watch now

Author Topic: hinanakit kay hubby, meron ka ba?  (Read 70366 times)

kaiz

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #20 on: August 13, 2009, 09:39:15 pm »
ako madami din hinanakit. masakit kasi magsalita hubby ko.everyday lagi akong naiinsulto. pwede namang sabihin ng maayos sana

sexyvamp

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #21 on: August 14, 2009, 01:38:34 pm »
^o kaya i-email mo para mahaba-haba haha. mas ok din yun para kapag nagusap na kayo ng personal eh pareho na kayong mahinahon at di na nagsisigawan. tama, mag date kayo...i'm sure tanggal ang tampo mo ;D
naku husband ko eniemail ko dati ng sama ng loob kaso tamad mag basa, ang haba daw ng babasahin nya pwede ko naman daw sabihin ng harapan, kaso mas naiisip ko lahat ng sasabihin pag text or email saka pagharapan baka may masabi pa kong iba na makasalit sa kanya, lagi nya sinasabi sakin matigas daw ulo ko kasi di ako nasunod sa kanya.

honey_iya

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #22 on: August 14, 2009, 01:41:16 pm »
^Ay ganun, sa amin kasi effective yan..unlike kapag sinabi ko sa kanya ng harapan na mainit ulo ko, kung ano-ano pinagsasabi ko. Minsan naman, ite-text ko sya...paguwi ko ng bahay ayun usap na kami na parehong mahinahon :)

witch

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #23 on: August 22, 2009, 08:34:42 am »
marami. iniisip ko lang sa ngayon paano ko muna papatatagin ang sarili ko.  marami akong gustong gawin gaya ng mag-aral kahit mga short course lang para di nya na ako sabihan bobo pero ayaw nya dahil baka maligawan lang raw ako ng kaklase ko. kaya ko rin gusto madagdagan kaalaman ko ay para maging daan ito ng maging independent ako financially. isa pa sa hinanakit ko sa kanya ay hanggang ngayon nagpapaipit pa rin sya sa pamilya nya na halos lahat ng kailangan at problema nila kahit malaki at maliit ay inaasa sa asawa ko. isa pang ayokong ginagawa niya ay ang ipahiya ako sa harap ng ibang tao. makailang beses na rin yon.  marami pa talaga tinitiis ko lang.

shugsxy

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #24 on: August 22, 2009, 10:35:52 am »
Hi
Parang kase ang weird ng situation, my husband told me na wala na daw siyang feelings for me, then i ask for a separation ayaw naman niya he wanted us to be friends nalang daw pero sa isang house pa din kami titira dahil ayaw daw niya malayo sa anak namin... He often go out with his friends minsan nga kahit weekend possible ba yung gusto niya mang yari? Thanks


share naman kayo ng mga hinanakit nyo sa husband nyo  kung meron, kahit ano
like me madalas namin pag awayan yung everytime we have to plan or decide on something, icocunsult nya muna yun sa mga kapatid nya, then kung ano sabihin nila yun yung napag dedesisyunan. feeling nya lagi sila tama, bunso kasi sya e, naiinis lang ako kasi parang nababalewa ako, i have to agree on their plan nalang palagi, di naman masama na humingi sya ng opinion sa kanila pero di ba dapat kami naman ang magdecide kasi kami ang mag asawa e. para tuloy wala na kong sinabing tama. sinasabi ko nga sa kanya yun pero deadma lang sya, di naman daw ganun.

simplemind

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #25 on: August 22, 2009, 03:25:04 pm »
Possible sis...Hiwalay kayo sa inyo lang dalawa pero ayaw niya na malaman ng ibang tao . Walang pakialaman bahala ka sa buhay mo siya ganun din, pano naman kaya ang set up ikaw pa rin kaya mag aasikaso ng needs niya??


shugsxy

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #26 on: August 22, 2009, 04:20:38 pm »
More ang concern nya sa bata eh, hay ang hirap naman ngayon nagtatalo kami sa text nandun siya sa bahay ng nanay niya, ang set up is pag nasa office ako dito siya since pang gabi siya most of the time pag padating na ako aalis na siya. pero dito pa din daw siya makikilaba ng damit since siya naman daw ang majority ng gastusin dito sa bahay . tama na ako ang nag insist na dapat maghiwalay muna kami para mahanap niya sarili niya?

Thanks


Possible sis...Hiwalay kayo sa inyo lang dalawa pero ayaw niya na malaman ng ibang tao . Walang pakialaman bahala ka sa buhay mo siya ganun din, pano naman kaya ang set up ikaw pa rin kaya mag aasikaso ng needs niya??

mikelly

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #27 on: August 24, 2009, 12:26:25 pm »
i do not have one. my husband kasi is a good person, not a perfect one but in general he's a good one. after office, wala nang lingon-lingon, bahay na agad ang tuloy.

he also easily forgives, kaya yun ang nainfluence niya sa kin no matter how painful yung mga words ko sa kanya everytime we fight. before we sleep, sweet na ulit kami.  :D

gofredoloi

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #28 on: August 28, 2009, 07:40:09 am »
marami. iniisip ko lang sa ngayon paano ko muna papatatagin ang sarili ko.  marami akong gustong gawin gaya ng mag-aral kahit mga short course lang para di nya na ako sabihan bobo pero ayaw nya dahil baka maligawan lang raw ako ng kaklase ko. kaya ko rin gusto madagdagan kaalaman ko ay para maging daan ito ng maging independent ako financially. isa pa sa hinanakit ko sa kanya ay hanggang ngayon nagpapaipit pa rin sya sa pamilya nya na halos lahat ng kailangan at problema nila kahit malaki at maliit ay inaasa sa asawa ko. isa pang ayokong ginagawa niya ay ang ipahiya ako sa harap ng ibang tao. makailang beses na rin yon.  marami pa talaga tinitiis ko lang.

Super dami ako niyan... same din sa mga hinanakit mo idagdag ko pa ang mga hinanakit ko sa mga in laws ko.... alam mo sana ma try mong maging financially independent ngayon pa lang, kasi a ngayon ko lang narealize yong situation ko at huli na kasi 43 na ako.... 19 yeras na akong plain housewife at sa  loob ng mga taon na yan naka sandal lang ako sa husband ko, kahit before gusto ko magtrabaho ayaw niya kasi daw mapapabayaan ang mga anak namin, bakit pa daw ako magtatrabaho maganda naman daw ang kita niya OFW kasi siya….although  good provider at good father and husband ko lalo na sa mga anak namin, may hinahanap ako sa sarili ko yong maging financially independent ….kasi pag dependent ka sa husband mo llike me lahat ng masakit na salita tinatanggap ko (“bobo””t****””) hindi ako makasagot kasi pag sumagot ako sasabihin ng asawa ko daldal daw ako ng daldal,… parang wala akong value … parang hindi mahalaga ang mga sinsabi ko para sa husband ko…. Gustuhin ko man pumasok ng trabaho hind ko na magawa kasi pag tumitingin na ako sa classified ads for clerical job kailangan ang age- 23-30, ang experience at least 3 years … ano ilalagay kong experience? 19 years nasa bahay lang ako at ang alam ko lang mag bantay ng mga anak at bahay..
Minsan naisip ko nakikita kaya ng husband ko yong mga ginagawa ko? Alam niya bang minsan nasasaktan ako?nalulungkot ako?
 Wish ko nga e sana one of this day  pakinggan at maintindihan nawa ako ng husband ko.


jan_gurl

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #29 on: August 28, 2009, 09:09:26 am »
meron din ako nyan mga sis. yung hubby ko kasi sobrang masungit. konting pagkakamali ko lang aawayin na ko. like the other night, may sakit kasi ako so nakahiga lang ako sa bed pagkagaling ko from work eh nalimutan ko bumili ng pills ko so labas ako ng room para magpabili sa maid. nakalimutan ko isara yung door. ayun nagalit na sa akin kasi yung baby namin lumabas ng room at umiiyak pag pinapasok sa room. matanda naman na daw ako di ko man lang maisip isara yung door. nakaka-sama lang ng loob kasi parang napakalaki ng nagawa tapos sobra kung magalit. hindi nya nga ko magawang alagaan eh. kahit tanungin man lang kung ok lang ba ko. minsan hindi ko na sya maintindihan. minsan cold sya sa akin minsan naman nagiging sweet sya. di ko na talaga sya maintindihan. minsan iniisip ko baka may iba sya. may mga pictures kasi ako nakita na lagay nya katabi yung girl sa pictures kahit sa group pictures tapos meron naman naka-upo yung girl sa chair tapos naka-upo si hubby arm rest. napaparanoid ako mga sis. help me.

honey_iya

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #30 on: August 28, 2009, 11:42:20 am »
^^hindi porke't housewife ka lang eh may karapatan na asawa mo na pagsalitaan ka ng masama. mahirap din talaga maging dependent ka lang sa husband mo lalo kung ganyan pala ugali mo. pwede ka naman mag business para at least maaalagaan mo anak nyo at the same time may sariling income ka rin.

OFW din hubby ko before pero di ako pumayag na mag resign sa work ko. good thing with my hubby, kung ano gusto ko susuportahan nya ako. hindi porke't babae tayo eh lahat ng gusto ng mga lalake eh yun ang masusunod :P

^gather more evidence sis ;D

amateur_mom

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #31 on: August 29, 2009, 06:36:41 am »
Correct mga sisses.  Ako I stayed working.  Good thing! now na hiwalay na kmi sa tingin nyo san ako kukuha ng pangexpenses ko now that he's not providing.  Sabi ko nga sa hubby ko.  Baka magpasalamat pa saken mga anak ko someday that I maintained a job na tulad ng nanay nya kung saan sya sumasandal noon hanggang ngayon.  well well well..same situation kami ng mom in law ko..iniwan ng lalaki coz of insecurities pero he doesn't get the point na nakikinabang din naman sya. He doesn't want me to work kasi.  Tska ayoko na pagtanda ko i wasn't able to save up for myself at aasa lang sa anak.  ayokong maging burden ako ng anak ko. 

recent na sama ng loob ko sa hubby ko,.

1. walang isang salita
2. walang plano sa buhay
3. Binaliwala ang mga ANAK ko na ANAK nya rin

the scenario kasi was it was our consecutive birthday ng mga anak ko.  He even brag about filing a leave for his sons birthday.  The big day comes! Came from GY Shift nagmadali akong iprepare ang kids kasi nga we hve plans to go out.  I waited for him to text & confirm the said "plan".  Puti na mata ko d pa din nagparamdam.  So I decided to bring them to the mall na ako lang.  HUH! tapos that night nagtext igreet ko na lang daw sya sa anak nya.  Ay nako! tlagang binratatatatatat ko sya! sabi ko di bale na ako ang baliwalain nya at masaktan na inagaw na sya ng babae nya samin.  Wag lang anak ko ang babaliwalain nya. Wala daw syang pera to treat the kids out.  sabi ko ulet T**O may 1 mo preparation ka tapos sabihin mong wala kang pera. kaya nga PREPARATION eh..ay sabi ko talaga ang DAMOT ng babae nya pati oras nya sa anak nya inaagaw.  Kesyo may drama pa sya na his girl was supportive pa nga daw...ay sabi ko talaga "T**O! kung supportive sya at alam nyang wala kang pera dapat pinautang ka nya or gumawa ng paraan [textspeak!] girl na ipangutang ka samantalang ako nalubog sa utang sayo dahil sa kapabayaan mo!"  he was asking pa before na wala na daw ata syang halaga for us...ay pigilan nyo na ako...ano pa nga bang halaga nya he can't be a provider & he can't be a father.. so ano pang rason para magkita at magusap sila ng anak nya.  TAKE NOTE! sa 2 anak nya un ginawa.  VERY PAINFUL sakin yun incident na yun. Considering, he experienced the same and I wonder why he's doing that to his son.   buti na lang ang mga bata d pa nila naiintindihan. ang lagi lang nilang snasabi " DADI BIBIYI JBEE" DUROG NA DUROG ANG PUSO KO. alam nyo un kung alam [textspeak!] ng hubby ko lahat ng ito..Now, text sya ng text tawag ng tawag ay deadma lang talaga ako.  I want peace of mind! I want to get rid of him!  Hindi ako ang nagbaliwala sakanya but himself!  Sorry gusto ko lang ibuhos lahat ng sama ng loob ko.. :'( :'( :'(

simplemind

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #32 on: August 29, 2009, 02:14:56 pm »
Hug sis...Grabe nakuha pa mambabae ng asawa mo no wala na nga siyang ma i provide ...
kaya mo yan, kaya dapat talaga rin di ganun ka dependent sa mga husband kasi what if iwanan nga and dapat di natin ipapakita sa husband na mahina tayo kasi aabusihin nila yan like tangapin lang kung paano bulyawan or sabihan ng stupid, ay di pwede
sa akin yan basag mukha niya  :P

sa mga housewife naman na talagang may husband pa na masama ang ugali, be wise pilitin magtabi ng hindi niya alam at pilitin lumaban...




gofredoloi

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #33 on: August 29, 2009, 11:33:11 pm »
Ibubuhos  ko lang ang sama ng loob ko sa hubby ko today …..malaki talaga ang gap namin ng mga in-laws ko  kaya nga ng mapatira ako ditto sa Makati parang feeling ko towards them “wala na me pakialam sa kanila”” before nahihirapan ako lalo na pag pupunta yong husband ko sa mother niya … super naiinis ako…..kasi para bang okey lang yong set up sa husband ko balewala  kaya tuloy ang laki ng ulo ng mga in laws ko feeling na sino ba ako sa kanila…..Noong  nagstart ako magjoin sa forum  na-enlightened ako  sa mga post about in law. Kaya after ko mga join eto na ang philosophy kotowards my in-laws “” I did my part… kung ayaw nila sa akin…. Ayoko na rin sa kanila””, since then hindi ko na sila naiisip, at naalala, para hindi ko maramdaman yong hinanakit ko sa kanila.. kalimutan ko na sila””Pagnagpapa alam sa akin ang hubby ko na pupunta ng cavite iniisip ko na lang na bibisitahin niya ang bahay namin sa cavite…
Pero nagtatampo talaga ako ngayon sa hubby ko kasi ng umuwi siya kanina from cavite sabi niya sa akin… “”may pinuntahan kami theraphy shop na nagbebenta ng apparatus nagtry ako guminhawa ang pakiramdam ko… maganda siya nakaka pag pa-galing … omorder na nga ako eh!!! “” sa bigla ko, kasi wala naman akong kaalam alam sa lakad niya today na pasagot ako ng   â€œâ€Ha??? Omorder ka? Ano na naman yan”’  nagalit siya…. Sabi pa niya”” may isa daw doong costumer talagang napagaling daw noong mga apparatus na yon”” hindi na lang ako umimik…. Mahirap na kasi magsalita sa hubby ko kasi hindi naman siya nakikinig sa kin parang wala naming sense sa kanya kung maysasabihin ako… maraming tumatakbo sa utak ko  …. Like hindi man lang niya ako tinanong kung “””okey ba ito…. Or sabihin man lang sa akin na gusto kong bumili ng  ganito kasi maganda sa katawan”’… feeling ko tuloy,  bumili siya dahil kasama niya ang nanay niya at deadma na ako basta’t silang dalawa nagkasundo doon…  Naiiyak ako sa inis kasi hiindi ko talaga naramdaman yong kailangan ako ng asawa ko…. Hindi naman ako magagalit kung bumili siya ng lahat ng gusto niya ang gusto ko lang kahit konti  hingin niya yong opinion ko… , gusto ko maramdaman na he needs me, that he is considerate sa  feelings ko….. sa far as I remember … he never  ask my opinion … he is always the boss.



angeljhoyz

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #34 on: September 06, 2009, 06:12:14 pm »
marami rin akong hinanakit sa hubby ko..una, yong pagiging dependent nya sakin financially kasi my computer shop ako,pero gusto ko isa samin may work para makatulong nman sa gastusin sa bahay..pero ayaw nya maghanap ng work,gusto nya ako maghanap ang work..naiinis ako kc napakairesponsible nya..may baby na kami,tapos yong baby namin bf pa..kya hirap din ako maghanap ng work..at minsan pa pag nagkulang kami sa pera sa nanay ko ako lumalapit,tpos pag nag-aaway kami,dinadamay pa niya mama ko..walang hiya talaga..tapos pag may ginagawa ako den umiiyak si baby, sabi ba naman pinapabayaan ko daw si baby, sya nga yong hindi man lang aliwin..ako pa yong pabaya,puro future nga ni baby iniisip ko...wala talga akong narinig na mga plan nya sa future ng baby namin..ako na daw bahala..sa tuwing nag-aaway kami ako pa laging masama...haaayyyy....nahihirapan nako, bawat problems sa bahay..ako lang din hanap ng solusyon,prang wala akong partner na magsolve sa problem namin..

allura

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #35 on: September 10, 2009, 12:32:17 am »
Mga sis may tanong lang ako sa inyo dahil single pa ako, kung sakali sa mga nakwento ninyo na irresponsable o bastosin ang ugali ng mister, hindi ba ninyo nahuli o napansin mga ganyang katangian sa kanila nung nagliligawan pa kayo?  halimbawa kasi kung nakikita ko sa lalaki na magastos aasahan ko na hindi ito masyadong nakakapagipon kahit malaki pa ang sweldo o kaya kapag irresponsable ito makikita ninyo sa mga decision niya sa buhay kung kilos agad o tatamad tamad etc etc 

mmnclanie

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #36 on: September 11, 2009, 06:39:46 am »
good thread to express what I am feeling right now!  Just had one last night, mababaw lang naman - inutusan ako kahapon ng umaga ng husband ko to get something from his "girl"  friend - first time kong makita yung kaibigan nya na yun, isang sakay lang naman from our house so kahit masama pa pakiramdam ko -go na rin ako -nakapambahay lang ako , nagsuklay lang, para talagang bibili lang ako sa tindahan ng kapitbahay.  And guess what - I was browsing his cp last night - bago ako pumunta sabi ng girl sa text - siguro maganda wife mo . sagot ng husband ko - mas maganda ka dun.  tapos may nakita ako na text ulit from the girl - TOTOO NGA SINABI MO , HAHAHA. 

Sobrang inis ko kasi iyong girl is 43 years old and i am 33.  Maputi lang iyong babae pero mas mukha pa rin naman syang matanda sa akin. 

Syempre naman nagalit ako sa husband ko, sabi ko tuloy - alam ko pangit ako pero wag mo naman akong icompare pa sa mga kaibigan mo.    Sabi nya biruan lang nila yun pero kahit na - masakit pa rin lalo na asawa nya ako.

Lesson learned - kahit sa tindahan ka lang pupunta kelangan lagi  ka nakaayos.  babalikan ko talaga iyong kaibigan nya na babae nayun papatunayan ko sino mas maganda.

honey_iya

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #37 on: September 11, 2009, 10:32:17 am »
^Haha! dapat tayo ang pinakamaganda sa paningin ng husband natin :D

Ouch yun sis ha, yung sinabi niyang mas maganda pa yung girl-friend nya keysa syo :(

mmnclanie

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #38 on: September 12, 2009, 06:49:16 am »
Ouch yun sis ha, yung sinabi niyang mas maganda pa yung girl-friend nya keysa syo :(

Sinabi mo pa kaya hanggang ngayon hindi ko masyado iniimik asawa ko.  Hinahanda ko pa rin iyong mga gamit nya tapos babalik na ako sa room.  Sabi ng husband ko ang babaw naman ng kinakagalit ko.  Bawiin nya muna iyong sinabi nya, bahala sya kung pano nya gagawin yun   >:(

kaiz

  • Guest
Re: hinanakit kay hubby, meron ka ba?
« Reply #39 on: September 12, 2009, 07:23:04 am »
hinanakit? sobra. kahit paglabas ko with friends paminsan minsan, ang daming side comments and reklamo kaya hindi i don't go out na lang. feeling ko tuloy wala na akong friends. pero siya lumalabas with his friends and batchmates. tapos hindi raw siya nag enjoy, etc pero makikita ko naman sa pics ng friends niya sa facebook kung gano sila ka enjoy. bat ganun, never naman ako nagbawal sa kanya. siya lang naman ang nagbabawal sakin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close