watch now

Author Topic: being eldest!  (Read 38650 times)

freeswan

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #40 on: August 20, 2009, 10:42:51 pm »
kami din! when we graduated, our parents never really obliged us to pay for this and that.. when i graduated, i really enjoyed my pay for two years! minsan i give pang parlor ni mom, pang date ni bro and pang shopping ni sis. but as for household expenses, wala.

now that my two siblings are professional na and since nakatira sila sa house ng parents ko, hati sila sa expenses dun, grocery, kuryente, tubig, househelp pay. ako naman sa gamot ni dad, rehab niya, etc.. but the decision that was really concensus from all of us is to have our parents retire the moment our youngest graduated from college. now, my parents are at home na lang. although minsan yung mom ko has to attend other businesses but mostly nasa house lang siya.

another test for me from being an eldest. when my dad had aneurysm, ako ang may say kung itutuloy yung brain surgery. and since dependent ko si dad sa HMO ko, i also have the option kung saang hospital siya ilalagay. for me, that was the hardest decision making i made. parang it really dawned on me, shucks, ganito na ba talag ako katanda to have this responsibility and to have my father's life in my hands.

Pretty_ava

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #41 on: August 20, 2009, 11:12:10 pm »
ako din mga sis, when I graduated, di din nila ako inobliga mag help sa kanila pero ako na ang nagkusa kasi panganay nga ako, pag xmas, sagot ko mga damit nila na pang pasko, as in shopping galore kami kung ano gusto nila go lang ako, kasi pasko naman yun. nakasanayan na din kasi na bago lahat pag pasko,parang mga batang dapat may something new pag xmas. I think almost 3 years ako nakatulong sa kanila, kasi nagbibigay ako ng monthly allowance ng bro ko nun, ang hirap kasi mag paaral ng Nursing and 3 pa silang sabay sabay nag college kaya ako na ang nagkusa.

tapos nung nabuntis ako, binigay ko lahat ng ipon ko kila nanay, parang bang o nay, last na abot ko na sa nyo ng medyo malaking halaga, kasi magkaka family na ako ng sarili ko.  para kasing sa isip ko, panganay ako kaya dapat talaga tumulong ako.  ganun kasi sila nanay at tatay sa family nila, kahit di sila panganay na 2, tumutulong pa din sila.  SWEAR, ang babait ng magulang ko,  nung ngang na stroke si nanay, ang daming nagbigay ng help, naka 70K yata kami nun sa help pa lang ng mga tao na nagmalasakit kay nanay.

nakakatuwa naman, ang lawak na ng topic na nasimulan ko.....

freeswan

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #42 on: August 21, 2009, 12:39:23 am »
ako naman, ever since talaga gusto ko tumulong sa parents ko. if kaya lang, lahat ng gastos nila akuin ko. isa yun sa mga "letting go" moments ko since ikakasal na ako this december. but i hope i will not stop helping them. na kahit may sarili akong pamilya, kakayanin kong mag abot sa kanila.

hallerness

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #43 on: August 21, 2009, 05:51:00 am »
being the eldest is I can say, hard.. lalo na ngayon that our family is undergoing series of problems.. my mom is undergoing medication kasi nag nervous breakdown.. tapos my youngest sis is pregnant, hindi pa alam ng parents ko yun.. hindi namin alam kung paano ipaalam.. hays.. pray lang.. so hard talaga.. aarrrgghhhh..

anetski

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #44 on: August 21, 2009, 10:34:50 am »
sis quenna> pansin ko nga din, parang mas responsible mga eldest na girls. hubby ko is eldest din (5 sila), pero mula nang nadagdag ako sa pamilya nila, ako na tumayong eldest sa kanila(kung bakit, mahabang kwento). imagine, 4 yung kapatid nya, youngest is 4th year HS. ako naman 4 din. goodluck sakin. pero pero pero, dahil dun, mas naging close kami ng in-laws ko because of that.

pretty-ava and freeswan> ang mga ate na tumutulong sa pamilya nya, pinagpapala. sabi nila, pag tinutulungan mo pamilya mo, mas maluwag ang flow ng blessings dun sa tumutulong at sa pamilya nya. pero shempre, alam naman natin hanggang saan ang pagtulong, so sige lang.

freeswan

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #45 on: August 21, 2009, 08:35:51 pm »
^ sabi nga nila sis pero i really don't think of the blessings na darating sa akin. if ibibigay ng Diyos, thank you po! kasi isishare ko rin sa family ko. by helping them itself, it really feels good na d ba? yun lang ang akin. yung feeling na ang sarap tumulong.

beck19

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #46 on: August 21, 2009, 10:17:36 pm »
i can relate to you sis, ako rin eldest sa family. my father decided to quit working when i graduated, a year after nagloko si papa and left us. nung time na nagkahiwalay sila ng mom ko, nag aaral sa college yung 2 siblings ko. i was verry worried about sa education nila. ayoko kasi na magstop sila dahil lang sa nangyari, so i carried all the burdens. yung mom ko, laging umiiyak noon dahil worried rin siya para sa mga kapatid ko. hindi naman siya makapag work kasi hindi na sya physically fit.

ang hirap ng situation na nasa akin lahat nakaasa. nakakatakot na pano pag nawalan ako ng work? pano pag nadisgrasya ako? pano pag nagkasakit ako? -- pano na yung family ko?  >:(

grabe yun, nagwork ako 8hrs a day, then after work takbo ako as tutor (for 4hrs) naman sa elementary students ng la salle, then pag weekends, nag a accept ako ngtyping jobs. hindi ko naisip na mangyayari sa kin yun, but then, happy ako at nakaya ko.  for one year siguro, halos gabi gabi, umiiyak ako. hindi ko lang pinapakita sa mga kapatid ko at mom ko dahil alam kong sa kin sila kumukuha ng lakas ng loob, and if they see me na umiiyak, baka panghinaan rin sila ng loob (and ayoko rin na maguilty yung mom ko)

pero after 2 years ng sakripisyo, pagka graduate ng sister ko, naging OK na rin yung situation namin. Thank God talaga at hindi Niya ako binitiwan. Umabot kasi ako sa point na hindi ko na alam ang gagawin ko, parang thin line na lang eh i'll lose my sanity. Buti na lang at malakas ang faith ko.  :)

to sis pretty_ava, kaya mo yan. just talk to your siblings, magtulungan kayo. kausapin mo sila, kasi dun lang luluwag yung loob mo. pray together. God works in mysterious ways talaga. Yung song na God will make a way (when there seems to be no way), i can attest to that.

maaayos rin lahat. hold on and trust Him.

beginner_wan

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #47 on: August 22, 2009, 12:01:57 am »
wow! ang daming panganay dito.. pwede magshare ng story?

panganay din ako, 3 kaming magkakapatid. ang aking ina ay may tindang ulam na sariwa, or sa madaling sabi, "TALIPAPA" ang business.. ang tatay ko naman ay tricycle driver.. noong nasa basic ed kami ng mga kapatid ko, ok naman kami. sa isang catholic school kami nag-aaral. walang problem, simple lang buhay pero medyo "budget" din ang pera.

nagsimula kami nahirapan nung napaalis na si nanay sa pwesto nya, dati kasi sa may daan sya, pero napaalis sya at nalipat sa bandang looban ng lugar namin at sobrang humina na ang kita ni nanay. si tatay ko naman 150 lang kita per day. kaya nung nagcollege ako, awa ng DIYOS, yung nanay ko noong dalaga sya, pinag-aral nya yung kapatid nya (tita ko) at ngayon ako ang pinag-aral. nakatapos naman ako.. si kapatid ko namang sumunod sakin, pinag-aral ng tito ko, kahit paano bawas ng burden.. si bunso nalang ang prob ni nanay. thank GOD uli, nakatapos si kapatid ko at nakapasa naman ngayon june(RN).. pero wala pa sya work. ako, after ko mag-aral (2008), 2weeks lang nagwork nako agad. di na nga ko nakapagboard kasi inisip ko na mga kapatid ko.hangang sa dumating yung time na naubos na puhunan ni nanay, di na sya makapagtinda. sagot ko bahay (apartment) at kuryente nila. naisip ko nga, ang bata bata ko pa may responsibilidad nako agad (23).

gusto pa nga ng nanay ko na huminto si bunso.. HRM sya sa UE, nung 2nd year gusto sya pahintuin ng nanay ko, pero sabi ko ayoko at ako na bahala. di na din kami humingi ng tulong sa mga tito't tita ko kasi nakakahiya na.. feeling ko its time for us to produce our own.saka medyo may hindi na din ako naririnig na magnda sa mga tito't tita ko at yung ang masakit.. :( kaya ngayon, yung sahod ko, talagang dumadaan lang sa kamay ko, kasi sagot ko tuition ni bunso.. ang hirap pala.. pero ok lang, dasal at tyaga lang kailangan.. ngayon 3rd year na si bunso, konti nalang, makakatapos na.. nakakatuwa..

minsan lang talaga, nakakalimutan ko na sarili ko. ni hindi nga ko makasama sa mga barkada ko pag niyayaya ako lumabas kasi nga, halos sakto lang yung pera ko.. yung lang ang downside.. ang boring ng buhay ko..  :( pero kaya pa naman.. after 1.5 years pa, pwede ko na isipin ang sarili ko.. wala lang, nashare ko lang..

mabuti din at wala pakong balak mag-asawa..  ;D ;D ;D

beck19

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #48 on: August 22, 2009, 12:33:19 am »
dasal at tyaga lang kailangan..

korek sis. sipag, tyaga and PRAY lang talaga.  :)
pag isa diyan is missing, mahihirapan na.

mabuti din at wala pakong balak mag-asawa..
at mabuti rin na hindi ka nag asawa agad. dont worry, blessing will come our way.  ;)

maika14

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #49 on: August 22, 2009, 12:50:14 am »
Bilib naman ako sa mga panganay dito! :)

Sana lahat ng panganay, katulad nyo. Ang sakin lang, kung kaya mong tumulong, tumulong ka. Kung hindi, syempre, maiintindihan na family nyo yun. Sa TS, it doesn't follow na porke panganay, ikaw na aako. Kung hindi mo kaya, no pressure dapat. :)

Hindi lang naman dapat panganay ang sasalo sa mga ganyang klaseng bagay. Kahit pa ikaw ang bunso, kung ikaw naman yung maalwan ang pamumuhay, why not share di ba? It just so happens na panganay kayo at kayo ang unang nakaka move forward. :D

Ako, hindi ako panganay. Pero mas ako pa ang nag se-share sa kuya namin. Little stuff lang naman na considered ko ng regalo or paglalambing. :)

Ang pamilya nagtutulungan. Masakit para sa isang kapatid, panganay man o bunso, na makita na nakaangat ka samatalang nakalubog ang isa mong kapatid. Feeling mo nagmumukha kang, ahhhhm, walang kwentang kapatid. :) So kahit anong help, ibibigay mo. Psychological, financial, or spiritual help. Tulungan lang db? :)

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #50 on: August 22, 2009, 10:36:39 am »

gusto pa nga ng nanay ko na huminto si bunso.. HRM sya sa UE, nung 2nd year gusto sya pahintuin ng nanay ko, pero sabi ko ayoko at ako na bahala.

Kung kaya mo pa naman sis why not. Hanga kami sayo.  Hope everything works out fine, konti nalang naman.

But na appreciate ko din mom mo, kasi kahit papano she is thinking of you.  And am sure, yung bunso ninyo, if she can also consider working part time, para naman makatulong din.



di na din kami humingi ng tulong sa mga tito't tita ko kasi nakakahiya na.. feeling ko its time for us to produce our own.saka medyo may hindi na din ako naririnig na magnda sa mga tito't tita ko at yung ang masakit.. :(

di mo maiiwasan. kaya nga ang hirap kapag may tumutulong, you will never know when they will not be happy, am sure may sumbat yun.

kung maiiwasan talaga. by asking others to help or kahit sila nag-offer, minsan de-numero ka, parang lahat ng galaw mo, may K sila magsabi. Parang nabili ka nila partly.  Kaya tama din decision ninyo sis na hindi na kayo nagpatulong ulit.  Kaya feeling ko lahat ng tulong, may kabayaran somehow.


after 1.5 years pa, pwede ko na isipin ang sarili ko..
mabuti din at wala pakong balak mag-asawa..  ;D ;D ;D

sis, good for you.  pero tumatanda narin siguro ang parents mo, and you have to start thinking of their retirement, your savings pa, at sa magiging pamilya mo (kahit pa wala ka pang plans mag-asawa). Kasi ang iba, nung bigla na nakaisip mag-asawa, wala pang ipon for the wedding, so kelangan ready na sila para hindi limited ang diskarte mo.

beginner_wan

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #51 on: August 22, 2009, 11:33:11 am »
@beck19:

salamat!

 @blooming
Quote
Kung kaya mo pa naman sis why not. Hanga kami sayo.  Hope everything works out fine, konti nalang naman.

But na appreciate ko din mom mo, kasi kahit papano she is thinking of you.  And am sure, yung bunso ninyo, if she can also consider working part time, para naman makatulong din.

ayoko sya pag-trabahuhin, kasi nung ako nag-aaral, di naman ako nagwork sabay ng pag-aaral ko. kaya as much as possible, gusto ko maranasan nya yung mga naranasan ko.. pero balak ko sya bigyan ng puhunan para sa eload business para makatulong sa pang baon nya araw araw.

Quote
di mo maiiwasan. kaya nga ang hirap kapag may tumutulong, you will never know when they will not be happy, am sure may sumbat yun.

kung maiiwasan talaga. by asking others to help or kahit sila nag-offer, minsan de-numero ka, parang lahat ng galaw mo, may K sila magsabi. Parang nabili ka nila partly.  Kaya tama din decision ninyo sis na hindi na kayo nagpatulong ulit.  Kaya feeling ko lahat ng tulong, may kabayaran somehow.

wala naman silang masyadong sinasabi about my decisions, ok naman sa kanilang mga tumulong sakin, gusto lang nila ko magboard, pero parang ayoko kasi i've learned na di sya kailangan sa field ko (R&D engineering), kaya mas gusto ko mag-aral, masters sana pero after na ni bunso, pero tignan natin baka bigla talaga ko magboard  :D... ang masakit lang pag sinasabi nilang "yan nanay mo, lagi umaasa.. si tatay mo, dapat kumayod ng extra...blah blah.. " dun ako nasasaktan eh..si nay at tay kasi mga 50plus na. mga breadwinner sila kaya mga late na nag-asawa.. kaya feeling ko hirap na sila.. kaya nga kahit paano, todo tulong na talaga ako..

Quote
sis, good for you.  pero tumatanda narin siguro ang parents mo, and you have to start thinking of their retirement, your savings pa, at sa magiging pamilya mo (kahit pa wala ka pang plans mag-asawa). Kasi ang iba, nung bigla na nakaisip mag-asawa, wala pang ipon for the wedding, so kelangan ready na sila para hindi limited ang diskarte mo.

salamat sa advice..

wala pa kong balak mag-asawa talaga.. not in the next five years.. kaya nga takot na takot ako sa sexytimes eh.. anak ng tinapay.. kawawa naman ako.. diko tuloy ma-enjoy.. o hindi ko nalang talaga tina-try.. hahaha.. :D

BTW mga sis.. am a BRO!  :P



bluegintonic

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #52 on: August 22, 2009, 12:12:05 pm »
This is mostly the deal with the eldest child...we're put ino this position,willinlgy or unwillingly.This is what our society dictates.

I'm the eldest din in our family of 3, as well as the only daughter.I promised myself I don't want to live like that for the rest of our lives.We only had our mom to take care of us;my dad was there but was of no use nor did he even care.

I am a nurse and working abroad.Napatapos naman ng mama ko lahat kami so wala naman na akong responsibilidad when it comes to my siblings.The only responsibility I have is improving the quality of life for all of us,and yes, my daughter (who's with my mom).

My mom's not what she was when she was young.Nagkasakit na rin kasi,and naoperahan pa.We  usually clashed when it came to ideas before,but now, we both have respect for each other and we've grown closer pa.

It's hard being put int the driver's seat when you barely know how to drive-not only is it dangerous,but it is crazy as well,kasi nga you learn along the way.I was like this.Iniiyak ko palagi ang pagiging mag-isa ko abroad,asking God sometimes unfair.Pero now,alam ko and tanggap ko na He did this kasi alam niya kaya ko.

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #53 on: August 22, 2009, 12:44:03 pm »
ang masakit lang pag sinasabi nilang "yan nanay mo, lagi umaasa.. si tatay mo, dapat kumayod ng extra...blah blah.. " dun ako nasasaktan eh..si nay at tay kasi mga 50plus na. mga breadwinner sila kaya mga late na nag-asawa.. kaya feeling ko hirap na sila.. kaya nga kahit paano, todo tulong na talaga ako..


Masakit. pero yung tito tita naman nyo, isipin naman nila na your parents malamang eh tumulong muna din before kaya ngayon limited ang naipon nila.

Pero BRO (hindi na sis ha), nakita mo ba yung trend?  I mean matulungin parents mo, pero in the end, they had to ask for help.  Hindi maiiwasan. Dala ng panahon. They were not able to predict kasi.

Pero this time, sa generation mo, you know better.  Dapat lahat kayong magkakapatid tulong tulong. And it should NOT be only you or only the eldest. Kasi 30 years from now, kung may kanya kanya na kayong pamilya, hopefully di na umabot sa may kailangan tulungan. and hopefully every sibling would be independent enough to raise his/her own family. kaya habang maaga pa, think of your future and teach this to your siblings as well, and plan ahead how all of you will take care of your parents and yourselves.  kasi if not, some might find themselves in the same boat as their parents', which we dont like (ie sabihan na "laging umaasa")

maika14

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #54 on: August 22, 2009, 01:58:18 pm »
@ Beginner_wan, ang sabi ng hubby ko, ang utang na pera madaling bayaran. Ang utang na loob, kahit anong kabutihan ang ibalik mo sa taong tumulong sayo, parang kulang pa din. I'm referring to your relatives na tumulong magpaaral sa inyo. But utang na loob is still utang na loob. If not for those people, you wouldn't be this person you are today naman, tama?  ;)

Final lesson ng hubby ko? Keep it in the family. Dapat mafioso daw tayo. haha! Love one another. Never turn your back on your family. If you can, at all times, help within the circle of your family, do so. Mahirap mabaon sa utang.... na loob.. :D

I salute every dedicated brothers/sisters here. Kahit anong order nyo sa family nyo. As long as you do what is right, blessings will come your way. :D

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #55 on: August 22, 2009, 08:29:29 pm »

Final lesson ng hubby ko? Keep it in the family. Dapat mafioso daw tayo. haha! Love one another. Never turn your back on your family. If you can, at all times, help within the circle of your family, do so. Mahirap mabaon sa utang.... na loob.. :D


Pero sis hindi ba yan ang ginawa ng parents ni beginner_wan?  Tumulong sila WITHIN their own families dati nung hindi pa sila kasal.  As a result, late sila nakapag-asawa at nakapagpundar. Nag-anak ng 3 pero hirap nila buhayin.  Pero ang puno't dulo eh kasi they dedicated their lives din "for other siblings", na malamang sya din naman ang mga tumulong kila beginner_wan.

so my point is, kahit pa sarili mong kapatid ang tulungan mo, puede nila tulungan ka when you are in need, pero after 1 generation, hindi "ibang tao" narin tingin sa mga anak mo kasi may sarili narin silang mga pamilya, ganun ba yun?


beginner_wan

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #56 on: August 22, 2009, 09:51:18 pm »
@ Beginner_wan, ang sabi ng hubby ko, ang utang na pera madaling bayaran. Ang utang na loob, kahit anong kabutihan ang ibalik mo sa taong tumulong sayo, parang kulang pa din. I'm referring to your relatives na tumulong magpaaral sa inyo. But utang na loob is still utang na loob. If not for those people, you wouldn't be this person you are today naman, tama?  ;)

totoo to, pero yung ibang may utang na loob e minsan, hindi naaalala yung utang na loob na yun. like yung tita ko na pinaaral ng nanay ko, ngayon nasa states na(nagpaaral sakin), e minsan may naririnig akong di maganda eh.. hayaan ko nalang. ganun talaga eh.. iba-iba ugali ng mga tao.

sa ngayon, goal ko lang talaga mapagtapos si bunso, tapos mabigyan ng magaan na buhay si nanay at tatay ko. at empre, gusto ko din makabawi paunti-unti sa mga tumulong samin..

sana lang. after 30 years nga, di na namin dapat tulungan ang isat isa at kung kailangan talaga, sana hindi naman pagdamutan ang isa't isa..

maika14

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #57 on: August 22, 2009, 10:04:39 pm »
^ Yes sis. (edit: ^^)

Kasi di ba, kapag kapatid mo, sabay mong lumaki? So matibay ang bonding. Like, kung ano yung ulam mo, yun din ulam nya. Tabi kayo sa kama kung matulog. Share sa lahat. Kaya iba ang pagmamahal ng kapatid sa kapwa kapatid.

Pero pag may iba nang pamilya, (like in the case of Beginner_wan's uncle/auntie) hindi maiwasan na mag karon ng konting issues. Syempre, kelangan din nilang isipin na may pamilya na sila na dapat din nilang buhayin. Pero tumulong pa din di ba? Like napag-aral si Bro and one more sibling. But still, hindi maiiwasan na may masasabi. Pwedeng may pulitika sa mismong loob ng pamilya yung tito and tita nya. I cannot tell.

Syempre kung ikaw lang mag isa, kahit anong ibigay mo sa kapatid mo or anak ng kapatid mo, ayos lang. Pera mo yun. Pero kung yung mismong napangasawa mo, may masasabi, politics na yan. Kanya kanyang impluwensya. Sa pinsan mo nga, may masasabi at masasabi ka di ba? Iba na kasi sila. Hindi na part ng family mo sila.

Mas maganda talaga to keep it within the family. You cannot pay gratitude back with money. Magulo masyado. Sasama lang loob mo. Swerte mo na kung ang mapapangasawa mo, naiintindihan na may aalalayan kang pamilya. Or else, mahahati ka between two opposing forces.

OT na ata tayo..hehe :)

But anyway, yung mga kapatid na willing tumulong, bless your heart. We all should give without expecting any returns. Let say, pinag-aral mo kapatid mo, then nagbulakbol, sana wala ng sisihan. I've seen a lot of cases na ganyan. Very unsightful. Even if they don't mean to say those words, they still let the words out. In effect, a broken heart of a loved sibling. Masakit. You cannot take it back.

You chose to help. And help you must do. Nothing more and nothing less. The only reward you can get is to see that you and your loved ones are doing well. A step higher kumbaga..

Kung dati, isa lang ang ulam, ngayon, dalawa na. Parang ganun. Masagwang tingnan ang taas taas mo tapos mga kapatid mo, hindi mo natulungan. Ikaw lang masusumbatan di ba?

Ewan ko kung ganito din effect sa ibang hindi panganay. Hindi ako panganay pero ako oldest sister. So maybe, we all share a different perspective in life with regards to sharing our cookies. Ganun eh. Mas masaya ako kung may naise-share ako. Hindi ako obligado. But it doesn't mean, I'll keep my hands out of it. :D
« Last Edit: August 22, 2009, 10:17:02 pm by maika14 »

maika14

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #58 on: August 22, 2009, 10:12:09 pm »
Ay, nagreply pala si Bro. Yung caret ko (^) kay sis Blooming yan.. Hindi ko napansin yung red warning. :)

Anyway, Bro, yun na nga.. Minsan, nag iiba talaga ugali ng tao depende sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kung may nasabi man yung mga kamag anak mo, hayaan mo na.. Baka tinamaan ng recession sa US.. :D

Kidding aside, we all have our own resposibilities when we grow older. Sometimes, we just want to stay in college forever. But of course we can't. It's a good thing that you're aware na pag nag asawa ka na, magiging iba na ang priorities mo. At least, may game plan ka. :)

Let's hope and pray that when the time comes for your sibling to help out, in any way they can, either financial or psychilogical what-have-yous eh bukal sa loob nila.. Maging mabuti ka sanang ehemplo sa mga kapatid mo. :)

blooming

  • Guest
Re: being eldest!
« Reply #59 on: August 23, 2009, 09:09:02 am »

You chose to help. And help you must do. Nothing more and nothing less. The only reward you can get is to see that you and your loved ones are doing well. A step higher kumbaga.

Oo nga. Ang hirap lang talaga is being emotionally affected if things don't work out.  Like yung kwento ng isa sa mga sis natin. Nagbibigay ka only to find out mas maganda pa pala ang celfone nya kesa sayo. Parang tinitipid mo sarili mo, only to find out, mas maluho pa sila.  :(  Sa una, ok lang tumulong. Pero pagnalaman mo pala na better pala ang buhay nila, parang you sulk saying, hindi pala nila kelangan ng tulong ko.  ???



Kung dati, isa lang ang ulam, ngayon, dalawa na. Parang ganun. Masagwang tingnan ang taas taas mo tapos mga kapatid mo, hindi mo natulungan. Ikaw lang masusumbatan di ba?

Salamat sis. Nasabi mo yung hinahanap ko.  Papano nga ba ito. Kahit pa magkapatid kayo, pero iba ang mga prinsipyo ninyo. Ang isa happy-go-lucky.  Ang isa may plano.  Ang happy-go-lucky, hindi mapaaral ang anak sa school, pero sige nang bakasyon.  Ikaw naman, hindi makapagbakasyon kasi iniisip mo ang college education ng mga anak mo.

Are you now obliged to give money for your neices/nephews kasi wala silang pang-aral?  ??? Sige, not obliged. Pero kahit gusto mo tumulong, hindi mo magawa, kasi katakot na baka yung money sa iba mapunta. Again, masasabi ba natin na dapat wala na tayong paki? We just give the money, close our eyes, bahala na si batman. Pero knowing na hindi mo nagawa ang "vacation" mo para doon, pero sila nakapagbakasyon?



Mas masaya ako kung may naise-share ako. Hindi ako obligado. But it doesn't mean, I'll keep my hands out of it. :D

Minsan mas masarap magshare kasi kung hindi ka inoobliga. kung kusa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close