watch now

Author Topic: being eldest!  (Read 38616 times)

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #60 on: August 23, 2009, 09:16:45 am »
Masakit sa loob - kunwari may kotse ka, o sabihin na natin may 4 kang kotse, tapos kapatid mo wala. kelangan mo ba sya bigyan ng isa?  ;D  (knowing that it is a luxury)


wala lang, sometimes I think some siblings na nakakaangat feel guilty to spend for themselves kasi alam mong may sibling ka pa na mas nangangailangan.  Pero iba ang principles.   :-\


another example, may extra bahay ka.  sis mo kunwari nakatira pa sa parents mo. would you let your sis stay sa house mo?  kasi "extra"? but you need the house when you go home to the province.  Puede ba nila masabi na swapang ka at ayaw mo magpatira? Eh kelangan mo once uuwi ka. Ang nakakatakot pa yung, napangasawa eh malaking pamilya, whereby they can also stay there, at gawing open house ang bahay mo.  :(

« Last Edit: August 23, 2009, 09:21:24 am by blooming »

maika14

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #61 on: August 23, 2009, 04:00:30 pm »
^ Sis, tama ka sa sinabi mo na once magbigay ka, pikit mata talaga. You can never be too sure na sa tamang lugar mapupunta yung ibibigay mo na tulong Not unless ikaw mismo ang magbayad ng tuition sa school. :D

Anyway, regarding dun sa mga luho or "extra" stuff you own, I say, karapatan mo yun. Especially if you worked your ass out funding those "luho". And you need not share those with your siblings. It's enough that you help them in schooling thus giving them the chance to have a better job opportunity that leads to a better living. Diskarte na nila kung pano sila makakakuha ng mga yun.

Always remember that when you give your hand, sometimes, they would want your arm as well. So be smart on telling them that you will help them on a certain stage in their lives lang. Like, finishing college perhaps or giving small puhunan. After nun, kanya kanya nang hanap ng "swerte". Pero hindi dun mamatapos yun. Like, when crisis strikes, help mo pa din sila di ba? But not as frequent nung pinag aaral mo sila. Or if YOU needed help, tutulong naman sila sayo. Bigayan lang. :)

I read in Sis Aquacharly, in times like this, you really must need a "secret aaccount". So that when you need to help one sibling or relative, you need not disclose it to your husband. Dun ka na lang kukuha sa secret account na yun. Pero syempre, like for Sis Aqua, she gets the funding for her secret account from her own business and some little kupit form her OWN allowance. So malinis. db? :D

I would want that as well. Although husband ko, hindi naman madamot pero ayoko na ding isipin nya yung mga problema ko. :)

quennna

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #62 on: August 24, 2009, 01:43:22 pm »
sis quenna> pansin ko nga din, parang mas responsible mga eldest na girls. hubby ko is eldest din (5 sila), pero mula nang nadagdag ako sa pamilya nila, ako na tumayong eldest sa kanila(kung bakit, mahabang kwento). imagine, 4 yung kapatid nya, youngest is 4th year HS. ako naman 4 din. goodluck sakin. pero pero pero, dahil dun, mas naging close kami ng in-laws ko because of that.

sis, high five nga tayo.. :D
pareho kaming panganay ng husband ko..
and i can say na.. pag may problem family ng husband ko..
like for example sa mga kapatid nya.. sa akin nag susumbong yung parents nya..
iba talaga pag girl ang panganay..
kasi parang mas 'mother hen' ang girls sa boys.. hehe..

beginner_wan

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #63 on: August 30, 2009, 09:15:16 am »
mga ate, mga sis.. may problema ako.. :'( :'( :'(

di ba na-share ko na yung story ko sa taas, ayun.. meron pang ibang story..

kasi 1 year nahinto ang nanay ko magtinda kasi wala syang puhunan.. siguro from may 2008 upto june 2009.. nung mga panahong yon, ako ang nagbabayad ng kuryente at upa nila sa bahay monthly (mga 3K+ a month lang naman).. ang problem, si bunso ko nga, walang mapagkunan ng tuition dahil hindi sapat yung sinasahod ko noon,pero naitawid at nagawan ko naman ng paraan yung tuition nya.. 

so nitong mga katapusan ng june, sinabi ko sa tito ko na baka pwedeng makautang muna ko ng 10K sa kanya para pang puhunan lang ni nanay, pumayag naman at pinahiram ako. ngayon, kinausap ko si nanay at sinabi ko na stop nako mag-bigay sa kanila ng pang bayad ng upa at kuryente kasi bibigyan ko sya ng puhunan para makapagtinda na sya uli at ako na magtu-tuition kay bunso. umoo naman sya pero worried kasi iniisip nya na baka di nya kayanin yung pagshoulder ng bills.. then nabigyan ko na sya ng puhunan, nakapagstart na sya magtinda uli.. tapos nalaman ko ngayon lang na 2 days na sila di nagtitinda.. ewan ko kung bakit na naman..  :'( :'( :'( :'(

sa totoo nga, binigyan pako ng tito ko ng puhunan para magpahiram ng pera sa mga nanganga-ilangan, hati nalang daw kami sa kikitain. kaka-start palang (one month) sinabi ko pa nga sa nanay ko yun, sabi ko sya na kumuha ng clients at yung parte ko sa kita, ibibigay ko na sa kanya.

naiinis ako kasi pilit ko silang tinutulungan pero parang di nila matulungan mga sarili nila. wala na naman silang pinaggagastusan, baon nalang ni bunso, yung mga bills at pagkain nila. yung sumunod sakin na pinag-aral ng tito ko ng nursing, RN na(june 2009).. hays, frustrating lang talaga at masakit para sakin yung nangyayari. diko alam kung anong tulong ba ang dapat kong gawin para matulungan nila mga sarili nila..  :'( :'( :'(

di ko alam gagawin ko. ma-stress na naman ako nito at iisipin ko na naman (kahit nasa work) kung paano ko sila tutulungan..  :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'(

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #64 on: August 30, 2009, 10:37:42 am »
^ pagdating sa parents, mahirap.  Una una, may edad narin nanay mo. baka iba narin ang bilis/kalistuhan nya before compared now.  they can only take so much stress level at their age now compared noong araw.

mil ko ganyan din. laging daing wala silang ipon for retirement. tahimik lang kami ni hubby, pero secret lang namin na pinaghahandaan namin ang retirement nila. ang ayaw lang kasi namin eh gumastos sila nang parang walang bukas (what theyre doing now). alangan naman pati mga luho nila (trips abroad at jewelries), sustentuhan pa namin.

anyway heto na. naghahanap na sila ng biz. kasi namamasukan lang si dad inlaw at nagretire na.  so magbibigay din kami ng puhunan.  kaso ang dami nilang reklamo. na tipong mapapagod lang sila, wala na silang energy gumalaw, o di kaya pano daw kumuha ng customer etc.  both hubby and i are working din kasi, kaya hindi namin sila matututukan. kung baga sarili na nilang diskarte.

so ngayon ang gameplan namin is sustentuhan nalang ang retirement nila mil.  kesa naman bigyan sila ng puhunan na mauwi lang sa wala. kung may opportunity magbusiness, kami nalang din at mukhang wala nang lakas sila dad inlaw itake yung stress.  coz they can only take on so much stress, ayaw din naman namin na magkaron sila ng health issues.
« Last Edit: August 30, 2009, 10:39:35 am by blooming »

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #65 on: August 30, 2009, 10:50:05 am »

kasi 1 year nahinto ang nanay ko magtinda kasi wala syang puhunan.. siguro from may 2008 upto june 2009.. nung mga panahong yon, ako ang nagbabayad ng kuryente at upa nila sa bahay monthly (mga 3K+ a month lang naman).. ang problem, si bunso ko nga, walang mapagkunan ng tuition dahil hindi sapat yung sinasahod ko noon,pero naitawid at nagawan ko naman ng paraan yung tuition nya.. 

is there a way for you guys to be together para isang household nalang ang i-maintain mo? 



tapos nalaman ko ngayon lang na 2 days na sila di nagtitinda..


just like any other business, baka hindi kumita? kasi nag-start palang uli nanay mo. 10k, compared to the 3k you are providing monthly, it is likely to get used up by this time (2-3 months from the time na inabot mo ang money).



naiinis ako kasi pilit ko silang tinutulungan pero parang di nila matulungan mga sarili nila. wala na naman silang pinaggagastusan, baon nalang ni bunso, yung mga bills at pagkain nila. yung sumunod sakin na pinag-aral ng tito ko ng nursing, RN na(june 2009)..


is there a way na kausapin mo ang mga kapatid mo?  yung bunso at yung RN.  Kung puede din silang tumulong. like sa bunso mo, ano ang puede nyang gawin para maibsan ang gastos.  baka puede sya magpart-time. makatulong din yun sa resume nya (paghanap ng trabaho) balang araw.

secondly, wala bang SSS ang magulang mo?  kasi kahit papano, tulong din yun.


beginner_wan

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #66 on: August 30, 2009, 11:49:50 am »
56 na si nanay.. wala pang pension..

yung sa bills, di na nila ko problem, kasi nandito ko nakatira sa lola ko, kasi wala sya kasama, simula nung umalis na lahat ng anak ng lola ko, ako na tumayong bunso at laging kasama ng lola ko sa bahay.. 4 years nakong ganito na kasama sya..

bout sa kapatid ko, yung si bunso, ayoko talaga mag-part time sya. kasi nga, gusto ko maranasan nya lang yung naranasan ko na ang studies ko lang ang pinoproblema ko nung nag-aaral palang ako. si RN naman, naghahanap na din ng work yun. gusto ko din pag sabihan kaso lang, medyo kampi yun sa nanay ko. kaya lagi nya sinasabi initindihin ko nalang si nanay ko.. kahit na minsan mali na ginagawa ni nanay na puro asa nalang sakin.. e paano naman ako? sakto lang talaga yung pera na tinatabi ko para sa 30K ni bunso per sem.di naman ako madamot.. wala na lang talaga ko maibibigay..

nakakalungkot lang.. sorry po, dito ko sinasabi.. wala lang akong mapaglabasan.. diko pinapakita sa kanila na nasasaktan din ako sa nangyayari..  :'( :'( :'(

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #67 on: August 30, 2009, 07:42:52 pm »

bout sa kapatid ko, yung si bunso, ayoko talaga mag-part time sya. kasi nga, gusto ko maranasan nya lang yung naranasan ko na ang studies ko lang ang pinoproblema ko nung nag-aaral palang ako.


Bro, so I guess it is either akuain mo lahat ng burden or i-share mo sa kapatid mo.  Nasa saiyo yan. Ang inaalala ko lang kasi, may edad na parents mo. Mahirap nang turuan or baguhin ang ways nila, lalo pang mahirap mag impose. Kasi kahit papano, may pride din naman sila.

At least ang mga kapatid mo, puede pa mapagsabihan. Mga bata pa. at sa pag-explain sa kanila ng situation, am sure they would cooperate open-heartedly.  Hindi sila mamamatay or magkakasakit by helping.  Mas ma-build panga ang character nila sa future kasi this challenge would help them be more creative, help them manage their time and finances at a very young age. Walang mawawala sa kanila, kung baga.

kahit na minsan mali na ginagawa ni nanay na puro asa nalang sakin.. e paano naman ako? sakto lang talaga yung pera na tinatabi ko para sa 30K ni bunso per sem.

I think one of the issues ng mga panganay is "inaako" ninyo lahat ang problema.  Baka hindi alam ng nanay mo na with the 30k tuition, sagad na sagad ka na, may utang pa. Baka akala nya kayang kaya mo, at never ka naman umiimik. So syempre, naisip ng nanay mo, kung kaya mo sustentuhan ng 30k ang kapatid mo, ano ba naman yung 3k/month. Para yun lang, at ni-raise ka naman nya at pinag-aral. 

Baka kahit bigyan mo ng 10k ang nanay mo, tapos pag humingi sayo ng monthly allowance at hindi mo binigyan, masasaktan sya kung gaano ka ka-ingrata.  May mga ganyan kasi ng situation. You meant well. Pero dahil sa kulang sa communication at "sharing" ng real situation, nababaluktot ang katotohanan.

iflipcess

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #68 on: September 23, 2009, 11:37:36 pm »
Nakakarelate din ako sa thread na ito. I am the eldest among the 4 siblings. Dumaan ako sa butas ng karayom bago ako nakatapos ng college dahil talagang gipit kami sa pera So when I finally graduated, alam ko sa sarili ko na ako na lang ang aasahan ng parents ko to help them in our family expenses. Siyempre magkano lang ba ang sweldo ng isang minimum wage earner. Tapos, uwian pa ako, so halos 30% ng sahod ko, sa pamasahe lang napupunta. But then, I made sure naman na, I was the one paying the water & electric bill plus my sisters baon, who were HS that time. Life was hard then. Pero siguro mabait talaga si Lord, na blessed ako na magkaroon ng isang medyo ok na work. I was able to support the college education of my 2 sisters. Parehas silang nursing graduate. Yung isa RN na pero wala pa ding work, yung isa kasalukuyang nagrereview for the board this Nov or Dec ba? My brother naman, he is a licensed teacher but he opted to work in different field, medyo inaalat siya sa work. So yung 3 siblings ko although lahat eh college graduate eh mga jobless sa ngayon. So technically, I've been a bread winner for almost 8 years. My father died in 2004. My mom is a plain housewife. May anak na din ako, who is currently studying in a private school, na medyo may kabigatan din ang tuition. Hindi pa kami kasal ng tatay ng anak ko, kaya din siguro hindi siya makapang himasok sa finances ko. Mabait naman siya at di naman siya nagrereklamo kase alam nyang priority ko ang pamilya ko bago ko pa siya nakilala. Sa ngayon, I am hoping na maging stable na ang mga kapatid ko. Magkaroon sila ng stable job. Kase feeling ko hindi pa din ako tuluyang mapapanatag hangga't wala pa silang maayos na trabaho, hayyysss. yun na lang talaga hiling ko kay Lord. Kase siyempre may pamilya na din ako, at wala pa din akong ipon hehe.

iamamom

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #69 on: November 25, 2009, 08:57:58 pm »
Sorry for being the devil's advocate here.  Ever since, ito ang kinamumuhian ko sa society natin.

Pagdating sa pera, laging magkakakabit ang lahat ng tao.  Feeling ko lang,  bakit hindi puede maging masaya buong pamilya by making sure that each person eh maging responsible sa dapat nyang gawin.  Para walang hihingi, walang maawa, walang magagalit or tampo kung hindi nabigyan, walang mag-guilty.

I was brought up kasi in a different way.  I guess. Kaya siguro iba ang mindset ko. Lumaki akong deprived.  But hindi ko naman naranasan magutom or mangutang at never manghingi (well with the exception on when I was a child, manghingi sa parents lang ang rule namin, otherwise, sampal ang abot namin if marinig ng parents namin nanghihingi kami sa aunt/lola, etc).  Ironic? 

I consider myself deprived kasi my parents only provided us the necessities.  EDUCATION and FOOD above all.  Pagdating sa gifts - christmas lang at birthday.  I never had a birthday party or debut.  Alala ko pag bday, my mom would cook spaghetti, buy me a cake and ice cream, tapos tawagin nya playmates ko na kapitbahay to celebrate with us.  that's it.  I used to remember why my classmates had all those Sanrio items samantalang ako hindi mabili ng mom ko.  Hindi kami yung family na laging may bagong damit kung bagong taon.  Bihira din kami lumabas nun, hindi kami nag o-outing or mall. Laging "tipid" mode kami.  And I did not understand it then. Why ganun. Pero we have our own house, car, etc

Now that I am married and have a family, now I understood.  Tipid mode sila ever since and only providing the necessities.  Kasi they DO NOT want to depend on us once they grow old.  They want to make sure we live our own lives and that we make sure that their grand children will also have that privilege to run their own lives without the previous generation pulling their finances down.

Point is - before they spend on something - ang question nila hindi lang "can you afford this?"  ang question is, will it make a dent on your future commitments whereby most of it is still unknown as of this point?  Kung binigyan nila ang eldest ng debut, ma-afford parin ba nila bigyan ng debut yung mga susunod pang mga kapatid years from now (they also tried to be as fair as possible samin magkapatid).  kung nakapag aral sa private school ang panganay, can they sustain that also for the rest of the siblings?  Mga Long term na tanong.

Now that they are getting old na. Ako na napipikon at times sa sobra nilang tipid. I keep on telling them, all their lives, hindi lang nila ako dineprive, pero pati nga mga sarili nila. Sabi ko, it is about time na naman siguro na they enjoy what they have worked for!  Mga graduate na kami and they just have to spend lahat ng earnings nila since I would not want any of their mana. I want them to enjoy what they have sacrificed for.

and alam nyo ano ba ang sagot ng parents ko?  Ok lang, because they still do not know how much medical bills they have to face in the future, not only for them but also for my grandparents.   :'(

Hanga lang naman ako, kasi simula nung pinanganak nila kami ng kapatid ko, they have always put my grandparents and us as a priority in all their financial decisions.  Even if it means, walang debut, second-hand books and hand-me-downs na uniforms. 

But I guess it all paid off.  Walang utang-utang or whatsoever.  We treat each other once in a while when we go out. Pag kami nagsama sama, lahat kami laging nag-uunahan who will pick up the bill.  I treat my parents once a year din for a trip abroad or within phils kasi ayaw nila gumastos, para naman makarelax sila somehow. 

Sorry ha, hindi ata ako nakatulong. Pero nagshare lang ako how to make it right.  At least for your generation and the next.  Otherwise, if you continue to just look at the short term, hindi titigil ang pattern.  If you and your spouse do not think of your retirement and potential meds in the future pag may edad na, chances are you would also rely on your kids for that, and the cycle repeats itself. Sa future, do you want your kids to be in your situation or in your siblings' situation?

As for your parents, will have to have another post, otherwise ang haba na nito.

ganito ang gusto naming mangyaring mag-asawa.. sa amin at sa mga anak namin. na hindi kami aasa sa kanila pagdating ng araw. gusto namin silang mabuhay ng malaya sa responsibilidad. syempre hindi naman totally sasabihin na walang pakialam. andun ang concern pero not to the point na talagang pipilitin.. like sa family ko ngayon, ang hirap... ang hirap-hirap.. laging nakaasa... pero anong gagawin ko may sarili na akong pamilya.. hindi ko na rin kakayanin ang tulungan sila ng sobra pa sa kaya ko..

denise

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #70 on: December 10, 2009, 05:17:03 pm »
it's so hard being the eldest. Kasi yung responsibilidad ng kapatid at parents natin tayo ang magdadala..mahirap din in my part. I am married na without kids yet, my parents has no work, maliit lang na tindahanang meron kami. my brother has no work for months. nung nag-aaply sya ako gastos. sa bahay nagdagdag ako ng bigay para sa pagkain. hindi malaki sweldo ko, im also paying for our house. I get allowance from my hubby pero hindi ko sinosolo, hinahati ko yun para sa parents ko. Ayoko kasing makitang naghihirap sila, kaya ipon ko ngayon ubos.

Pero on a good side, siguro God made me eldest to remind me to give always. Kuripot kasi akong tao. So whenever I give them, that's when i feel i'm human and not slave of material things. Kasi i can let go of my ipon for years just for them.

I remember, my dad once told my cousins before that I'm kuripot sobra. SO I was tag as "that". Now i don't think he can say that. heheh. Yung inipon ko before atleast ngayon may nadudukot na kami kung kailangan, I hope he realized why I'm kuripot before. Hindi ko talaga sila matiis.

Don't we deserve a medal? heheh

patchuchai

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #71 on: January 31, 2010, 02:54:53 pm »
hi mga sis!

naku baligtad, being the youngest pasan ko ang daigdig! my older sister is a single parent, spoiled siya sa mom ko. nung bf pa lang niya iyong ama nung bata, sinabihan ko na humiwalay na siya coz the guy did'nt have a job bukod sa 10 years age gap nila. ang nangyari ngaun, umaasa ang sister ko kung kulang ang gatas sa akin pinapasalo, ginagamit niya mother ko, si mother magsasabi sa aken wala ng gatas iyong baby. haaay ayaw naman maghanap ng ibang work para tumaas ang income. buhay bunso!!

mommynin8

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #72 on: February 02, 2010, 08:12:38 am »
i'm not just the eldest, i'm also the only girl.  feeling ng mom ko ako lang yun responsible sa pamilya namin he he he yung mga brothers ko kasi me mga pamilya na pero maloko pa din...  tapos ako lang yung nakahiwalay sa kanila.  both brothers still live in the house with their families.  advantage naman kina mom yun kasi sila na din naman nagbabayad ng utilities (hati ata sila) tapos aliw din si mom sa mga apo niya.  kaya lang shempre me mga pasaway na SIL, dun lang nasisira yung araw ng mom ko.

luckyghel

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #73 on: February 06, 2010, 07:56:03 pm »
napakahirap talaga maging eldest.. :(

aishen1208

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #74 on: February 26, 2010, 05:59:35 am »
i wanted to share rin...pasensya na, i'm here in the office pero lumilipad ang utak ko...di pa kami nakapagusap ng hubby ko about my mom since di pa sya dumadating house when I left for work...kaya wala ko malabasan ng sama ng loob.

before I leave the house, inutusan ng mom ko yung cousin ko na pumunta sa house namin para ihatid yung letter...guess what's inside the letter..puno ng hinanakit sakin ng mom ko dahil wala daw akong pakiramdam at malasakit sa kanila..masakit para sakin na marinig yun mula sa kanya...

i'm also the eldest in the family..i have 3 brothers and 1 sister (youngest)..after i graduated in 1997, i landed a good job as an auditor...nung magstart na ko mag work, i took all the responsibilities sa house..kasi nag stop na rin dad ko mag work abroad...lahat ng gastos sa house, utilities, food, baon ng mga kapatid ko...walang tuition since puro nasa public school lang naman sila nun and wala pa college...my mom is working as a tailor then my dad accepts part time job as construction worker...since sobrang dalang lang naman ng mga customers, i always gave them pampuhunan, kahit na anong small business...na lagi rin naman nauuwi sa wala..when it's time for my 2nd bro to go on college, ayaw nya..kaya ko sana sya pag aralin pero ayaw nya...puro bulakbol..on my 3rd yr of working, yung 3rd bro ko naman ang magcocollege na...after 1 sem of sending him in La Salle Dasma, nag stop na sya cause he wanted to work...so he worked pero kanya lang rin yung money nya cause after a year of working nag asawa na...so lalong hindi na sya nakatulong sa house...halos 6 yrs akong naging breadwinner until the time nga na mabuntis na ako...nagpakasal kami ni hubby without asking help from anyone...we're just starting then pero ang dami kong utang sa credit cards na dapat bayaran...i didn't managed well my finances nung dalaga pa ko...lahat bigay sa family, kahit to the point na hindi ko naman kaya and would end up using my credit cards..after 1 yr of being married, it's now time for my 3rd bro to go to college...i've seen in him na he's really determined to graduate so I help him...ako nag paaral sa kanya...nung 3rd yr na sya, sumabay naman yung youngest namin sa college..so there was a time na dalawa ang pinapag aral ko...again, dinagdagan ko lang lalo ang utang ko dahil pilit kong kinakaya ang bagay na alam kong di ko na kaya...after my bro graduated nakiusap sya sakin.."ate last na lang, tulungan mo lang ako magreview, then ako na magpapaaral sa kapatid natin"...i was so happy to hear that, dahil sa wakas, maaasikaso ko na ang finances namin...nung nag review sya last year, preggy na ko with my 3rd child...yung dalawa kong anak were already attending pre-schools...kahit hirap pa rin kami financially, i supported my brother sa review nya,,,giving him P5k a month for his allowance and boarding house...then last november, he passed the CPA board...and come december, he already have a good job also as an auditor...

akala ko OK na ko..akala ko pwede ko na asikasuhin ang sarili kong pamilya..we decided to buy a house na since more than 5 yrs na rin kami nakikitira sa inlaws ko...at alam kong panahon na rin para magkaroon kami ng sariling house..so that was last november lang...the problem is, maraming utang yung mom ko...para daw yun sa pang gastos nila sa house since wala naman silang stable job ng dad ko...yung sweldo ng bro ko is just enough para sa pangangailangan nila sa house at pang support sa youngest sister namin... so sakin pa rin sya humihingi ng pambayad sa utang...ok lang sana kaya lang wala na rin talaga akong mabigay sa ngayon...i'm still clearing all the debts na naaquire ko pa since nung dalaga ako..imagine that...plus we're now paying amortization ng house...yung gastos sa school and milk, diapers ni baby are all coming from our small business na minamanage ni hubby...i'm paying P20K a month for the house alone..3 yrs lang kc yun since di namin sya maiaapply sa pag ibig (that's another story)...so todo tipid kami ni hubby just to save for the house amortization...yun ang hindi maintindihan ng mom ko...ang sama kong anak pag di ko sya napagbibigyan...which is seldom...dahil kahit sobrang gipit na ko, inaabutan ko pa rin sya, kung anong meron ako..kahit magkano...kung ano lang kaya ko sa ngayon...di tulad noon na ipapangutang ko sila..pero iniexplain ko naman sa kanya yung current situation namin..kaya lang di nya ko talaga maintindihan...she mentioned in the letter, na nagbago na daw ako since nag asawa ako...i think nagbago nga ako...nagbago ako ng pananaw sa pera at pagtulong sa pamilya...she said na kung gusto ko talagang tumulong kaya ko daw gawan ng paraan...of course i can, kaya kong mangutang, pero iniiwasan ko na to...dahil nililinis ko nga ang mga utang ko...at gusto ko na makawala sa kahirapan...at makaipon para sa mga bata at para sa pagtanda namin ni hubby...ang hinihingi nya sakin kahapon ay pambayad ng utang...at hindi ko sya napagbigyan...kaya umalis sya sa house na masama ang loob nya...dapat ba akong maguilty?...sinasabi ng isip ko na wala akong ginagawang masama, pero bakit ganun ang pinaparamdam nya sakin...na parang ang sama kong anak pag di ko sya napagbibigyan...ayos lang daw ang tuparin ang mga pangarap ko pero hindi ko daw dapat madaliin...i think she's referring to the house...nagmamadali pa ba ko sa lagay na yan...i've been working for more that 12 yrs now at ngayon ko pa lang aasikasuhin ang para sa sarili ko, ang para sa mga anak ko...sorry mga sis, i can't help but cry sa tuwing babasahin ko ang letter ng mom ko...parang biglang naglaho lahat ng sacrifices ko para sa kanila...after my bro graduated sinabi nya sakin "yaan mo ate ako naman magpapa aral sa mga anak mo"...sabi ko sa kanya, hindi utang yun, tulong ko yun sayo kasi nakita kong masipag ka magaral...sila mommy na lang ang tulungan mo kung gusto mo talagang tumulong...ok ang relationship namin magkakapatid...pero right now, di kami Ok ng mom ko..and it's hurting feeling this way :(

maika14

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #75 on: February 27, 2010, 01:24:32 pm »
^ Sis, I'm sorry about how you feel. :( Sometimes, our mothers get to be dramatic especially if they feel they can't hold on to their child anymore. Of course you have your own family to think about and the important game plan for you now is to build a strong foundation for you and your kids.

Open up your communication with your mom. Find time to talk to her, really talk to her personally and tell her your dreams. Don't just tell her that after all these year, you have helped her and your sibling yaddi yadda yadda.. It wont work. Masasabihan ka lang na nanunumbat. ;) Just highlight some things you've accomplished in the family. Like the CPA sibling perhaps. ;)

Tell her of your dreams to YOUR OWN children. You wouldn't want the same thing happening all over again when the time comes. I think, she will understand you if you talk like a MOTHER like she is.

I have been in to a situation like yours na nasabihan ng mom ko na nagbago nako. Not in the financial sense coz they can manage naman. Yung tipong iba na daw attitude ko. I told her, I need to change. Otherwise, planet earth will suck me good and chew me alive.

I don't know if I even helped you or what. hehe But I just want you to know, one or two will emphatize with you. Keep a cool head. Umiyak ka kung kailangan mong umiyak.

I think, you can open the conversation of you saying na natanggap mo yung sulat at ang naramdam mo matapos mong basahin yung letter nya. I think from there, you can keep the conversation rolling. The mere fact that she gave you a letter means she wanted communication. Give her that. That's the least you can do. ;)

ms.libra

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #76 on: February 28, 2010, 01:42:31 am »
babait nyo naman mga ate, bigla ko tuloy naalala ang eldest sister ko na until now na okay na kaming magkakapatid super giving pa din sa amin. Although yung eldest brother ko ang rich na talaga ngayon with a big company mas malaki pa ako magbigay ng allowance sa parents namin pero si ate ko simula ng naaalala ko siya talaga yung ideal na ate. Kahit noong maliit pa lang ang sahod niya at may sarili na din siyang pamilya siya pa din ang nagsusupport sa amin sa school. Hindi nga ako nagseselos kahit sabihin ni mama na fave niya si ate kasi naman super maalalahanin naman talaga si ate. kaya nung time na bumagsak ang finances niya lahat din binigay ko sa kanya and tinuruan ko siya magbusiness na lang muna. Ngayon na nakabawi na siya at papalaki na din ang business niya super happy ako. Yung isa kong ate na medyo naghihirap, sagot niya lahat halos ng 5 kids sa school, milk and other necessities at kinuha na din niyang assistant para naman magkaroon ng pride at hindi na lang hingi ng hingi. Super love namin talaga si ate parang siya pa talaga ang pinakapanganay namin.

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #77 on: February 28, 2010, 09:29:17 am »
^ sis libra, mahal nyo ba si ate nyo dahil nagbibigay sya?  and kung hindi, hindi nyo na ba sya mamahalin?

aishen1208, ang babait ninyo?  sorry to say ha - pero I find your mom and your family selfish.  tapos galit pa sila?!? my god.  kung ganyan ang lahat ng pamilya sa Pinas, talagang lulubog tayo.

Wala naman akong sinabi na hindi dapat tumulong.  Pero this has been our rule palagi - HELP YOURSELF and HELP OTHERS.  So lahat kami kelangan gampanan ang tungkulin ITAGUYOD ANG SARILI MUNA.  Kasi pano ka makakatulong kung ikaw mismo eh nalulunod? 

Since lahat ng tao ganyan ang pananaw sa pamilya namin, at ganyan din ang pagpapalaki sa mga bata, we are hoping na hwag naman sana kami maka encounter ng palamunin/pala-utang/palahingi sa pamilya namin, otherwise, talagang magkaka conflict. 

Una una, sino ba nagsabi sa magulang mo na mag anak sila ng mag anak tapos iasa sa panganay ang pagpapaaral?  Bakit hindi sila nagplano, at basta nalang icharge lahat at your expense?  Ngayon na may pamilya na ka na kelangan itaguyod, hindi ba you are just being responsible to your family?  At sana sila naman din maging responsible sa family nila, lalo na yung mga kapatid mo.  It is not wrong to give, infact, kelangan mo magbigay sa kanila - PERO NOT TO THE POINT NA UUTANG KA RIN. 

Sorry sis, naninikip dibdib ko for you.  Gusto ko sana sabihin yung sinuggest ni sis maika14, pero di ko magawa i-open ang communication.  :(  Napakakitid ng utak nila. Napakaselfish. Ano tingin nila sayo bangko?   >:(

« Last Edit: February 28, 2010, 09:35:13 am by blooming »

aishen1208

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #78 on: March 17, 2010, 12:49:15 pm »
sis maika14 thanks for your response...somehow gumaan pakiramdam ko...right now, di pa kami naguusap ng mom ko but we're planning to go there one weekends with the kids...i love them pero gusto ko rin na marealize nila na meron mali somewhere...i'm not saying na tama ako pero gusto kong maging responsible rin sila especially yung mga kapatid ko at wag masanay na umasa...
i've texted her once, i told her that "cheska (my youngest) misses her much" :)...

sis blooming, thanks so much for your reply :)...i totally understand what you are saying...and i can say na ganyan na rin ako ka-mature mag isip right now...kaya nga siguro hindi ko na madalas mapagbigyan ang gusto ng mommy ko...yun nga lang late ko na narealize yung mga bagay na ganyan...when i already have a family of my own...i will still continue to help them pag kailangan nila, pero hindi na todo-bale, kung ano ang kaya kong itulong sa kanila sa ngayon...thanks again...

marish

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #79 on: March 18, 2010, 03:00:49 pm »
ako din sis eldest din... mahirap... single pa naman ako pero ramdam pa din yung hirap...

iba kasi situation ko, nung nagaaral ako wala lahat... walang book puro photocopy lang, wlang bagong uniform, yung skirt ko binigay ng neighbor ko kasi nagasawa na siya, yung one time na patahi ng blouse until gumraduate ako yun gamit ko (thank god sa magandang laba ng mama ko, pag itinabi ko blouse ko sa classmate ko mukang labang poso yung kanila  ;D) hirap sa baon, pang tuition, naranasan ko mag promissory note kasama pa lola ko or mama ko, walang pang porma pag wash day, natuto manghiram sa lola, napsanla lahat ng alahas namin ng di na natubos... nakakaiyak pag naiisip ko yun... naku naiiyak na ako tuloy ngayon...  :'( although may times na maluwag kami, pero normally napupunta yun sa pang tuition ko... at syempre di lang naman ako anak ng magulang ko. salamat na lang din sa lolo at lola ko na nagtiwala sakin, pinapahiram nila kami pag wala talaga kaming pera lalo na pag pangtuition ko pinaguusapan... nakakuha ako ng scholarship sa tulong ng kabrod ng tatay ko na councilor dito samin (dun ko narealize iba din pala ang brotherhood ng frat). nag abroad tatay ko nung bata pa ako, solong anak pa kaya hindi ako nakaranas ng hirap, puro ako hiya, hindi marunong lumapit sa ibang tao. laging nakamama, nakapapa...

i finished high school in a catholic school, kahit nung college... so i'm exposed to confessions, recollections or meaning to be near to god... isa lang hiningi ko sa kanya, lord magtitiis ako... paggraduatin mo lang ako, bahala ka na kung gusto mo pa ako bigyan ng blessing or not... isinumpa ko talaga pag graduate ko magttrabaho ako agad. at hindi ko hahayaan maranasan ng mga kapatid ko naging hirap ko. ngayon nga, nasa call center ako kasi malaki salary, mas makakapagbigay ako at gusto ko din naman maenjoy buhay ko. maranasan yung konting luho pero kung gagawin ko yun gusto ko makakatikim din mga kapatid ko... pag sa iba kasi ako nagtrabaho baka pangkain at bills lang yun.

 i once remembered, sabi ng teacher ko when i was in high school, "kahit kelan hindi mo obligasyon ibalik ang mga nagastos ng magulang mo sayo, responsibilidad nila yun. pero matutuwa si god kung marunong ka MAGSHARE, baka mas lalo ka pa nya bigyan ng blessings". yan ang lagi ko itinatatak sa isip ko...

at yung sinabi ng papa ko sakin, "ikaw yung nakatapos, ikaw yung mas may kakayahan. habang bata pa mga kapatid mo tulungan mo na sa pag-aaral kasi pag tanda nyan at nagipit, sayo din yan lalapit, lalo lang hahaba obligasyon mo pag nagkataon"

i have 1 bro & 1 sis, thankful ako... yung kapatid kong boy hindi matalino pero varsity ng school. he'll be in college this coming year, sabi ko magvarsity siya para may discount sa tuition, yung course nya yung course ko lang din para ako tutulong sa kanya pag nahihirapan siya (smart ako nung college eh  ;)) yung sis ko matalino, mas matalino sya sakin... yun kaya nun kumuha ng scholarship, mag hihigh school sya... tulong kami ni papa sa pagpapaaral. kaya di pa talaga pwede magasawa... hehe!

totoo nga yung sinasabi ni sis blooming eh... kelangan yung may konting sungit, may realidad. kahit ako sa mga kapatid ko... panagsasabihan ko talaga sila, masakit ako magsalita, nakakatikim din sila sakin. siguro dahil na din sa mga experiences ko. binibigay ko lang yung dapat. kasi hindi kami mayaman. hindi laging meron.

lahat naman mahirap pero just trust God, magiging ok din yan... sa umpisa lang naman mahirap kasi naninibago ka pero paglaon sisiw na lang sayo yan. pero hindi naman porket panganay kelangan ikaw umako lahat, dapat kelangan din gawin ng mga kapatid natin yung part nila at kung panu didiskarte... sori guys napahaba... nakakarelate kasi at nadala na din...
« Last Edit: March 18, 2010, 03:05:13 pm by marish »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close