sis,
dapat, focus on the current situation kasi the more you look back, the more it will cause you pain..
nakaraan na yun.. naranasan nyo na naging maayos buhay nyo before..
kung nakakaexperience kayo ng trials.. face it.. accept it and do something..
siguro reality na rin na dapat talaga, focus muna kayo sa basic needs..kung di rin kayang
bumili ng bagong damit.. so what.. walang namamatay sa pagsuot ng luma.. kahet sabihin mo
pang birthday mo.. attend ng party? baka pwde na yung lumang damit.. party ba kamo?
gastos lang yan.. sa pamasahe, sa gift.. pwede naman siguro di umattend ng party.. ang importante,
nakaalala kapatid mo sa friend nya..
kung pwede ding encourage mo rin yung siblings mo na magworking student.. at least, di
lahat ng burden nasa iyo.. para habang bata pa sila, natututo na silang magbanat ng buto..
mahirap din yung sinasanay na laging may nasasandalan..
ganon talaga ang ate.. problema ng kapatid, di mo rin matitiis na di
problemahin.. alam ko.. kasi panganay din ako sa tatlong magkakapatid..
di kami mayaman.. infact, now ko lang nare-realize na nung bata pala kami mahirap pala kami
magaling lang talaga parents ko.. kasi di nila pinaramdam na naghihirap kami..
pero tanda ko, masaya pamilya namin... bata pa lang kami, naturuan na.. maging masinop.. wag
manghihingi sa ibang tao ng pagkain or any material things.. pagbutihin ang pag aaral.
nung nasa abroad ang father ko, lagi syang nagtatanong kung ano gusto namin.. pero wala kaming
hinihingi kasi alam ko, kahet bata pa kami, alam namin na, baka pag may hiningin kami sa
father ko at di kayang maibigay, masasaktan lang at mahihirapan lang sya.. so kami, di na
lang nagrerequest.. ano ang punto ko dito? wag masyado nakafocus sa materyal na bagay..
sis.. tulad mo, kahet papano, tumutulong pa rin ako sa mga magulang ko.. ganon din ang husband ko..
sagot ko til now yung rental ng upa ng parents ko.. agreement namin mag asawa.. magulang lang dapat
ipriority, kung sa mga kapatid kung may excess..pwede na rin.. kung wala.. supurtahan pa rin
sa ibang paraan.. basta ako, biglang ate nila.. hahayaan ko silang mamili ng tatahaking landas,
magbibigay ng payo kung kinakailangan pero never magbibigay basta basta ng isda sa kanila..
hayaan ko silang matutong mamingwit na may hirap at tyaga..
ang mga dakilang ATE..
