo.

correct ka dyan!

ako naman, lagi kong advise sa mga single friends ko na if it possible, live-in muna bago kasal. test run kumbaga.

kami ni hubby after two years na mag-on nag-live-in kami for 5 years then we got married. now 10 years na kami in total. he is not the prince charming i have dreamed of and nowhere near perfect ang marriage namin but still thankful ako kasi katamaran lang ang reklamo ko sa kanya. <lumaki kasi na may helper kaya nung nagsarili kami na walang helper, parang senyorito parin na pinagsisilbihan ko--HMP!> thankful din kasi di nya ko pinagbuhatan ng kamay-EVER!, or minura man lang, and he works hard din naman <both of us> to make ends meet.

well, isa pa sa reklamo ko sa kanya is yung di na masyado sweet like nung nag-uumpisa palang ang relationship namin. aba-aba! kaya nga after ko manganak, losyang na ko sa pagod pero now i make it a point na mag-ayos kahit papaano para di naman mawalan ng gana.  ;)

rustproof

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #43 on: September 22, 2009, 09:46:38 pm »
hello mga sis. i am just a newbie here but i've been reading this forum for a year na. I signed up kasi I really need to vent and ask for advice.
I am not sure if this is the right thread so dear moderators just let me know.
live in po kami ng boyfriend ko, I am already 23(well I am not saying that justifies it, just for reference)
anyway eveything is smooth, but then my older sister(two years older than me) transferred here in manila so she can work. of course since mga kamag anak namin ay sa province I felt it was my obligation na karguhin sya. So my boyfriend and I went apartment hunting, kelangan namin bigger place. Since we are at it, yung friends ng boyfriend ko who are also at that time looking for a place decided to join us. So we found an apartment, up and down with two bedrooms. habang wala pa sister ko sa manila, yung isang room ay para dun sa friends(2 boys) ng boyfriend ko, the other room samin ni bf. Everyting is smooth kasi wala naman sense of responsibility si bf sa friends nya, although the friends are kind of irresponsible pagdating sa bahay but that is another story....so dumating si ate ko, my bf transferred sa kabilang room....he would miss me and would go back sa room namin ni ate ko kapag andun na ako...but then as time passes by, di na nagustuhan ni bf yung room ng friends nya kasi sobrang burara yung isang roommate, as in nangangain ng gamit yung room...before it might be ok, but siguro nagkapreference sya sa orderliness because of me. So I asked him na to talk sa friends na to swap rooms, sa amin yung bigger room then my bf can just stay sa room namin ni sister...at first, everything seems to be running smoothly, my sister has no job for more than five months kasi my problem sa documents nya, so sagot namin ni bf yung bills nya, food and all...then si bf pa tumulong mag asikaso ng documents ni sis, at kahit na nadidisappoint si bf na kahit resume ni sis ko sya pa nag aasikaso, hinahabaan pa nya pasensya nya because he doesn't want me to be stressed...and then nagkawork si sis of course kami sumagot ng allowance nya, and then we didn't ask her to pay bills muna kasi mejo mababa pa sweldo nya... It could have been ok at that point. But my sister, first time here in manila, got intoxicated sa freedom na inooffer ng manila. She got wild, you know, daredevil baga. I warned her nung nasa province pa sya not to let manila gets the best of her. She didn't listen. My bf kept bugging me to talk to my sister, kasi sabi ni bf nagsselfdestruct si sis ko, Even friends ni bf sinasabi na to watch out for my sister, one look sa friendster ni sis ko they said mabubuntis si sis ko. and like a gospel, my sister got pregnant! by a man 10 years older than her! it was kind of long story but yeah she got pregnant. at first the guy is in doubt kung sa kanya yung bata, kasi ba naman ewan ko ba sa sister ko why she wanted to cultivate this impression dun sa guy that she's young and wild, She'd tell her na he's not the only one she's doing 'it' with, that she has other boys. Well ske kind of, coz an ex officemate of mine, who kept on stalking me through email and phone, one day this ex officemate called me and it was my sister who answered it and boom they are already bestfriends!they haven't met yet for crying out loud, kahit akong officemate nya at laging nag eemail sa akin sa office eh I have not talk to him ever, and god knows kung ano pinag uusapan nila sa phone, she doesn't even erase the evidence. I don't know sisters what happened to my sister then..but like my bf,(which might be a mistake going back now) hinabaan ko pasensya ko, thinking it might just be a phase, she'll get tired soon. tsaka stressed din naman ako sa work that time. but then yun nga nabuntis sya, and the guy she's claiming na tatay ng bata ay in doubt, they even planned to abort it. I was thankful when i was able to persuade her na ituloy ang pregnancy. So she has to stop working, ayaw nyang umuwi sa amin at ayaw nyang sabihin sa parents namin. I dont want na magdagdag sa stress nya,so I let her be muna. Kami uli sumagot sa expenses nya sa bahay... and then nalaman ng family ko at pinapauwi sya. the guy na nakabuntis sa kanya ayaw syang ihatid at natatakot, eh sinabi ni sis ko sa parents ko yung pregnancy two months before due date nya, alangan naman papagcommute namin sya. So I asked my bf to spend the weekend na lang na ihatid si ate ko. So kahit na deliakado the kotse kasi old na yung tires, sige pa rin, all for the comfort and safetiness of my sister....
nga pala, all through out the pregnancy ng sis ko while she's staying with us, sobrang stressed out na si bf, kasi ganito yun..before na malaman namin buntis sis ko, I quit my job, kasi nga stressed out ako sa work to the point na lagi ako nagkakasakit. So my boyfriend asked me to quit my job, do the business na matagal ko na gusto gawin, at sya muna bahala sa akin kahit na pati yung every month na binibigay ko sa parents ko. for 5 months akong sinusuyo ni bf to resign kasi naawa na sya sa akin, so I gave way kasi I also want to have my own business and I saw the opportunity habang bata pa ako at merong susuporta sa akin...but yun nga, just when I am about to start my business, the problem of pregnancy came. My sister has no savings kasi nauubos lagi sahod nya, I have no money kasi i bought materials sa business ko, and the guy na nakabuntis is irresponsible, pabago bago ng isipan.

So nahatid na namin si sister sa province, my bf and I are back sa manila, kahit papano we had a break sa stressful na life. But then, come panganganak day, my sister has no money, binigyan pala nung guy na nakabuntis ng money si ate ko but my sister didn't handle it well. naubos sa everyday expenses, plus bumili sya ng bagong cellphone! what can we do, I asked my bf for help, ayun binenta nya his cellphone and psp so he can lend the money sa ate ko...
so tapos na yung pregnancy, after a month my sister came back here, and we are back to square one. she had to look for another job, kami muna bahala sa expenses and allowances nya...But this time, my bf di na sya ganun kapatient, kasi naman ang dami na nyang sinacrifice for my sister, not only the things na binenta nya(that's nothing sa kanya) but more importantly yung privacy namin, yung stress-free life naming dalawa like before. Ngayon tuloy mejo maikli na pasensya sa akin ni bf, kasi kahit naman may inis sya sa ate ko he wont act it out sa harap ni ate ko, sa akin dumadaan yun. My sister kasi, for some reason, wont take care of herself ngayon, tsaka minsan mejo walang consideration sa bf ko or di lang napapansin. Kasi nga diba we stay in one room, nakikigamit sya ng electric fan namin, but then my sister for some reason wash and wear sya, like maglalaba sya ng damit nya na isusuot sa work 5 hours before the work nya, then patutuyuin nya sa electric fan, eh my bf is sleeping at mejo sensitive sya sa init. My sis has been doing that eversince, kahit madami sya damit, akala namin magbabago na sya because of the pregnancy experience but it seems same pa rin. she lacks discipline, she keeps on complaining to me na naghihina sya, paano she wont eat and sleep. pagtatabi ko sya ng food but she wont eat it(addicted sya ngayon sa facebook), so my bf magagalit kasi ayaw nyang may nasasayang na food, of course sa akin yun magagalit kasi di ko daw pinagsasabihan sa ate ko. And also she doesn't help me with chores, kahit na pinagkainan nya ako naghuhugas. nung buntis sya ok lang sa akin, but until now?there was this one time na pinaglaba ako ni bf kasi I dont feel good then, sya lang nagsuot....so yeah madami pa issues...sa akin naglalabas ng sama ng loob si bf, nagagalit sya sa akin kasi di ko magawang pagsabihan si ate ko, which is true. I can't, my sister kasi has a rebelde attitude. ayaw din nya napagsasabihan, madali sya magtanim ng sama ng loob, and she has this mess with me and you mess with satan motto.. mga sisters i dont know what to do? I mean how do i brought it up sa sister ko without hurting her, tsaka without making her feel na my bf wants her out. kasi my bf wants us to live separately, hintayin lang daw namin na maging stable si ate ko sa current job nya so she can look for her own place, but how do I tell my sister about this? for sure mafefeel nun aabandon ko sya kasi kami lang magkamag anak dito, pero I want to have my own life na din.. Her son pala naiwan sa province....tsaka she always share her problems kahit sa guy na nakabuntis sa kanya, sa office nila or kung anuman, and I am getting sick and tired. Kasi ako hangga't maari di ko shineshare sa kanya...what do i do, i feel like I'm smacked in the middle, trying to keep the harmony and balance between my sister and my bf, pero reality is their interests and situations conflict. I know I have to rock the boat na, but will I have the guts?kasi baka in the end maguilty lang ako, my sister doesn't know how to take care of her. My friends are telling me na masyado ako mabait sa kanya, that I should live my own life...tsaka nagiging dependent din sis ko sa bf ko financially, eh my bf and I nahihirapan kami magbudget dahil na rin sa kanya. Kasi feeling ng sister ko it is still the same na pwede syang makiusap na kalahati muna bayad nya sa house bills, kasi ngayon we're on budget kasi Im pursuing my business(it's about time), wala naman kami magawa, si bf  parin didiskarte,lahat na ata ng gadgets nya nabenta na nya, kotse na lang ata..lol

but yeah, my bf kasi is only child, and his dad has this unit but since di nya nagagamit kasi nasa US sya, the dad is willing to let us use the unit...but since hindi sa bf ko yun syempre nakakahiya naman isama ko sis ko,i want to have my own life plus it will really help us sa finacial aspect. But how do i tell my sister, what exactly will I tell her without hurting her felings. How do I prepare her? Natatakot akong kausapin and confront sya with her issues kasi baka mag away kami, syempre may mga sama ng loob din ako sa kanya kasi because of her carelessness eh nadisturb ang tahimik kong life.yun ang iniiwasan ko, ang mag away kami. For sure kahit ako ang tama maguiguilty pa rin ako...

sisters, sa kinahaba haba ng post ko, the bottom line:my sister's life and the issues it entails is taking a toil on my personal life and relationship...what will I do. can someone guide me?


thank you so much just by reading my post...

mwaah to you all...

ang sarap magshare, kahit papano narelieve ako. sisters, I am only 23, is it bad ba to dream of my own peaceful life?is that abandoning my sister, what if magtanim sya ng sama ng loob sa akin at ako pa lumabas na masama?

now to relate with the thread, ayan na nga so this time around maikli na pasenysa si bf pero sa akin lang naman dinadaan, eh ako din stressed out din at mejo maikli din patience, kasi nagsasawa na ako sa problems na binibigay ni ate ko...madalas tuloy kami mag away ni bf ngayon, all because of issues na both of us walang kasalanan, kasi kahit naasar ako sa ate ko kapag nagrereklamo si bf pinagtatakpan ko pa rin si ate ko, tapos mag aaway kami, tapos makikita ko si ate ko just minding her own issues,,hay....so minsan naaasar ako sa bf ko kasi minsan di nya nacoconsider na nahihirapan din ako, but then again kapag cool na head ko mahihiya naman ako kasi my bf do not deserve this life...hay buhay...issues and all...

jessicamarielim

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #44 on: September 22, 2009, 10:17:10 pm »
^sis, all i can say is ang bait ng bf mo....you are now torn between keeping the "harmony" and telling your sister to grow up... if i were you, i would email her a link to your post so she can read it...masyado na siyang pabigat sa inyong dalawa....you are only 23 years old pero para kang nagpapalaki ng sanggol sa hirap ng dinadaan mo dahil sa kapatid mo...

simplemind

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #45 on: September 22, 2009, 10:51:52 pm »
Complicated nga setuation mo ngayon sis
Nagampanan mo na rin ang responsibilidad mo sa ate mo, tama  na siguro yan in fact shes more older than you, nong ikaw nangpuntang maynila im sure your alone but you still can take care yourself well so dapat mas magagawa niya na yan after all the support that you've given to her..If your afraid  to tell her about your concern  kasi baka kung ano kahahantungan ng pag uusap or di mo alam paano mo siya i approach sis baka mamaya BF mo na ang mawala pag tumagal pa, at dapat mo rin ipaalam sa kanya ang mali niya not to tolerate her pero kayo naman ng BF ang nag sa suffer. Di niya malalaman ang problema kung hanggang action lang iparamdam mas magkasamaan pa kayo ng loob, kung direct nga naman sasabihin sumama man ang loob niya pero tama naman ang sinasabi mo at ginagawa...
Try mo ..wag ka matakot sabihin sa kanya dahil lang sa attitude niya na madaling magtanim ng sama ng loob , habang maaga kay sa lumaki pa ang issue...
Hope it help..sorry kung kulang ang advice ko im the only daughter kasi no idea about kapatid talaga pero kung ako sa shoes mo...i will  definitely do it...

Siguro the best way kausapin mo siya sa labas kayo both relax coffee muna..then go na..kaya mo yan ;)

simplemind

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #46 on: September 22, 2009, 11:08:18 pm »
good thread to express what I am feeling right now!  Just had one last night, mababaw lang naman - inutusan ako kahapon ng umaga ng husband ko to get something from his "girl"  friend - first time kong makita yung kaibigan nya na yun, isang sakay lang naman from our house so kahit masama pa pakiramdam ko -go na rin ako -nakapambahay lang ako , nagsuklay lang, para talagang bibili lang ako sa tindahan ng kapitbahay.  And guess what - I was browsing his cp last night - bago ako pumunta sabi ng girl sa text - siguro maganda wife mo . sagot ng husband ko - mas maganda ka dun.  tapos may nakita ako na text ulit from the girl - TOTOO NGA SINABI MO , LOL. 

Sobrang inis ko kasi iyong girl is 43 years old and i am 33.  Maputi lang iyong babae pero mas mukha pa rin naman syang matanda sa akin. 

Syempre naman nagalit ako sa husband ko, sabi ko tuloy - alam ko pangit ako pero wag mo naman akong icompare pa sa mga kaibigan mo.    Sabi nya biruan lang nila yun pero kahit na - masakit pa rin lalo na asawa nya ako.

Lesson learned - kahit sa tindahan ka lang pupunta kelangan lagi  ka nakaayos.  babalikan ko talaga iyong kaibigan nya na babae nayun papatunayan ko sino mas maganda.

Lol sis Bad joke nga yon dapat  ikaw lang ang maganda sa mata niya :D
Kaya dapat talaga laging naka ayos kahit saan pa pupunta dahil di natin alam sino nakikita at makakakita sa atin, sabi nga diba kung ano ang bihis mo ay nag re reflect yan sa katayuan natin sa buhay..so dapat maganda lage....

rustproof

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #47 on: September 22, 2009, 11:46:32 pm »
hay sis jessicamarielim, tama ka, swerte ko lang talaga sa bf ko, if not for him baka nawalan na ako sa ulirat because of the problems. Kahit na pikon na sya sa sitwasyon I can still feel his genuine concern..siguro since may problem ako sa ate ko, sa bf ko na lang bumawi.but still naaawa ako sa bf ko and at the same time nahihiya ako,,,ayoko naman dumating sa point na may masabi sya, he's still a human, di ko sya masisisi kasi sobra naman na talaga. I bet yung mga friends nya napapansin din. tapos ako ayoko din naman may nasasabi tungkol sa ate ko..hay para akong nagkekeep ng balance sa thin wire. ayoko kasi ng conflict, pagdating sa family ko di ako confrontational kasi ganun din nakagisnan ko sa family ko...i guess i have to muster strenght na talaga, kasi baka lalo pa lumala...iniisip ko lang kasi, how will she survive, tsaka yun nga baka magalit sya..

tama ka sis simplemind, mag isa lang ako nung nagpunta ako sa manila, I was just 17 then, dito kasi ako nagcollege, at di naman ako nagganun wild tulad ng ate ko kahit na i have the same freedom. well siguro dahil na rin sa upbringing, kasi [textspeak!] pinalaki ng lolo't lola ko at spoiled sya, ako naman laki sa amin at nuon pa man i participate na sa family problems, mismong allowance ko ako pa namomroblema...but she's already old, tsaka I was wishing then na the pregnancy experience would inspire her to change, pero wala ako makita for now, although hoping pa din ako...she's just all words, kesyo aalagaan na nya sarili nya, she'll be organized, she'll help me clean, wala naman,busy sa kakafacebook kahit na di matulog at kumain,kasi naman she's still hoping na yung guy na nakabuntis sa kanya eh maging sila. eh sya mismo admitted na mahilig sa babae yung guy, in fact when she was pregnant may gf yung guy at inaway away nya yung girl, nung nagretaliate yung girl at tinapatan yung mean words nya eh nasaktan naman, so kumusta naman, paano na ako kung sabihin ko sa kanya yung gusto ko sabihin...gusto ko nga sya iumpog sa pader kasi yung nakabuntis sa kanya ay may ex-gf long time ago na wala sila formal break up, binifriend pa nya, one day while they are talking on the phone tinanong daw ni ex-gf kung ok lang ba daw kung magpakasal sila nung nakabuntis na guy, di na daw nagcomment si ate ko, pero sabi sa akin ni ate ko "kumusta naman ako?", sabi ko "gugustuhin mo pa ba talagang magkatuluyan kayo nung guy?" tapos sya with conviction "bakit?" gusto ko sya iumpog sa pader, after all nung ginawa nung guy sa kanya, sinabihan sya na not sure kung sa kanya yung bata tutal kung kani kanino naman pumapatol, lagi minumura sa text, lagi dinedemote, at babalikan iiwan, tapos considering yung ibang responsibilities nya nung nagbubuntis si ate ko kami ni bf nagpupunan..hay, i can understand love but jusko naman kung ganun lang din buhay ko sa piling nya...and if it's love, why is it not inspiring her to be a better woman...I never realised this could have a heavy impact sa personal kung buhay, I never saw it coming. akala ko I can live happily and peacefully with my bf on one side and my sister on the other side...but no, I am totally stressed out kahit wala naman ako ginawa on my own...sabi nga ni bf, we are like this ng dahil sa sitwasyon na di naman tayo ang may gawa...when I told my bf na nang dahil sa akin bumigat buhay nya, he told me "you know you're not my problem" and mga sisters ng dahil pa sa sitwasyon namin si bf parang nawalan ng gana sa mga endeavors nya, kasi dati aside from his regular job ang dami nya sidelines, inspired na inspired sya, he's full of positive energy...and then unti unti nawalan sya ng life..gosh, ngayon after work he goes straight to sleep, is that a sign of depression na ba? wala naman kami kasi quality time, everytime makita namin si ate ko problema naiisp namin...can you girls imagine awkwardness sa bahay namin?  :'(

simplemind

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #48 on: September 23, 2009, 12:06:15 am »
yes sis na iimagine ko kung ano meron sa loob ng bahay ninyo, im sure ang bigat ng feeling..
Mabait nga bf mo saan ka pamakakakuha ng ganyan na nag participate sa problem ng sis mo affected siya...
eto pa ha di lang simple privacy ang nawala sa inyo jusko kasama ninyo pa sa room ang ate mo...diba sino naman kaya ang di mawalan ng gana niyan....
at least man lang may sariling room kayo

rustproof

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #49 on: September 23, 2009, 12:12:26 am »
sis simplemind, now i am scared, what if nga si bf naman mawala sa akin, eh kinukuha pa naman na sya ng dad nya sa US, before ayaw nya pero pinetetion pa din sya, but now gusto na nya so we can have a good future daw. what if sa stay nya sa US, he'll realize that life is better and more carefree without me and my sister(i even find it funny na ientail pa sister ko) anyway, i guess I cant blame him then...hay i have to take action, sort things out,,but sisters is living separately a good idea, not suddenly naman...tsaka how can I help my bf kaya go back to his carefree and full of positive energy attitude, I kinda miss that. nung kaming dalawa lang puro tawa kami, we do crazy stuff..but now puro problems, issues and conflicts kami, parang nagrereflect na sa mukha namin, kasi sya laging mukhang haggard, feeling ko ako din...ang hirap naman...

rustproof

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #50 on: September 23, 2009, 12:18:31 am »
kaya nga, I was kinda hoping na my sister would realize na ang awkward naman na kasama ko ang magsyota na to sa isang room and take the initiative na sya na magmove out, pero wala..hindi rin kami makapagtodo sweet sa isa't isa kasi nga sya either rocky or totally zero yung love life nya, baka magself pity pa sya, oh yeah yun pa pati. mahilig sya magself pity kasi, so I was scared na kapag sinabihan ko sya, because of self pity and sama ng loob eh di nya madissect yung sasabihin ko at take nya yun against me...gosh two years pa lang kami magkasama ng ate ko sa manila and it seems forever na...

Pretty_ava

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #51 on: September 23, 2009, 12:41:32 am »
^sis your such a lucky girl sa bf mo.  ang bait bait nya.grabe naman si sis mo, and panganay pa sya sa lagay na yun ha.  ask ko lang sis, sino sumasagot ng expenses ng pamangkin mo?

ON topic:  napaka mama's boy ni hubby.  yun lang! wala syang bisyo, ps2 and psp lang.good provider and higit sa lahat ako ang pinaka magandang babae para sa kanya.    ;D

ebiko

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #52 on: October 22, 2009, 05:18:21 pm »
hay, sana lang ma-realize niya na hindi na sapat yung sinasahod niya sa office niya [church org.], e hindi na kayang sumoporta ng pamilya.  >:(

gusto daw kasi niyang mag-silbi sa Diyos, kaya hirap siyang umalis doon, pero sana maisip din muna niya na, sa pagsi-silbi niya sa pamilya niya, e para na din siyang nag-silbi sa Diyos. may binubuhay na kaming anak, buti sana kung dalawa lang kami, wala siguro akong question doon, pero iba na ngayon e, may baby na.

last night, while watching tv, commercial ni pacquiao at jinky -- then sabi ni hubby, kamukha daw ni aling dionisia si jinky, then i blurted out "you married the face of your mother" [pertaining kay pacquiao], then tinignan niya mukha ko, "kamukha ka ba ng nanay ko", sabi niya, sinagot ko "hinde."

then he asked me, "nakita mo ba yung qualities ng papa mo sa akin?"  sabi ko ulit, "hindi, wala sa yo"  ;D --- malayo naman kasi talaga.  ;D

abbyaye

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #53 on: November 18, 2009, 04:47:10 pm »
hinanakit ko with hubby eto:

1. Iniwan nya kame. Nag-work abroad sya without my consent at during the time that I need him most. Umalis sya less than 2mos pa lang since I gave birth (CS ha). I know na para sa amin yun pero ok naman work nya dito eh. Yung combined salary namin is more than enough for the three of us. So for me walang reason para umalis sya. Tapos nung umalis sya wala pa kameng helper sa house so na-force akong maki-tira kila mama para naman may titingin sa baby namin. then nag-volunteer daw pinsan nya na alagaan baby namin. kung pagaalaga sa baby, ok sya. sa ibang bagay, hindi na. like makasarili, naglalaba ng gamit lang nya. e ako nga pinaglalaba sya. sana man lang isabay nya sa labahin nya kung ano mang gamit yung naka-babad na.

everytime na may mangyayari laging si hubby sinisisi ko kasi nga iniwan nya kame. things would've been different if he's here.

proudmama

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #54 on: November 22, 2009, 07:24:36 pm »
di ko maramdaman na asawa ko siya now, feeling ko ang layo layo niya at di kami nagcoconnect. he's working abroad and dati naman ok pero this days pag nagchat kami parang walang gana.
he's also ok with the idea na mag-abroad ako and he thinks na pinapalampas ko opportunity sa abroad. sana maisip niya na para akong mamamatay maisip ko palang na iiwan ko mga anak ko. na naaawa ako sa mga bata. gusto ko ding maging maganda future namin pero leaving kids without the parents parang sobrang kawawa naman mga anak ko.
basta i'm so stressed right now di ko maipaliwanag mabuti

mizizlim

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #55 on: November 26, 2009, 02:55:50 pm »
hinanakit ko kay hubby...parang hindi nya ako ipinagtatanggol sa pamilya nya.  :(

basta iba kasi ugali nung mama nya saka ate nya. 

tapos pag nagakakaron ng mga issues and feeling ko inaapi nila ako, he always takes their side.

so yun, parang feeling ko lang e feeling nila e kinakayan-kayanan lang ako.   :'(

purplemouse

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #56 on: November 29, 2009, 02:51:33 am »
hi! i just want to share.. kasi ako im not married, pero we are living together. we have 2 kids. ang sentimento ko lang are we are living sa bahay ng parents niya kaso ang hirap kumilos. para akong desusi. nakakainis pero sa bahay ko hindi ako ganon. nahihirapan ako kumilos sa bahay nila, tapos siya yung tipong asa sa magulang. financial minsan nararanasan ko kasi pagmay sweldo ako grabe ang gusto niya ubusin muna ang pera ko bago siya maglabas. grabe, ni minsan nga hindi na ako nakakabigay sa mama ko. knowing ako lahat ang gumagastos sa bahay ng mama ko lahat ng bills ako nagbabayad. tapos ganon siya. minsan nga naiisip ko na sa bahay na alng ako atleast alam ko kung san napupunta ang pera ko. hindi ko na alam dapat kong gawin sa kanya. parang ang laging dating is ang pera niya pera niya ang pera ko pera namin lahat pati pang gastos sa mga anak ko ako. please help me!!! is it rigth na iwan ko na lang siya???

blooming

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #57 on: November 29, 2009, 10:54:06 am »
^ sa pov ko kasi, hindi ako sumasang-ayon sa live in.  Pero since andyan na yan. ano po ba long term plans ninyo?  if you think wala kang mapapala sa kanya, at wala ka nang aasahan at wala narin ang feelings, then move on.

feeling ko lang, baka naiisip nya since ikaw at mga anak ninyo nag s stay sa house nila, obligasyon ninyo bayaran ang 'share' ninyo sa bahay.  ewan ko lang ha. pero nasabi mo naman kasi na hindi pa kayo kasal.  so yun lang iniisip ko.

ang priority ninyo, since parang mag-asawa na naman kayo, is dapat family ninyo. gastos ng family ninyo, hindi sa magulang nya or magulang mo. pero nagkataon naman kasi na doon kayo nakapirmi, baka isip nya, tama lang din naman na makishare kayo sa gastusin ng parents nya at nakikituloy lang kayo.

« Last Edit: November 29, 2009, 10:56:58 am by blooming »

sexyvamp

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #58 on: January 06, 2010, 09:36:04 pm »
another hinanakit nanaman kay hubby, first about dun sa budget kainis lang every three months di sya nagpapadala kasi magbabayad daw sya sa rent ng house, then nung christmas parang di sya excited na first christmas ng baby namin, mas naiisip nya ba kung ano ireregalo dun sa inaanak nya tapos sa baby namin wala man lang pinadala, kung di ko pa itanong kung ano regalo nya sa baby namin di nya maiisip na bilihan ( kung binilhan nga), ang dami pa nya dahilan na kesyo wala daw sya maisip na iregalo, mahal daw dun, kainis! di na nga kami bumili ng baby ko dito ng 6ft na christmastree e kasi wala naman sya pinadala ng budget for christmas, tas para maregaluhan ko yung family nya e tinipid ko yung weekly budget ko para sa food ko, ,now malapit na first bday ng baby  namin, sabi ko simple lang handa, ok bigyan nya daw ako ng 10 thou, ipapadal nya daw kunin ko daw sa sis nya, i asked him why di nya sakin pinadala money, why sa sis nya, he sai utang daw yun, i said pang handa mo sa anak mo iuutang mo pa pala sabi mo ipapadala mo , then he said tulong nila sakin yun di yun utang, i said ulit bakit pulubi ka na ba, sabi nya oo, sabi ko naman e wag ka mag demmand ng kung [textspeak!] ano sa bday ng anak mo 10 thou na nga lang budget mo e gusto mo pa madaming ihanda.
i went to divi the other day para bumili ng gagamitin para sa bday ni baby, dapat di ko sya kakausapin pero excited ako na sabihin at pagplanuhan namin yung bday  ni baby, e ang sagot nya lang lagi e bahala ka, wala naman ako jan e. tama ba naman yun???????tapos malalaman ko nalang e may nakaplano na sila ng mga sis nya, hay kainis,nag email nga ako sa kanya ng sama ng loob di naman yata naintindihan, tulad kanina online ulit kami pero tamad na ko na kausapin sya, sa baby nalang namin nakatapat yung cam tas di na ko nagsasalita, kainis lang parang wala lang sa kanya parang walang problema e ako nagngingitngit na sa inis. hay naku kakasawa na sya, malapit ko na sya isoli sa knila

Stellar27

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #59 on: January 06, 2010, 09:40:55 pm »
ako naiinis ako ang tamad tamad niya. super asa sa magulang. hindi niya maisip na parents niya yung may pera hindi siya, sana wag siya umasa sa kakaunting mamananahin niya. nakakapikon lagi na lang nakabulagta sa kama tulog ng tulog. hindi nga nambababae super batugan naman. hay.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close