^ Yes sis. (
edit: ^^)
Kasi di ba, kapag kapatid mo, sabay mong lumaki? So matibay ang bonding. Like, kung ano yung ulam mo, yun din ulam nya. Tabi kayo sa kama kung matulog. Share sa lahat. Kaya iba ang pagmamahal ng kapatid sa kapwa kapatid.
Pero pag may iba nang pamilya, (like in the case of Beginner_wan's uncle/auntie) hindi maiwasan na mag karon ng konting issues. Syempre, kelangan din nilang isipin na may pamilya na sila na dapat din nilang buhayin. Pero tumulong pa din di ba? Like napag-aral si Bro and one more sibling. But still, hindi maiiwasan na may masasabi. Pwedeng may pulitika sa mismong loob ng pamilya yung tito and tita nya. I cannot tell.
Syempre kung ikaw lang mag isa, kahit anong ibigay mo sa kapatid mo or anak ng kapatid mo, ayos lang. Pera mo yun. Pero kung yung mismong napangasawa mo, may masasabi, politics na yan. Kanya kanyang impluwensya. Sa pinsan mo nga, may masasabi at masasabi ka di ba? Iba na kasi sila. Hindi na part ng family mo sila.
Mas maganda talaga to keep it within the family. You cannot pay gratitude back with money. Magulo masyado. Sasama lang loob mo. Swerte mo na kung ang mapapangasawa mo, naiintindihan na may aalalayan kang pamilya. Or else, mahahati ka between two opposing forces.
OT na ata tayo..hehe
But anyway, yung mga kapatid na willing tumulong, bless your heart. We all should give without expecting any returns. Let say, pinag-aral mo kapatid mo, then nagbulakbol, sana wala ng sisihan. I've seen a lot of cases na ganyan. Very unsightful. Even if they don't mean to say those words, they still let the words out. In effect, a broken heart of a loved sibling. Masakit. You cannot take it back.
You chose to help. And help you must do. Nothing more and nothing less. The only reward you can get is to see that you and your loved ones are doing well. A step higher kumbaga..
Kung dati, isa lang ang ulam, ngayon, dalawa na. Parang ganun. Masagwang tingnan ang taas taas mo tapos mga kapatid mo, hindi mo natulungan. Ikaw lang masusumbatan di ba?
Ewan ko kung ganito din effect sa ibang hindi panganay. Hindi ako panganay pero ako oldest sister. So maybe, we all share a different perspective in life with regards to sharing our cookies. Ganun eh. Mas masaya ako kung may naise-share ako. Hindi ako obligado. But it doesn't mean, I'll keep my hands out of it.
