ako din sis eldest din... mahirap... single pa naman ako pero ramdam pa din yung hirap...
iba kasi situation ko, nung nagaaral ako wala lahat... walang book puro photocopy lang, wlang bagong uniform, yung skirt ko binigay ng neighbor ko kasi nagasawa na siya, yung one time na patahi ng blouse until gumraduate ako yun gamit ko (thank god sa magandang laba ng mama ko, pag itinabi ko blouse ko sa classmate ko mukang labang poso yung kanila

) hirap sa baon, pang tuition, naranasan ko mag promissory note kasama pa lola ko or mama ko, walang pang porma pag wash day, natuto manghiram sa lola, napsanla lahat ng alahas namin ng di na natubos... nakakaiyak pag naiisip ko yun... naku naiiyak na ako tuloy ngayon...

although may times na maluwag kami, pero normally napupunta yun sa pang tuition ko... at syempre di lang naman ako anak ng magulang ko. salamat na lang din sa lolo at lola ko na nagtiwala sakin, pinapahiram nila kami pag wala talaga kaming pera lalo na pag pangtuition ko pinaguusapan... nakakuha ako ng scholarship sa tulong ng kabrod ng tatay ko na councilor dito samin (dun ko narealize iba din pala ang brotherhood ng frat). nag abroad tatay ko nung bata pa ako, solong anak pa kaya hindi ako nakaranas ng hirap, puro ako hiya, hindi marunong lumapit sa ibang tao. laging nakamama, nakapapa...
i finished high school in a catholic school, kahit nung college... so i'm exposed to confessions, recollections or meaning to be near to god... isa lang hiningi ko sa kanya, lord magtitiis ako... paggraduatin mo lang ako, bahala ka na kung gusto mo pa ako bigyan ng blessing or not... isinumpa ko talaga pag graduate ko magttrabaho ako agad. at hindi ko hahayaan maranasan ng mga kapatid ko naging hirap ko. ngayon nga, nasa call center ako kasi malaki salary, mas makakapagbigay ako at gusto ko din naman maenjoy buhay ko. maranasan yung konting luho pero kung gagawin ko yun gusto ko makakatikim din mga kapatid ko... pag sa iba kasi ako nagtrabaho baka pangkain at bills lang yun.
i once remembered, sabi ng teacher ko when i was in high school, "kahit kelan hindi mo obligasyon ibalik ang mga nagastos ng magulang mo sayo, responsibilidad nila yun. pero matutuwa si god kung marunong ka MAGSHARE, baka mas lalo ka pa nya bigyan ng blessings". yan ang lagi ko itinatatak sa isip ko...
at yung sinabi ng papa ko sakin, "ikaw yung nakatapos, ikaw yung mas may kakayahan. habang bata pa mga kapatid mo tulungan mo na sa pag-aaral kasi pag tanda nyan at nagipit, sayo din yan lalapit, lalo lang hahaba obligasyon mo pag nagkataon"
i have 1 bro & 1 sis, thankful ako... yung kapatid kong boy hindi matalino pero varsity ng school. he'll be in college this coming year, sabi ko magvarsity siya para may discount sa tuition, yung course nya yung course ko lang din para ako tutulong sa kanya pag nahihirapan siya (smart ako nung college eh

) yung sis ko matalino, mas matalino sya sakin... yun kaya nun kumuha ng scholarship, mag hihigh school sya... tulong kami ni papa sa pagpapaaral. kaya di pa talaga pwede magasawa... hehe!
totoo nga yung sinasabi ni sis blooming eh... kelangan yung may konting sungit, may realidad. kahit ako sa mga kapatid ko... panagsasabihan ko talaga sila, masakit ako magsalita, nakakatikim din sila sakin. siguro dahil na din sa mga experiences ko. binibigay ko lang yung dapat. kasi hindi kami mayaman. hindi laging meron.
lahat naman mahirap pero just trust God, magiging ok din yan... sa umpisa lang naman mahirap kasi naninibago ka pero paglaon sisiw na lang sayo yan. pero hindi naman porket panganay kelangan ikaw umako lahat, dapat kelangan din gawin ng mga kapatid natin yung part nila at kung panu didiskarte... sori guys napahaba... nakakarelate kasi at nadala na din...